JUSTINE POV Nag punta kaming dalawa sa canteen at parehas kaming kumain ng spaghetti. Di ko gusto ang lasa nito kasi di naman siya sweet. Pero mura lang naman din at pang masa ang presyo kaya pampatawid na rin ito ng gutom. Sa tatlong klase na pinasukan ko, I am so glad na hindi ko na nakita pa si Andrew. Grabe ang saya saya ko, sana ay mag patuloy lamang na ganito ang sitwasyon kasi di ko talaga alam kung ano ang gagawin ko kung sakaling magkita kaming dalawa. Sure akong nag uumapaw ang galit niya sa akin sa laki ng perang kinuha ko sa kanyang wallet habang natutulog siya. Pero kailangan kong mag isip kung ano ang gagawin ko kung saka sakaling magkita kaming dalawa. Hindi ko naman siya pwedeng gawing isang tanga at sabihin ko sa kanya na di ako ang kumuha ng pera niya kung masyado n

