Chapter 1 to 4

5000 Words
  CHAPTER 1 Bagong umaga o mas tamang sabihin na maingay na umaga.Tinatamad na bumangon si Al sa maliit niyang papag na nasasapinan ng luma at manipis na kutson. "Anak,kain na."paos na yaya ng nanay niyang si Aling Luz. "Pumasok na ho ba si marielle?"ang tinutukoy niya ay ang nakababata niyang kapatid. "Oo.Hindi ka na ginising at puyat ka daw." Umextra kasi siya ng trabaho sa gasolinahan na malapit sa lugar nila.Biente kuwatro oras na bukas iyon at minsan pinapayagan siya ng may ari na umextra. Pabagsak siyang naupo sa harap ng maliit na mesa na gawa sa kahoy na sinapinan ng lumang mantel. Pritong itlog at tuyo,ginayat na kamatis at kanin ang nakahain. "Kumain na ho ba kayo?"tanung ni Al. "Oo,anak.Para sayo talaga yan."wika ng Nanay niya. "Ahu!ahu!ahu!." "Nay,ang gamot niyo wag kalimutang inumin."aniya. "Oo,anak."pero panay pa rin ang ubo nito. Nagkasakit ito dahil sa sobrang pagtatrabaho para buhayin silang magkapatid.Namatay ang tatay nila noong kinse anyos pa lang siya at limang taon pa lang ang bunso niyang kapatid. Kaya naman talagang kung anu anu na lang ang pinasok na trabaho ng inay niya para makatapos siya kahit highschool.Naglabandera ito,namasukan na dishwasher sa karenderya,namamalantsa at nagtitinda ng balot sa gabi.At dahil nga sa pagtatrabaho nagkasakit ito.kaya naman napilitan siyang huminto ng pag aaral.Nasa kolehiyo na sana siya pero mas naiintindihan niya ang kalagayan nila.Kailangan niyang mag trabaho para may maipambili sila ng pagkain at ng gamot nito.Kaya naman ang bunsong kapatid na lang niya ang pinag aaral niya. Siya na lamang ang inaasahan ng inay at kapatid niya kaya naman lahat ng legal na raket ay ginagawa niya. Matapos kumain ay naligo na siya.Pinagkasya niya ang isang balde ng tubig dahil kahit tubig dito ay binibili.Limang piso ang isang balde.Hindi rin siya nag papahaba ng buhok para tipid sa shampoo,gupit panlalaki para maiksi na maiksi. Sinipat niya ang sarili sa nanlalabo ng salamin sa kwarto niya.Over size tshirt na nabili niya sa ukay ukay,maong na pantalon na kupas na sa kalumaan at medyo malaki din sa kanya.Sapatos niya,ni rugby na lang para hindi tuluyang bumigay pero kapag nabasa pati paa niya basa din. "Nay,aalis na po ako."ani Al na lumabas ng maliit niyang kwarto. "Sige,anak.Mag iingat ka." Panay pa rin ang ubo nito.Tiningnan niya ang mga gamot nito. 'wala na palang laman.' Napabuntung hininga na lang si Al.Hindi ugali ng inay niya ang magdaing ng kung anung wala. At dahil sa squatter sila nakatira maliliit lang ang mga bahay.Buti nga ang bahay nila hindi nakadikit sa ibang bahay. "Al." "o,men!anung balita?" "Ayos lang!Raraket ka na ba?"tanung ni Ric,kababata niya ito. "Oo.Wala ng gamot si Inay." "Ganun ba,ikaw na muna ang mag barker ngayung araw."anito. "Pero panu ka?"tanung ni al. "Wag mo akong alalahanin tol!may mga pwede ako ma extrahan dyan." "Salamat, tol."aniya na tinapik ito sa balikat. "Al!"tawag ng iba pang kabataan na may hawak na libro. Ganito dito araw araw tuwing dumadaan siya.Siya ba naman maging anak ng kinatatakutang siga sa kalye kwatro.Ang tatay niya ay gangster at namatay ito sa riot. "O,sakay na!Miss,sakay na malapit ng umalis!"sigaw ni al."Lola!Tulungan ko na kayo." Umaga pa lang pawisan na siya pero hindi niya iniinda,kailangan niyang kumayod. "Hoy,Al!Nasan si Ric?"tanung ni Obet,taga kalye sais ito,ang pugad ng mga illegal. "Bakit?Anung problema?"maangas niyang tanung.Buti na lang namana niya ang tangkad niya sa tatay niya na five six. "May atraso sakin ang tuta mo."anito "Anak naman ng weteng o!Pwede wag niyo muna ako abalahin ngayun?Nagtatrabaho ako."aniya. "O,sige.Pero pagsabihan mo yang tuta mo." "Oo sige!Umalis na kayo sa harap ko at nakakatakot mga mukha niyo."ani Al."O,puno na!aalis na to!ung kasunod!" "Eto,Al." "Naku!ang dami naman nito.Kalahati lang,brad!"ani Al. "Sige na,kunin mo na.Alam ko bibili ka ng gamot ni Aling Luz."ani benjie,binata ito at halatang may gusto ito sa kanya. "Ganun ba..eh sige..di ko to tatanggihan..salamat."ani Al. "Walang anuman." Kaibigan lang ang turing niya dito at ayaw niya itong umasa. "o puno na din to!"ani al. "Al,maganda ang kita ngayun." "oo nga mang rico!" "o eto.idagdag mo na din sa pambili ng gamot ng inay mo." "Naku!maraming salamat ho." Sadyang tumatanaw ng utang na loob ang ilan sa mga kalugar nila dahil natulungan din naman ito ng tatay niya noon. Kahit gangster ang itay niya hindi ito naging sakit sa ulo ng mga tao.Tumutulong pa ito. NAGULAT si Al ng kamuntik na siyang mabangga ng puting kotse sa harapan niya. "Hoy!"pinalo niya ang hood."Ang lawak lawak ng kalsada hindi mo ako nakita?!" "Im sorry,are you hurt man?" "Buti-."natigilan bigla. si al at hindi naituloy ang sasabihin niya ng makita ang lalaking bumaba ng sasakyan.White shirt at itim na pantalon.Ala paul walker ang kagwapohan nito. "Hey!are you hurt?I'll bring you to the hospital." Saka lamang siya parang natauhan ng mag salita ito uli. "Ahm...hindi na.hindi naman ako nasaktan."ani Al. "Ok."anito at tumalikod na ito para sumakay ulit sa kotse pero nabangga ito ng dalawang teenager na babae."Careless." 'hindi man lang nagpilit?' sa loob loob ni Al. Hindi na lang niya ito pinansin,nilampasan na lang niya ito.Pero hindi pa man siya nakakalayo ay tinawag na siya nito. "Hey!Give me my wallet!"sigaw nito sa kanya. "huh!"nagulat naman siya ng mahigpit siya nitong hawakan sa braso."Anu ba?Bitawan mo nga ako!"piksi niya.Kinakapkapan siya nito at napadako ang kamay nito sa dibdib niya. "Bastos!"ubos lakas niya itong itinulak at sinuntok sa mukha.Dugo ang gilid ng labi nito. "Bullshit!"masama siya nitong tiningnan. "Baliw ka ba?!Bakit ko naman kukunin ang wallet mo?" "Don't give me that kind of excuse..modus niyo na yan di ba?"wika nito na masamang masama ang tingin sa kanya. Sandaling nag isip si Al sa mga nangyari at naalala niya ang dalawang teenager na bumangga dito. "anak ng-!Dito ka lang!wag kang aalis!"aniya. "Where did you go!?!" Pero hindi na nito napigilan si Al dahil nakalayo na ito. Mabilis siyang tumakbo at sumoot sa mga bangketa.Mabilis ang mata niya sa hinahanap. 'ayun!' "Hoy!"aniya sa dalawang teenager na babae na nasa sulok ng isang bakanteng pagitan ng dalawang tindahan.Pinag hahatian ng mga ito ang laman ng nakuhang wallet. "Al..."namutla ang mga ito ng makita siya. "Sabi ko na nga ba,eh!akin na!."at inilahad niya ang kamay. "Nagugutom na po kasi kami.." "oo nga po..wala pa po kaming kain." Napabuntung hininga na lang si Al dahil sa halip na magalit ay naaawa siya sa mga ito. "O,sige ibalik niyo na ang laman ng wallet.Di ba sabi ko masama ang kumuha ng gamit ng iba."aniya dito. Nalungkot ang dalawang bata. "O,eto..singkwenta.Mag pansit na lang kayo."aniya. "Salamat po." "Wag ng uulitin "ani Al. "Opo." Naiintindihan naman niya na nagugutom ang mga ito.Pero masama pa rin ang ginawa ng mga ito.Kahirapan ang problema sa lugar nila. Pag balik niya kung saan niya iniwan ang lalaking yun ay iba na ang nadatnan niya.Sinusuntok ito ni Boy sa sikmura.Napapalibutan din ito ng mga kasama nito. "Ibigay mo na kasi pare!Barya lang naman yun sa inyo eh."ani Obet. "I lost my wallet!"anito. "Hoy!"ani Al. "o,Al!Bakit?"nakangising tanung ni Boy ng humarap sa kanya.Malaking lalaki ito at talaga namang pumuputok ang masel nito sa katawan. Ang lalaki naman ay napaupo na marahil dahil sa sakit na nararamdaman. "Albor ko na yan!"ani Al. Tumawa ito ng malakas.May mga nagdaraang sasakyan pero wala man lang tumulong.Kahit ang mga tao sa paligid ay deadma lang.Mga takot kasi. "Alam mo namang hindi uso sakin ang albor!Teka,kaanu anu mo ba to?Jowa mo?"tawanan ang mga ito. "Huh!Anu bang gusto mo?"tanung niya dito.Alam niya ang likaw ng bituka nito. 'wag naman sanang yang kotse ang hilingin ng gago na to.'piping usal niya sa sarili. "Limang libo!"mabilis nitong wika. "Anak ng-!San naman ako kukuha ng limang libo?" "Bigatin itong inaalbor mo,eh!Tingnan mo naman ang tsedeng!". "o,sige!Tatlong libo!"aniya. "Pwede na!"sinenyasan nito ang tauhan na dalhin sa kanya ang lalaki.Kumuha naman siya ng pera sa bag na nasa harap niya. "O,eto!Mga mukhang pera kayo!"isinampal niya dito ang pera. "May pang alak at pulutan na tayo,boss." Kinuha naman niya ang kamay ng lalaki at pina akbay sa kanya.Ng maka alis ang grupo ni Boy saka lamang may lumapit sa kanila para tumulong. Ang bigat pa naman ng lalaking ito na mawawalan pa ata ng malay. "Hoy!Gising."tinapik niya ang pisngi ng lalaki. "Ouch!"daing nito. Napalakas ata ang tapik niya. "Alam mo kailangan mong madala sa ospital.Baka may nabali sa ribs mo."ani Al. "No need!who the hell is that man?!"galit nitong tanung. "Magpasalamat ka na lang na buhay ka pa.O,eto pala ang wallet mo."at iniabot niya dito. Binuklat nito ang laman. "Binawasan ko yan ng tatlong libo para matubos ka sa mga sira ulo na yun."ani Al na uminom ng tubig. "Really?" "Oo.alangan naman na ipantubos ko sayo ang pera ko?aba,wala akong pera noh!" "What kind of place is this?" "Bahala ka kung anu ang gusto mong itawag."ani Al. Tumayo ito at nag lakad papunta sa kotse nito. "Kaya mo ba?" "I can manage!"asik nito sa kanya. "Ok!wag ka ng babalik dito dahil baka sa susunod hindi ka na mabuhay!"ani Al. Sa halip na sumagot ito ay pabagsak nitong isinara ang pinto ng kotse. "Wow!wala man lang thank you!"aniya. Napapailing na lang si Al,may mga tao talaga na kahit tulungan hindi man lang marunong mag pasalamat. Pag katapos makabili ng gamot ng inay niya ay dumiretso na siya sa tambayan ng grupo.Ginawa lang nila iyon,para kapag mag papalipas ng oras ang mga kabataan ay may matatambayan. "Mga gago kayo!Nakita ko kayo kanina dun bakit hindi niyo man lang tinulung yung lalaki?"ani al ng maabutan sina ric na nag lalaro ng baraha. "Tol,si Boy yun!Alam mong walang sinasanto yun."ani Ric. "Naduwag na naman kayo."ani Al. "Hindi naman.Alam namin hindi ka maanu ng mga yun."ani Ric. "Kahit pa.Eh kung nag kagipitan?Pababayaan niyo na lang ako dun."ani Al. "Abay ibang usapan na kapag ganun."ani ronron. "mga palusot niyo.Hoy!kayo huh.wala akong malalaman na gumagamit kayo ng droga!"ani Al. "oo naman tol.tama na tong sigarilyo samin.Alak paminsan minsan lang."ani Ric. "Eto nga pala bigay ng sangguniang kabataan.Pag parti partihan niyo na lang."ani Al na inilapag ang dalawang libo. "Ako na ang mag paparti."ani Ric. "Ric,parting kapatid huh!" "Oo naman tol.Hindi naman maloloko ang mga kumag na to."ani ric. Nag kaingay ang mga ito kaya naman nag pasya na siyang umalis.Hindi lang basta tropa ang turing niya sa mga ito.Para na rin niya itong mga kapatid.Ang ilan kasi sa mga ito ay kababata niya,ang iba naman ay mga bata pa at nag aaral.Sa edad niyang bente syete kahit minsan hindi siya nangahas na mag karun ng karelasyon dito sa lugar nila.Ipina unawa niya sa mga ito na hindi sila talo talo. "Sabay na kami tol."si roman,hindi ito nag aaral at ang raket nito ay nag titinda ng sigarilyo at candy.Ilan nga sa mga tropa niya ay ni hindi nakapag tapos ng elementarya dahil sa hirap ng buhay.Mas ninais pa ng ilan na tumulong sa magulang,lalo na kung maraming mag kakapatid. "Alam mo ba kung anu ang atraso ni Ric kay Obet?"tanung niya kay Roman. "Hindi ko alam,tol.Napapansin ko nga nitong mga nakaraang araw madalas wala si Ric."ani Roman. "Ganun ba.Wala ba siyang nakukuwento?" "Wala tol.Bakit tol?May problema ba?" "Ah wala naman..may hihingin sana akong pabor." "Sige tol,anu ba yun?" "Manmanan mo ng patago ang kilos ni Ric.Tayo lang ang nakakaalam nito,wag mo ng sabihin sa iba." "Sige,tol!Ako ng bahala." "Salamat,tol."aniya na tinapik ito sa braso. "Nay!nay!"tawag ni Al ng pumasok sa bahay nila. "Ate!" "o,andito ka na pala.Buti naman at hindi na kita kailangang sunduin sa labasan."ani Al. "Maaga po kasing natapos ang klase ko." wika ni marielle. "Nasan ang inay?" "Bakit,nak?" "Bumili na ho ako ng gamot niyo." "Anak dapat iniipon mo na lang ang pera mo para makapag aral ka ulit."wika nito. "Nay,mas importante po ang gamot niyo.O,ihain mo na din itong pansit na binili ko bunso para makakain na si inay." Hinubad niya ang malaking tshirt na suot at nag sando na lamang. "Ate,balita namin may tinulungan ka daw kanina?"ani marielle. Ang balita talaga sa lugar nila minuto lang kalat na. "Ah oo."sagot ni Al habang binibilang ang mga barya na natira sa bag niya. "kaso kahit thank you wala man lang.Mukhang mayaman na masungit." "Baka naman ikaw ang mapahamak niyan,anak?"ani aling Luz. Nag iingat naman po ako,nay.Tsaka sigurado po ako na ginagabayan ako ni itay."ani Al. "Idol talaga kita,ate!Mabait,maganda,matulungin-" "oo na.O,eto ang pang load,alam ko naman na binobola mo lang ako."aniya. "At galante." "o,kumain na tayo.Basta lagi ko sinasabi sa inyo na lagi kayo mag iingat."ani aling luz. Kahit mahirap lang sila,ni hindi sumagi sa isip ni Al na magnakaw o magtrabaho ng illegal. Nasa legal siya lagi. Natutunan niya sa itay niya na kahit mahirap sila hindi dahilan yun para gumawa ng masama. CHAPTER 2 SAPO ang tiyan na bumaba si LJ ng kotse ng makarating sa lumang bahay ng mga lolo at lola niya.Lumang model na iyon,namana ito.ng daddy niya sa parents nito. "Sir,anu hong nangyari sa inyo?tanung ni Mang Oscar,caretaker nila ito dito sa bahay habang nasa amerika ang buong pamilya nila. "Somebody hit me."ani LJ. "Ho?San po ba kayo nakarating?Napa away ka po ba?"sunod sunod nitong tanung habang inaalalayan siya papasok. "Naligaw yata ako."nakangiwi niyang wika. "Sabi ko naman po sa inyo sasamahan ko na kayo.Marami pong tarantado dito sa maynila."ani mang oscar. "So many changes here that's why i got lost."ani LJ.Naalala niya ang babaeng tumulong sa kanya.Hindi niya sigurado kung babae ba talaga ito.Kung titingnan kasi ang suot at kilos nito para itong lalaki.Awtomatiko niyang hinawakan ang mukha na tinamaan ng suntok nito.At napangiti siya ng maiksi. "Nasikmuraan na nga ho kayo pero nagagawa niyo pang ngumiti."ani Mang Oscar. "Naalala ko lang yung tumulong sakin.Ahm..Mang Oscar,can you please don't tell mom what happened to me?You know mom very well."ani LJ. "Sige,sir.Pero kailangan kitang dalhin sa ospital." "No need,mang oscar I'm very much fine.Nabigla lang ako."ani LJ . "sigurado ka sir?" "oo naman.Bukas wala na to."ani LJ. Nag pasya na lang siyang umakyat sa kwarto niya. Nag self medication na lang siya.He hates going to the hospital.Napangiwi siya ng makita ang pasa sa gilid ng labi niya. 's**t!she easily hit me!' Buong buhay niya wala pang nakakasuntok sa kanyang babae.Sampal oo. Its been a year since his last vacation in their ancestral house.From the antique,paintings and the old design of the whole house are unaltered. His dad want to maintain the old design so that the memories of his ancestor will remain. Nakakamiss din ang lolo at lola niya pero nag pahinga na ang mga ito. Buti na lang nandito sina Mang Oscar at ang pamilya nito,kahit panu may kasama siya sa malaking bahay na to.Ayaw sana siyang payagan ng parents niya pero walang nagawa ang mga ito.At age of thirty two,he is a succesful businessman.And take note he mastered it in US.Although,may ilang business pa sila dito sa pinas. At dahil hindi na niya kabisado ang pasikot sikot dito naligaw siya. KINABUKASAN ay nagpasama siya kay Mang Oscar para balikan ang lugar na iyon. "Dito ho kayo napadpad,Sir?"gulat na tanung ni Mang Oscar.Tumango si LJ.Hinahanap niya ang taong iyon.Bakit kasi ni hindi niya man lang inalam ang pangalan nito. "Malapit ito sa squatter,at malamang na napagtripan ka." "Squatter?" "Oo,sir.Marami ang tarantado dito.Lahat na ata ng uri ng kriminal nandito."ani Mang Oscar. Napatango tango naman si LJ.Naagaw ang pansin niya sa may paradahan ng jeep. "O,sakay na!Dalawa na lang.Aalis na." "Dito ka lang Mang Oscar.Don't leave the car." "Aba'y san ang punta mo-?."pero nakalayo na ito. "Sasakay ka ba?"natigilan si al ng pag angat niya ng tingin ay ang gwapong ito ang makita niya. "Hi."pormal ang mukhang bati ni LJ. "O,anung ginagawa mo dito?Sasakay ka ba?" "Can we talk?" "Talk?Bakit?Anung kailangan mo?May kulang ba sa laman ng wallet mo?"sunod sunod na tanung ni Al."O,isa na lang aalis na!" "Pasakay." "Sige,sexy.O,paupuin ang sexy na yan para makalarga na."aniya."Salamat,parekoy." Nag punas muna ng pawis si Al bago hinarap ang kausap. "I just wanna say thank you for helping me yesterday."ani LJ. "Dudugo ang ilong ko dito."mahinang bulong ni Al."wala yun." "Tol!Ikaw nga muna dito.Kakausapin ko lang to."baling niya kay Ric. Niyaya niya ito sa karinderya na malapit. "Gusto mo ng softdrinks?"tanung niya dito."Mila,dalawang coke nga." "Jowa mo ba yan?"tanung ni Mila na inginuso ang kasama niya. "Yan yung tinulungan ko kahapon.Nag papasalamat lang." Ni hindi nga niya alam ang pangalan nito. Iniabot niya dito ang coke na nasa bote.Magkaharap sila sa pandalawahang mesa. "Im LJ,and you are?"inilahad nito ang kamay. "Al."pinunasan muna niya ang kamay bago nakipag shake hands dito. Nahiya naman kasi siya sa malinis nitong kamay at malambot. "Ayos ka lang ba?Mukha naman kasing hindi ka napuruhan kahapon." "Im fine.A little body pain and some bruise."anito. Napangiwi si Al ng makita ang pasa sa may gilid ng labi nito. 'napalakas ba ang suntok ko sa kanya?' "Ahm..sorry din kasi na..nasuntok kita."alanganin siyang napangiti. "Are you a lesbian?"tanung nito. Bigla niyang naalala ang pag kakahawak nito sa dibdib niya.Buti na lang sunog na ang balat niya kakabilad sa araw kaya hindi halata ang pamumula ng mukha niya. "Anu ba 'to?Contest?Talagang nag punta ka dito para interview-hin ako?" "Don't get me wrong..i just wanna say thank you for saving my life."ani LJ. "Nakapag pasalamat ka na kanina.Alam mo may trabaho pa ako,inaabala mo lang ako."aniya na tumayo na."O,bayaran mo yang coke,mas mapera ka sakin."at iniwan na niya ito. Napapangiti na lang si LJ ng makabalik s kotse. "O,mukhang masaya ka,sir."ani Mang Oscar. "Siya yung tinutukoy ko na tumulong sakin."ani LJ na itinuro si Al habang nag papasakay ng pasahero sa jeep. "Buti naman at kahit panu may mabubuting tao pa ang handang tumulong sa kapwa.." "She's different."ani LJ. CHAPTER 3 "O,andito ka na naman?!Mag papasalamat ka na naman ba?"tanung ni Al ng kinabukasan ay nasa harapan na naman niya ang lalaking ito. Nasa paradahan ulit siya ng jeep at nag babarker.Kakaalis lang ng jeep na napuno na ng pasahero at tanghaling tapat na. "Can i invite you for lunch?" "Ako?Bakit ako?"di makapaniwalang tanung ni Al. "Why not?"maging siya man ay hindi niya alam kung bakit nandito na naman siya sa lugar na ito.Planu sana niyang kumain sa labas pero wala naman siyang kasama kaya ito ang naisip niya. Tiningnan ito ni Al.Mukhang seryoso nga itong ilibre siya. 'baka kasama ito sa pag papasalamat niya.aba,hindi ko to tatanggihan.minsan lang makalibre.' "o-sige kung talagang mapilit ka.Libre mo huh."ani Al. "Yah." Nauna na siyang pumunta sa karinderya ni Aling magda.Nakasunod naman ito sa kanya. "Dito tayo kakain?"maang na tanung nito. "Nag tatagalog ka naman pala,english ka ng english.Dudugo na ilong ko sayo."ani Al."bakit hindi ka ba kumakain sa karenderya?sabagay rich ka." "in a restaurant,yes." "Pareho lang din yun.Pinasosyal lang ang tawag sa mayayaman."ani Al. Ang ilang kumakain ay napapatingin sa kanila.Kaya naman sa sulok na lamesa ang pinili niya.Siya na din ang umorder ng ulam syempre yung masasarap ang inorder niya. "Alam mo hindi ko alam kung anu ang kailangan mo sakin pero mag papasalamat na ako sa panlilibre mo."ani Al. "Gusto ko lang makabayad ng utang na loob for saving me.Ayaw ko kasi ng may utang."ani LJ. "Ganyan naman kayong mayayaman.Kapag kaming mahihirap ang tumulong iisipin niyo laging may kapalit." "Hindi ko naman nilalahat."anito. "Ikaw ang nag sabi."ani al.Nag umpisa na siyang kumain ng nasa harap na nila nag order niyang pag kain."Ayaw mo ba ng ulam?" "What is this?"takang tanung ni LJ sa ulam na nasa platito. "Hindi mo alam yan?Adobong Atay at balunan yan.Eto naman,menudo at tinolang manok.Wag kang mag alala,malinis at masarap ang pagkain dito. "ani al. Bagaman maganang kumain ang kasama tinikman muna niya ang mga nakahain sa harap nila.And he found that different taste.Hanggang sa mahawa na din siya sa maganang pagkain nito. "O diba!sabi ko sayo masarap ang pagkain dito."ani Al habang nag totoothpick. "Its taste different." "At mura pa.Sa mg mamahaling restaurant naku,minsan walang kalasa lasa ang pag kain."ani Al. "You right."ani LJ."Why you choose to moved in that way?I mean the way moved,the way you speak." "Alam mo,dito sa lugar namin hindi pwede ang lalambot lambot." "You mean you are not lesbian?" Tiningnan niya ito.'beauty contest ata to ah.' "Hindi noh!Ang ibig kong sabihin,babae pa rin ako." Tiningnan siya nito na para bang hindi naniniwala. 'bahala ka dyan.' "Panu kayo nakaka survive na ganito lang ang work mo?"amuse na tanung ni LJ. Nagkibit balikat lang si Al."Tama lang.Sakto lang para sa isang araw na panggastos ang kita.Kailangan kumayod araw araw para mabuhay.Kaya mahalaga samin ang bawat oras." Napatango tango na lang si LJ.She's different from other woman that he meet. "Tol!"humahangos na dumating sa harap nila si Ronron. "O!bakit para kang hinahabol ng sampung kabayo?"tanung ni Al na inabotan ito ng tubig. "Tol!Lasing na naman si Tacio.Binubugbog si Aling Ziony,pati nga si Ambet."hingal na wika nito. "Anak naman ng tokwa!wala bang umawat?" "Wala,tol.May itak si Tacio." "Sakit talaga sa ulo ang Tacio na yan."ani Al na padabog na tumayo. "Can I go?" "Sigurado ka gusto mong sumama?"takang tanung ni Al. Dali dali nitong binayaran ang kinain nila. Hindi niya alam kung anung meron at gusto nitong sumama sa loob ng squatter.Nagsawa na ba ito sa buhay mayaman? 'bahala ka nga.' Sumunod nga ito sa kanila.Kahit sumusuot sila sa mga bangketa at eskinita wala itong reklamo.Nakaka amoy man ito ng mabaho galing sa kanal sige pa din ito. Sa shortcut na lang sila dumaan para makarating agad.Naabotan nga nilang palahaw ng iyak ang mag ina.Nasa labas na ito ng kanilang bahay.Si Ambet ay nakadapa na sa lupa at sinisipa ni Tacio.Habang hawak naman sa buhok si Aling Ziony at ang isang kamay ay may hawak na itak. May kalakihan ang katawan nito at nangunguna ang tiyan nito dahil sa kakainum. "O,anung tinitingin tingin niyo?!"nanlalaki ang matang sita ni Tacio sa ilang naki usyuso. "Tacio!Tigilan mo na yan.Hindi ka ba naaawa sa mag ina mo?"sigaw ni Al. "Bakit ako maaawa eh mga wala namang kwenta to!At wag kang makialam,pamilya ko to."sigaw nito. "Walang hiya talaga ang Tacio na to."aniya."Hawakan mo nga to."at ibinigay kay LJ ang maliit niyang bag na puro barya lang naman ang laman. "Mag iingat ka tol."ani Ronron. Lumapit siya. "Wala talaga akong paki alam dahil pamilya mo yan pero nasa teritoryo kita.At alam mong ayaw ko ng gulo."ani Al. "Wala akong paki!Hindi ako natatakot sayo!"anito. "Hindi ko naman sinabing matakot ka. Alam mo pamilya mo lang ang kaya mong saktan.Napaka duwag mong tao."ani Al. Dahil sa sinabi niya lalo lang itong nagalit.Itinulak nito si Aling Ziony at napasadsad sa lupa. Sinugod siya nito habang iwinawasiwas ang dalang itak.Ilag sa kanan,ilag sa kaliwa para hindi siya mataga.Ng makalapit ay malakas na sinikmuraan niya ito. "Ah!." Hinawakan niya ang pulso nitong may hawak na itak,pinisil ng mariin dahilan upang mabitawan ang hawak na itak.Pinilipit ang braso papunta sa likod. "aaahhhh!!." Napaluhod ito ng sipain niya ang tuhod nito. "AaahhH!Ang braso ko!" "Tarantado ka!Ayaw mo magpa awat kanina!"galit na wika ni Al.Sinikwat niya pa ito sa tagiliran. "Al,tama na."awat ni Ka doming,isa sa peace officer nila.Pero kadalasan siya ang tinatawag nito lalo kapag ganito ang eksena. "Hoy,Tacio!Eto ang huling beses na makikita ko na pinag bubuhatan mo ng kamay si Aling Ziony at si Ambet.Kapag naulit pa to,ako na mismo ang puputol ng kamay mo."ani Al na tinapakan ang kamay nito. "O-oo,a-al!Pa-pangako!"hintakot na wika nito. "Gisahin niyo ng mabuti yan,ka doming."aniya. Napalunok naman si LJ ng makita ang ginawa ni Al sa malaking mama.Pinag pawisan tuloy siya. 'nakakatakot naman pala ang babaeng to.'sa loob loob ni LJ. "Pasensya ka na.Magulo talaga dito samin paminsan minsan."ani Al. Alanganin siyang ngumiti.Mas barako pa yata sa kanya ang isang to. "Araw araw ba ganito dito?"tanung niya. "Hindi naman.O,tulungan niyo sila,nakatunganga pa kayo!"sita ni Al.Nandilat tuloy ang mata niyang medyo singkit.Mga nakatingin lang ang mga ito sa kanila.Lalo na sa kasama niya. "Oi,Al!Ang pogi naman niyang kasama mo.Pakilala mo naman ako."ani Lani,sa bar ito nag tatrabaho bilang waitress kaya naman sanay itong mag bihis ng halos kita na ang buong katawan.At halos kasing edad lang niya ito. "Lani,ayusin mo nga yang sarili mo.Wala ka sa bar!Baka gusto mong buhusan kita ng kumukulong tubig."aniya. "Eto naman!Para nag tatanung lang."anito na kinuha ang katabing tuwalya at ibinalot sa katawan. "Kakilala ko lang yan.."ani Al. "kakandidato ba yan?"dagdag pa nitong tanung. "Hindi.Basta kakilala ko lang."ani Al.Hinila na niya paalis si LJ dahil pinag titinginan na ito ng mga tao. "Bakit parang takot ang mga tao sayo?"takang tanung ni LJ. "Ha?Wala!Hayaan mo na lang.Tara!"aniya. "Nag aral ka ba ng martial arts?"tanung ni LJ. "Oo.Tinuruan ako ng tatay ko.Para pang depensa lang."ani Al. "Ate Al!"tawag ng batang si monic na may dalang papel at ipinakita sa kanya."Eto po ang grades ko!"excited nitong wika. "Talaga?Patingin nga ako."nakangiting wika ni Al."Wow!ang tataas ah!ang galing naman."aniya. "Kanina pa yan nag aantay sa pagdaan mo.Papakita niya raw sayo."wika ng lola ng bata na si Aling Claring. "Thank you po sa araw araw na baon.Pagbubutihin ko pa po ang pag aaral." Napangiti naman si Al.Nakakatuwa kapag may mga batang pag aaral ang iniisip. "Tara tuloy ka.Maliit lang ang bahay namin."nahihiyang wika ni Al. Tumango na lang si LJ.Iginala niya ang paningin sa kabuuan ng maliit na sala na pawang mga lumang kasangkapan ang nandun.Yung electric fan na may tali ng alambre sa ulo.Tv na luma pa ang model.Ang upuan na gawa sa kahoy na halos mabura na ang varnish sa kalumaan. "Upo ka muna."ani Al. Pero naputol ang paa ng silya ng maupo ito. "Dito ka na lang maupo.Luma na kasi yan."napapakamot sa ulo na wika ni Al. 'ngayun ka pa talaga bumigay na silya ka.' "Ate,sino siya?"tanung ni Marielle. "Ha?Kaibigan ko.Si-si LJ."ani Al."Kapatid ko si Marielle." "Hello po."bati ng kapatid niya. "May bisita ka pala,anak." "Ang nanay ko..'nay si LJ po.Kaibigan ko."pakilala niya. "Magandang araw po."bati ni LJ na tumayo at bahagya pang nag bow. "Ang poge naman ng kasama mo,ate."hagikhik ni marielle. "Oy!magtigil ka nga!Bumili ka na lang ng yelo at tang sa tindahan."ani Al dito. Dali dali naman itong sumunod sa inuutos niya. "How could you live here?"tanung ni LJ habang iginagala ang paningin. "Pareho lang naman kung panu kayo nabubuhay.Mas maayos lang ang buhay mo."ani AL na binuksan ang lumang electric fan.May kaunting tunog iyon dahil nga luma na. "Wala ba kayong ibang place na you know,the place better than here." "Alam mo, mag kaiba tayo ng estado s buhay.Mayaman ka,marami kang pera,kaya mong magpagawa kahit palasyo.Kami,may ganito lang kami swerte na namin."aniya. "Sorry ."tanging nasambit nito. Pasimpleng tinitigan ni Al ang mukha ng kaharap. 'hmmm...ang gwapo niya.Iba talaga kapag mayaman.Kutis porselana.'sa loob loob ni AL. "Wala yun.Tanggap naman namin na mahirap kami."ani Al. "Kuya mag juice ka po muna."wika ni Marielle. "Tank you."nakangiting wika ji LJ. "Ahhmmm...pwede Po mag papicture?" "oo naman."mabilis na sagot ni LJ. "Marielle!"nandidilat ang mata na saway ni Al sa kapatid. "Isa lang naman "anito. Wala siyang nagawa ng mag picture ang mga ito ng mag katabi.Lumang model ang gamit na cellphone ng kapatid niya.Kailangan kasi nito sa mga research kaya kahit second hand bumili sila para hindi ito mahirapan sa pag aaral. "Thank you po."ani marielle at bumalik na sa kwarto. "Pasensys ka na sa kapatid ko.O,mag juice ka muna." "Its ok.Buti nga may kapatid ka."anito. "Bakit ikaw ba wala?" "Ganun na nga."sagot ni LJ. "Ang tipid naman ng parents mo.Kahit naman ilang anak dahil mayaman kayo pwedeng pwede." Nag kibit balikat na lang si LJ.Bakit nga ba hindi niya natanung sa daddy at mommy niya kung bakit hindi na ulit ito nag anak. "Alam mo ihahatid na kita sa labasan.Hindi bagay sayo ang pumupunta sa ganitong lugar.Baka mag kasakig ka pa."ani AL. Nakasunod lang si LJ kay Al.Palingon lingon siya sa paligid.Dikit dikit ang mga bahay na hindi niy alam kung saan gawa.Tanging ang daan lang ang space kaya yung iba sa harap nag lalaba.May matatandang nag uumpukan,ang ilang bata nag lalaro ng kung anu anu lang. "Al,"tawag ng ninong kanor niya. "Nong!ang aga ng tagay niyo ah."ani al na lumapit sa mga ito at nag mano dito. "Konting kasiyahan lang.Nalaman ko ang ginawa ni Tacio.Tarantado talaga yun." "Oo nga ho.Ayun pinapagisa ko kina Ka domeng.Kaya ho ang alak sa tiyan at hindi ho sa utak."biro ni Al. "Ay oo naman.O,mukhang may kasama ka ah."baling nito kay LJ na nakamasid lang. "Hello po." "Ah,oho!kakilala ko lang ho.Ihahatid ko na nga.Mauna na kami,nong."ani Al. "O,hijo,isang tagay lang.Pampa relax lang."wika ng ninong niya na lumapit pa kay LJ. Napatingin naman si LJ kay Al. 'patay!umiinom naman ata siya ng gin.' sa loob loob ni Al. Walang nagawa si LJ ng iabot sa kanya ang maliit na baso na may laman na alak.Iba ang amoy ng alak. Nasira ang mukha niya ng malasahan ang pait at medyo maanghang na inumin. "O,tubig."anang ninong niya. Matapos mag paalam ay umalis na sila. Hindi napigilan ni LJ na masuka ng makalabas sila sa squatter. "Ayos ka lang ba?" "Yeah!Hindi lang ako sanay sa alak na iniinum nila." "Wala naman kasing gin sa inyo."ani Al. Pinag pawisan si LJ sa ininum. Binigyan naman niya ito ng candy para mawala ang lasa ng gin. "I have to go." "Sige." "Can I invite you tomorrow?"anito. "Ha?Ako?" "Yeah!Mamasyal kasama ko." "Iba na lang isama mo Marami akong raket bukas."aniya. "Anung raket?" "Trabaho.Kaya umuwe ka na at iba na lang ang yayain mo."ani Al na tumalikod na dito at nag simula ng maglakad papasok ulit sa eskinita. CHAPTER 4 HAMPAS dito,hampas doon ang inabot no Al ng ikwento niya kay Meng ang mga ganap ngayung araw.Nasa bubungan sila at nag papalipas ng oras.Pagabi na at tuwing pupunta ito sa bahay nila sa bubungan ang tambayan nila. "Aray ko naman Kailangan talaga may hampas pa."naka ngusong wika ni Al. "Kinikilig kasi ako." "Bakit ka naman kikiligin,wala namang nakakakilig sa kwento ko."ani Al habang kumakain ng krupik na dala nito. "Ngayun lang kasi may nag yaya sayong mamasyal!At ang pogi pa!"anito.Panu ba naman kasi ipinakita ni marielle ang picture na kasama si LJ. "Kailangan lang nun ng alalay."ani Al. "O,sasama ka ba bukas?" "Hindi noh!Mas mahalaga pa rin ang kumita ng pera kesa magliwaliw."ani Al. "Paminsan minsan lang naman." "Kahit na.Alam ko namang isang kahig isang tuka tayo." "Pwede bang ako na lang ang mag proxy?Sayang naman kasi." "Sige.Ng makurot ka ni Aling Carmen kapag wala ka bukas sa palengke."aniya. Nag tatrabaho kasi ito sa palengke.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD