Chapter 46

2398 Words
Chapter 46 Heaven's POV Para sa akin ay mas mabuti na rin nga ang malaman ni Hunter ang lahat ng tungkol sa kanyang pagkatao nang ganito kaaga upang mas magkaroon siya ng time na tanggapin sa kanyang sarili ang lahat. At ayoko rin naman na kung kailan may sarili na siyang pag-iisip ay saka naman niya malalaman ang lahat at mahihirapan na siyang tanggapin ang kanyang pagkakakilanlan. Gusto ko na malaman niya kung sino ba talaga siya habang lumalaki siya upang hindi na siya mahirapan pa asa pag-a-adjust. Sasabihin ko sa kanya ang lahat at sasagutin ang lahat ng kanyang magiging katanungan. Handa ko rin na ipaliwanag ang lahat ng hindi niya maintindihan para lang mabigyan siya ng kalinawan sa ganitong edad. Kung noon ay hindi ako nagbabanggit ng ano man na tungkol sa mga bampira ngunit ngayon ay nakahanda na ako. Marahan kong hinaplos ang buhok ni Hunter upang mas makuha ko pa ang atensyon niya at sa akin na lamang siya mag-focus. Kailangan niyang maintindihan ang lahat ng ipapaliwanag ko sa kanya kung bakit namin kinakailangan na mag-ingat. "Mga bampira ang tawag sa atin, anak. Hindi tayo mga normal na tao tulad ng mga nakakasalamuha natin sa labas nitong kagubatan." Tahimik lang na nakatingin sa akin si Hunter habang naghihintay ng mga susunod ko pa na sasabihin. Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano sisimulan ang lahat ng mga gusto kong sabihin at ipaliwanag sa kanya dahil baka mayroon akong makaligtaan. "How is that even possible, mama? Normal naman po ang wangis natin," sambit niya. Ngumiti ako at marahan na umiling upang kontrahin ang sinabi niya na normal ang aming wangis. Hindi pa kasi napapalabas ni Hunter ang kanyang mga pangil kaya niya siguro iyon nasasabi. Ngunit ang pamumula ng mga mata ay nangyayari na sa kanya hindi pa nga lang niya nakikita sa kanyang sarili. I show hm my teeth at pinalabas ko ang aking mga pangil. Nanlaki naman ang kanyang mga mata at bahagya pa siya na napaatras sa kanyang pagkakaupo. Bahagya pa akong natawa at hinawakan siya sa braso upang marahan na hilahin palapit ulit sa akin. "Huwag kang matakot kay mama, anak. Dahil may ganito ka rin na kakayahan," sabi ko at tinago ko nang muli ang aking pangil. At dahil sa sinabi ko ay bigla siyang napahawak sa kanyang mga ngipin. Hindi na ako nakapagpigil pa at tuluyan na nga akong natawa lalo na nang mapakunot ang kanyang noo dahil wala naman siyang nakapa. "I do not have mine, mama." Ginulo ko ang buhok ni Hunter dahil talagang napaka-inosente pa niya para sa usapin na ito pero wala naman na akong magagawa dahil nasimulan ko na ang pagpapaliwanag at ayoko na rin siya na bitinin pa. "Iba-iba ang mga bampira sa kung gaano katagal bago nila unang beses na mapalabas ang kani-kanilang mga pangil. At napalabas ko ang sa akin noong eighteen years old na ako. Pwedeng lumabas na ang mga pangil mo ealier or later than mine." Hindi naman na sumagot pa si Hunter sa sinabi ko at hinintay na lamang ang iba ko pang mga paliwanag. "So, we are special?" Muli akong napangiti sa tanong niya. Tumango naman ako dahil special naman talaga kami at hindi pangkaraniwan. "Kung ganoon, mama, ilan po tayong mga bampira?" tanong pa niya. Hindi ko akalain na magiging marami siyang katanungan. Ang buong akala ko ay makikinig lang siya sa mga kwento ko ngunit marami siyang tanong. He is this smart kid kaya puno siya ng curiosity. "Maraming mga tulad nating bampira, anak. Ngunit hindi sila sa mundo na ito nakatira. May isang kaharian na pinaninirahan ng mga bampira." Tumango-tango si Hunter na tila ba ay naiintindihan na niya ang lahat. "Have you been there, mama? Maganda po ba roon? Can I go there too since you said that I am a vampire too?" Pinigilan ko na lang ang muling matawa dahil naging literal na ang pagiging sunud-sunod ng mga tanong niya. Mas nakita ko ang curiosity niya. "Yes, anak. Mama has been there. At tungkol sa tanong mo kung maganda ba roon? Yes, maganda sa kaharian ng mga bampira. Ngunit mas maganda rito sa kagabutan dahil sa katahimikan," sabi ko at muli siyang tumango. Sa murang edad pa lang ni Hunter ay napansin ko na agad na hindi niya rin gusto ang maingay at magulong kapaligiran. dahil kahit na minsan ko lang siya mailabas ng kagubatan ay hindi naman siya nangungulit na isama ko siya. Hindi rin naman siya nag-tantrums nang yayain ko na siya kanina na umuwi sa bahay na hindi tulad ng ibang bata na kasing edad niya na gusto na lamang ang laging gumala. At alam ko na ang katangian niya na iyon ay nakuha niya sa amin ng kanyang ama. Parehas kami ni Hell na ayaw sa magulong lugar kaya hindi na nakakapagtakha na makuha iyon ni Hunter. Tiningnan ko nang mabuti si Hunter at halata sa kanya ang paghihintay sa mga susunod ko pang sasabihin. At ngayon ko lang na-realize na may isang tanong pala siya na nakaligtaan ko na sagutin. At iyon ay ang tanong niya na kung pwede rin ba siya na pumunta sa lugar na iyon dahil isa rin naman siyang bampira. "Pwede ka naman na pumunta, anak." Nakita ko ang unti-unting pag-usbong ng excitement sa kanyang mga mata nang sabihin ko na pwede rin siya na pumunta roo. Kaya nag-alangan akong bigla kung tatapusin ko ba agad ang excitement na nararamdaman niya dahil sa isang 'pero' na idurugtong ko. "Really, mama?" Isang pilit na ngiti ang nagawa ko dahil alam ko na madi-disappoint siya oras na malaman niya na hindi pa itong tamang oras para marating niya ang kaharian ng mga bampira. "Yes, anak. Pwede ka na pumunta roon...ngunit hindi pa sa panahon na ito," sabi ko at binasa ko nang mabuti ang kanyang magiging reaksyon. Ngunit hindi ko naman siya nabakasan ng ano mang disappointment. Bagkus ay nakita ko ang pagsilay ng kanyang mga ngiti. Kaya napakunot ang noo ko dahil sa pagtatakha sa hindi ko inaasahan na sagot niya. "Wala naman po ako sinasabi na gusto ko na po pumunta agad. I just asked." Nagkibit balikat pa siya na tila ay wala pa talaga sa isip niya ang makapunta sa kaharian ng mga bampira. "Pero dahil nasabi na rin po ninyo na hindi pa sa panahon na ito ay maaari ko po ba na malaman na kung kailan ang tamang panahon?" Inaasahan ko na rin naman ang tanong niya na ito at hindi ko rin naman plano na magsinungaling o maglihim man lang tungkol sa pinaka-malaking katotohanan ng kanyang buhay. "Alam mo ba kung bakit lagi ko sinasabi sa iyo na mag-iingat ka dahil may mga banta sa ating buhay?" Umiling lang naman si Hunter bilang sagot sa tanong ko kaya muli na lamang akong nagpatuloy sa pagsasalita. "Dahil ang nagtatangka sa ating buhay ay ang mga kapwa natin bampira." Saglit na natigilan si Hunter sa sinabi ko at alam ko na nabigla rin siya. Kitang-kita sa kanyang mga na maraming na ang naglalarong katanungan sa kanyang isip. 'Totoo po ba iyan, mama? pero bakit naman po tayo pagtatangkaan ng ating mga kalahi?" tanong niya. Nakita ko na kahit papaano ay nasaktan siya sa katotohanan na iyon. Sino ba naman ang hindi masasaktan na mismong kalahi mo ang magtatangka sa iyo lalo na at kung isa ka pa lamang musmos na hindi naman namulat sa gulo ng mga bampira. "Alam mo kasi anak, maaga kang dumating sa buhay nina mama at papa mo. At dahil doon ay nagalit ang mga bampira. Ang tingin nila sa pagkakasilang mo ay isang kasalanan." Alam ko kung gaano katalino ang anak ko kaya alam ko rin na maiintindihan niya ang lahat ng mga sinabi at sasabihin ko pa. Alam ko na magiging masakit ito para sa kanya ngunit kinakailangan niya nang malaman ang mapait na bahaging ito ng kanyang buhay. Tipid na ngumiti si Hunter. "Kung gayon mama ay ito po ba ang naging dahilan kung bakit napaslang si papa? Ang sabi po ninyo sa akin ay mga hindi pangkaraniwang nilalang ang mga pumatay sa kanya. Mga bampira, hindi po ba?" Sa lahat ng naging tanong ni Hunter ay ito ang kinabigla ko. Hindi ko akalain na ganito ang magiging analyzation niya sa mga kwento ko. At hindi naman siya nagkakamali. Tama ang pagkaka-analyze niya sa mga bagay-bagay. Hindi ko nagawang ikwento sa kanya nang buo ang naging pagkamatay ng kanyang ama. Sinabi ko lang na may mga pumatay sa kanya dahil sa pagtatanggol sa amin at hindi na ako nagbigay pa ng ano mang detalye. Ngunit mabilis niya na napagtagpi-tagpi ang ilan sa mga kwento ko noon sa mga kwento ko ngayon. At wala naman na akong plano ngayon na itago pa iyon dahil nalaman na rin naman niya sa sarili niyang pag-iisip. "Oo, anak. Namatay ang papa mo sa kamay ng isang bampira. Kaya masisisi mo ba ako kung sabihin ko na hindi pa ito ang tamang oras upang makilala ka ng iba pang mga bampira?" Bigla na lamang humirap para sa akin ang basahin ng iniisip ng anak ko dahil sa iba't ibang emosyon niya. At hindi ko alam kung alin sa mga iyon ang nangingibabaw. "May tanong po sana ako sa inyo, mama. Pero sana po ay maging tapat kayo sa magiging sagot ninyo," sabi niya na nagbato sa akin ng maraming katanungan. Hindi pa man niya nabibitiwan ang kanyang mga tanong ay napuno na niya agad ang isip ko dahil iniisip kong mabuti ang mga maaari niyang itanong. Ngunit kahit na anong gawin ko ay wala namang pumasok sa isip ko. Kaya imbis na magpatuloy at pahirapan ang sarli ko sa pag-iisip ay hinayaan ko na lang na sa kanya na manggaling at sagutin nang hindi napaghahandaan. "Ano iyon, anak?" tanong ko. "Alam ko po kasi mama kung gaano ninyo ka-mahal si papa. Nakikita ko po iyon sa kung paano ninyo tingnan ang larawan niya bago tayo matulog sa gabi. Alam ko rin po na kahint hindi ninyo sabihin ay nami-miss na ninyo si papa. Kaya gusto ko po sanang itanong kung hindi po ba kayo nakakaramdam ng pagsisisi na tinaya ni papa ang sarili niyang buhay para sa akin?" Hindi ako nakapagsalita sa naging tanong ni Hunter dahil sa labis na pagkabigla. Hindi ko akalain na may ganitong klase na pala ng tanong nag naglalaro sa utak niya. Alam ko na madaming katanungan ang nasa isip niya ngunit hindi ko inasahan na kasama ito. At hindi ko alam kung saan niya nakuha ang idea na maaari ko iyong pagsisisihan. "Ano ba iyang sinasabi mo, anak? Syempre ko iyon pinagsisisihan. Dahil alam ko rin naman na hinding-hindi iyon pagsisisihan ng iyong ama. Alam ko na kasama pa rin natin siya sa bawat araw ng buhay natin. Kaya huwag na huwag mong iisipin na nagsisisi ako na kinakailangan mamatay ng papa mo para lang mabuhay ka dahil hinding-hindi iyon mangyayari. Wala akong pagsisisihan na nabuhay ka," sabi ko. Hindi ko alam kung paano iyon ipapaintindi sa kanya ngunit sana ay hindi na niya iyon ulitin pa. Dahil pakiramdam ko ay nakagawa ako ng isang bagay na makakapagparamdam sa kanya ng ganoon. Kahit na kailan ay hindi ako nagsisi na dumating siya nang maaga sa buhay namin ni Hell at alam ko na ganoon din siya. "Salamat po, mama. Huwag po kayong mag-alala, aalagaan ko po kayo at poprotektahan tulad ng pagprotekta sa atin ni papa. Magsasanay po ako nang mabuti upang hindi kayo mapahamak sa kamay ng mga bampira. Tulad ni papa ay nakahanda rin po ako na ibuwis ang sarili kong buhay para sa inyo," sabi niya. Kahit na gaano kasarap sa pandinig ay hindi pa rin ako naging komportable sa sinabi niya. Dahil hinding-hindi ako makakapayag na magbubuwis siya ng buhay para lamang sa akin. Ako ang kanyang ina kaya nararapat lang siguro na ako ang magpo-protekta at mag-aalaga sa kanya. Ako dapat ang kinakailangan na magbuwis ng buhay para sa kanya. "Hindi mo kinakailangan na magbuwis ng buhay para sa akin, anak. Hayaan mo si mama ang magprotekta sa iyo." Hindi ko alam kung naintindihan ba ni Hunter ang mga sinasabi ko ngunit ngumiti lang siya. "May isa pa po pala akong tanong, mama..." Muli na naman akong kinabahan sa tangka na naman niyang pagtatanong. Pakiramdam ko ay ikabibigla ko na naman ang tanong niya at mahihirapan na naman akong makahanap ng tamang salita upang ipaliwanag sa kanya ang sagot sa kanyang tanong. Ngunit dahil nangako ako sa sarili ko na sasagutin ko ang lahat ng kanyang katanungan ay wala naman na akong magagawa pa kundi ang sagutin iyon ng katotohanan. "Spill, Hunter." Hindi ko pinahalata sa kanya ang kaba ko at sana ay nagtagumpay ako roon. "Anong uri po ng pamumuhay ang mayroon kayo sa kaharian ng mga bampira? Maginhawa po ba ang buhay ninyo roon o nakaranas kayo ng pagpapahirap ng mga kapwa natin bampira?" Muli ay sandali akong natigilan. Ngunit hindi dahil sa pagkabigla kundi dahil sa pag-iisip ng tamang salita upang ipaalam sa kanya ang lahat. "Hindi, anak. Kailanman ay hindi ako nakaranas ng pagpapahirap ng mga bampira. Dahil ang katunayan ay isa akong prinsesa," sabi ko at napakurap-kurap pa si Hunter. Hanggang sa dahan-dahan siyang ngumiti. "Wow! Prinsesa kayo ng isang kaharian, mama?" Hindi ko tuloy napigilan ang matawa dahil sa naging reaction niya. Kung nalalaman lang sana ni Hunter na hindi isang laro ang pagiging prinsesa. "Oo, anak. Ako ang prinsesa ng Alucard--ang kaharian ng mga bampira. At nakatakda na maging reyna," sabi ko pa at nakita ko ang ningning ng kanyang mga mata dahil sa labis na interes sa aking pinag-uusapan. "Kung gayon ay may chance po na maging isa akong prinsipe?" Napangiti ako sa tanong niya. Marahan ko siyang kinurot sa magkabila niyang pisngi. "Hindi lang may chance, kundi ikaw talaga ang prinsipe ng mga bampira. At hindi lamang isang prinsipe, kundi nag-iisang tagapagmana," sabi ko at saka ko lang binitiwan ang magkabila niyang pisngi. Marahan kong hinaplos ang kanyang buhok. "Ngunit hindi pa kita makihaharap sa kaharian na nakatakda mong pagharian. When the time is right, dadalhin kita sa Alucard upang maibigay ang pagkilala na para lamang sa iyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD