continuation of chapter 4

5004 Words
" Kasi di ba..-." " Ah basta! Hindi ako sasama. Umuwe ka na nga at may trabaho pa tayo bukas." pagtataboy niya dito. Nakahiga na si Al pero nakatulala pa din siya sa bubong ng kwarto niya. Wala naman kasi silang kisame. ' ang gwapo niya at mabait.' sa loob ni Al. Napangiti siya ng maalala ang gwapo nitong mukha. Eto ang unang beses na humanga siya sa isang lalaki. ' matulog ka na Al. Kalimutan mo ang pag hanga na yan!'saway niya sa sarili. Nagtalulbong na lang siya ng kumot at mariing pumikit. Amoy ng katol ang kwarto niya, ayaw niya kasi ng kulambo. "Mga suki! Bili na kayo isda! Murayta lang!"sigaw ni Al. Ang raket niya ngayung araw ay magtinda ng isda. Madaling araw pa lang nandito na siya. Naka ikot ang sumbrero niya at naka lilis pa ang manggas ng maluwag niyang t-shirt. " Al, magkakape ka?" alok ni Manding. Kaliwa 't kanan ang dala nitong termos na may lamang kape. " Sige, pahinging isa."aniya. "Sampu lang." "Matumal ba?" tanung nito. " Medyo." ani Al. " Anung balita? " " Ayos lang naman. Nga pala, alam mo na ba? " " Ang alin!?" takang tanung ni Al. " Nakalaya raw ang yumari sa erpats mo. At ang balita ko umanib sa grupo ni Boy." anito. Nag tiim ang bagang ni Al. " Ganun ba." " Oo. Kaya mag ingat ka din, Al." ani Manding. " Sige, manding. Salamat. "aniya. " Relax lang, Al." ani ka temyong na katabi ng stall niya. Nag titinda naman ito ng tahong, talaba, sugpo at ilan pang lamang dagat. " Kumukulo pa rin ang dugo ko sa hayop na yun." ani Al. " Mabuti ngang nakalaya ang tarantadong yun. Mas madali siyang mayayari kapag nasa labas." ani ka temyong. " Anu hong ibig niyong sabihin?"napatingin dito si Al. " Matagal ng pinag hahandaan ng ninong kanor mo ang pag laya nyan." pabulong nitong wika. May ideya na siya kung anu ang ibig nitong sabihin. Matalik na kaibigan ng tatay niya ang ninong kanor niya. At malamang na gaganti ito dito. Masama man ang maghangad ng kamatayan ng kapwa pero kung halang naman ang kaluluwa, hindi naman siguro. " Pabili nga ako nito." Saka lang natauhan si Al. " Pili na ho kayo, suki. Sariwa po yan." ani Al. Itinuon na lamang muna niya ang atensyon sa trabaho. Kailangan niyang maka ubos ng paninda. " Hoy, Al! Hinahanap ka ng taong ito," ani aling carmen. Nag titinda ito ng gulay sa harap ng palengke. "Bakit daw ho-" napaamang si Al ng makita ang gwapong mukha ni LJ." Ikaw na naman?" " Hi." bati nito. "O, siya. Maiwan ko na kayo." ani Aling Carmen. " Salamat ho."ani LJ. "Anu bang kailangan mo?" inis na tanung ni Al dito. " Niyaya kitang mamasyal di ba?" balik din nitong tanung. " Hindi ka rin naman makulit noh? Sabi ko naman sayo iba na lang ang yayain mo."ani Al. " Eh ikaw ang gusto kong kasama. "sagot nito. " YIIIEEEE! "kantiyaw ng ilang nagtitinda rin na nakarinig sa sinabi nito. " Tse! Mag si tigil nga kayo!" nandidilat na bulyaw ni Al. " Hoy, ikaw! Maghanap ka ng ibang pag titripan mo." Napangiti naman si LJ sa naging reaksyon ni Al. Kulang na lang ihampas sa kanya ang hawak nitong isda. Sa halip na matakot, lalolang siyang naaaliw dito. " Ikaw naman, Al! Ang sungit mo naman sa manliligaw mo." wika ni ka temyong. Ang lalakas pa naman ng mga itong mang alaska. " Hindi ko ho siya manliligaw!" ani Al. Matalim niyang tiningnan si LJ na ngingiti ngiti lang. ' ang kumag na to!' " Umalis ka na nga! Hindi ako mabibilhan dahil nakaharang ka dyan!"ani Al dito. Ang buong akala niya aalis na ito pero bigla na lang itong sumulpot sa tabi niya. Tinutukan niya ito ng kutsilyo na ginagamit sa paglilinis ng isda. Nag hands up naman ito. " Relax. Ok, im sorry." ani LJ. " Anu ba kasing kailangan mo?" iritable niyang tanung dito. " Nothing! I just want to be your friend." ani LJ na pinalamlam pa ang mata. " Marami na akong kaibigan." ani Al. " Best friend." anito. " Meron na." " Boyfriend?" Inambahan niya ito ng suntok. " Joke." " Yiiieee! Ang sweet niyong tingnan." wika ng baklang si Alvin na karneng baboy naman ang tinda na nasa tapat lang nila ang pwesto. " Alam mo tatamaan ka na sakin! Pumunta ka lang dito para bwesitin ako " ani Al dito. Pero sa loob ay lihim siyang kinikilig. " Nagbibiro lang naman kasi ako. Just let me be your friend." ani LJ. " Wala ka na bang ibang makulit maliban sakin? Marami ka naman sigurong kaibigan, diba." ani Al. " Yeah! But i feel bored on them. They talk about business,business,and business." ani LJ." Look,isipin mo na lang na sawa na ako sa buhay mayaman at gusto ko naman maranasan ang buhay niyo." " Al, pabili nga ako ng limang kilo ng pang ihaw na tilapia. Dadaanan ko na lang." " Sige ho, manang belen." sagot ni Al sa matabang babae na suki na niya. " O, sige. Total makulit ka, o isuot mo to!" ani Al na ibinigay dito ang rubber apron para hindi ito mabasa. " Hubarin mo rin yang mamahalin mong sapatos at itong bota ang isuot mo." Para naman itong masunuring bata na agad na tumalima. " Mag timbang ka nitong tilapia. Limang kilo tapos lagay mo dito." utos niya dito. Dahil maliit ang pwesto niya, hindi maiwasan na masagi nito ang katawan niya. At para siyang napapaso kapag napapadikit dito. " Ouch!" Awtomatiko namang napatingin si Al. " O,anu?" napapailing na tanung niya dito. " It hurts!" ani LJ na nakangiwi. Natusok kasi siya ng palikpik ng isda. " Malayo yan sa bituka." ani Al na ipinag patuloy ang pag aalis ng bituka ng mga isda. Kahit mahapdi ang sugat ay ipinag patuloy ni LJ ang pag huli sa mga buhay na tilapia. Hindi niya alintana ang pag talsik ng malansang tubig sa mukha niya. " Pogi, pabili naman dito sa tulingan mo." malanding wika ng baklang bumibili. Tumingin si LJ kay Al na parang nagtatanung. " Para tulingan hindi mo alam?" natatawang wika ni Al. " Just show me." ani LJ. Napapailing naman na itinuro ni Al ang tulingan. " Ang pogi naman ng kasama mo. Araw araw na ako mamimili dito." dagdag pa ng bakla. " Sige ho. Salamat ho." ani Al. Pinisil pa nito si LJ ng iabot ang binili. " Ok na ba,Al?" "Oho,manang belen. Eto ho. Seven hundred lang ho."ani Al. " Ay, oho! kayo pa ba. "ani Al. " Ay salamat, Al! O, may bago kang kasama." puna nito. " Oho. Tinuturuan ko pa po para matuto." " Hmmm... gwapo huh." Nag katinginan sila ni LJ. Ng maka alis si manang belen ay pareho silang natawa. " Ang lakas ng karisma mo. Pati si manang belen, ah!" ani Al. " Ganun ba ako kagwapo?"ani LJ na nag pacute pa. " Hmmm..." ani Al na kunwari ay sinipat pa ito." Hindi naman gaano." " Well, let see." anito. " Bili na kayo! Isda kayo dyan!" sigaw nito. Natatawa na lang si Al dahil hindi bagay dito ang mag tinda ng isda. Pero cute itong tingnan. Hindi naman nasayang ang pagod nito dahil marami ang bumili sa kanila. Dahilan para maubos agad ang paninda niya. " Dinadaan niyan sa gandang lalaki, ah." pabirong wika ni ka temyong. " Ganyan talaga ang negosyo." ani Al habang nag liligpit ng mga lagayan ng isda. " Alam mo magpakababae ka lang, Al, tiyak na bagay kayo." ani Aling Sonya. Manok naman ang tinda nito na katabi ni Alvin. " Huh! wag na oy! At saka tigil tigilan niyo nga ako! wala akong planung patulan yan!"ani Al. " Wag kang mag salita ng tapos, day!"ani Alvin. Napapailing na lang si Al. Advance talaga mag isip ang mga ito. Mabuti na lang sanay na siya sa mga ito. CHAPTER 5 "O,panu! Umuwe ka na sa inyo at baka tubuan ka ng kaliskis dyan."ani Al kay LJ habang nag lalakad sila palabas ng palengke. " Bukas ba nandito ka pa rin?" tanung ni LJ dito. " Wag mong sabihin na kukulitin mo na naman ako." ani Al. " Tol!" humahangos na lumapit sa kanila si Roman. " Bakit?"tanung ni Al. " Ang mga tao ni Boy,nangungutong." ani Roman. " Ha? Di ba bawal yan dito?" tanung ni Al. " Nandun sila sa bungad! Kapag hindi nagbibigay sinasaktan nila." ani Roman. Dali dali naman silang pumunta sa bungad ng palengke. At nag kakagulo nga doon. " Ang lalaking tao mga batugan!" wika ng isang Ale na nag titinda doon. " Mare, baka marinig ka. Madamay ka pa." wika naman ng isa. " Kayong lahat! Mula sa araw na to! Mag bibigay na kayo ng lagay samin. Dalawang daan araw araw." Nag kaingay ang mga nag titinda. " Anu ba yan! " " Ang tumal na nga!" " Sobra naman kayo!" " At ang hindi mag bigay, masasaktan."dagdag pa ng nagsalita. Nakisiksik si Al sa mga tao para makita kung sino ang nag sasalita. Nakatalikod ito sa gawi niya kaya bukod sa malapad nitong likod at kalbo nitong ulo lang ang nakikita niya. " Ikaw ba ang may ari ng palengke?" maangas na tanung ni Al. Dahan dahan itong humarap sa kanya. Ganun na lang ang panlalaki ng mata niya ng makilala ang kaharap niya. "Hmmm... may matapang na kutong lupa." nakangisi nitong wika. " Hindi pa. Pero mula bukas, teritoryo ko na to!" pinal na wika nito. Walang salitang iniwan na sila nito kasama ang ilan pang kasama. Hinding hindi makakalimutan ni Al ang mukha ng taong iyon. Ito ang umagaw sa buhay ng tatay niya. " Hay, naku! Dagdag pahirap pa ang mga yan." wika ng mga nag titinda. " Ahm..." " Wag mo na akong kulitin. Umuwe ka na lang. "aniya dito. " Pero-" " Salamat na lang sa pagtulong mo kahit ikaw ang nag pilit. Goodbye! " " Im hungry you know! "sigaw nito. Napapikit na lang si Al. Kahit naman siya nakakaramdam na din ng gutom. Alas dos na kasi ng hapon. 'kinonsensya pa ako ng kumag na to! ' " O, sige. Kakain muna tayo." ani Al. Patakbo naman itong lumapit sa kanya. Sa karenderya ni Aling Magda sila tumungo. " Hi, Pogi!" bati ni Mila. Nililigpit nito ang mga kinainan ng costumer. Ngumiti naman si LJ kaya lalo itong kinilig. Umismid na lang si Al. " Anung order niyo?" pacute na tanung ni Mila. Panay ang pa cute nito kay LJ. " Dalawang kanin. Ulam ko manok na adobo." ani Al. " Ikaw pogi? Anung order mo?"buong tamis ang ngiti nito. " Same with her." sagot ni LJ dahil hindi naman niya alam ang tawag sa mga ulam na nandun. 'mukhang nag eenjoy naman ang kumag na to! Babaero siguro to! 'ani Al sa sarili. " Al!" tawag ni Aling Magda habang palapit sa kanila. " Bakit ho, Aling Magda?" " Diyos ko! Alam mo ba yung mga tao ni Boy nang hihingi na ng lagay." " Oo nga ho. Kahit sa palengke nag anunsyo na din sila."ani Al. " Hay! mahirap na nga tayo, lalo pang pahihirapan ng mga batugan na yan."ani Aling Magda. " Bakit hindi niyo ho isumbong sa pulis?" sabat ni LJ. " Pulis?"ani Aling Magda na sinabayan ng tawa." Walang pulis na pumapansin sa amin. Alam mo ba kung bakit? Dahil kahit sila nakakatikim ng pera na kinukutong samin."ani Aling Magda. " Ang batas ginawa lang para sa mayayaman." ani Al. Mag tatanung sana ito pero sumabat na si Aling Magda. " Taga saan ba ang kaibigan mo? Mukhang... may kaya. "ani Aling Magda na sinipat pang mabuti si LJ. "Ahm.. dayo lang ho. Ahm.. dati ko yang kaklase nung highschool." Ng dumating ang pagkain nila ay iniwan na din sila nito. Walang imik naman silang kumain. Marahil dahil pareho silang gutom. Hindi kasi nila namalayan ang oras sa pag titinda. " You know what, I like the taste of food here." ani LJ ng matapos silang kumain. " Buti naman at hindi sumakit ang tiyan mo sa mumurahing pagkain dito." ani Al. Natawa naman ito sa sinabi niya." Oo nga eh!" " O, panu... kailangan ko na ring umuwe." ani Al. " Me, too. I need to take a bath."ani LJ na inamoy pa ang sarili. " Amoy tulingan ka na." " See you tomorrow. "ani LJ. Hindi na niya ito pinansin. " Sir! Buti naman at dumating na kayo." salubong ni Mang Oscar sa kanya. Kumunot naman ang noo niya. "Any problem?" " Tumawag ang mommy niyo. Hindi ka daw makontak sa phone mo. Wala ka naman daw sa opisina." ani Mang Oscar. " Anu pong sabi niyo? " " Aba'y malay ko ba kung nasan ka? Teka muna, san ka ba nagpunta? Bakit parang... ang lansa ng amoy mo?" sunod sunod nitong tanung na nakabuntot din sa kanya sa kwarto. " Nag tinda ng isda sa palengke." ani LJ. " Ano?!?" nanlaki naman ang mata ni Mamg Oscar ng marinig ang sinabi niya. " I help a friend. And you know what, I enjoy it. Kahit sugat sugat ang kamay ko." ani LJ na inilahad pa ang kamay. " Dios mio! Anu bang pumasok dyan sa isip mo! Hala, maligo ka ng bata ka."ani Mang Oscar. Tatawa tawa naman si LJ. Kahit noon pa kasundo niya si Mang Oscar. Para na ding ama ang turing niya dito. Kaya naman tuwang tuwa ito ng malaman na mag babakasyon siya. Pag katapos maligo ay kinuha niya ang laptop at nag video call sa mommy niya. " Where have you been?" agad na bungad nito. " Somewhere." maiksi niyang tugon. " Really? And where this 'somewhere'? " " Mom,. do i need to figure out to you?" nang aasar niyang tanung dito. " Louie Jay! Im telling you! Stop flirting ang hanging out with girls that you don't know." " Relax, mom! Im a good boy ang you don't need to be worry.,"ani LJ. " I received a phone call from our advertising company. Go there and fix the problem." utos nito. " Im on vacation, mom." tinatamad na wika niya. " So? You can fix the problem while you are on vacation." " Find." ani LJ. " And by the way, Sally is looking for you." " Bye, mom."ani LJ na pinindot na ang End call. Ayaw niyang makipag kulitan sa mommy niya. Inaantok na kasi siya, marahil dahil sa pagod. Hindi naman kasi siya sanay sa pinag gagagawa niya. Hindi niya akalain na mararanasan niyang mag tinda ng isda. Napangiti si LJ dahil naalala niya si Al. Katatapos lang maligo ni Al. Maiksi na short at sando lang ang suot niya. Kung may makakakita lang sa kanya sigurado matutulala sa ka sexy han niya.. Sarado naman ang bintana at pinto kaya komportable siya. " Ang inay?" tanung ni Al sa kapatid na si Marielle. " Natutulog na, Ate. Masama raw ang pakiramdam." ani Marielle. " Uminom na ba ng gamot?" " Oo, ate. Alam mo, ate, parang hindi naman bumubuti ng lagay ni Inay. " " Bakit naman?" " Tingin ko lang. Para namang hindi siya gumagaling. Kailangan siguro patingnan natin ulit." " Hayaan mo. Kapag nakabenta bukas ng maganda,dadalhin natin ulit si Inay sa doctor."ani Al. Pabagsak siyang humiga sa maliit na papag niya. Naramdaman niya ang sakit sa likod, nawala sa isip niya na manipis na nga pala ang kutson. 'Dear Papa God, salamat po sa araw araw na buhay. Pagalingin niyo na po si Inay. At sana po bigyan mo naman ako ng konting swerte. Amen.' piping dasal ni Al. Kahit naman hindi siya palasimba marunong naman siyang magdasal. Muntik ng maibuga ni Al ang iniinom na kape ng sumulpot sa harap niya si LJ. Naka itim na t shirt at khaki na short na hanggang tuhod at naka tsinelas lang ito. Pero ang kgwapohan parang nadagdagan. " May dala akong almusal." anunsyo nito na itinaas pa ang dalang paper bag. Sandwich ang dala nito. Ihinahagi naman niya ang iba sa ilan niyang kakilala. Share your blessing kumbaga. " Hindi ka pa talaga nadala sa naranasan mo kahapon." ani Al dito." Pero salamat sa dalang almusal." Ngumiti lang ito sa kanya. At ewan ba ni Al pero biglang bumilis ang t***k ng puso niya ng mag salubong ang paningin nila. " Naku! Andito na naman ang gwapings!" wika ni ka temyong. Napukaw siya ng sinabi ni ka temyong at napakurap dahil natulala na pala siya. " Isda! Bili na isda!" sigaw ni LJ. " Balato mo na ka temyong! kailangan kong kumita ng malaki."pabirong wika ni Al. Hinayaan na lang niya si LJ. Pang hatak costumer din ang ka gwapohan nito. Kahit panu malaking tulong ito para maubos ang paninda niya. Katatapos lang niyang mag linis ng isda ng dumating ang grupo ni Boy para mangolekta ng lagay. " Pare, matumal ang benta. Eto muna!" wika ng isang matadero. " Anu?! o, sa susunod ang kulang mo!" duro ng lalaking kalbo. " o-oo." Ang ilan labag man sa loob wala namang magawa dahil natatakot na masaktan. " o ikaw! Tutunganga ka na lang ba?!" maangas na tanung ng kinasusuklaman niyang pag mumukha. Humigpit ang hawak niya sa kutsilyo na pang linis ng isda. Agad namang kumuha ng dalawang daan sa bulsa si LJ at mabilis na iniabot dito. " Mag bibigay naman pala. Teka, hindi ba ikaw ang anak ni Anton? Kamukha mo ang ama mo."nakangisi nitong tanung." Tama yan! Maging mabait ka para hindi mo rin danasin ang nangyari sa ama mo. Pero balita ko ikaw ang pumalit na mamuno sa kalye kuwatro. " Lalong nag tiim ang bagang ni Al. Pinipigil lang niya ang galit dahil ayaw niyang may madamay pang iba. " Kung ako sayo ibigay mo na lang sakin ang pamumuno." " Pare,tara na. Baka may tumawag pa ng pulis."wika ng kasama nito. " Sa ibang araw na natin pag usapan."anito na ngingisi ngisi pa. Itinarak naman ni Al ang kutsilyo sa malaking kahoy na tadtaran. " Kalma lang, Al." ani ka temyong. Nag baba taas ang dibdib niya sa galit na nararamdaman. " Are you alright?" tanung ni LJ. " o-oo." kinalma niya ang sarili. " May araw din ang mga yan." Sunod sunod ang mamimili kaya nakalimutan niya ang nangyari. " Salamat ho!" ani Al. Nag hatid sila ng kita sa may ari ng isda na itininda niya. Hindi naman yun kalayuan sa palengke. " Eto ang parti mo." ani Al na iniabot kay LJ ang tatlong daan. " Keep it." sagot ni LJ. " Sira ka ba? Nag papakapagod ka tapos ayaw mong tanggapin to?" ani Al. " Marami akong pera,remember."ani LJ. " Oo nga pala. Barya lang to sayo." ani Al.Kahit panu may maitatabi siya para sa pampagamot ng inay niya. " Gusto mo bang kumain?" tanung na lang niya dito. Itinago na lang niya ang pera sa maliit na bag na nakasukbit sa leeg niya. Umiling ito."Samahan mo na lang ako." ani LJ. " Mamasyal?" agad niyang tanung. Sunod sunod namang tumango si LJ bilang sagot. Tatanggi ba siya? Total dahil naman dito kaya naubos ang paninda niya, wala naman sigurong masama kung pumayag siya. Kahit hindi niya alam kung bakit siya ang kinukulit nito. 'bahala na nga.' CHAPTER 6 Simpleng maong na pantalon na nabili ni Al sa ukay ukay at t-shirt na yellow na hindi kilalang brand ang isinuot ni Al. Bago na ito sa kanya kumpara sa lagi niyang suot. Nag lagay lang siya ng polbo at juicy cologne, ok na. " Marielle, ang gamot ni inay wag kalimutan." bilin niya sa kapatid. " Oo,ate." " Tara na!"aniya kay LJ." Nay, alis po muna ako." " Sige,anak. Paminsan minsan eh, mag relax ka naman." paos na wika ng inay niya. Mukhang tama nga si Marielle, hindi bumubuti ang lagay ng inay nila. Napansin niya ang pamumutla nito at lalong namamayat. " Alam mo ayaw sana kitang samaha. Pero pag bibigyan na lang kita." ani Al habang naglalakad sila palabas ng squatter. " What is your mother's illness?" " Sabi ng doctor sa baga daw." ani Al. Sa gasolinahan nakaparada ang puti nitong kotse na muntik bumangga sa kanya. Inabotan nito ng dalawang daan ang boy na si Carlo. " Al!" tawag nito sa kanya."Kakilala mo pala to si Sir." " Ah,oo. Kaklase ko dati." ani Al. Ng sumakay ito sa kotse ay sumakay na din siya. Ang bango ng loob ng sasakyan nito. Nahiya naman tuloy siya dahil bukod sa luma na ang sapatos niya madumi pa dahil nag lakad sila sa may putik. " Fasten your seatbelt." ani LJ. Buti na lang alam niya kung panu mag seatbelt. " Bakit ang bait mo sakin?" tanung ni Al dito. " It simply because you save my life." sagot nito. " Ganon?" "Yeah! Not everyone does that. So friends?"nakangiti nitong tanung. " Friends. Pero baka naman isipin mo dahil mayaman ka kaya nakipag kaibigan ako." ani Al. " Of course not!" Buti naman pala. Ayaw niya kasing isipin nito na dahil sa pera kaya tinanggap niya ang pakikipag kaibigan nito. Sa isang malaking gate na kusang bumukas ng bumusina si LJ sila pumasok. " Dito ka nakatira?" tanung ni Al. " Yeah! Sa lolo't lola ko to." ani LJ. Bumaba ito ng sasakyan at sumunod naman siya. Mangha niyang iginala ang paningin sa paligid. May iba't ibang halaman na namumulaklak. " Come in." ani LJ. Kung magandabang labas,lalo na ang loob. Ang linis at ang aliwalas. " Nakakahiyang ipasok ang sapatos ko." ani Al. " Its ok. Masipag mag linis si Manang Soleng."ani LJ. " Antayin mo lang ako dito. Mag sa-shower lang ako." " Ok sige." ani Al. Nag alis siya ng sumbrero at naupo sa sofa. Sa lambot ng sofa nagpa bounce bounce pa siya. 'ang sarap siguro ng buhay mayaman.' ani Al sa sarili. Iginala niya ang paningin. May mga malalaking picture at painting na nakasabit sa dingding. 'sila siguro ang lolo at lola niya.' " Sino ka?" Nagulat si Al sa biglang nagsalita. Nakita niya ang matandang lalaki na nakatayo sa may pinto at may hawak na itak. Napalunok si Al. "h-hi-hindi po ako akyat bahay." ani Al. " Nagulat ba kita? Pasensya ka na. Nag tatabas kasi ako ng d**o. Kasama ka ni Sir LJ?" " o-opo..na-naliligo lang po siya."ani Al. Kinabahan siya dahil sa gulat. " Ako si Oscar. Maupo ka muna at ikukuha kita ng meryenda."wika nito. " Wag na, Mang Oscar. Nag papasama ako sa kanya sa mall. Doon na lang kami mag me meryenda." ani LJ na pababa na ng hagdan habang isinusuot ang damit. Kitang kita ni Al ang mamasel nitong tiyan. Napalunok tuloy siya,lalo itong gumugwapo sa paningin niya. ' busog na ata ako.'piping usal niya. " Ay siya." ani Mang Oscar. " Siya nga po pala si Al." " Siya yung tumulong sayo,hane?"anito na sinipat pa siya. " Oho." sagot ni LJ. " Lets go." " Ba-bye po." dali dali naman siyamg sumunod dito. 'ang bango niya. Anu kayang sabon ang gamit nito.' sa loob loob ni Al. " Where do you want to eat?" tanung ni LJ. " Wag mo na akong tanungin kasi turo turo lang ang alam ko." ani Al. Lumaki na siya ng ganito pero hindi pa niya naranasan kumain sa mga mamahaling kainan. " Really? kahit sa jollibee or mcdo?" tanung ni LJ. " Oo. Manok lang naman kasi yan na nilagyan ng harina. May nabibili naman kami na ganun pero sa kanto lang." ani Al. " Sabagay." " Malinis din naman yun kasi niluto din sa mantika." ani Al. Hindi alam ni Al kung bakit natawa si LJ sa sinabi niya. Totoo naman kasi iyon. Pumasok sila sa mall. Kinakabahan si Al, ngayun lang siya makakapasok dito. 'mayayaman lang ata ang nandito.' sa loob loob ni Al. Mukhan mamahalin ang suot ng mga nakakasalubong nila. Parang hindi bagay ang tulad niya. " Louie Jay?!" Sabay silang napalingon ni LJ ng may tumawag sa pangalan nito. " Sandra?" alanganin itong ngumiti. " Im glad you still remember me." maarti nitong wika na humalik pa sa pisngi ni LJ. 'kiss agad?' ani Al. " Glad to see you here." ani LJ na tumingin sa kanya. " Oh! You have someone with you." anito. Sinipat pa siya nito mula ulo hanggang paa at pabalik. Kita niya na ngumiwi ito ng konti. 'anung mali?' tanung niya sa sarili. " Yeah! A special friend." ani LJ. Awtomatikong tumaas ang kilay nito." Really?" "Yeah! So we go first. It looks like you're leaving." ani LJ. " Yeah! I still have a photo shoot with your company. " wika nito na tumalikod na. Pero nakita niya ang pag irap nito sa kanya. 'ang arte! hindi naman kagandahan!' sa loob loob ni Al. Kung hindi lang niya kaharap si LJ sisipain niya to. Sa outlet ng Vivo na cellphone sila unang pumunta. Bibili ata ito ng cellphone. Habang namimili ito ay tumingin tingin naman siya sa nakadisplay. 'ang gaganda!' pero ng makita niya ang presyo parang gusto na lang niyang himatayin. 'twenty six thousand?' " Bibili ka rin, ma'am?" tanung ng babaeng lumapit sa kanya. " Ah, hindi! Sinamahan ko lang siya." sagot ni Al. " This phone worth thirty thousand, Sir." sagot ng babaeng kausap ni LJ. 'thirty thousand?!' mas mahal pa pala ang binili ni LJ. " If there is a problem, you can return it, Sir." "Ok." sagot ni LJ. Ibinigay lang nito ang credit card. Ng makalabas ng outlet hindi pa rin siya makapaniwala na ganun kamahal ang cellphone nito. Kaya naman pala may nawiwiling mang snatch ng cellphone. " Gusto mo ng jollibee?" tanung ni LJ sa kanya. Para siyang batang tinanung nito. " Libre mo?" balik niyang tanung dito. " Oo naman!" ani LJ. " Tara!" hatak niya dito. Mahihiya pa ba siya, eh libre naman nito. Napapailing na lang si LJ. Napaka simpleng tao ng kasama niya. Boyish itong kumilos pero alam niyang babae pa rin ito. " Anung gusto mo?" tanung ni LJ ng nasa harap na sila ng malaking screen kung saan nakalagay doon ang menu. " Anung masarap?" tanung ni Al, pero ang sumagi sa isip niya ay ang mamasel na tiyan ni LJ, kanina. Nag init ang pisngi niya. "Ikaw na ang mamili." " Ok." dali dali naman siyang tumalikod. Nakakahiya ang mga iniisip niya. Anu bang nangyayari sa kanya? Pinag nanasaan niya ba ito? 'althea! umayos ka nga!' saway niya sa sarili. " Ngayun, makakatikim ka na ng totoong fried chicken ng jollibee." ani LJ ng maupo sa tapat niya. " Nagutom ako bigla." ani Al. Sino ba naman ang hindi magugutom, amoy pa lang dito sa loob talagang gugutomin. Hindi naman nag tagal dumating na ang order nito. Fried chicken with rice, spaghetti, french fries, burger and coke float. " Bibitayin ba ako? Ang dami naman nito." ani Al. " Kaya mo yan." ani LJ. Nag sign of krus muna si Al. 'Thank you po, Papa God.' Nag simula na siyang kumain. Inuna niya ang spaghetti. " Hmmm... ang sarap!" para siyang bata na tuwang tuwa. " Ahm.. kapag ba hindi naubos pwedwng ibalot?" tanung niya. " Oo naman. Bakit?" " Hindi ko naman kasi kayang ubusin 'to, iuuwe ko na lang." ani Al. " Sige, bahala ka."ani LJ. Alam niyang iniisip nito ang inay at kapatid nito. " Sino nga pala yung babae kanina?" tanung ni Al bago kumagat ng hamburger. Curious lang naman siya. " Her name is Sandra. Company model namin siya." ani LJ. Napatango tango naman si Al. Kaya naman dahil model." She is also a daughter of a friend of my dad and mom." 'friend lang pala. Kung makairap akala ko jowa.'ani Al sa sarili. Pag katapos kumain ay dumighay pa si Al ng malakas kaya napatingin ang ilang kumakain. "Thanks God!" usal niya. " Sorry." kagat labing wika ni Al. Napahiya tuloy siya. Ganun kasi siya kapag dumighay, parang may speaker. Natawa naman si LJ sa ginawa niya. Hindi nga niya naubos ang inorder nito kaya ipinabalot na lang nila. " For them too." ani LJ ng dumating ang malaking paper bag ng jollibee. Napatingin naman siya dito. " Naku! Ang dami naman nito." ani Al. " Consider it my treat." ani LJ. " Salamat. Matutuwa sila nito." ani Al. Lumabas na sila ng fast food at nag lakad lakad. " Have you just entered the mall?" tanung ni LJ sa kanya. " Oo. Masyado bang obvious?" hindi kasi niya mapigilan na mamangha sa mga nakikita. Mga damit, teddy bear na nag lalakihan, mga manikin na may suot na mamahaling damit at sapatos. Napatingin si Al sa suot niyang sapatos at lumipat sa mga naka display na nike shoes. 'saka na lang ako bibili.' aniya sa sarili. Lalakad na sana siya pero hinila siya ni LJ sa loob ng shoes shop. " Good day, Sir. Choose what you want, Sir." nakangiting salubong ng babae sa kanila. " Pili ka ng gusto mo." baling nito sa kanya. " Huh? Ako? Naku! Wala." ani Al. " C'mon. Pilian mo nga siya. Yung babagay sa kanya."ani LJ sa babae. " Sige po, Sir. Halika, ma'am. Dito tayo za ladies shoes." " Pero... wala akong pambayad dito." ani Al. Halos ibulong niya pa iyon kay LJ. " Ako ng bahala." bulong nito sa tainga niya. Nagtayuan naman ang mga balahibo niya dahil sa ginawa nito. Para siyang kiniliti na hindi niya maintindihan. Ang daming magagandang sapatos na pag pipilian at nakakalula naman ang presyo. Kahit pa sinabi ni LJ na siya ang bahala, ayaw pa rin niya kaya ang pinakamura na lang ang kinuha niya. May dala naman siyang pera,isang libo lang at para sana yun sa pampagamot ng inay niya. Kaso kailangan na rin niyang palitan ang sapatos niya dahil nganganga na naman ang kabilang side. " Eto na lang." ani Al sa babae. " Ayaw mo nito, ma'am? Maganda to. Bagay sayo. "
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD