Chapter 58 Hunter's POV Dahil na rin sa kagustuhan ko na matapos na ang lahat ng ito ay tuluyan ko na ngang isinuot kay Britney ang kwintas. Nang maisuot ko na ito ay naglakad na ako pabalik sa upuan ko para ipagpatuloy na ang pagkain ko. Habang patuloy naman ako sa pagsubo ay hindi ko maiwasan ang mapangiwi. Nakikita ko kasi si Britney na nakatungo habang hawak-hawak ang pendant para silipin iyon. At habang ginagawa niya iyon ay tila ba abot tainga ang kanyang ngiti. Napailing na lamang ako. At nang matapos na ako sa pagkain ay walang sabi na akong tumayo at nagsimula nang maglakad palabas ng cafeteria. Wala naman na rin akong narinig pa mula kay Britney at hinayaan na lamang ako na makaalis. She seems enjoying looking down at the necklace I gave her. Hindi ko tuloy maiwasan ang mapai

