The gangster princess

3465 Words
CHAPTER 7 Walang paglagyan ang nararamdamang tuwa ni Al, hindi mawala wala ang mga ngiti sa labi niya. " Happy?" tanung ni Al. " Oo naman! Ang sarap pala kapag mayaman noh! Nagagawa mo ang gusto mo, mabibili mo lahat ng gusto mo." ani Al. " Well.. oo.. pero malungkot din minsan." ani LJ habang nag mamaneho. " Talaga? Nalulungkot ka pa ng lagay na yan? " " Money can't buy happiness. Yes, when there's an occassion you can see them smiling, laughing but when the occassion is over, they are alone." " Pahingi nga ng tissue." ani Al. " Why? " takang tanung ni LJ. " Dumudugo ilong ko. English ka ng english eh!" ani Al. Natatawa na lang si LJ na napapailing. " Pero naiintindihan ko ang sinabi mo. Akala ko ang katulad niyong mayaman hindi nalulungkot dahil lahat ng bagay meron na kayo." ani Al. " Akala niyo lang yun. By the way, thank you dahil sinamahan mo ako." ani LJ ng ihinto ang kotse sa di kalayuan sa eskinita. " Ako ang dapat na mag thank you. Alam mo ayaw ko tong tanggapin pero dahil mapilit ka, sige. Pero next time hindi na." ani Al. " Friends? " tanung ni LJ na inilahad pa ang kamay. " Friends! " ani Al. Hindi dahil sa pera kaya tinanggap niya ang pakikipag kaibigan nito. Kundi dahil nararamdaman niya na mabuti itong tao. " Nay! nay!" tawag ni Al habang papasok siya ng bahay. " O, ate! "wika ni marielle ng lumabas ng kwarto." Oy! May pa jollibee ka, ah!" " Loka! Bigay ni LJ yan." aniya. " Weh?! Ang bait niya noh? At gwapo pa." ani marielle. " Tawagin mo na ang inay at kumain na kayo." ani Al. "Nanliligaw ba sayo, ate?" "Huh?! Sira! Nag papasalamat lang yung tao. At saka isa pa malabo na mangyari yan, langit at lupa." " Eh, anu naman? Bakit wala naman sa estado ng buhay ang pag mamahal, ah! " ani marielle. " Alam mo, sis, gutom lang yan. Kumain ka na!" ani Al na pumasok na sa maliit niyang silid. Nahiga at inalala ang pamamasyal nila ni LJ. Tawa ito ng tawa kapag namamangha siya sa nakikita. Akalain ba naman niyang pati buto ng dinosaur eh idinidisplay na din. Saka lang niya nalaman na fake iyon. Palibhasa mahirap lang sila kaya hindi niya magawang pumasok sa mall. Mahalaga ang bawat barya na kinikita niya. " Al! Tol!" Napabalikwas ng bangon si Al at dali daling nag suot ng malaking damit at maong na jacket. Loose na maong pants din ang nahablot niya. Si ronron ang napag buksan niya ng pinto. " Bakit?" " Tol, tulungan mo ako." namumutla nitong wika. Agad naman niyang isinara ang pinto. " Anu bang nangyari?" tanung ni Al at binigyan ito ng isang baso ng tubig. " Kinukursunada kasi ang ate ko ng mga tambay sa kalye sais, nagdilim ang paningin ko kaya nahampas ko si Boyong ng bote sa ulo " mangiyak ngiyak nitong kwento. Napabuntung hininga na lang si Al. May mga tao talaga na walang magawa sa buhay. " Dito ka lang muna. Wag kang aalis dito hangga't hindi ako dumarating. " ani Al. " Al, gabi na baka kung mapanu ka pa." wika ni Aling Luz. " Mag iingat po ako, 'nay. " ani Al at kinuha ang sumbrero. At tulad ng dapat asahan nasa labasan ang grupo ni Boy kasama ang hinampas ni Ronron na si Boyong. Nandoon na din sina Ric at ilan pang kabataan. Halos mag kasabay naman silang dumating ng ninong niya. " Al! Tingnan mo ang ginawa ng bata mo." wika ni Toro. " Bakit hindi natin tanungin ang mga bata ng malinaw?" sabat ng ninong kanor niya. Dumating naman ang kapatid ni Ronron na bakas ang takot sa mukha. "Na-nag lalakad ho kami pauwi... tapos hinarang po nila kami. Binastos po nila ako, inawat po sila ni ronron pero itinulak lang po siya." " Totoo ba boyong?" tanung ni Boy. Napayuko naman si Boyong at hindi nakasagot. " Pakiusap ko lang, turuan niyo ang mga bata niyo na wag pakikialaman ang mga estudyante. Wag na nilang idamay sa patapon nilang buhay. " wika ni Al. " Pasensya na kayo sa abala. Hindi na ito mauulit. " wika ni Boy na nakipag kamay pa sa kanya. " Aasahan namin yan. " wika ni Al. Matalim niyang tiningnan si toro na ngumisi pa sa kanya. Masyado nitong ipinag mamayabang na ito ang yumari sa tatay niya Hindi niya alam kung bakit ito nakalaya kahit ang kaso nito ay murder. Dahil ba mahirap sila? " Nong, papawis lang ho ako." ani Al. "Sige, nak. " Ang tinutukoy niya ay ang gym ng ninong niya na maliit lang naman. May mga tinuturuan din ito ng martial arts, nang mamatay ang tatay niya ito na ang nag turo sa kanya. Bata pa lang si Al mulat na siya sa mga patakaran na ipinatutupad ng kanyang ama. Ayaw sana ng kanyang ina na siya ang pumalit sa tatay niya pero wala silang nagawa ng gustohin ng tao. Karamihan ay matatanda ang may gusto. Kaya naman pinanindigan niya at tinutulungan naman siya ng mga matatanda pag dating sa mga desisyon. At protektado din si Al ng mga sanggano na kadikit ng kanyang ama. Kinabukasan ay sa palengke ulit rumaket si Al. Kailangan niyang dumoble ng kayod dahil mukhang lumalala ang lagay ng nanay niya. " Suki! Bili na! Sariwang isda!" " Darating ba ang manliligaw mo, Al?" tanung ni Ka Temyong. " Tigilan niyo nga ako! kay aga aga eh! kaibigan ko lang yung tao." ani Al. " Naku! Diyan nag uumpisa yan. At saka wala namang masama, dalaga ka at binata naman yun." sabat ni Aling Sonya. " Tigilan niyo ang kakapantasya niyo. Ang mahirap para lang sa mahirap! Ang mayaman ay para lang sa mayaman." ani Al na ikinatahimik ng mga ito. Kaya nga wala siyang balak mag asawa dahil mahirap na nga sila,mag aasawa pa siya ng mahirap. Pero hindi naman ibig sabihin na planu niyang akitin si LJ. 'over my dead body.' Bumuntung hininga na lang si Al at nag focus sa trabaho. Ng sumapit ang tanghali at wala pa rin si LJ,hindi ni Al maiwasan na makaramdam ng lungkot. 'anu naman kung hindi siya pumunta? Mabuti nga ng walang makulit!' ani Al sa sarili. Napailing na lang si Al. 'Akala niya madali lang ang buhay ng mahirap.' "O,yung lagay niyo!" malakas na wika ni toro. "Anu ba yan!Ang tumal na nga!" "Wala pa ngang benta!" Panay reklamo ng ilang nagtitinda pero mga nagbibigay din naman dahil sa takot. " Wag mong sabihin na hindi ka magbibigay? Walang lider lider dito." nakangising wika ni toro sa kanya. Nagawi ang tingin ni Al kay Ka temyong. At tumango ito ng ilang ulit. Wala siyang nagawa kundi mag abot ng dalawang daan. " Ayan! Maging mabait ka at masunurin ng di ka magaya sa tatay mo." Napakuyom ng kamao si Al. Minsan kailangan niyang mag timpi alang alang sa iba. Kapakanan pa rin ng mga kasama niya ang iniisip niya. 'may araw ka rin sakin na hayop ka!' " Kalma lang,Al. May tamang panahon." wika ni Ka Temyong. Pagkatapos mag tinda ay tumambay muna siya kasama ang ilang kabataan na naglalaro ng billiard. Ang ilan ay nagpapalipas oras lang. " Tol!" wika ni Roman. " Anung balita? Wala dito si Ric?" mahinang tanung ni Al dito. "Malapit na. Oo nga pala may pagpupulong daw ang lahat ng lider ng kalye mamayang gabi." " Ganun ba." " Sige,tol."ani Roman. Napatayo si Al ng maagaw ang pansin niya ng ilang kabataan na lumalabas galing sa isang kwarto. Kaduda duda ang mga kilos ng mga ito. Sumunod namang pumasok ang isang babae at lalaki. Wag sanang tama ang hinala niya. " Napadaan ka,Al?" tanung ni Ka andres,barbero at may maliit na pwesto sa gilid ng bahay nito. "Mukhang may hindi magandang nangyayari sa bilyaran." panimula ni Al. Sinipat nito ang tinutukoy niya na nasa unahan lang. Malapit na iyon sa kalsada. " Baka nagoyo na din si Maning?" " Magpamanman ka, Ka Andres. Alam mo naman na buhay ng mga kabataan ang masisira." ani Al. " Sige,ako ang bahala." anito. Hindi naman nagtagal si Al at umalis na din. Ang lugar nila ang itinuturing na free drugs sa lahat ng kalye at hindi niya hahayaan na malulong sa droga ang mga kabataan. Pag uwe niya ay nagulat si Al sa nadatnan na kausap ng nanay niya. " Mano po,inay." ani Al,bumilis ang t***k ng puso ni Al. " Kanina ka pa hinihintay nitong kaibigan mo." wika ni Aling Luz. " Anung ginagawa mo dito?" baling dito ni Al. Nag kibit balikat naman si LJ. " I came to offer you a job." "Job? Trabaho?" ani Al habang kumukuha ng tubig sa mesa. " Maiwan ko muna kayo." ani Aling Luz. " Yeah! I need a personal assistant habang nandito ako sa manila." ani LJ. " Marami namang qualified para maging P.A, ako pa talaga ang aabalahin mo?" " Ikaw lang ang naisip ko." sagot ni LJ. Parang gustong kumawala ng puso ni Al dahil sa narinig. 'iniisip niya ako?!' " And besides I trust you." ani LJ. Napatawa si Al sa sinabi nito. "Kailan lang tayo nag kakilala buo na agad ang tiwala mo sakin?" " Why not? You are a good person." Napailing si Al. " Hindi ko pwedeng tanggapin ang trabaho na inaalok mo. Hindi ako karapat dapat dyan." " Well... in case na magbago ang isip mo,puntahan mo lang ako dito." ani LJ na iniabot sa kanya ang calling card. " I have to go now. Alam ko na pagod ka." " Ihahatid na kita sa-." " No need. Take a rest. I can manage, ok. Bye for now." nakangiti nitong wika na pinisil pa ang pisngi niya na pakiramdam ni Al ay oily na. Hindi naman agad naka piyok si Al ng masilayan ang matamis nitong ngiti. Tuwing magkikita sila, bakit pa gwapo ito ng pa gwapo sa paningin niya. Pumasok na siya sa kwarto pero nagulat naman siya sa nakita sa papag niya. Nanlaki ang mata niya. Isang malaking teddy bear na pink ang nandoon, mas malaki pa yata sa kanya. " Nay!Nay!" " O,bakit?Napanu ka?" " Ka-kanino ho galing to?" " Kay LJ. Aba,eh nagulat nga ako dahil mas malaki pa kako sayo." wika ni Aling Luz. Napaluha si Al dahil sa tuwa. Unang beses niyang makatanggap ng ganito kalaking teddy bear sa buong buhay niya. Niyakap niya iyon. " Ang lambot niya, nay!" natutuwang wika ni Al. Napangiti naman si Aling Luz. " Mabuting kaibigan si LJ, hane?" Napabuntung hininga si Al bago Vinita wan ang teddy bear. " Pero hindi dapat niya ito ginagawa, nay. Ayaw ko na isipin ng pamilya niya na piniperahan natin siya." " Anak, alam mo na hindi totoo yan.Ki may pera o wala,basta mabuting tao,kaibigan natin yan." " Pero hindi pare pareho ang isip ng tao, nay. " " Hayaan mo sila, basta alam mo sa sarili mo kung anu ang totoo." ani Aling Luz. Hangga't maaari ayaw na niyang tumanggap ng kahit na anu mula dito. 'ang cute mo naman na teddy bear ka, parang yung nag bigay. Pinky na lang itatawag ko sayo.' ani Al sa isip. Nang sumapit ang gabi at marinig si Roman ay lumabas na siya ng bahay. Kailangan niyang dumalo sa pag titipon. " Sarado mo ng maayos ang bahay , marielle." utos ni Al. " Opo, ate." Kampante naman siya na di maaano ang mga ito pero mabuti na ang nag iingat. CHAPTER 8 Ilan lang ang lider na dumalo, mga lider na tama ang pinapasunod. " Dumarami ang bilang ng mga nasasangkot sa droga. At pabata ng pabata." panimula ng konsehal ng maynila. Nasa bakuran sila ng malaking bahay nito. Si konsehal Atoy, ang may hawak sa squatter area na tinitirahan nila. Ipinasundo pa sila nito sa private van. " Ang kalye kwatro ay may ilan na ding report na may ilang kabataan ang gumagamit ng pinag babawal na gamot." Hindi na nagulat si Al. Napatingin sa kanya ang ilang nandoon, nag iisa lang siyang babae at pinaka bata pa. " Pina iimbistigahan ko na po." ani Al. " Kalye kwatro ang pinaka malinis pagdating sa droga, yun noong nabubuhay pa ang iyong ama." Napatiim bagang si Al. " Mahirap masugpo ang droga lalo na kung matitigas ang ulo ng ilan. "wika naman ng isa. " Don't give me that kind of reason. Unang una, kayo ang lider. Kung anu ang batas na pinatutupad dapat yun ang masunod. Pangalawa, turuan ng leksyon ang ayaw sumunod." wika ni Konsehal Atoy. " Kailangan ho ba gumamit ng kamay na bakal? " tanung ng ninong kanor niya. " Kung kinakailangan. Mapupuno na ang mga rehab at selda. Magbabago kapag nasa loob pero balik sa dati kapag nakalaya. " wika ni konsehal atoy. Marami pang diskusyon ang nangyari bago natapos ang nasabing meeting. Pinakain muna sila at binigyan ng konting halaga bago sila ipahatid ulit sa van. " Kailangan ko hong malaman kung sino ang tulak sa kalye kwatro." wika ni Al habang nag lalakad sila sa eskinita. " Malalaman natin yan sa lalong madaling panahon." "Tol!!" " O, bento! Bakit?" tanung ni Al. " May natagpuang patay doon." Nagkatinginan sila ng ninong kanor niya. Sumunod naman sila kay bentot para puntahan ang sinasabi nito. May mga pulis na doon at ambulansya. Natatakloban na ng puting kumot ang bangkay. " Officer." "Kilala niyo ba ang biktima?" tanung ng pulis kay Al. Saglit nitong inalis ang taklob sa mukha ng biktima. Mataman itong tinitigan ni Al. Nakita na niya ito pero hindi niya maalala. " Hindi ho." sagot ni Al. " Kung hindi ito taga dito malamang na itinapon lang dito. Kung sakali na may magtanung sa morgue na lang puntahan. "wika ng Officer. " Kayo, ang mga dalagita at binata kapag gabi na sa loob na ng bahay." wika ni Al. " Mauuna na kami, al, mag roronda kami." wika ni Ka doming na kasama ang ilang tanod. Nang makauwe ng bahay ay hindi agad nakatulog si Al. Inaalala niys kung saan nakita ang babaeng yun. Ginawa niyang unan ang malaking teddy bear. 'anu kaya ang ginagawa niya ngayun? ' Kapag pumipikit si Al ay ang gwapong mukha ni LJ ang nakikita niya. Napangiti na lang si Al. Niyakap niya ng mahigpit ang bear at pinilit matulog Pero ng tumilaok ang manok ay awtomatiko na nagmulat ang mga mata ni Al. Pakiramdam ni Al hindi naman siya nakatulog kaya masakit ang ulo na bumangon na lang siya. " Ahu! ahu!" " Good morning, ate!" bati ni marielle na nag iinit na ng tubig sa maliit at luma nilang takuri. " Gising na ang inay." " Oo,, halos hindi na naman nakatulog." wika ni marielle. " Mukhang hindi naman gumagaling si Inay sa mga gamot na binigay ng doctor." wika ni Al. " Ipagamot kaya natin si Inay sa ibang doctor? " " Malaking pera ang kakailanganin natin." " Magtatrabaho na lang muna ako-" " Hindi. Sayang ng pag aaral mo. Ako ng bahala sa pera. Bukas dadalhin natin sa ibang doctor ang inay." " Humingi ka kaya ng tulong kay kuya LJ-" " Yan ang hindi ko gagawin. Ayaw kong abusohin ang kabaitan nung tao. " ani Al habang hinahalo ang three in one na kape na binili sa tindahan. " Babayaran mo naman ang hihiramin mo na pera, paunti unti nga lang. At saka mukhang crush ka nun, niregalohan ka pa ng teddy bear. " " Wag kang malisyosa! Natuwa lang ang tao." ani Al, pero lihim na kinikilig. " Hay,naku! ate! Pag kakataon na natin para guminhawa. Kung mag kagusto man sayo si Kuya LJ, walang masama,maganda ka,mabait-" " at mahirap! Inumin mo na yang kape mo at ng magising ka sa katotohanan na hindi uso yang mga iniisip mo." ani Al. " Magpakababae ka lang tiyak ko,maraming magkakagusto sayo." pahabol pa ni Marielle pero iniwan na niya ito at naligo. " Tol,gandang umaga." bati ni Roman. " Si Ric?" tanung ni Al. " Hindi ko pa nakikita nitong nakaraang ilang araw." wika ni Roman. " Nakakapag taka na ang kilos ni Ric." " May nasagap ako,nakita daw ni Lani si Ric na kasama ng tropa ni Boy na pumunta sa Bar nila." " Kelan?" " Nung nakaraang gabi lang. Pero hindi naman makalapit si Lani dahil natatakot sa mga tao ni Boy.Mukha daw mga adik."dagdag pa ni Roman. " Nasa bahay ba nila si Ric?" " Ilang araw na rin daw na hindi umuuwe sabi ni Rose. Kahit daw ang nanay nila nag aalala na." " Alamin mo kung saan umuuwe." ani Al. " Ako ang bahal,tol! dito na ako." " Ingat ,tol." Sayang ng abilidad ni Roman. Kung nakapag aral sana ito, ang maging pulis ang pangarap nito. Pero dahil nga sa hirap ng buhay wala itong ibang pagpipilian kundi ang maghanap buhay. Dumaan muna si Al sa pwesto ni Ka Andres para sumagap ng balita. At tama nga ang hinala niya, unti unti ng pumapasok ang droga sa lugar nila. Kailangan maaksyonan agad nila ito. Ibinilin niya dito na magtipon ang mga matatandang sanggano para makausap niya. Pero sa ngayun kailangan na muna niyang maghanap buhay. At dahil ljnggo nag lalako siya ng sorbetes sa park kung saan maraming bata at namamasyal. " Anu pong flavor?" Ngumiti si Al ng makita ang unang costumer niya. " Cookies and cream and mango." Nag liwanag naman ang mukha nito. Tumakbo ito at umalis, maya maya ay hila na nito ang mommy nito. " I want this mom!" " Ok, Ok! Pabili nga ng isa." Agad naman na binigyan ito ni Al. Bentang benta ang sorbetes sa mga bata kaya madali niyang naibebenta. Lalo at tag init. "You need help?" Mabilis namang napalingon si Al ng marinig ang pamilyar na boses, 'LJ? ' bumilis na naman ang t***k ng puso niya. " Paano mo nalaman na nandito ako?" tanung dito ni Al. " I ask people around you." ani LJ. "Can I try?" " Si-sige." ani Al. Ibinigay niya dito ang ice cream scoop at apa. Natatawa na lang si Al dahil ingat na ingat ito sa pag lalagay ng ice cream kaya medyo natatagalan. " Ok, kids, pila lang po. Wag mag tutulakan at hindi kayo mauubosan, medyo mabagal lanh ng konti. " wika ni Al. " Mahirap din pala to. " wika ni LJ. " Beginner ka pa lang, eh. Pero kapag nasanay ka na madali na lang yan." ani Al." Anu nga palang ginagawa mo dito? " Nag kibit balikat na lang si LJ. " I feel bored at home." " Wala ka ng maisip na gagawin? Wala ba kayong date ng girlfriend mo? " " Wala akong girlfriend. " ani LJ. " Weh? " " It's true. " " Pwede paki bilisan? Kwentohan kayo ng kwentohan! " nakasimangot na sabat ng babaeng nasa harap nila. " Im sorry, bago pa lang kasi ako." nakangiting wika ni LJ. Agad namang nag bago ang nakasimangot na mukha ng babae. Tingin pa nga ni Al nagbi blink blink ang mata nito. " Nag mamaktol na kasi yung alaga ko. Sorry ha!" pa cute na wika nito. Napaamanh naman si Al ng mag pa cute pa ito lalo. Naibigay na dito ang ice cream pero hindi pa ito umaalis. " Yaya!" " Bye, Pogi!" Ng maka alis ito ay napatawa si Al. " Why are you laughing?" " Wala. Iba talaga ang dating mo sa kanila." ani Al. " Bakit sayo ba hindi? " Natigil ang pagtawa ni Al." Ha? " " Nothing. " " Gusto mo ng ice cream?" " Can I?" Nilagyan ito ni Al sa cone at binigay dito. Napaka presko naman nitong tingnan sa white shirt at khaki na short at islander na tsinelas. Napalunok si Al ng dumampi sa labi nito ang ice cream. ' Tukso tigilan mo ako! ' " Hmmmm... sarap!" ani LJ. " Wala bang ice cream sa inyo?" " Ubos na. This is one of my favorite. Alam mo panu gumawa nito? " " Sus, madali lang. Gatas lang naman yan , eh. " " Make me this at home. " Ani LJ. Ng maubos ang tinda niyang ice cream ay nagpa hinga muna siya saglit. Binilang na din niya ang kita niya. Sapat na iyon na pandagdag para madala niya ulit sa ibang doctor ang nanay niya. " Tired?" tanung ni LJ na inabutan siya ng mineral water. " Ang hirap kumita ng pera." ani Al. " Al!Al!" " Ronron,bakit?" " Ang inay mo dinala sa ospital!" hinihingal na wika ni Ronron. " Anu?!Saang ospital?" " Come on! May dala akong sasakyan." ani LJ. " Dalhin mo to kay Ma'am Jenny. Bilang ko na yan." " Sige tol."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD