Suicideking Pagkasarado ko ng aming pintuan ay ilang saglit akong nakatayo at napaisip, ano kaya ang ibig-sabihin ng mga tingin ni Vanessa kanina. Hindi naman nagtagal at muling kumatok sa aming pinto ang dalagang si Vanessa. Nabigla ako sa aking nakita, ang dalagang tahimik at mapag-pakumbaba ay eto na naman at tila nagmamadali pa. "Shhh..." ito ang tanging tunog na lumabas sa bibig ni Vanessa. Kasabay nito ay ang pagtakip niya sa aking bibig na parang kikidnapin niya ako. Siya na din ang nagsarado ng pintuan, hindi ko alam kung ano ang nagaganap. Nang masiguro niyang naka-lock na ang pintuan ay saka niya inalis ang malambot niyang palad na nakatakip sa aking bibig. Hindi naman na ako gaanong nahihilo dala ng aking sakit dahil nakainom na ako ng gamot at nakatulog na rin para makabawi

