9. Some of the Facts

2872 Words
SIMULA noong mauling araw na iyon, ay napagdesisyunan ko nang maglagay ng payong sa loob ng aking bag at hindi koi to kalian man ilalabas kung hindi naman maulan. Nakakahiyang isipin na inihatid pa talaga ako ng Big Boss na iyon pauwi dahil lang sa wala akong dalang payong. Ngunit nang matapos ang linggong iyon ay walang ibang laman ang aking utak kung hindi ang pabor na hinihingi ng lalaki kapalit ng ‘di umano’y pagtulong niya sa akin patungkol sa problema ko sa pera. Bakit naman ako aalukin ng Big Boss na maging asawa niya? Hindi niya ba kasama ang babaeng kahawig ko ng mukha? Nakaramdam na naman akong muli ng kilabot nang dahil sa palaisipang iyon – ang magkaroon ng kahawig. Minabuti ko na lamang na iwaglit ito sa aking isipan at nagsimula nang maglakad papasok sa opisina. Isang maaraw na Lunes ang kinagisnan ko kaninang umaga ngunit sambit ng balita noong sumakay ako ng bus at malaki pa rin ang tyansa ng pag-ulan mamayang hapon. Nang huminto na ang elevator sa palapag ng department namin ay lihim akong napahiling sa kung sinuman na sana ay mabigyan ako ng sandamakmak na trabaho ngayon upang maiwas ko ang sarili sa pag-iisip ng mga bagay-bagay. Pinoproblema ko pa rin kasi ang dalawang interview na hindi ko nadaluhan doon sa mga convenience store. It was a job opportunity and I lost it just because I wasn’t extra careful. As I approached the doorway to our department, I could see a bunch of people looking inside and they looked like they are gossiping about something. I didn’t recognize any of them by name so I chose to walk past them and go straight to my cubicle. Ngunit nang matanaw ko ang isang bultong nakatalikod mula sa aking direksyon, na siyang nakatayo malapit sa pwesto ko sa opisinang pinapasukan, ay saka ko pa lang napagtanto ang dahilan kung bakit may nagkukumpulang mga tao sa labas ng department namin. Siyang paghinto ko nang tuluyang makaabot sa aking cubicle ay lumingon ito sa aking direksyon. Halos lumuwa ang aking mata sa gulat nang makilala ang lalaking kaharap. It was none other than the Big Boss, Alexan del Valle. I can see the questioning look on Gracie’s face from behind him as he slowly went to where I’m standing. Hindi na lang ako nakaimik ng kahit na ano at napahiling na lang na makuha ng babae ang signals na ihinahatid ko sa kanya na nangangahulugang ipapaliwanag ko rito ang nangyayari. The man stopped beside me – didn’t even feel the need to face me – momentarily and said, “you don’t have to work today. Follow me downstairs and I’ll show you something,” before he continued to walk past me and past the thickening swarm of people. When I looked back at Gracie, still with a huge question mark on her face, I mouthed ‘I’ll-explain-to-you-later’ to her direction before bowing my head low and followed the Big Boss to its tracks. Nagmadali pa ako sa paglakad nang makita koi tong nakatayo na sa tapat ng elevator at halatang hinihintay ako. Nauna ang lalaking pumasok sa elevator at sumunod naman ako rito. Pinindot ng Big Boss ang boton ng gorund floor at tahimik na pumwesto sa aking gilid. Tahimik lang ang bawat isa sa amin habang lulan ng elevator, walang ni isang nagtangkang bumasag sa nakakabinging katahimikan, at tanging ang mahihinang tunog lang ng umaandar na makina ang huning pumupuno sa maliit na espasyo. Saka ko na lamang naibuka ang bibig at nagtanong sa lalaki nang makaabot na kami sa labas ng building at naglakad papunta sa sasakyan niya, “Big Boss, saan po tayo pupunta?” Bigla itong tumigil sa paglalakad kung kaya’t muntikan na akong mapasubsob sa likod ng lalaki. Agad akong umatras nang lumingon ito sa akin na seryoso ang mukha. “First, stop addressing me with ‘po’ and ‘Big Boss’. I have a name,” he said with a hard tone. Naitungo ko nalang ang ulo at nangingiming tumango sa lalaki. Nilahad nito ang binuksang pintuan ng sasakyan kung kaya’t nahihiya na lamang akong tumalima. Agad ding nagtungo sa driver’s seat ang Big Boss – si Alexan – at ini-start ang kotse. Tahimik lamang ito at nakatuon ang atensyon sa pagmamaneho kung kaya’t minabuti ko na lang na ituon ang atensyon sa daang aming tinatahak habang nilalaro ang mga kamay.  Makalipas ang ilang sandali ay napapansin ko ang pamilyar na daan kaya napalingon ako sa gawi ng lalaki. “Ano po ito? Bakit po tayo bumabalik sa apartment ko?” The expression on the Big Boss’s face has softened when the question had slipped out of my mouth. He turned his head to me for a brief moment and uttered, “just wait. You’ll see,” before placing his attention back to the road. Nagtataka man dahil sa sinambit ng lalaki ay pinili ko na lang din ang manahimik. Sumandal na lamang ako sa aking inuupan habang pinagmamasdan ang pabagu-bagong tanawin sa bintana. Minsan ay nakakabisa ko na ang mga daang ito dahil ito rin ang daang tinatahak ng bus na sinasakyan ko patungo sa opisina, kung kaya’t kampante na rin ako na hindi ako dadalhin sa kung saan ng estrangherong lalaki. Ilang minuto pa ang lumipas at nakikita ko na ang apartment building na tinutuluyan namin ng aking ina. Ngunit napag-isa ko ang aking mga kilay dahil naramdaman kong tumigil ang sasakyan kahit hindi pa kami nakakaabot sa mismong building na iyon. Nalilitong napalingon ako kay Sir Alexan at nagtanong kung bakit dito kami tumigil sa isang kanto at hindi sa mismong tapat ng apartment building.  Hindi man lang ito lumingon sa akin at sinabihan lamang ako na ituon ang atensyon sa labas ng apartment building at maghintay. Buntung-hininga ang aking tanging naisagot sa lalaki at sumandal ulit sa upuan. Isang buong minuto ang lumipas ngunit wala pa ring nangyayari kung kaya’t napakunot nang lalo ang aking noo. Another minute has passed until I saw something from the scene outside the car. I gasp in shock because of what was happening. Nakita ko ang aking ina na inaalalayan ng dalawang lalaking nakaputi papalabas ng apartment building. Nang tuluyan na silang makatapak sa gilid ng daan ay saka sila nagtungo sa isang puting van na nakabukas na ang mga pintuan, ni hindi ko man lang napansin ang sasakyan kanina. Sa pag-aakalang may masamang nangyayari kay Ma ay mabilis kong kinalas ang seatbelt at nag-ambang lalabas ng sasakyan ng Big Boss ngunit naramdaman ko ang isang kamay na mahigpit na nakahawak sa aking braso. Nilingon ko ang lalaki na pinipigilan ako sa pag-alis at pagsalba sa aking ina. His expression remained calm as he pulled me back to my seat, “no, it’s not what you think.” May pagsusumamo akong napatingin sa gawi nito at tila nabasa ng lalaki ang aking iniisip. “She’s safe. We’ll follow the van. You’ll see,” sabi nito pagkatapos ay sinimulan uling magmaneho. Sa puntong ito ay hindi ko magawang ialis ang paningin sa likurang bahagi ng van na sinusundan namin. Patuloy ito sa paglayo mula sa apartment building namin papunta sa lugar na hindi ko alam kung saan. Nang sandaling tumigil na ang van sa tapat ng isang building at huminto na rin ang Big Boss sa pagmamaneho ay hindi nako ako nagpapigil at nagkusang lumabas ng sasakyan. Tinakbo ko na ang distansya sa pagitan namin ng van kung kaya’t nakaabot ako roon nang pabukas pa lamang ang mga pintuan nito.  Agad hinagilap ng aking mata si Ma tinulungan itong makalabas ng van. Ineksamina ko agad ang aking ina at nag-aalalang tinanong ito, “Ma, ano’ng nangyayari? Bakit ka nila dinala rito? Bakit ka sumakay sa van na ito? Kilala mo ba sila? Bakit ka umalis ng bahay nang hindi man lang ako tinatawagan?” Sunud-sunod kong tanong kay Ma. Nagulat ako sa paghagikgik ng aking ina at lalo pang naguluhan sa mga nangyayari. Hinawakan naman ako sa kamay nito ay nginitian ako ng pagkatamis-tamis. “Ano ka ba anak, okay ka lang ba? Ano ba’ng akala mo, na k-in-idnap na ako ng mga mababait na lalaking ‘yun?” Tumango ako sa kanya at napatawa itong muli, “mali ka ng iniisip, anak. Hindi nila ako dadalhin sa kung saan.” “Eh bakit ka nila dinala rito? Ano ba ang lugar na ‘to?” Tanong ko kay Ma. “She’s brought to a full-care center.” Hindi ang boses ng aking ina ang pinagmulan ng sagot sa tanong na nanggaling sa aking bibig. Lumingon ako sa aking likuran at nakita ang Big Boss na prenteng nakapamulsa habang nakasandal sa sasakyan nito. Ngunit pansin yata nito ang kunot sa aking noo tanda na hindi ko pa rin naiintindihan ang mga nangyayari kung kaya ay umalis ito sa pagkakasandal sa kotse at lumakad papalapit sa amin ni Ma. He smiled a little to the person behind me, which is Ma, before he elaborated his answer, “Your Ma is brought to a full-care facility. The people who brought her here will be the ones attending your mother – giving her medications at the right time and giving her the care that she needs.” As I digested the words that the Big Boss said, I turned to the building again and saw the sign hanging on its wall. The man was right – it really is a caring facility for elderly people. I looked at the people behind Ma and saw that they were all wearing a nurse’s uniform with a timid smile on their faces. I gave back a smile to them before I shot a question at the Big Boss. “Bakit naman dinala si Ma rito? Kung pagbabasehan ko ang mga sinabi mo Sir ay hindi ko kakayanin ang mga bayarin sa lugar na ito.” Hindi sinagot ng lalaki ang aking tanong. Bagkus ay nilagpasan lamang ako at nagtungo sa direksyon ng building. Sinundan ko ng tingin kung saan ito nagtungo at nakitang kinakausap nito ang mga nurse na nakatayo sa likuran ni Ma kanina. Hindi ko man naririnig ang pinag-uusapan nila ay mapapansin pa ring tila ang mga taong iyon ay nasa ilalim ng awtoridad ng lalaking kanilang kaharap. Dadagdag na naman ito sa mga rason kung bakit dapat ako maging maingat kapag kasama ang Alexan Del Valle na iyon. The next moments came in a blur as the nurses escorted Ma into the facility and the Big Boss motioned for me to go inside as well. My thoughts became a crystal when I finally took a seat beside the bed where Ma is lying down. The medication was already administered to her so she easily dozed off to sleep. And the whole duration of Ma being admitted to this facility until she was accompanied to her own room, the Big Boss did nothing but followed my tracks silently; and here inside Ma’s room, all he did was take a seat on one of the chairs in the room and said nothing. Inilagay ko ang kamay ng ina sa gilid nito at iniayos ang kumot niya bago ako lumingon sa lalaki. Prenteng nakaupo lang ito sa isang sulok ng silid habang nakapikit ang mga mata at tila ay malalim ang iniisip. Nakakunot ang noo nito at halos magdugtong ang mga kilay, ngunit hindi nakakatakot ang awrang nakapaligid sa lalaki.  Dahan dahan akong lumapit sa kinauupuan nito at piniling maupo sa katabing upuan ng lalaki. Nagbuga ako ng hininga bago nilingon ang Big Boss. “Ikaw ba ang may gawa nito?” The man didn’t even bother to open his eyes or shift on his seat as he answered. “I told you. I’ll help you.” Feeling a bit embarrassed by the sour tone of his voice – he clearly knew that I didn’t believe a word he said about the deal – I pried my eyes away from him and decided to shut them tight.  “Pasensya na po, Sir, at hindi kita pinaniwalaan. Hindi ko rin sukat akalain na gagawin mo ito para sa nanay ko,” I said in a soft tone fearing that Ma would wake up. “Salamat po. Salamat ng marami.” I held my head down as I wait for a response from him. Lumipas ang ilang sandali bago nagsalita ang lalaki, “now, will you take on my offer?” Naibuka ko ang mga mata sa tinuran ng lalaki at saglit na natigilan nang makitang nakatitig na ang kulay kayumanggi nitong mga mata sa akin. “I assure you, I’ll continue to support you mom even when the deal is already finished,” pagpapatuloy nito. I chose the words carefully inside my brain before I asked it to him, “ano po ba ang gusto niyong gawin ko kapalit ng pagtulong ninyo?” He stared at me for a few seconds before saying something. “There’s this interview that I cannot anymore resist. I’ve been trying to hide my family from the eyes of the media but it can no longer be helped now, and since Giselle isn’t around, I need you to act as her,” he heaved a sigh then looked away from me. “Bakit po? Nasaan po ba iyong Giselle? Nasaan po ang asawa ninyo?” Agad na lumabas ang mga katanungang iyon sa aking bibig at hindi ko na ito napigilan. Wala akong narinig na sagot mula sa lalaki kaya napangiwi na lamang ako dahil mukhang mali na naman ang mga naitanong ko sa kanya. Ilang sandali pa ang paghintay sa sagot na magmumula kay Sir Alexan ngunit wala itong naging imik, bagkus ay tumayo ito mula sa pagkakaupo at dali-daling nilisan ang silid. Naiwan na lamang ako roong nakaupo, kasama ang mga tanong na hindi ko alam kung kalian masasagutan. KINABUKASAN nang makarating sa opisina, hindi pa man ako nakakaupo ay inulin na ako agad ng tanong ni Gracie. Hawak nito ang malaking tasang puno ng kape habang tinatanong kung bakit pumunta ang Big Boss sa department namin, kung bakit ito tumigil sa gawi ko at kinausap ako, kung saan daw ako pumunta kahapon at hindi ako pumasok, at kung anu-ano pa.  Minabuti kong mangalahati muna ang babae sa kapeng iniinom nito bago ko ikinuwento sa kanya ang tungkol sa pagkikita namin ng Big Boss – mula noong makasama ko ito sa elevator, noong ipinatawag ako nito at napagkamalang ‘Giselle’, hanggang sa nangyari kahapon.  Pinili ko na ring hindi ikuwento sa babaeang tungkol sa pagkakahawig ko sa asawa ng Big Boss at ang ‘deal’ namin ng lalaki dahil baka kung ano pa ang isipin nito. Nang maalala ko ang napag-usapan namin ng lalaki at sa hindi pagsagot nito sa aking tanong ay nilingon ko si Gracie at naguguluhang tinanong ito patungkol sa asawa ng amo namin. Sumimsim muna ito sa tasa ng kape niya bago sumagot. “Ang alam lang namin dito sa opisina ay kasal si Big Boss, pero ni minsan ay hindi ko pa nakikita ang asawa niya. Isang taon na akong nagtatrabaho rito pero ni minsan ay hindi ko nabalitaang bumisita ang asawa niya. Alam ko rin na may anak daw si Big Boss, pero hindi ko pa rin ‘yun nakitang pumunta rito.” My brow furrowed in confusion to what Gracie just said. So if the Big Boss wanted me to act as his wife, the possibilities would be: that ‘Giselle’ was terribly ill, or the Big Boss hid her from the lenses of the cameras. Ngunit bakit ito umaktong tila ay hindi niya nakita ang asawa ng matagal na panahon noong una kaming nagka-usap? Hindi nalang ako nakaimik dahil napuno na naman ng tanong ang aking isipan. Ngunit bago umalis si Gracie sa aking cubicle ay nag-iwan ito ng tanong na hindi ko naman masagot kaya napatahimik na lamang ako. “Sino ba ‘yang Giselle?” My mind is filled with too much confusion these past few days that I could feel it about to explode. I tried to remove the bugging thoughts in my head and turned to my workload and started to reach for the papers. But before I could do so, I heard the buzz of the vibration coming from my phone inside my bag. I looked at the caller ID and saw that it was an unregistered number, yet I recognized the pattern of it because I stared at them for a very long time since I received a call from it some nights ago.  I clicked answer with my shaking hands and pinned the phone to my ear. “Hello?” Hindi na ito nag-atubili pa at sinabi na kaagad ang pakay sa akin. “Have you thought about my offer?” Hindi ako agad na nakasagot ngunit buo na ang pasya sa aking isipan. Naguguluhan man sa tulong na kinakailangan ng Big Boss ay nais ko paring mag-abot ng kamay kapalit ng labis-labis na tulong na binigay nito.  “Opo, nakapag-isip na po ako tungkol doon. Pero bago ko po sabihin sa inyo kung ano ang pasya ko, gusto ko lang sana itong itanong sa inyo. Nasaan po ba si Giselle? Diba asawa niyo po siya, at kahawig ko ng mukha? Bakit kailangan ko pong humalili sa kaniya at magpanggap na asawa niyo?” Malakas ang loob na tanong ko. Nakaramdam ako ng saglit na kasiyahan nang hindi ko narinig na mautal ang sarili kahit nakakatakot ang mga tanong na ibinulalas ko sa lalaki. A few minutes had passed before he answered my question. “You really want to know, Rachelle?” I nodded my head as if he could see it from the other line. I heard him blow an unsteady breath and then said something, leaving me shocked with my phone close to my ear. “Matagal ko na siyang hinahanap, Rachelle. She’s been missing for four years now.”   ~ 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD