JUSTIN POV "Ha? Ano bang pinag sasabi mo jan? Siyempre lalaki ako no? Gusto mo bang sapakin ko pa ang mukha mo?" pag babanta ko pa sa kanya, nilaliman ko pa nga ang boses para masindak siya sa akin. "Ay sorry na..." biglaan niyang pag bawi, nakita ko ang takot sa kanyang mukha, "Nagjo joke lang naman ako eh. Siya nga pala, lumapit ako sayo kasi gusto kong makipag kaibigan. Trust me, di ko na 'to uulitin pa." Mabuti naman at nasindak siya sa akin. Mas matangkad siya at mas malaki ang katawan niya kumpara sa akin pero the fact na kaya ko siyang sindakin, ibig sabihin ay talagang effective ang pag papanggap kong ito. "Sige! Basta wag mo rin akong sasabihan na bakla ha? Kasi yung huling nagsabi sa akin nun ay binugbog ko talaga, nagkakaintindihan ba tayo pare?" "Sorry na, pramis ko sayo

