Chapter 47

2059 Words
Chapter 47 Heaven's POV Hindi ko na naramdaman ang tagal ng panahon ng paninirahan namin ni Hunter dito sa gitna ng kagubatan. Dahil sa paglipas ng bawat araw, linggo, buwan at taon ay mas lalo ko lang ginugusto ang manirahan sa ganitong lugar. Hindi kailanman ako nagreklamo sa naging uri ng pamumuhay namin dito. Maging ang anak ko na si Hunter ay hindi ko rin naman nakitaan ng ano mang reklamo sa paulit-ulit na ikot ng pamumuhay rito. Kahit na maaari naman siyang lumabas dahil wala naman sa kanya ang nakakakilala y mas pinipili na lamang niya ang manatili rito sa bahay at lalabas na lamang kapag oras na ng pasok. Mailap sa mga tao si Hunter na tulad naming dalawa ni Hell kaya hindi na ako nagulat pa nang minsang tanungin ko siya kung may mga kaibigan na siya sa campus ngunit ang sagot niya ay wala. Wala rin akong naging kaibigan noong nag-aaral pa ako ngunit ang pinagkaiba namin ni Hunter ay palipat-lipat ako ng eskwelahan samantalang siya ay nasa iisang eskwelahan lang mula nang pumasok siya. Wala rin naman akong nababalitaan ng pakikipag-away nni Hunter sa loob ng campus hindi tulad ng kanyang ama ngunit malamig naman ang pakikitungo niya sa ibang tao. Hunter is now in senior high. And he is now a seventeen-year old school boy. I am now a one hundres sixteen year old vampire ngunit nasa early thirty's pa lamang ang hitsura ko. Kaya kung itatabi sa akin si Hell ay para lang kaming mag-tita. Nagpapasalamat din naman ako na kahit malamig ang ginagawa niyang pakikitungo sa ibang tao ay nagiging malambing naman siya pagdating sa akin. Sa lumipas na labingpitong taon ay isa-isa rin na lumabas ang kakayahan niya bilang isang bampira. Ngunit hindi pa rin ang kakayahan niya na makontrol ang paligid sa tuwing nagagalit siya. Ngunit ganoon pa man ay hindi pa rin nawawala sa akin ang paniniwala na ang anak ko na si Hunter ang tinakda na tagapagmana. Dahil ang hula ko na kaya hindi pa lumalabas ang kakayahan niyang iyon ay dahil alam ko kung gaano siya kakalmdo sa lahat ng oras. Masyadong tahimik ang buhay ng anak ko na sa tingin ko ay ang pagtira sa isang isolated na lugar ang isa sa mga factor kung bakit. Ngunit may isang paraan pa naman akong hinihintay upang malaman kung siya nga tagapagamana. At malalaman ko lamang iyon sa pagsapit ng ika-labinwalong taong kaarawan niya. And that will be next year. Nasa akin pa rin ang pag-asa na ang anak kong si Hunter ang nag-iisa kong tagapagmana. At hindi ako makapapayag na hindi niya makuha ang pagkilala na nararapat sa kanya. Kung walang iba ang aakin sa trono at posisyon namin sa palasyo ay hindi na ako maghahangad pa na bumalik ng Alucard dahil kuntento na ako sa ganitong uri ng pamumuhay. Ngunit kilala ko na si Guia. At kaya siya nagmamadali na madakip kami ay dahil ayaw niya na magkaroon pa ako ng susunod na tagapagmana. Alam ko kung ano ang gusto niya kaya noon pa man ay hindi na niya ako matanggap-tanggap. Sinisisi niya ang pagkakasilang ng mama ko sa akin. Sinisisi ako kung bakit hindi ang anak niya ang naging tagapagmana. Kung noon ay sigurado ako na hindi iyon dinaramdam ni Vlad. Ngunit ngayon ay hindi ko na nasisiguro na wala nga talagang ano man na sama ng loob sa akin si Vlad. Dahil kung hindi naman ako pinagbuntis ng aking ina ay sigurado ako na si Vlad ang magiging tagapagmana. "Papasok ka na?" tanong ko kay Hunter dahil nang magising ako ay naka-uniform na siya at halata rin na katatapos niya lang na mag-almusal. Ngumiti siya at tumango. "Yes, mama. Hindi na po kita nahintay kasi may hinahabol ako na tutorial," sabi niya kaya tumango ako. Hinalikan niya lang ako sa magkabilang pisngi at tuluyan na nga siya na nagpaalam. Pero bago siya umalis ay pinangako naman niya na sabay kaming magdi-dinner. Ayos lang naman sa akin kung hindi na niya ako nahintay pa sa almusal dahil alam ko rin