bc

Drumbeats

book_age16+
4
FOLLOW
1K
READ
brave
confident
inspirational
band
drama
tragedy
ambitious
rejected
passionate
selfish
like
intro-logo
Blurb

Ang mga makukulay na mga banderitas, iba't-ibang disenyo at kulay ng mga camisa de tsino at palda't blusa, mga naglalakihang mga props, at ang mga musikang gawa ng mga tambol at iba pang mga instrumento ay ang bumubuhay sa natutulog na pagkatao ni Vimorah. Bilang isang mananayaw, ang bawat palo ng tambol ay naghahatid ng kakaibang pakiramdam sa kanya.

Ubos lakas naman kung maka hampas sa drum si Pepper. Sa bawat hampas sa drum ay tila binubuo nito ang puwang sa kanyang puso. Nais nitong sabayan gamit ang huni ng drum ang bawat galaw ng mga mananayaw.

Sa pagtagpo ng isang mananayaw at ng isang tambolero mabubuo ang isang koneksyong sa kanila ay kukumpleto.

May nabuong koneksyon sa isang limitadong panahon.

chap-preview
Free preview
Prologue
"5 minutes break!" Pagkasigaw ng trainor namin ay halos magkanda-ugaga sa paghanap ng mau-upuan ang mga kapwa kong mga dancer. Malalim na mga hininga ang pinakawalan nila matapos umupo sa mga napili nilang upuan. Nagmistulang gripo ang likod at noo ko dahil sa mga pawis na tumutulo mula dito. Pero hindi sapat ang aming pahinga para punasan ko pa ito. Kaya nang muling sumigaw ang aming trainor na pumunta sa gitna ng plaza ay mabilis pa sa kidlat kaming pumunta doon. Dahil isa ako sa mga leader ng mga squad, kailangan na umupo ako sa unahan. Limang squad ang mayroon kami. Ang Squad 1 na binubuo ng mga main dancer o ang mga babae na maraming mga role sa sayaw. Iyan din ang grupo na kinabibilangan ko. Ang Squad 2 naman ay binubuo ng mga lalaking kapareha ng mga babae sa Squad 3, sila yung mga mangingisda ang role. Ang Squad 3 naman ay ang grupo ng mga asawa ng mga mangingisda. Sila yung mga nagbebenta ng mga isda na nahuli ng mga kapareha nila. Ang Squad 4 naman ay binubuo ng mga isda. Role nila ang maging isda throughout the dance. Ang Squad 5 naman ay all around ang role. Sila yung minsan sumasama sa Squad 2 para manghuli ng mga isda. Dahil ang pangunahing hanap-buhay dito sa aming barangay ay pangingisda, ang aming nire-representa ay Hubon Mangingisda. Maliban sa amin may anim pang hubon na sasali sa kompetisyon. Iba-iba rin ang mga paaralan na pinanggalingan ng mga hubon na iyon. Napatingin ako sa harap nang magsalita ang trainor namin. "Today is November 25 at mahigit isang buwan nalang ay Palayag Festival na. Kaya I need you all to focus in our dance. Pag oras ng pahinga, magpahinga. Wag nang pumunta kung saan-saan at lumandi-landi diyan sa mga boys," umirap ang trainor namin at sandaling inilayo ang microphone sa bibig nito. Bahagya itong napatingin sa likod at ngumiti. "Perfect! Nandiyan na ang in-import nating mga drummers!" Pumalakpak ito sa sobrang saya. Kada hubon kasi ay may mga import na mga drummers. Kung hindi taga rito, taga siyudad. May mga sumali rin mula sa paaralan namin para maging drummers pero yung gagamitin nila ay yung kahoy lang na drums. At 20 lang na students ang kailangan para sumali. Kailangan talaga ng paaralan at ng barangay ang isang banda na tumutugtog para sa mga festivals. Hindi ko lang alam kung taga saan naman ang in-import nila this time. Napatingin ako sa likod at nakita ang mahigit sampung mga lalaki. Bitbit ang kani-kanilang mga instrumento. Iginigiya sila ng mga barangay officials kung saan sila mags-stay kaya hindi na ako nagkaroon pa ng tsansa upang tingnan sila ng mabuti. "Okay. Maiwan ko muna kayo mga dancers at makikipag-meet ako sa mga drummers. Company call mamayang 5:30 ng hapon before maghapunan. Be sure na kumpleto kayo. Ang late walang pagkain," striktong sabi ni Sir Reno, ang aming trainor. Napa-yes naman ang mga kasama ko dahil sa mahabang pahinga na binigay sa amin ni Sir Reno. Pagka-alis nito ay tumayo naman kami at pumunta kung saan nakalagay ang mga gamit namin. Pagkarating ko sa bleacher kung nasaan ang bag ko ay pagod akong napaupo. Wala na akong energy na lumingon kung nasaan ang tumbler ko kaya pasimpleng kinapkap ko nalang ito. Nang ilagay ko na sa bibig ko ang tumbler ay nagtaka ako kung bakit walang tubig ang lumabas doon. Ubos na pala. 'Packing shet.' Mabibigat ang mga hakbang na tinungo ko ang dispenser na nasa may gate ng plaza. Pero bago pa man ako makasalin doon ay may bumunggo na sa tumbler ko na sasalin din sana. Sandaling nawala ang pagod ko at napalitan ng pagkabigla. Nakita ko ang hawak nitong tumbler. 'Drink your water b***h!' Mimiyuuuh stan, huh. Kumawala sa bibig ko ang mahinang hagikgik. Napatutop ako sa aking bibig nang maalalang nasa tabi ko lang pala ang may-ari nito. "Sorry. Mauna kana,"pagpaubaya ko at pumagilid para makaraan siya. "If you insist," sagot nito. Napayakap ako sa sarili nang marinig ang malalim na boses nito. It sent frosts into my system that made me shiver. Pagkatapos nitong kumuha ng tubig ay humarap ito sa akin. Napahigpit ang hawak ko sa aking tumbler nang makita ang mukha niya. He has this pale white complexion. Parang nakulangan yata sa melanin and Vitamin D. Deep pitch black eyes. A pointed nose. And a pink kissable lips. I don't know why I'm seeing Edward Cullens in him. Siguro dahil maputi siya. Maitim din ang kanyang buhok na halatang pinahiran ng gel. "Thanks," inangat niya ang tumbler niya at ibinaba rin for farewell yata. Tumalikod ito sa akin at lumabas na ng plaza. Binuga ko ang hiningang kanina ko pa pala pinipigilan. The heck with that guy? Napaka intimidating. Pagkatapos kong magsalin ng tubig sa tumbler ay tinatawag naman agad ako ni Rowsheil, kaibigan ko at dancer din. "Chaka ah, na-meet yung leader ng banda. Gwapo ba?" Nakangisi nitong tanong. Hindi naman gwapo yun. Nakulangan nga sa melanin. "Hindi naman yata leader yun. Tsaka hindi gwapo." Tumawa ako at naglakad pabalik sa bleacher. Sumunod naman siya sa akin at nagtanong-tanong kung nakita ko rin daw ba ang iba nitong kasama. Puro iling lang ang naisagot ko dahil hindi ko naman sila nakita. Nag-usap pa kami ni Rowsheil tungkol sa mga requirements na kailangan naming ipasa matapos ang sayaw namin at makabalik na kami sa pag-aaral. Exempted lang kami sa mga exams at quizzes pero sa mga project hindi. Isang pito ang narinig namin kaya nagmadali kami na pumunta sa gitna at nagsilinyahan. Pumunta sa gitna ang trainor namin at nakasunod naman ang mga lalaking grabe kung makaporma. Mula sa mga black tshirt na suot nila hanggang sa ripped jeans at sneakers malalaman mo talagang mga city boy ito. Matatangkad sila kaya alam namin na hindi ito mga high school student. Siguro mga college na ito. "Mga bata sila pala yung magiging drummer ninyo. Sila yung drummers dati ng Hubon Negosyante alam niyo naman na makailang ulit nang nagchampion ang kanilang Hubon kaya sana pagbutihin niyo rin ang pagsayaw." "Wag mo namang i-pressure yung mga bata Reno," nakangiting sabi ng isang drummer. Mukha itong matured kaya siguro graduating na ito sa college. "Baliw, mabuti nga iyan para mailabas pa nila ang kanilang mga energy. Teka, si Pepper ba iyan?" Tanong ni Sir habang tinuturo yung lalaking nakasabay ko kanina sa dispenser. 'Pepper, huh.' "Ah, oo. Gusto talagang sumali eh. Tinatamad atang pumasok sa school." Hello? Andito pa kaya kami. Naging mahina ang usapan nila at kalaunan sunod-sunod na tango ang isinagot ni Sir. "Bago tayo maghapunan gusto kong magpractice muna tayo ng Figure 1 with drums. Ita-try ko kung nagsi-synchronize nga ba yung music sa mga steps ninyo. Squad 1, please prepare." Sabay kami ni Rowsheil na pumunta sa gitna at tumayo sa kanya-kanya naming pwesto. Nahihiya man dahil ako pa rin ang nasa unahan at kitang-kita ko ang pag-aayos ng mga drummers ng kanilang mga drums ay isinawalang-bahala ko nalang ito. Nang tingan ko ang mga drummers ay maayos na silang nakapwedto sa kani-kanilang mga pwesto napadako naman ang tingin ko sa lalaking nasa may bass drum. Gulat akong napatigil nang makita si Pepper na nakapwesto doon. Ang liit-liit tapos bass drum pa yung ip-play? Hindi kaya mabali ang mga kamay nito kaka-hampas? Napahiga kaming lahat na Squad 1 nang makita sa harap si Sir na sumi-senyas. "Okay! Girls! Focus! In 1, 2, 3 go!" Hindi naman na mainit dahil papalubog na ang araw kaya ipinikit ko ang mga mata ko at dinama ang sahig. I always love lying on the ground because I can see the sky wider. Seeing the skies makes me feel that I am alive. And I live to dance. Then came a beat. A loud, disturbing yet pleasant beat that made my heart flicker. A beat that was made by a bass drummer named Pepper.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Dangerously In Love

read
44.3K
bc

Escaping from the Greek Tycoon (TAGALOG)

read
182.7K
bc

My Master and I

read
136.2K
bc

Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)

read
852.6K
bc

The Wedding Betrayal (Tagalog-R18)

read
573.1K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

My Husband's Secretary (TAGALOG)

read
1.4M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook