Chapter 43

2598 Words
Chapter 43 Heaven's POV Hindi ko alam kung ano nga ba ang una kong dapat na maramdaman sa ginawang sakripisyo ni Hell. I am glad na ligtas ang anak namin ngunit hindi ako makapaniwala na isang buhay na naman ng taong mahalaga sa akin ang kinuha sa aking harapan...nang wala na naman akong nagawa. Napahikbi na lamang ako nang ma-realize na pang-ilang beses na nga ba ito na nangyari. Hindi ko na alam kung isa ba itong sumpa dahil bakit ko pa ba kinakailangan na masaksihan ang ginagawang pagpatay sa mga taong malalapit sa akin. Ilang kamatayan pa ba ang kinakailangan ko na masaksihan. Hindi lang naman din sila basta namatay sa harapan ko. Kundi namatay sila sa pilit na pagtatanggol sa akin. Ang buong akala ko ay ang Kuya Peter ko na ang huling pamilya ko na papatayin sa harapan ko dahil ang buong akala ko na tapos na ang kaguluhan. At kahit na minsan ay hindi man lang sumagi sa isipan ko na maging si Hell ay may posibilidad na patayin sa harapan. Ang dapat siguro ay hinahanda ko na ang sarili ko sa ganitong klaseng kapalaran dahil sa sumpang ito na lahat ng taong pinapahalagahan ko ay babawian ng buhay sa aking harapan. Sa ngayon ay wala akong ibang magawa kundi ang tunghayan ang katawan ni Hell na nakaangat pa rin sa lupa. At binitiwan lamang siya ng bampira na sumasakal sa kanya nang sa wakas ay ma-realize nito na wala na si Hell. Ngunit ako, hindi ko alam kung kailan ba magsi-sink in sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko nga rin alam kung kaya ko ba na tanggapin ito. Ngayon na wala na si Hell ay hindi ko alam kung saan magsisimula. Napababa ang tingin ko sa gitna ng mga hita ko at nakitang muli ang aming anak na wala nang tigil sa pag-iyak. Dahil sa mga nangyayari ay pakiramdam ko na malapit na akong mawalan ng malay. Hindi ko na rin magawa na maging aware sa paligid ko dahil tuliro na ang utak ko. Ang tangi lamang na malinaw sa akin ay ang walang tigil na pag-iyak ng anak namin. Kaya kahit hindi ko na kaya at hindi ko alam kung makakakilos man lang ba ako ay sinubukan ko pa rin na kuhanin ang bata mula sa lupa upang kargahin man lang sa aking nga bisig. Sa pamamagitan ng natitira kong lakas ay nagawa ko pa rin naman na buhatin ang baby sa mga bisig ko kahit pa nakakonekta pa rin ang pusod nito sa akin. Ang buong akala ko ay ayos na ang lahat ngunit bigla na naman ako ulit nakaramdam ng pagsakit ng tiyan dahilan para hindi ko makarga nang ayos ang bata. Kaya mas lalo pa na lumakas ang kanyang pag-iyak. And I heard a grunt outside the cave. At kahit pa nanlalabo na ang paningin ko dahil sa pakiramdam ko na ano mang oras ay babagsak na ang talukap ng aking mga mata ay natanaw ko pa rin mula roon ang isang nilalang na tulirong naghahanap sa pinanggagalingan ng iyak ng bata na alam kong dinig hanggang doon. "Anak, please. Shh..." Pakiusap ko kahit pa alam ko nang malabong mangyari na mapatahan ko ang aking anak. Mas lalo pang sumiklab ang kaba sa aking dibdib nang makita ko na sinusubukan na ng bampira na pumasok dito. Naghahabol na ako ng hininga dahil sa patuloy na pagsakit ng aking tiyan. At nahugot ko na lang ang aking hininga nang magtama ang paningin namin ng bampira at agad ito na naghanda para sa pagsugod sa akin. Ngunit bago pa man ito tuluyan na makasugod sa akin ay nakita ko na ang pagdating ng isang lobo. Agad kong pinagpasalamat ang pagdating niya nang makilala ko ang pamilya niyang balahibo. Idagdag pa ang babaeng mortal na nakasakay sa kanyang likod. Nang tumalon si Billie mula sa likod ni Jom ay saka ito nag-tranform into human. Agad naman na inasinta ni Billie ng isang lubid na alam kong yari sa silver ang bampira na pumatay kay Hell at kanina lang ay nagtatangka na sumugod sa akin. Hindi ko na nasundan pa ang mga sumunod na tagpo dahil tuluyan na akong natuliro sa muling pagsakit ng aking tiyan. Ngunit dahil pakiramdam ko ay ligtas na kami ng anak ko ay nasa isip ko na ang pansamantala na magpahinga. Gusto ko nang makapahinga dahil alam ko nang may magliligtas sa akin at panatag na ang loob ko. Naramdaman ko na ang tuluyan na unti-unting pagbagsak ng pilikmata ko. DAHAN-DAHAN ako na nagmulat ng aking mga mata na tila ba nanggaling ako sa isang mahaba na pagkakahimlay. At ang unang nabungaran ng aking mga mata ay ang liwanag na nagmumula sa bukana ng kweba. Dama ko pa ang paninibago at pag-a-adjust ng mga mata ko sa liwanag na para sa akin ay ilang araw ko rin na hindi nasilayan. Ngunit hindi pa man ako tuluyan na nasasanay sa liwanag ay isa-isa nang bumalik sa aking ala-ala ang lahat ng nangyari bago ako tuluyang nawalan ng ulirat. Habang nakatutulala ako sa bukana ng kweba ay tila ba malinaw ko pa rin na nakikita ang naging malagim na kamatayan ni Hell. Hell's dead body is nowhere to be found. Gustuhin ko man siya na makita ay hindi ko naman alam kung makakaya ko ba na makaharap ang katawan niya na wala nang malay. Nang tuluyan na akong nakapagmulat ng mga mata ay naglibot ako ng tingin sa paligid ng kweba na kinaroroonan ko. Umaasa ako na matatanaw ko sina Jom at Billie sa paligid ngunit wala akong naabutan na sino man kaya labis ang naging pagtatakha ko. Napababa lang ako ng tingin sa sanggol na nasa tabi ko na nakakubli sa aking mga bisig. At saka lamang nanumbalik sa akin ang alaala na nagsilang na nga pala ako bago ako nawalan ng malay. Sinilang ako ang anak namin ni Hell kahit pa pitong buwan pa lamang siya. Pinakiramdaman ko ang aking sarili kung may masakit pa ba sa aking katawan tulad ng sakit na naramdaman ng tiyan ko kahit nakapagsilang na ako bago pa man ako mawalan ng malay. At laking pasasalamat ko na wala naman na akong iniinda na sakit ng katawan. Kung mayroon man ay minimal at bearable naman. Sinubukan ko kung kaya ko na ba na kahit maupo man lang at nang masubukan ko ay laking pasasalamat ko na kaya ko naman na pala. Agad ko na kinarga ang anak ko ay pinaghele ko na agad siya dahil alam ko na nagbabadya na siyang umiyak. At hindi nga ako nagkamali dahil nang kargahin ko ang aking anak ay umiyak siya kaya sinubukan ko siya na i-breastfeed. At sa tingin ko naman ay may gatas na nalabas sa akin. Medyo may doubt kasi ako kung gatas ba ang unang iniinom ng sanggol na bampira o diretso dugo agad. Ang alam ko lang ay dugo ang unang pinainom ni Fire kay Burn dahil full-blood vampire siya at hindi naglalabas ng gatas. Sa tabi namin ay may nakita ako na ilang piraso ng prutas. At alam ko na ilang araw na rin ang mga ito roon dahil ang iba ay bulok na. Kung gayon ay ilang araw na rin pala akong natutulog. At mukha naman na hindi nagutom ang anak. Alam ko at sigurado ako na sina Jom at Billie ang may dala ng mga prutas upang masiguro na may makakain ako oras na magising ako. Matapos ko na kumain ay sa tingin ko naman na naibalik naman na kahit papaano ang aking lakas. Kaya nang matapos dumede ang aking anak ay minabuti ko na tumayo na muna nang bitbit ang bata dahil hindi ko naman siya pwede na basta na lamang ihiga lapag dahil masyadong mabato. Dahil hindi pa ako fully recovered ay marahan lamang ang ginagawa ko na paglalakad at nangangailangan pa ako ng suporta sa mga bato rito sa kweba. At nang tuluyan na nga ako na makalabas ng kweba ay ay hindi ko na napigilan pa ang muling mapaluha na kanina ko pa pinipigilan. Ang buong akala ko ay naubos ko na ang lahat ng mga dapat kong iiyak bago ako mawalan ng malay. Ngunit nang makita ko nang malipitan ang eksaktong lugar kung saan pinatay si Hell ay nanumbalik lahat ang sakit ng pagkawala niya. Hindi ko man lang nahawaka kahit na ang kanyang bangkay man lang. At ang pakiramdam ko ay muling bumalik ang galit ko sa mga bampira. Ngunit sa pagkatataon na ito ay hindi sa buong lahi. Kundi kay Guia at sa kanyang mga tauhan na siyang nagtangka at pumatay kay Hell. At hinihiling ko na sana lang ay hindi kasama si Vlad sa pagtatangka na ito dahil hindi ko alam kung kikilalanin ko pa ba siya bilang kapatid. Alam naman na niya siguro kung ano ang magiging kabayaran sa gagawin ng kanyang ina ngunit nakisali pa rin siya. Hindi man lang niya sinaalang-alang ang pagiging magkapatid namin. Kung nagawa niya na isantabi ang relasyon niya sa akin, ay kayang-kaya ko rin na isantabi kung sino siya sa buhay ko. Walang pinakitang masama sa kanya si Hell upang pumayag siya na ipapatay iyon. Bitbit pa rin ang aming anak ay napaluhod na lang ako sa tapat ng mga nagkalat at natuyo nang mga dugo nang makita ko ito. Ngunit kahit na gaano kasakit ang lahat ay iniharap ko roon ang bata na tila ba pinapakita sa kanya ang aming anak. "Hell, this is our son," sambit ko na tila ay pinapakilala sa kanya sa unang pagkakataon. Sayang nga lamang dahil hindi na niya nagawa pa na masilayan man lang ang aming anak. Kung nandito lamang siya ay alam ko na hindi mawawalay sa kanya ang bata at smay posibilidad rin na makipag-agawan pa siya sa akin sa pagkarga. Alam ko kung gaano siya magiging kabuting ama kung nabigyan lamang siya ng pagkakataon. Ngunit may mga nilalang na nag-alis sa kanya ng pagkakataon na gampanan iyon nang kasama na namin ang aming anak. "Alam mo ba na inialay niya ang kanyang sariling buhay para lamang mailigtas ka...mailigtas tayo." May luha na muling pumatak sa akin mga mata. Mas pinili ni Hell na tapusin na lamang niya ang kanyang buhay dahil alam niya na oras na mapatay siya ng iba ay ilang araw lang din ay mamamatay kami ng bata. Marahan ko na niyakap ang aming anak at hinalikan siya sa noo. Hindi ko alam kung saan at paano magsisimulang muli ngunit para sa aming anak ay pagsusumikapan ko. Poprotektahan ko siya sa abot ng aking makakaya tulad ng pinangako ko kay Hell. Hindi ako makakapayag na mabelawala ang pagsasakripisyo niya ng kanyang sarili buhay. Iingatan ko ang natatanging alaala ni Hell. Aalagaan ko nang mabuti ang nag-iisang tanda at bunga ng aming pagmamahalan. Hindi pa namin napag-usapan ni Hell kung ano ang maaari naming ipangalan sa anak namin dahil hindi rin naman namin alam kung babae ba ito o lalaki. Ngayon pa lang siya nagkaroon ng gender at siya ay isang lalaki. Wala akong maisip na pwedeng ipangalan sa kanya na alam kong magugustuhan at sasang-ayunan ni Hell. Ngunit naalala ko noon nang minsan akong tawagin ni Hell bilang Vampire Huntress. I love the way he addressed me. At dahil dati naman talaga ako na isang vampire huntress ay naiisip ko na pangalanan na lamang ang anak namin bilang isang Hunter. Kikilalanin siya bilang si Hunter Levine. At umaasa rin ako na sana pagdating ng tinakdang panahon na mapatunayan siya bilang tagapagamana ay maihaharap ko na siya sa buong lahi ng bampira at maibigay sa kanya ang pagkilala na nararapat sa kanya. Ngunit sa ngayon ay kinakailangan ko muna siyang itago sa lahat. Hindi ko alam kung saang lugar kami maaaring magtago pero sa ngayon, habang hindi pa ako nakakabawi ng lakas ay dito na muna siguro kami tutuloy sa kweba. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa bampira na nakakita sa akin dito ngunit nakakasigurado naman ako na nagawan na iyon ng paraan nina Jom at Billie na mailayo rito at mapatahimik. Kaya alam ko at panatag na ang loob ko na wala nang makakatunton sa amin dito. Hindi ko alam kung babalikan pa ba kami nina Jom ngunit kung maisipan man nila na hindi na ay ayos lang din naman. Malaki pa rin ang tatanawin ko na utang na loob sa kanila dahil kung hindi sila dumating sa tamang oras ay alam ko na maging kami ni Baby Hunter ay mapapahamak din. Malaki pa nga ang posibilidad na maging kami ay patayin ng bampira na iyon. Hindi na rin naman namin nais pa na maging sila ng mortal na si Billie ay mapahamak pa dahil alam ko naman na iyon ang iniiwasan na mangyari ni Jom. Kaya kahit na alam ko ang tinutuluyan ni Jom ay hindi ko na tatangkain pa ang humingi ulit ng tulong sa kanya dahil ayaw ko nang madagdagan pa ang abalang nagawa namin sa kanya noong ako ay nagbubuntis pa. Isa na akong ina ngayon kaya tama lang siguro kung tuturuan ko na aking sarili an tumayo sa sarili kong mga paa dahil may isang sanggol na ang umaasa sa akin. Nang makaramdam akong muli ng pagod ay minabuti ko nang pumasok nang muli sa kweba kasama ang anak kong si Hunter. Sa tingin ko ay dapat ko nang sanayin ang aking sarili na manirahan sa kweba. Sa tingin ko kasi ay ito na ang pinaka-safe na lugar para sa amin. Dinagdagan ko ang dahon na hinihigaan ko upang maihiga ko na rin si Hunter na ngayon ay mahimbing nang natutulog. Kinakailangan ko na bilisan sa pag-recover ng aking buong lakas para makakilos na rin ako nang ayos. Dahil oras na tuluyan akong gumaling ay plano ko na bumaba ng kagubatan at maghanap ng maaaring gamiting ng anak ko habang nandito kami sa kweba. Wala akong pera kaya kung kinakailangan na magnakaw ako sa mga tindahan ay gagawin ko. May sapat naman akong kakayahan at kapangyarihan upang gawin iyon. Ngunit nang tingnan ko ang mahimbing na pagtulong ni Hunter ay bigla na lamang akong nag-alangan sa plano ko. Ayoko pala na pagamitin ang anak ko ng a no mang gamit na hindi galing sa marangal. Kaya ngayon pa lang ay kailangan ko nang mag-isip ng paraan sa kung paano bubuhayin ang anak ko dahil ayoko naman na wala man lang siyang ibang magiging gamit. Napansin ko kasi ang pranela na suot ng anak ko ay ang pranela ng mga bagong silang na bampira. Alam alam ko na sila Jom ang may dala nito. Ngunit hindi ko naman pwedeng hindi hubarin sa kanya 'yan dahil kapag lumalaki at nagkakaisip na siya ay pansamantala ko munang itatago sa kanya ang pagiging bampira niya. Dahil wala pa namang kassiguraduhan kung maipapakilala ko ba siya. Kung siya ang tagapagmana, ipapakilala ko siya. Ngunit kung hindi ay sa tingin ko na habang buhay ko na siyang maitatago dahil hindi naman ako papayag na patayin nila ang anak ko dahil lang wala sa kanya ang mga simbolo ng isang tagapagmana dahil hindi naman mahalaga sa amin ang trono. Kahit pa hindi ko na rin makuha pa ang pagiging reyna dahil sa pagtanggal nila sa akin sa trono ay ayos lamang din. Kaya ko namang mabuhay nang walang ano mang karangyaan. As long as kasama ko ang aking anak at mananatili sa aking alala si Hell ay alam ko na makakaya kong magpatuloy sa buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD