ANDREW POV Bakit ganun? Kahit na ninakawan pa rin ako ng babaeng, ito, hindi ko pa rin talaga kayang magalit sa kanya? 100 thousand plus ang ninakaw niya sa akin. Kung tutuusin ay pwede ko siyang ipakulong sa ginawa niyang ito. Kaya lang ay inuusig ako ng konsensya ko. And the fact na nandito siya sa school na puro lang lalaki, mas lalong nagiging mahiwaga ang pagkatao niya sa akin. Subalit kailangan ko lamang siyang takutin upang mapilitan siyang mag salita. Titig na titig siya sa akin at halatang halata ko naman ang kaba sa kanyang mukha. "Ano ha? Mag tititigan na lang ba tayong dalawa?" tanong kong muli. Lumapit pa ako ng lumapit sa kanya hanggang sa dumikit na siya sa dingding. Right now, kaunti na lamang ang pagitan naming dalawa. Naka ngisi ako sa kanya, kahit na mag bihis lal

