JUSTINE POV Sa lahat ng mga students, kami ang huling pumasok sa aming building. At si Andrew naman, naka tingin sa bawat students na pumapasok sa building. Halos nanginginig ang buong katawan ko sa kaba. Kapag namukhaan niya ako, tiyak akong ibubuking niya ako sa lahat at wala nang hustisya para sa nanay ko. Teka lang, paano na ako nito? Alam ko na, mabuti na lamang ay mayroon akong dalang face mask na tinakip ko sa aking mukha upang di niya ako makilala. Ngayon, tingnan natin kung gaano katalas ang mga mata ng lalaking ito kapag naka face mask na ako? Ilang sandali pa ang lumipas, ako na ang sumaludo sa kanya. Dedma lang siya sa akin ng may seryosong tingin. Nang makalampas ako sa harapan niya, grabe ang sayang nararamdaman ko. Buti na lang at mukhang hindi niya ako nakilala nang