naman ang demand ng pagiging isang senior high. Ang mahalaga sa akin ay makakauwi pa rin siya. Tulad ng ginagawa ko sa tuwing nakaalis na si Hunter ay nagligpit na muna ako ng bahay at bakuran. At pagtapos ko na gawin ang lahat ng gawaing bahay ay saka ko lamang naisipan na magpahinga. At ang pahingahan ko ay ang tuktok ng pinakamataas na puno rito sa kagubatan. There is a tree house there na ginawa ni Hunter para sa akin dahil gusto niya raw na magkaroon ako ng favorite place dito na pwede kong tambayan kapag nakaramdam ako ng pagkainip. At hindi naman siya nabigo na bigyan ako ng isang favorite spot dito sa tirahan namin dahil lagi kong nasa tree house dahil masyadong masarap ang hangin doon. Naging favorite spot ko nga iyon. Tanaw ko ang nagtataasan na gusali ng downtown. Sa balcony ng tree house ay mayroong rocking chair at doon ako naupo at hawak-hawak ang isang libro. Nagmistulan na nga na isang library ang tree house na ito dahil halos araw-araw yata ay binibilhan ako ng libro ni Hunter para daw hindi ako mauubusan ng mababasa. Ngunit sa bawat araw ay ilang oras lang naman ang nilalaan ko sa pagbabasa kaya hindi ko rin naman nababasa pa ang lahat ng binibili niya. Pero natutuwa ako sa pagiging thoughtful ng anak ko sa akin. Minsan nga ay siya pa ang pumipilit sa akin na lumabas ng kagubatan at hindi lang puro delivery ng prutas ang dahilan ng paglabas ko. Kaya minsan ay pinagbibigyan ko na rin siya at niyayaya niya ako na kumain sa labas. Ngunit walang nagbago. Dahil sa tuwing lumalabas ako ng kagubatan ay nagtatago pa rin ako ng mukha. Mananatili akong magtatago hangga't hindi pa nararating ni Hunter ang hustong gulang. Pinagpatuloy ko na lang ang aking pagbabasa hanggang sa maramdaman ko na ang pagod ng aking mga mata kaya minabuti ko nang isarado ang libro. Pinikit ko sandali ang aking mga mata para ipahinga sandali. Ngunit hindi ko namalayan ang unti-unti kong pagkakaidlip dahil sa pagkakasilaw ko sa langit. Nagising na lamang ako at nakita na papalubog na ang araw. Agad tuloy akong nagkusot ng mata para mawala ang nararamdaman ko pa rin na antok. Pumasok na ako ng tree house para isauli na sa shelf ang libro at naghanda na ako sa pagbaba dahil ganitong mga oras ay nasa bahay na si Hunter. Ngunit napasarap yata ang tulog ko kaya papalubog na ang araw nang magising ako. Tumalon na ako pababa ng tree house at agad nang dumiretso sa bahay para sana mag-asikaso ng maaari naming maging hapunan ni Hunter. Mabuti na lamang at wala pa si Hunter kaya may oras pa ako para mag-asikaso. Ngunit pagpasok ko sa kusina ay nagulat na lamang ako dahil naroon na pala si Hunter at marami-marami ang pagkain na nakahain sa mesa kaya buong pagtatakha ko siyang tiningnan. Nakangiti lang sa akin si Hunter at ngayon ko lang napansin ang hawak-hawak niyang cake. Agad tuloy akong napalapit doon para makita kung ano ang nakasulat doon. And it says. 'Happy Birthday, Mama!'. At doon ko lang nalaman na birthday ko pala. Sa totoo lang ay taon-taon ko na yata na hindi namamalayan ang pagsapit ng kaarawan ko dahil wala naman kaming ano mang kalendaryo rito at hindi ko na rin naman alintana ang bawat araw na lumilipas. Sa table ay mayroong pizza, chicken, spaghetti at kung anu-ano pa na nasipan ni Hunter na bilhin. "Salamat, anak..." Binaba niya ang cake at in-spread niya ang kanyang mga braso para sa yakap ko. At hindi naman na ako nagdalawang isip pa na humakbang palapit sa kanya para sa yakap na hinihingi niya. Niyakap ko siya nang mahigpit at ganoon din ang ginawa niya. "Happiest birthday, mama. Maraming-maraming salamat po sa lahat," sambit pa niya. Kung titingnan mo si Hunter kapag nasa public places ay talagang mai-intimidate ka sa hitsura niya. Dahil sa mga mata pa lang niya ay halatang suplado na siya at hindi basta-basta nakikipag-usap kung kani-kanino. Kaya hindi mo aakalain na may ganitong side ang suplado at cold na tulad niya. Dahil nga kamukhang-kamukha niya si Hell ay alam ko na marami ring kababaihan around his age ang nagkakagusto sa kanya. Alam ko iyon dahil halata naman sa tuwing lumalabas kami nang magkasama. Maraming kabataan ang napapa-dalawang lingon sa kanya dahil sa hitsura niya. "Halika na, kumain na tayo," yaya ko pagbitiw niya sa yakap. Hunter is doing everything na sa tingin niya ay gagawin daw ng papa niya. He is being true to his words na aalagaan at poprotektahan niya raw ako tulad ng ginawa ng papa niya. At natatakot ako na baka iyon pa ang maging dahilan ng pagakawala niya sa akin. Pinaghila pa ako ng upuan ni Hunter at naupo na kami para kumain. Habang kumakain ay nagkwentuhan na rin kami. "Kumusta naman ang pag-aaral mo, anak?" tanong ko. Tuwing hapunan ay nagkunwento siya sa akin ng mga nangyari sa buong maghapon niya ngunit minsan lang ako magtanong ng tungkol sa pag-aaral niya. Alam ko naman kasi na talagang matalino siya at nangunguna pa nga sa klase. Isang beses pa lang akong nakapunta sa eskwelahan na pinapasukan niya. Noong um-attend ako ng moving up nila dahil siya ang nakatanggap ng pinakamataas na karangalan. Naiintindihan ni Hunter kung bakit ganoon lang ako kadalang kung pumunta dahil ayaw niya rin na magkaroon ng banta sa buhay ko. Ngunit next year ayalam ko na kinakailangan ko na naman na um-attend ng ceremony kung saa marami kaming makakasalamuha. "Okay lang naman po, mama. November pa lang pero ang dami na agad na nagsasabing ako na ang magiging class valedictorian," sabi niya at nagkibit balikat pa. Alam ko naman na wala siyang interes sa pag-aaral at hindi niya kagustuhan ang makakuha ng mga karangalan. At nag-aaral lang siya dahil sa kagustuhan ko. At na-appreciate ko naman iyon. "That's nice, anak. Alam ko na sobrang proud ang papa mo," sabi ko at napangiti siya. Matagal na rin mula nang mawalay sa akin si Hell ngunit hanggang ngayon ay sariwa pa rin siya sa aking isipan. Parang kahapon lang ang naging huli naming pagkikita. Sa tuwing nararamdaman ko na nami-miss ko si Hell ay agad ko siyang napapanaginipan. Kaya pakiramdam ko ay ayaw niya na nalulungkot ako kaya talagang dinadalaw niya ako kahit sa panaginip lang. "Sana nga po, mama. Kasi lahat po ng ginagawa ko at pagtitiyaga ko ay para sa inyo ni papa." Napangiti na lamang ako dahil sa sobra-sobrang pagpapasalamat na si Hunter ang naging anak namin ni Hell. At natutuwa ako na ganito siya sa ka-soft pagdating sa akin. Walang bahid na ano mang coldness. Patapos pa lang kami sa pagkain ay bigla na lamang siyang tumayo at pumunta sa siya sala. He told me to wait so I did. At pagbalik niya ay may bitbit na siyang isang portrait ngunit nakatakip pa ang harapan nito. Sa tingin ko ay sobrang classic na ng portrait sa panahon ngayon dahil sa modernong panahon. Kaya mabuti na lamang at nakahanap siya ng artist ng kung ano mang nasa portrait na iyan. "And what is this, anak?" tanong ko pa nang iabot niya sa akin ang may kalakihan na portrait. "See for yourself, mama," tanging sinabi niya kaya iyon ang ginawa ko. So I start tearing the paper at napanganga ako nang bumungad sa akin ang isang classic na larawan ni Hell. It is the only photo na mayroon ako ni Hell at natutuwa ako na ginawa ito ni Hunter na ganito kalaki. Pwede ko itong i-display sa kwarto ko para mas mabilis ko na siyang makikita. Pinigilan ko man ang hindi maluha ngunit nabigo ako dahil mabilis na naglandas ang luha mula sa aking mga mata. Muli na lamang akong niyakap ni Hunter mula sa likuran habang nakaupo pa rin ako. Sa mga yakap niya ay naramdaman ko rin ang yakap ni Hell. Kaya niyakap ko ang portrait na regalo sa akin ni Hunter ngayong kaarawan ko. And for me, this is the best birthday gift I have ever received.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD