Suicideking Sa paglipas ng ilang araw, matapos ang makulay na pahina ng aking buhay, matapos kong matikman na parang nirasyunan ko ng aking katas ang bawat babae sa aking buhay, may mga matamlay din namang pagkakataon. Tao din lang ako at hindi imortal na kayang gawin ang lahat. Nahimpil ako sa aming condo ng ilang araw upang magpagaling. Dahil na rin siguro sa pabagu-bagong yugto ng panahon sa ating bansa, sa umaga ay maayos, sa tanghali ay mainit, at sa gabi naman ay maulan. Hindi ko na din isinantabi ang pagod ko sa trabaho, at maging sa mga babae. Sa halos tatlong araw kong pamamalagi sa aming condo upang magpahinga ay hindi naging madali. Ang aking asawa kasi ay hindi makapag-leave para ako ay bantayan at alagaan niya dahil nirereserba niya ang araw para sa aming bakasyon sa Tagaytay

