Chapter 59 Hunter's POV Kinabukasan ay isang normal na umaga lang ang naabutan ko. Mama is preparing our breakfast. At wala naman akong early classes at wala rin akong plano na pumasok nang maaga kaya hindi ko kailangan na magmadali sa pagkain ng almusal. Mukha naman din na normal lang ang lahat kay mama na tila ba wala siyang pinangambahan kagabi tungkol sa dating kakilala niya na tinutukoy niya na kanyang nakita. Kaya alam ko na wala rin ako na dapat ipangamba tungkol doon. "Naibigay mo ba ang kwintas sa pagbibigyan mo?" Nanlaki ang mga mata ko at nahinto ako sa dapat sana ay pagsubo ko ng pancake dahil sa sinabing iyon ni mama. She asks me that question out of nowhere at hindi ko iyon inaasahan. Dahil unang-una sa lahat ay hindi ko naman pinakita sa kanya ang kwintas

