Chapter 45

2382 Words
Chapter 45 Heaven's POV Kuntento. Kung tatanungin ako kung kumusta na ang pamumuhay ko sa ngayo ay wala akong iba pang naiisip na salita kundi kuntento. Walang bago sa mga ginagawa ko sa nakalipas na limang taon. Kung may kulang man, iyon ay ang presensya ni Hell. Na hindi naman namin alintana ni Hunter dahil nararamdaman namin parehas na hindi kami pinababayaan ng kanyang ama. Pakiramdam namin ay kasama pa rin namin siya sa ano mang bagay na aming ginagawa. Limang taon na rin ngayon si Hunter at isa-isa naman nang naglalabasan ang kakayahan niya bilang isang bampira. May kakaiba na rin siyang kakayahan kaya kung minsan ay nakakatulong ko na siya sa pangunguha ng mga prutas at nagdadala sa palengke. Kailangan ko na rin kasi ng maraming prutas dahil sa ngayon ay hindi na lamang si Aling Sally ang hinahatiran ko ng mga prutas. Nagsu-supply na rin siya sa ibang mga taga-palengke at sa kanya ko lang binabagsak ang mga dala ko at siya lang ang distributor. Dahil sinwerte ako sa pagiging supplier ay marami na rin akong naipundar kahit pa rito lang kami sa loob ng kagubatan. Ang pinaglaanan ko kasi ng malaking halaga ay ang pag-aaral ni Hunter na sa isang buwan na magsisimula. Nai-enrol ko na rin siya at ang kulang na lang ay ang mga gamit sa school na ilang araw na rin niyang kinukulit sa akin. He is so excited magmula nang sabihin ko sa kanya na mag-aaral na siya. Ilang beses ko na rin kasi siya na nadala sa downtown at talagang nagustuhan niya ang mga nakikita niya roon. Kaya sa tuwing gusto niya na sumama sa akin ay hinahayaan ko na lang siya dahil ayoko naman na maging inosente ang anak ko pagdating sa tunay na mundo dahil alam ko rin naman na kinakailangan ko rin siya na ilabas sa takdang panahon. Ayoko na kung kailan oras na para ilabas ko siya sa tunay na mundo ay saka pa niya masisilayan ang mga bagay-bagay. Hindi rin naman kasi ako lang ang pwedeng magturo sa kanya ng mga academics dahil hindi naman ako matalino. Gusto ko na lumaki siya nang normal na isang bata. Kaya ngayon, matapos namin na mag-deliver sa pwesto ni Aling Sally ay sinama ko si Hunter sa pinakamalapit na mall upang makapamasyal siya. This is his first time sa isang mall dahil hanggang palengke lang siya. Kaya ngayon na naglambing si Hunter na ibili ko siya ng mga gamit sa eskwela ay hindi naman ako nagdalawang isip na pagbigyan siya. I just wear a shawl and a wayferer dahil nasa LED billboard pa rin ang mukha ko. Mabuti na lamang din at hindi natadaan ni Aling Sally ang mukha ko na tanging siya lang ang nakakita noong hindi pako nagtatago ng mukha. Pagpasok pa lamang namin ni Hunter sa loob ng mall ay nakita ko na agad ang pagkamangha sa mukha niya. At natuwa naman ako dahil nakikita ko na masaya siya sa araw na ito. Dahil ngayon ay mararanasan niya ang maging bata na hindi puro mababangis na hayop ang kalaro at kahabulan. Maraming mababangis na hayop sa paligid ng bahay namin ngunit kailanman ay hindi kami sinugod. Tulad ito ng nangyari noon sa amin ni Tiffany kung saan hindi ako napahamak sa mababangis na lobo ng Dark Forest. Dahil nga sa kami lang ang tao roon at wala man lang kaming kapit-bahay ay ang mga mababangig na hayop ang lagi niyang kasama. Kung laruin niya ang isang tigre ay parang nakikipaglaro lang siya sa isang maamong pusa. "Ano ang gusto mong unang puntahan, anak? Bibili na ba muna tayo ng gamit mo sa school o kakain na tayo?" tanong ko kay Hunter habang akay-akay ko siya. Hindi ko siya magawang bitiwan dahil pakiramdam ko ay pupuntahan niya ang mga gusto niyang puntahan. "I want to play, mama," sambit ni Hunter kaya napangiti ako. Hindi ko alam kung anong klaseng laro ba ang gusto niya pero sana naman ay hindi tulad ng pakikipaglaro sa mga hayop ang gusto niya sa ngayon. Dinala ko sa isang arcade si Hunter at nakita ko naman agad ang kagustuhan niya na subukan ang mga laro doon. I let him play a bump car ngunit nang makita ko na malalaas ang ginagawa niyang pagbunggo sa mga kasabayan niya ay bigla akong kinabahan. Hindi ko naman pwede na basta na lang pahintuin ang operation dahil may oras ang bawat andar. Hindi pa alam ni Hunter kung paano kontrolin ang lakas niya bilang isang bampira ngunit sana ay hindi naman niya iyon gawin dahil nakakaawa naman ang mga batang mortal kung gagamitan niya ang mga iyon kahit na hindi naman niya sinasadya. Isa sa mga gusto ko na agad niyang matutunan ay ang pagkontol ng kapangyarihan niya dahil mga mortal ang kanyang makakasalamuha. Mas lalong kinakailangan niya na makontrol ang kanyang emosyon lalo na ang labis na galit dahil alam ko na makakasakit siya at maaari din na maging dahilan ng pagkakatuklas ng kanyang tunay na pagkabampira. At alam ko naman na hindi pa oras para malaman ng lahat ng bampira kung sino ba talaga siya. Naniniwala ako at naninindigan na ang anak ko na si Hunter ang tinakdang tagapagmana at darating din ang oras na lalabas ang senyales na iyon. Nakahinga ako nang maluwag nang matapos ang bump car nang hindi nagti-trigger ang kakayahan niya. Mabuti na lamang at nagyaya na siya na kumain na muna. Dinala ko siya sa Jollibee na marami na rin ang pinagbago lalo na sa kanilang logo. At nang maka-order na ako ay agad kong pinatikim kay Hunter ang mga naging paborito kong pagkain noon. Wala namang nagbago sa lasa ng mga pagkain nila at natutuwa ako na nakatayo pa rin ang fast food na ito. Pinanood ko na kumain si Hunter at natuwa naman ako dahil kitang-kita ko ang gana niya sa pagkain at mukhang na-e-enjoy niya ang lahat ng mga pinatikim ko sa kanya. Hindi na nga niya yata namalayan na marami na siyang nakakain. Kaya nang sa wakas ay nakaramdam na siya ng sobrang kabusugan ay huminto na siya at hindi na makaupo nang ayos sa kanyang kinauupuan. Mukhang magiging paborito na ni Hunter ang Jollibee kaya sa tuwing may oras ako ay dadalhan ko siya at pasasalubungan. Ilang minuto rin kami na nagpahinga ni Hunter bago niya nakayanan na tumayo. Matapos ang isang masarap na kainan, ngayon naman ay excited na siya na bumili ng mga gamit niya sa school. Mula nang pinahawak ko siya ng lapis upang turuan siya na sumulat ay gustong-gusto na niya ang mas matuto pa. Kaya nga kahit na isang buwan pa bago magsimula ang panibagong school year ay nagpapabili na siya ng mga gamit. At hindi ko naman siya kaya na tanggihan dahil minsan lang naman may hilingin ang anak ko. Pagpasok pa lang namin ng bookstore ay agad na bumitiw sa akin si Hunter at tumakbo siya sa mga nakita niya na lapis at notebook. Pumili siya ng mga gusto niya at bibilhin ko naman ang lahat ng mapili niya. Binilhan ko na rin siya ng bag at baunan na mas nagpa-excite pa sa kanya. Napapangiti na lamang ako habang pinapanood ang masayang-masaya na si Hunter. At sa bawat ngiti niya ay mga ngiti ni Hell ang naaalala ko ko dahil maging ang mga ngiti niya ay kuhang-kuha ng anak namin. "Are you happy?" tanong ko kay Hunter nang makalabas na kami ng mall at bibit ang lahat ng mga nagustuhan niya. Sunud-sunod naman ang tango na ginawa niya habang dumidila sa ice cream na binili ko sa kanya bago kami lumabas ng mall. Dahil ang pakiramdam ko ay matagal na kaming nasa labasay minabuti ko na iuwi na si Hunter dahil hindi na rin naman na siya nagyaya pa sa ibang lugar dahil nabili na niya ang kanyang mga gusto. At isa sa pinaka-pinagpapasalamat ko sa lahat ay sa kabila ng murang edad ng anak ko ay tila ba naiintindihan na niya ang lahat ng pang-iingat na kailangan naming gawin at talaga naman na sinusunod niya ang lahat ng pangaral ko sa kanya. Nakarating kami sa bahay at excited pa rin si Hunter na muling buksan ang mga binili namin kanina sa bookstore na parang hindi pa niya nakita kanina. Natatawa na lamang ako na dumiretso sa kusina at inayos ang mga pinamili namin sa grocery para sa stock namin. Iniwan ko na lamang siya sa sala dahil pakiramdam ko ay iisa-isahin niya na tingnan ang mga pinamili namin. At hindi naman ako nagkamali dahil matapos kong ayusin ang mga stock namin sa kusina ay naabutan ko naman si Hunter na tinitingnan pa rin ang mga gamit niya sa eskwela. Ngunit nang makita naman niya ako ay nginitian niya ako at niligpit na rin ang lahat. Nilagay na niya ang lahat sa bag at iniabot sa akin. "Are you done?" tanong ko kahit pa mukha naman na siyang kuntento sa ginawa niya na pagtingin. Tumango si Hunter at niyakap niya ako sa baywang. "Thank you po, mama!" Napangiti ako sa sinabi niya. Inalis ko ang pagkakapulupot ng mga braso niya sa aking baywang at lumuhod ako upang magpantay kaming dalawa. Ginulo ko ang buhok ni Hunter na tulad ng madalas na ginagawa sa akin ni Hell. At pakiramdam ko ay kasabay ko siya sa paggawa nu'n sa aming anak. Bigla ko na lamang na-miss si Hell. At dala na rin siguro ng pagka-miss ko sa kay Hell ay napayakap na lamang ako sa aming anak. Habang yakap-yakap din si Hunter ay hindi ko na napigilan ang maluha. This cry is refreshing. Ang huling iyak kasi na ginawa ko ay noong namatay si Hell. I always try to hold back my tears lalo na sa harapan ng anak namin pero ngayon ay hindi na ako nagdalawang isip pa na ipakita sa kanya ang mga luha ko. Nang humiwalay ako mula sa pagkakayakap kay Hunter ay nginitian ko siya. Mas lalo pang lumapad ang pagkakangiti ko nang maramdaman ko ang maliit niyang palad na pinupunasan ang magkabila kong pisngi. "Are you sad, mama?" tanong niya at umiling agad ako. Kung nalalaman lang sana ni Hunter kung gaano ako kasaya na mayroon ako na anak na tulad niya. "No, anak. Mama is far from being sad. Naiiyak ako kasi nag-uumapaw 'yung kaligayahan ni mama. Because mama is just so lucky to have you." Ngumiti rin naman si Hunter dahil sa narinig niya mula sa akin. "Ako rin po, mama. Swerte ako na may mama ako na tulad mo." Tumango ako sa sinabi ni Hunter. Natutuwa ako na ganito ang nararamdaman niya kahit pa sa totoo lang ay napakalaki ng pagkukulang ko sa kanya bilang mama niya. Hindi ko siya mabigyan ng normal na buhay pero grateful pa rin siya sa mga kaya kong ibigay. "But...can I ask you a question, mama?" Natatawang napakunot ang noo ko dahil sa pag-iisip sa maaari niyang itanong. "Ano iyon, anak?" tanong ko pa. Inakay ko siya paupo sa upuan na yari sa kawayan upang doon ipagpatuloy ang aming pag-uusap. Pakiramdam ko ay seryoso ang itatanong niya sa akin. Nang makaupo na kami ay hinarap ko agad siya. Gabi na rin at kailangan na namin magpahinga dahil masyado kaming maraming nagawa kanina nang magkasama. "Napansin ko po kanina mama na nagtatago ka ng face mo. Why?" Hindi agad ako nakaimik sa naging tanong ni Hunter. Hindi ko naman kasi akalain na magiging observant siya sa akin kanina at maging ang bagay na iyon ay mapupuna niya. "You always tell me na mag-iingat tayo sa kahat ng makikilala natin. You say na delikado para sa atin ang laging ma-expose sa labas dahil baka po mapahamak tayo. Pero ngayon lang po ako napatanong sa sarili ko ng bakit?" Kitang-kita nga sa mga mata ni Hunter ang pagtatakha. Wala naman akong plano na itago sa kanya ang lahat ngunit hindi ko naman akalain na sa edad niya na limang taon ay magiging katanungan na iyon sa kanya. Hindi naman ito magiging katanungan sa kanya kung hindi pa niya maiintindihan at hindi pa kaya ng isip niya na mag-process ng katotohanan. Kaya sa tingin ko ay walang masama kung malalaman na niya ngayon kung ano at sino ba siya. Nasa tamang oras din ako ng pagkukwento dahil alam ko na handa siyang makinig ngayon. "We really need to be extra careful, anak. Dahil hindi natin sila katulad," sabi ko kay Hunter na kinakunot naman ng noo niya. Kaya bago pa man siya magtanong sa kung ano ang ibig kong sabihin ay ngumiti na ako at muli ay nagsalita. "Hindi mo sila ka-uri, anak. They are mortals...we are not." Napatitig sa akin si Hunter dahil sa labis na pagkalito sa mga sinabi ko. Ngunit kahit pa nakikita ko ang pagkalito sa kanyang mukha ay naniniwala pa rin ako na kayang-kaya niya pa rin na maintindihan ang lahat basta maipaliwanag ko lang nang ayos. At nakahanda naman ako ipaiwanag sa kanya ang bawat detalye basta ba maintindihan niya lamanhg. "What do you mean, mama? We are immortals?" tanong pa niya at marahan naman ako na tumango. Kahit pa lumabas na ang ilan sa kakayahan niya bilang bampira tulad ng isang pambihirang lakas ay hindi ko pa naman naipapaliwanag sa kanya ang ibig sabihin ng mga iyon. Kaya marahil ang buong akala niya ay normal lang ang ganoong uri ng lakas. "Oo, anak. Mga immortal tayo. We are vampires," sabi ko at makailang beses nang kumukurap si Hunter ay wala pa rin akong nakukuha na ano mang sagot mula sa kanya. At alam ko pina-process pa rin ng isip niya ang tungkol sinabi ko. "Vampires? Never heard of that," sabi niya. At kaya siya natagalan na makakuha ng isasagotay iniisip niya nang mabuti ang tungkol sa mga vampire na sinabi. At hindi naman na nakakagulat pa na wala siyang nalalaman tungkol sa aming lahi dahil wala pa naman naging pagkakataon na may nabanggit ako tungkol sa mga bampira sa mismong harapan niya. Ito ang unang beses na narinig niya ang salitang vampires At mas inihanda ko pa ang aking sarili sa mas lalalim pa na usapan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD