Twin Souls

827 Words
Maagang bumangon si Celine para first day ng klase nila. High waisted black jeans at white top ang napili niyang suotin. Pinasadahan niya muna ng tingin ang sarili sa salamin. Napangiti naman siya. Naiisip niya tuloy na siguro mas masaya kung kasama niya ang kakambal. Yung tipong magteterno sila ng damit. Naluluha tuloy siya kaya umalis na siya para pumasok. Bago pumasok sa campus naisipan niya munang pumunta sa coffee shop na nasa tapat lang ng university. Umorder siya ng brewed coffee at croissant. Tinake out na lang niya ang order pwede naman siya sa kotse kumain. As soon as she stepped outside her eyes lingered from a distance. Mula sa kinatatayuan ay kitang kita niya ito sa pedistrian lane. She's also looking at her and it feels as if time had stopped and everything slowed down. She can almost hear her own heartbeat. Her feet started to move forward at ganun din ang ginawa nito pero di na ito masyado lumapit dahil inantay na lang nito na makatawid siya. She couldn't believe her eyes. Is she dreaming? Her twin sister is alive? Ramdam na ramdam niya na ito ang kakambal niya na matagal na niyang alam na patay na. ****************************************** Iris POV Planado na ni Iris ang lahat. Alam niyang makikita niya si Celine sa unang araw ng klase nila sa university. Maaga siyang pumasok para abangan si Celine. Ayaw na niyang patagalin pa ang pagkikita nila. Inaabangan niya na ang kotse ni Celine at sisiguraduhin niyang magtatagumpay ang plano niya. Habang naghihintay nakita niya ang pamilyar na sasakyan na nagpark sa coffee shop sa tapat ng university. Nakita niya ang paglabas doon ni Celine. Kaya agad siyang naglakad para puntahan ito. Hinintay niya na lang na lumabas ito ng coffee shop mula sa pedistrian lane na kinatatayuan niya. Sakto naman na lumabas ito ay napatingin ito sa direksyon niya. Di niya inaasahan na makakaramdam siya ng kaba. Parang tumigil ang mundo niya. Kamukhang kamukha nga niya si Celine. At ramdam din niya ang pagkabigla nito. Tila namagneto sila sa isa't-isa. Nag umpisa siyang humakbang para mapabilis sana ang pagtatagpo nila. Pero ang bigat ng mga paa niya kaya ilang hakbang lamang ang nagawa niya. Ang bilis ng t***k ng puso niya. Naroon ang pagkasabik. Una dahil nakita niya na ang kakambal at syempre ikalawa ay ang nalalapit na katuparan ng mga pangarap niya. Nakalapit na ito sa kanya. Tinititigan ang isa't-isa. Halo-halong emosyon. Kita niya ang mga luhang nagbabadyang pumatak sa mga mata ni Celine. May halong lungkot, saya, at maging pagtataka roon. Siya ang unang nagsalita. 'Ce-celine?? Ikaw si Celine di ba??' Tumango ito. 'Ako si Iris matagal na kitang hinahanap kambal ko' Niyakap niya si Celine na ikinabigla naman nito. Hanggang sa unti-unting humikbi at tuluyang umiyak si Celine. 'Iris?? Iris? A-a-akala ko p-patay kana. Ang s-sabe sa ampunan kasama ka sa nasawi nang ma-masunog ang bahay ng umampon sayo.' Pautal utal na sambit nito habang magkayakap sila at umiiyak ito. Kaya pala hindi na siya hinanap nito. Akala ng mga ito ay namatay siya kasama ang mga umampon sa kanya. Nakaramdam siya ng kakaibang galit sa puso. Lalo na at sumagi sa isipan ang Nanay Sol niya. Bumitaw siya sa pagkakayakap kay Celine. 'Celine! Hindi ako patay! Ang tagal kitang hinanap kung saan saan! Hinihintay kita! Akala ko ay hinahanap mo din ako! Ayun pala ay tinuring mo na akong matagal ng patay!? Celine. Hindi ko alam kung matutuwa akong nakita na kita o magagalit dahil matagal na pala akong patay para sa inyo!' Tinalikuran niya ito. Hinawakan naman siya ni Celine sa braso para pigilan siya. 'Iris sorry kung inakala namin na patay ka na. Sorry kung di ka na namin hinanap kase akala namin ay patay ka na. Ayon din doon sa ampunan wala ng narecover sa mga labi niyo. Pero kung alam ko lang na buhay ka hahanapin kita agad.' Niyakap siya ni Celine sa likod. 'Iris pangako di kita kinalimutan sa loob ng mga nakalipas na taon. Kada kaarawan natin ay pinagdadasal kita. Ngayon andito ka na babawi ako sayo.' Lihim na napangiti si Iris sa tinuran ni Celine. Mukhang magandang ideya nga na nagtatampo at nasasaktan siya para ito na mismo ang magkusa na lumapit sa kanya. 'Ta-talaga?' Tanong niya kay Celine. 'Oo Iris. Babawi ako sa mga taon na hindi kita nakasama.' Agad naman siyang kumalas sa pagkakayakap nito. Hinarap niya ito at nginitian. 'Pero Celine naniniwala ka ba talaga na ako ang kakambal mo? Biglaan ang mga pangyayari. Kamukhang kamukha nga kita pero nagtitiwala ka agad sa akin?' Ngumiti si Celine. 'Oo Iris. Kahit ngayon lang tayo nagkita damang dama ko ang koneksyon nating dalawa. Alam ko sa puso ko ikaw ang kakambal ko. Sorry kung inakala namin na wala ka na.' Tumango siya dito. Naiisip niya ngayon ang Nanay Sol niya. Nagagalit siya dahil inakala tuloy ng kapatid niya ay kasama siyang namatay sa sunog. Hindi niya mapapalampas ang ginawa ng Nanay Sol niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD