Nakapag enroll na si Celine sa university na pangarap niya. Magkokolehiyo na siya at related sa business ang napili niyang kurso. Katulad ng nga magulang niya ay gusto din niyang magtayo ng sariling business.
Matapos makuha ang mga schedule ay naisipan muna ni Celine na dumaan sa isang coffee shop. Pagkabukas niya ng pinto ay sakto namang nabangga siya ng isang babaeng tumatakbo.
Nabitawan niya tuloy ang dala niyang gamit at nagkalat iyon. Ni hindi man lang nag atubili iyong nakabangga sa kanya na tulungan siya o mag sorry man lang. Hinayaan niya na lang iyon at umalis na matapos makuha ang mga gamit.
******************************************
Iris POV
Nagmamadali si Iris. Napaka bagal kase ng nasakyan niyang jeep. Kailangan niyang makaabot sa registrar ng papasukang university. Malapit na kase ang lunch break at ayaw niya na maghintay ng matagal dahil may pupuntahan pa sila ni Anthony.
Schedule at ibang reminders lang naman ang kukuhain niya. Mabuti na lang nga at nakapasa siya sa entrance exam ng university na iyon kaya natanggap siya bilang scholar.
Lakad takbo na ang ginawa niya. Malapit na naman siya kaya binilisan niya pa at sa kamamadali niya nabangga pa niya ang babaeng lumabas mula sa pinto.
Wala naman na siya pakialam doon ang kailangan niya makaabot sa registrar.
Hinihingal pa siya ng makalapit na siya sa counter.
'May nakalimutan o naiwan ka ba?'
Takang tanong ng taga registrar.
Napakunot noo naman siya.
'Ah, wala naman po actually kukuhain ko po yung schedule ko po.'
Natawa naman ang babae sa harap niya.
'Hija, nakuha mo na kani-kanina lang ang schedule mo ah? Kaya nga akala ko may naiwan o nakalimutan ka.'
Nagtataka naman si Iris. Kadarating lamang niya.
'Po? Sorry po ah. Pero kadarating ko lang po talaga.'
Saglit na tumipa sa computer ang nasa counter para tignan ang activity log niya kanina lang.
'Di ba ikaw si Celine? Celine Natividad?'
Umiling siya at kinuha sa bag ang kanyang school id.
'Iris Salvador po ang pangalan ko. Hindi po ako si Celine.'
Nagulat naman ang babae. Tinitigan siya nito pati ang profile ng student na kanina lang ay kumuha din ng schedule dito.
'Oh! Sorry Iris ah. Kamukhang kamukha mo kase si Celine, yung kanina lang na kumuha ng schedule. Kaya akala ko ikaw siya. Heto tignan mo, sa business ad siya naka enroll.'
Ipinakita naman nito sa kanya ang profile ni Celine. Maski siya ay nagulat. Di maipagkakaila ang kanilang mga mukha ay magkatulad talaga.
Hindi kaya???
Hindi kaya ito ang kakambal niya?
Ibig sabihin ay malaki ang posibilidad na magkita sila ulit.
Agad naman niyang kinuha ang schedule maging ang pangalan ni Celine at kung saan ang classroom nito. Mabuti nga at ibinigay iyon ng taga registrar sa kanya.
Nagmamadali ulit siyang lumabas. Maaaring nandito pa ang Celine na iyon. Sana maabutan niya ito.
Nagpalinga linga siya paligid habang naglalakad sa campus. Hinihiling na sana ay di pa ito nakalalayo.
Gusto niya itong makilala at syempre alam niyang magbabago ang takbo ng buhay niya pag nakilala niya ito.
Nakalabas na siya ng campus ng mula sa isang coffee shop ay may nakakuha ng atensyon niya.
Bahagya pa siyang naestatwa. Kitang kita niya ang kambal niya. Kamukhang kamukha niya nga ito.
Hanggang sa marealize niya na paalis na ito dahil sasakay na ito sa kotse.
Tatakbuhin niya sana kaso di na siya umabot dahil nag red light na ang stop light. Naiinis na tinanaw niya ang paglayo ng kotse sakay si Celine.
Napabuntong hininga na lang siya. Sa susunod na lang marami pa namang pagkakataon para magkita sila. Di niya iyon palalampasin.
Maghintay ka Celine. Makukuha ko din ang lahat ng sa iyo.