Chapter 44

2551 Words
Chapter 44 Heaven's POV Ilang araw pa nga ang lumipas bago ko naramdaman at nasiguro sa aking sarili na tuluyan na nga akong nakabawi ng lakas at alam ko na mas kaya ko nang magampanan ang pagiging ina sa anak ko na si Hunter. Tulad nga ng inaasahan ko ay hindi na muli pang nagpakita sina Jom at Billie at wala naman akong naging sama ng loob sa naging desisyon nilang iyon. Sigurado rin naman kasi ako na hindi na rin papasok sa isip nila na maaaring dito kami nag-stay ni Hunter. Sa unang pagkakataon ay nakaisip ako ng paraan kung paano ako kikita ng pera na magagamit namin ng anak ko. At iyon ay ang pumitas ng mga prutas mula sa nagtataasan na mga punong nakapaligid rito. At lahat ng mapipitas ko ay ibebenta ko sa mga nagtitinda sa palengke. Panatag naman ang loob ko na iiwan ko pansamantala si Hunter dito sa kweba dahil hindi rin naman ako magtatagal sa palengke. Wala naman siguro na magtatangka sa kanya rito. Kung hindi ko lang kailangan na umalis upang mabuhay kami ay hindi ko naman siya iiwan. Pero mas hindi naman pwede na isama ko siya dahil mas malaki ang risk na may makakita sa akin at makakilala kaysa kay Hunter na maiiwan dito. Mahuli man ako ay hindi naman ang anak ko na naiwan dito. Sigurado naman ako na kung mahuli man ako ng mga reaper ay hindi nila ako sasaktan at iuuwi lang ng Alucard. At mabilis na kakalat ang balita na nakabalik na ako at makakarating iyon kay Billie na siguradong sasabihin niya kay Jom. Alam ko na kukumustahin nila ako kaya magpapaabot ako ng mensahe na gusto ko silang makausap at oras na makaharap ko na ang isa sa kanila ay sasabihin ko na nandito si Hunter at sila na muna ang kumupkop. Sa ngayon ay iyan pa lang ang kongkreto ko na plano. Ngunit bago ako umalis ay sisiguraduhin ko na tulog at busog ang anak ko. At gagawin ko ang lahat upang makabalik agad bago pa man magising at makaramdam ng gutom si Hunter. Nang masiguro ko nang mahimbig ang tulog ni Hunter ay binaba ko na siya sa mga dahon na kanyang tinutulugan. At isa ito sa ayokong makasanayan ni Hunter, ang matulog sa ganitong tulugan. Hindi na ko na nga siya maitira sa isang maasyos na bahay, pati ba naman isang maayos na higaan ay hindi ko pa magagawa. Kung malaki-laki ang mapagbebentahan ko ay bibilhan ko siya ng maayos na tulugan at mga damit. Bibilhan ko rin siya ng mga gatas at diaper. Paglapag ko kay Hunter ay tumayo na rin agad ako upang hindi na magsayang pa ng oras dahil mangunguha pa ako ng bunga. Maraming puno ng buko at saging dito at ang mga iyon ang tinalon ko. Sa ganitong bagay pala pinakamagiging kapaki-pakinabang ang kakayahan ko na ito kaya walang kahirap-hirap ko na napuno ang dalawang sako na napulot ko sa kung saan sa loob lamang ng ilang minuto. Sigurado naman ako na malaki na ang mapagbebentahan ko na sasapat sa pang-isang linggo namin na stock. Sa tingin ko ay isang beses sa isang linggo ako makakalabas ng kagubatan para magbenta ng mga gulay. Kakausap na lang ako ng isang tindera na siyang kukuha ng lahat ng makukuha kong gulay at bibigyan ko siya ng maganda at murang offer dahil wala naman akong ilalabas na puhunan at hindi rin naman ako maghihirap sa pagkuha. Binuhat ko nang walang kahirap-hirap ang dalawang sako palabas ng kagubatan gamit ang bilis ng isang bampira. Nang marating ko ang palengke ay saka ko lamang hinila ang dalawang sako na gamit na lamang ang normal na lakas at ngayon ko lang nalaman ang bigat nito. Sa tindahan ng mga gulay agad ako dumiretso at pinag-alukan ko ang mga bitbit ko. Pinagtitinginan pa nga nila ako dahil tinatiyaga ko na magbuhat ngunit hindi ko naman ininda ang mga pagtitig nila. They can stare all they want. Ang tanging nasa isip ko ay ang may maka-deal na isang tindera na may pwesto rito sa palengke. "Ineng, ano iyan?" Nahinto ako sa paghila sa dalawang sako ng prutas nang magtanong ang isang ale na nagtitinda ng iba't ibang uri ng prutas. Nakikita ko na kakaunti na lamang ang kanyang mga tinda. "Oh, this? Mga buko po at saging," sambit ko at sinusubukan pa niya na silipin ang kabuuan ng sako ngunit nakatali naman ito. "Patingin nga ako." Nakaramdam naman ako ng tuwa nang maramdaman ko na interesado siya sa mga dala ko. Hindi ko alam kung bakit ngunit halos lahat ng tindahan dito at pwesto ay kakaunti na lamang ang mga paninda. Maaga pa naman kaya nakakapagtakha na makakaubos agad sila. Agad ko namang inalis ang pagkakabuhol ng tali ng sako upang ipakita sa kanya ang mga dala ko. At natuwa naman siya nang makita ang mga ito. Hindi naman na ako nagulat pa dahil kahit sino naman ay matutuwa sa ganito ka-fresh na mga prutas at alam ko na magiging mabenta ito. "Kaninong order ang mga iyan?" tanong pa niya at umiling ako. "Wala pa pong buyer ang mga ito. Ang totoo nga po ay hinahanapan ko. Kayo po? Baka po gusto na ninyong kunin? Ibibigay ko sa murang halaga," sabi ko at sunud-sunod na tango ang ginawa ng ale. "Oo, kukuhanin ko na ang lahat ng iyan? Saan mo ba ito nakuha? Ang dami." Hindi ko alam ngunit tila mangha na mangha siya sa mga dala ko. "May maititinda pa ako sa mga susunod na araw," sabi pa nito at hindi ko naiwasan ang mapakunot ang noo dahil sa pagtatakha. Nagtakha rin naman ang tindera dahil sa naging reaksyon ko. "What do you mean?" tanong ko. "Naku, ineng, halata na hindi ka nanonood ng balit. Hindi mo ba alam na mayroong shortage sa mga prutas dahil sa nagdaan na bagyo? Maraming taniman ang naapektuhan at nasira. Kaya nga at heto namomroblema na kami sa kung saan mag-aangkat ng mga prutas. Mabuti na lamang pala at natanong kita tungkol dito sa mga bitbit mo dahil kung hindi ay sigurado ako na baka maibigay mo pa ito sa iba," sabi niya at tinabi naman na ng ale ang mga dala ko upang siguraduhin na sa kanya na ang lahat ng iyon. "Ganoon po ba? Nakakalungkot naman po pala ang nangyari. Gusto po n'yo po ba na dalhan ko ulit kayo sa susunod na linggo?" tanong ko na kinatuwa naman ng ale at sunud-sunod ang ginawa niyang pagtango. "Oo, ineng. Kahit araw-arawin mo pa ang pagdadala. O kung kailan mo maisipan. Kukuhanin ko ang lahat. Marami ka pa ba na ibang klase ng prutas na madadala mo?" Habang tinatakbo ko palabas ang kagubatan ay marami pa akong napansin na iba't ibang klase ng prutas na sa tingin ko ay magagawa ko rin na makakuha. Kaya pinangakuan ko rin siya na dadalhan pa ng iba pang klase ngunit hindi ko kaya ang araw-araw. "Ako si Aling Sally. Ito lang ang nag-iisa kong pwesto. Hindi naman ako naalis dito. Tandaan mo ang aking pangalan. Huwag mong ibibigay sa iba," pagsisiguro niya kaya tumango na lamang ako dahil mukhang seryoso ang shortage ng mga prutas. Sa totoo lang ay kaya ko naman na araw-araw magdala rito ngunit ayaw ko naman na araw-arawin ang pag-iwan kay Hunter nang mag-isa sa kweba. Nang magkaabutan na kami ng bayad ay natuwa naman ako dahil alam ko na marami na akong mabibili. Ngunit naagaw ang atensyon ko ng isang LED billboard kung saan nakita ko ang pag-flash ng aking mukha. At nakita ko na declared pala ako as a missing person at nakalagay pa ang pagkakakilanlan ko bilang tagapagmana ng Montecillo. Mayroon pang nakalaan na pabuya para sa makakakita o makakapagturo man lang ng kinaroroonan ko. Bigla tuloy akong nag-alala sa paligid ko dahil hindi biro ang pabuya na ibibigay kaya alam ko na marami ang magkakainteres sa akin at ituro. Kaya nang may matanaw ako na nagtitinda ng balabal ay agad akong bumili at binalot sa aking ulo at mukha na tanging ang mga mata ko lang ang nakalabas. Saka lamang ako naging komportable ulit sa paglalakad. Gusto ko na sanang umuwi ngunit wala pa akong nabibili para kay Hunter. Kaya dumaan na muna ako sa grocery store at tindahan ng mga damit upang bumili ng mga magagamit namin. At nang sa tingin ko ay sapat naman na ang mga napamili ko ay minabuti ko nang umuwi dahil baka magising pa si Hunter at abutan ko siya na umiiyak kahit pa sa ,tingin ko naman ay mas maaga ako na makakauwi kaysa sa oras na naging tantiya. Habang mabilis na tumatakbo pabalik sa kweba ay hindi ko mapigilan ang mapangiti dahil sa mga dala ko napamili para sa amin ni Hunter. Sigurado ako ngayon na magiging mas masarap pa ang pagtulog niya dahil mayron na siyang malambot na mahihigaan na para talaga sa mga baby. Mabuti na lamang at mura na lang ang mga ito dahil hindi na uso. Iba na kasi ang uso na higaan ng mga baby. Habang ako naman ay bumili na rin ng manipis na kutson at unan. Mayroon ding kumot dahil kung minsan ay nakakaramdam ako ng lamig. Bumili na rin ako ng solar lamp at flashight para hindi na lang din sa liwanag ng buwan kami aasa tuwing gabi. Dahil sa excitement ko sa mga binili ko para sa amin ni Hunter ay pakiramdam ko na naging sobrang tagal ng ginawa kong pagtakbo kahit pa ilang sa loob lamang ng halos dalawang minuto ay nasa tapat na ako ng kweba. Agad kong ginamit ang flashlight papasok ng kweba kahit hindi pa naman ganoon kadilim dahil may pumapasok pa naman na liwanag mula sa labas. Naabutan ko naman si Hunter na mahimbing pa rin na natutulog kaya napangiti ako. Nilatag ako ang papag na ilang araw ko rin na sinubukang buuin. Sapat naman na siguro ang tibay nito upang makaya kaming mag-ina. Nilatag ko sa papag ang higaan na nabili ko at ganoon din ang higaan ni Hunter na tamang-tama lang sa amin. Nakakatuwa na makita nang ganito kaliwanag ang kweba talaga namang maganda. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami maninirahan dito ngunit hangga't hindi pa makakaya ni Hunter na ipagtanggol ang sarili niya laban sa ibang mga bampira ay hindi kami aalis. At oo, I will train him to be capable of protecting himself. Hindi naman ako papayag na oras na may makahanap sa amin ay hindi man lang niya maipagtatanggol ang kanyang sarili. Hindi ko itatago sa kanya ang pagiging bampira niya at mas lalong hindi ko itatago sa kanya kung sino at ano siya. Dahil para sa akin ay siya ang nag-iisa kong tagapagmana, nasa kanya man ang mga senyales o wala. Matapos kong ayusin ang higaan namin ni Hunter ay agad ko na siyang nilapita upang kuhanin mula sa mga dahon na ilang araw niya rin naging tulugan. Nakakaramdam ako ng awa para sa anak ko dahil alam ko na hindi ito ang buhay na dapat mayroon siya. Lahat ng nangyayari sa kanya ngayon ay kabaligtaran kung siya ang kikilalanin na tagapagmana. Ngunit mas pipiliin ko na ang ganitong buhay niya kaysa magkaroon na naman ng mga banta sa kaligtasan namin. Kaya ko pa rin naman na sustentuhan ang mga pangangailangan niya kahit pa sa mga oras na lumalaki na siya. Hindi naman ako nakakaramdam ng pagod dahil para sa anak ko naman ang pinagpapaguran at pinaghihirapan ko ngunit alam ko na mas magiging madali ang lahat ng ito kung kasama namin ang kanyang ama. Ngunit kahit hindi na namin maaari pang makasama si Hell ay sisiguraduhin ko naman na mananatili siyang buhay sa puso at isip ng anak namin. Hindi ako magsasawa na ikwento kay Hunter ang lahat ng kabutihan ng kanyang ama lalo na ang pagsasakripisyo nito ng sarili niyang buhay para lamang manatili kaming buhay. Nang mabuhat ko si Hunter ay bahagya pa siyang nagising ngunit mabilis din naman siyang nakatulog nang maibaba ko na siya sa bago niyang hihigaan. Sinalansan ko sa isang lalagyan ang mga bago pang gamit na nabili ko. Umaasa ako na sa mga susunod pang linggo ay mas marami pa akong mabibili. Mabuti na lamang at may mga shawl na akong nabili na siyang magtatago ng pagkakakilanlan ko. SA mga sumunod pa na araw ay mas naging magaan pa ang uri ng pamumuhay namin ni Hunter. Naging tahimik ang unang buwan namin dito sa kweba. Sinwerte rin ako sa pagsu-supply ng mga prutas sa palengke kaya malaki na ang naiipon ko na pera. Hanggang sa ma-discover ko ang usong collapsible house na sa tingin ko ay pwede na sa aming ni Hunter. Kay agad ko naman itong binili at in-assemble. Nahirapan pa ako na i-assemble ito ngunit dahil sa tiyaga ko ay nagawa ko rin naman. Ngayon ay mayroon na kaming tutuluyan ni Hunter na matatawag namin na bahay. Ngunit tinayo ko ang bahay ilang dipa lang ang layo mula sa kweba. Nagagawa ko nang magluto at kumain ng hindi puro prutas at gulay. Naging simple ang pamumuhay namin ni Hunter. Ngunit walang araw na hindi ko naiisip si Hell. Alam ko kung gaano siya natutuwa kung nasaan man siya dahil unti-unti ay nakakabangon na kami. Hindi rin naman ako titigil hangga't hindi ko natutupad ang pangako ko sa kanya na aalagaan ko nang mabuti ang anak namin. Hindi siya nagdalawang isip na ipagkatiwala si Hunter sa akin. Habang nagtitimpla ako ng gatas ay narinig ko na ang iyak ni Hunter kaya minadali ko na ang ginagawa ko para matahan na siya. Hindi yata ako mapapagod at magsasawa kahit pa umiikot na lamang ang buong maghapon ko sa pag-aalaga sa kanya. Hanggang sa hindi ko na nga namalayan pa ang paglipas ng bawat araw at may limang buwan na rin kaming nandito. Hindi naman na ako naghahangad pa ng mas marami dahil sapat na sa akin ang katahimikan na nararanasan namin. Ngunit ganoon pa man ay patuloy pa rin ako sa pagtatrabaho dahil hindi naman natatapos ang pangangailangan namin ni Hunter. Ngunit sinisiguro na may maitatabi ako sa lahat ng kinikita ko na para sana sa kinabukasan ni Hunter. Wala rin naman kasi akong plano na habang-buhay siyang ikulong sa kagubatan kaya pag-aaralin ko pa rin siya. Ayoko naman na lumaking mangmang ang anak ko. Mag-aaral siya ng academics sa school habang ang mga kailangan niya na matutunan sa pakikipaglaban ay ako ang magtuturo. Ako ang gusto ko na magtuturo ng lahat ng dapat niyang malaman kung paano protektahan ang kanyang sarili dahil hindi naman normal ang lakas na mayroon siya. Nakasanayan ko nang itambay si Hunter sa tapat ng bahay tuwing umaga at dito ay pinagmamasdan ko ang aliwalas ng paligod at sariwang hangin. Binaba ko ng tingin si Hunter na nasa aking bisig at nakangiti. Bigla na lang din tulong akong napangiti at nilaro siya. Habang lumalaki si Hunter ay mas lalo kong nakikita ang malaking pagkakahawig nila ng kanyang ama. Kaya hindi ko maiwasan na isipin s Hell sa tuwing titingin ako kay Hunter. Kaya imposible na makalimutan ko siya. Dahil mananatili siyang buhay sa katauhan ng kanyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD