Chapter 42

2593 Words
Chapter 42 Heaven's POV They will never get us without giving a fight. Hindi ko na rin napigilan pa ang paglabas ng mga pangil ko. "Ahhh!" I shouted when they are about to attack Hell. Sabay naman na tumilapon ang bampira at lobo na dapat ay mananakit sa kanya. At nang lingunin nila ang kinaroroonan ko ay nagulat pa sila nang makita ako. Bakit tila gulat na gulat sila ngayon na makita ako samantalang kanina lang ay pilit nila akong hinahanap kay Hell. Ngunit nang maka-recover sila sa pagkakabigla ay agad naman sila na naghanda sa pag-atake sa akin. Agad na bumangon si Hell at mabilis na tumakbo papunta sa akin na bakas ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Bago pa man tuluyang makabangon ang dalawa na pilit umaatake sa amin ay hinawakan na ako ni Hell sa kamay at hinila para tumakbo. Mabilis ang ginawa naming pagtakbo ngunit sinisiguro niya na naaalalayan niya pa rin ako. At ramdam na ramdam ko ang takot sa higpit ng hawak sa akin ni Hell. Tila ba wala siyang plano bitiwan ako ano man ang mangyari. Hindi ko alam kung gaano kalayo na ang natatkbo namin at wala rin akong idea kung nasaang bahagi na kami ng kagubatan. Wala rin namang bakas at kaluskus ng mga humahabol sa amin. Napahinto na lamang akong bigla nang makaramdama ko ng sakit ng tiyan. At halos mamilipit ako nang maramdaman ang hindi biro na paghilab nito. Ramdam ko sa bawat hilab at sakit na alam kong hindi normal na pagsipa lang ng bata. "Heaven, anong nangyayari?" natatarantang tanong ni Hell dahil alam namin parehas na hindi kami pwedeng huminto sa pagtakbo dahil oras tumigil kami ay malaki ang chance na maaabutan kami ng mga pilit na humahabol sa amin. Ngunit gusto ko man magpatuloy sa pagtakbo dahil ayaw ko rin naman na mahuli kami ngunit hindi ko na talaga makaya pa ang sakit na nararamdaman ko. "Sobrang sakit ng tiyan ko, Hell. Hindi ko na kaya pa ang magpatuloy sa pagtakbo." Hindi ko alam kung dahil ba ito sa nasobrahan ako sa pagtakbo. Ngunit sana naman ay hindi makaapekto sa bata ang ginagawa namin na pagtakbo. Dahil siguro nahalata ni Hell sa mukha ko ang labis nga ng p*******t ng tiyan ko ay hindi na niya ako pinilit pa na muling tumakbo. Bagkus ay binuhat na lamang niya ako at siya na ang nagpatuloy sa mabilis na pagtakbo. Hindi naman iniinda ni Hell labis na pagod dahil sa mga nangyayari at ang tangi niya lang na gustong mangyari ay ang tuluyan na makatakas. Alam ko na wala pa siyang maayos na tulog ngunit heto at gabi na naman at mangangapa na naman kami sa mga nangyayari. Pakiramdam namin ay nakikipaghabulan kami kay kamatayan. Hanggang sa may nadaanan kami ni Hell na isang maliit na kweba. Dinala niya ako roon at hindi ko alam kung ano ang plano niya. Hindi ito ganoon kalawak kaya tanaw mo ang bukana kahit pa nasa dulo na kami ng kweba. Pinaglatag ako ni Hell ng mga tumpok ng dahon upang hindi ganoon katigas ang pagpapahingahan ko. Inalalayan ako ni Hell paupo sa mga dahon ngunit kahit na nakaupo na ako ay hindi pa rin nababawasan ang sakit ng tiyan ko. Napahawak ako sa pagitan ng mga hita ko nang maramdaman na tila ay may umaagos roon. At nang tingnan ko ang palad ko ay nagulat kami ni Hell ang makita na tila ay pumutok na panubigan ko. At sa tingin ko ay manganganak na ako ano mang oras mula ngayon. Sinabayan pa ng matitinding paghilab ng tiyan ko at maya't maya na akong napapangiwi. "Manganganak ka na?" Dama sa boses ni Hell ang kaba sa tanong niya kahit pa alam na niya ang sagot. Alam ko kung gaano ang magiging pressure nito para kay Hell dahil bukod sa wala siyang alam sa pagpapaanak ay mayroon pang nagtatangka sa mga buhay namin. Sunud-sunod ang ginawa kong tango sa tanong niya at ramdam ko na rin ang pagtulo ng pawis ko. Hindi ko alam kung paano kakayanin ang sakit dahil ang pakiramdam ko ay lalabas na ang bata sa sinapupunan ko. Kung pwede nga lang na pigilan muna ang panganganak ko ay ginawa ko na dahil batid ko na wala kami sa kahandaan at nasa isang delikado kami na sitwasyon. Parehas na kaming nakakaramdam ng tensyon ni Hell at mas lalo pang nakadagdag sa tensyon na bumabalot sa paligid ang narinig naming ingay ni Hell kaya nagkatinginan kami. Bigla na lamang niya akong hinawakan sa magkabilang pisngi at batid ko na may mga bagay siyang kailangan na sabihin sa akin. "Listen to me..." Kinalma ko naman ang aking sarili upang ibigay ang buo kong atensyon sa kanya. "May mga bagay na sinabi sa akin si Jom kanina bago kami tuluyan na magkahiwalay," ani Hell at napakunot ang noo ko dahil sa kawalan ng idea sa mga bagay na maaaring sinabi sa kanya ni Jom. Ngunit alam ko na mahalaga ang mga bagay na iyon dahil hindi naman iyon sasabihin ni Hell sa akin sa ganitong sitwasyon namin kung hindi naman importante. "Ano iyon, Hell?" tanong ko. "Ang sabi sa akin ni Jom ay narinig niya na nag-uusap ang Alpha at Master Racul. At sinabi ng Alpha na kung ang anak natin ay may senyales na isang siyang tagapagmana, maaaring hindi siya patayin. Ngunit kung isa siyang normal na bampira lamang ay wala siyang karaparan na mabuhay," sabi ni Hell at hindi ko alam ang tungkol sa bagay na 'yun. "Pero paano natin malalaman kung siya ang magiging tagapagmana?" tanong ko. Hindi ko malalaman na ako pala ang tagapagmana kung hindi lumabas ang tanda sa aking likuran. Bukod sa letrang A na nasa likod ko ay wala na akong iba pa na pagkakakinlanlan kundi ang kakayahan ko na makontrol ang paligid sa tuwing nag-uumapaw na emosyon ang nararamdaman ko. Kaya paano ko malalaman na tagapagmana pala ang anak ko. "Kinakailangan natin na maghintay na umedad siya ng disi-otso bago siya iharap sa buong Alucard." Napanganga ako sa sinabi ni Hell. Hindi ko pa nga alam kung makakaligtas kami sa sitwasyon namin ngayon, tapos ay kinakailangan ko pa na maghintay ng labing walong para makasigurado sa kaligtasan ng anak ko? Na wala pang kasiguraduhan kung siya nga ang napiling tagapagmana. Kung nasa hustong gulang lang sana ako ay sigurado ako na ang anak naming ito ang magiging tagapagmana dahil siya ang panganay kong anak. Ngunit dahil wala pa ako sa hustong gulang ay wala itong kasiguraduhan dahil ang kikilalanin lamang ay ang isisilang na sanggol pagtutong ko ng isang daang taon. "Masyadong matagal iyon, Hell. Kung ngayon nga na ilang buwan pa lang tayong nagtatago ay natunton nila tayo, paano pa kaya sa loob ng ilang taon?" sabi ko pero umiing si Hell. "Nahihirapan tayo dahilsa posibilidad na maaari nilang maamoy ang dugo ko. Ngunit kung hindi ninyo ako kasama ay mas mapapadali sa inyo ang magpakalayo-layo," sabi ni Hell at bahagyang napaawang ang bibig ko dahil sa sinabi ni Hell. Tila ba mabilis kong nakuha ang nais niyang ipahiwatig at ngayon pa lang ay tumututol na ako. "Ang sinasabi mo ba ay iiwan mo kami ng anak natin?" hindi makapaniwalang tanong ko. Desperado na siya na umiling. "No, Heaven, of course not. Hinding-hindi ko magagawa na iwanan kayo ng anak natin," sabi ni Hell ngunit iba ang sinasabi ng kanyang mga mata. Alam ko na hindi pa siya tapos sa kanyang sasabihin. "But...but you gotta leave me, Heaven." My jaw drops at the next words he uttered. Hindi ko alam kung ano ang dapat ko na i-react. Gusto ko na isiping nagbibiro lang si Hell pero alam ko naman na walang sino man ang magbibiro sa ganitong kaseryoso na sitwasyon kaya alam ko na seryoso siya sa kanyang mga sinasaabi. "Hindi--ah!" Magpoprotesta pa sana ako sa sinabi niya pero pinangunahan na ako ng sakit ng tiyan kaya hindi ko na napigilan pa ang mapasigaw. Napaluhod sa harapan ko si Hell para i-check ang lagay ko kahit pa halata sa kanya ang kawalan ng idea sa kung ano ang dapat niyang gawin. Mas nakakadagdag sa kaba at pagkataranta niya ang ingay sa labas ngayon ay tila papalapit na sa kinaroroonan namin. Pinunasan ni Hell ang malalaking butil ng pawis sa kanyang noo na kanina pa umaagos sa mukha niya. Ngunit ngayon ay tila naging desidido siya sa kanyang pasya. Ngunit kahit na gaano pa siya kadesido kung hindi naman ako papayag ay wala rin siyang magagawa. Sabay kaming napalingon ni Hell sa bukana ng kweba nang makarinig ng mga alulong. At parehas na naming alam kung sino at anong klaseng mga nilalang ang nasa labas ng kweba. At sigurado ako na pilit nilang inaamoy ang paligid. Dahil sa sakit ng tiyan ko ay alam ko na hindi na ako makakalaban pa sa kanila upang tumungan si Hell. "They are here, Heaven," sambit ni Hell at bigla na lamang siyang tumayo. Tiningala ko siya nang buong pagtatakha dahil hindi ko alam ang plano niya. "Anong plano mo?" tanong ko ngunit ngumiti siya. "Hell, magsalita ka!" I exclaimed, crying. At hindi ko alam kung ang iyak ko ba na ito ay dahil sa sobrang paghilab ng aking tiyan o dahil sa unti-unti ko nang nababasa sa mga nagniningning na mata ni Hell ang kanyang mga plano. "Huwag na huwag kang lalabas, Heaven! Hindi ka nila maaaring makita. Kahit na anong mangyari, huwag na huwag kang lalabas. Gagawin ko ang lahat para mailayo sila rito. At oras na bumalik ang lakas mo, ipangako mo na magpapakalayo-layo ka na!" sambit ni Hell at habang patuloy siya sa pagsasalita ay hindi rin naman ako tumitigil sa pag-iling. At pakiramdam ko ay nauubusan na ako ng lakas dahil sa kakaiyak. "No, Hell. Please don't do this," sambit ko ngunit tipid siyang ngumiti. "Just promise me, Heaven..." pagmamakaawa niya pero nagmamakaawa rin ako na umiling. "Heaven, nauubusan na tayo ng oras. Huwag nating hayaan na madamay pa ang bata. Kaya mangako na kahit na anong mangyari, hangga't nagkakagulo sa labas ay hinding-hindi ka magpapakita. At oras na bumalik nag lakas mo ay magpapakalayo-layo ka na!" Nauubusan na ng lakas si Hell sa pagkumbinsi sa akin. Alam ko naman na tama ang mga sinabi niya na kailangan namin siyang iwan upang mas maging madali ang pagtatago namin ng anak namin sa loob ng labing walong taon. Ngunit ayokong mawalay kay Hell. Hindi ko na alam pa kung paano ang mabuhay nang hindi siya kasama. Nasanay na ako nang kasama siya. At hindi ko lubos maisip ang sakit at hirap na pwede kong maranasan dahil sa biglaan namin na hindi pagkikita. Hindi namin ito parehas na napaghandaan. At ngayon pa talaga kung kailan manganganak na ako at hindi na makakapag-isip pa nang ayos. "Gawin natin ito para sa anak natin, Heaven," sabi pa niya na siyang mas lalong nakapagpalakas ng iyak ko. At doon ay sunud-sunod ang ginawa ko na pagtango. Mga magulang na kami at hindi na lamang kami nagdedesisyon nang para sa amin. Kailangan na naming isaalang-alang ang anak namin sa lahat ng gagawin pa naming desisyon. At hindi kami pwedeng maging makasarili. Kaya kung para sa anak namin, kahit gaano kahirap sa part namin ay kinakailangan naming gawin. Alam ko na sa aming dalawa ni Hell ay siya ang pinaka-nahihirapan. Dahil ako, hindi ko man makakasama si Hell nang matagal ay kasama ko naman ang anak namin. Ngunit si Hell ay walang ibang makakasama kaya alam ko na mamumuhay siya sa lungkot. Ngunit umaasa kami na darating din ang araw na muli kaming magkakasama-sama. "Pangako, Hell. Gagawin ko ang lahat upang makalayo rito at poprotektahan ko ang ating anak," sabi ko at muling ngumiti si Hell. Lumuhod siya at banayad akong hinalikan sa noo. "Mahal na mahal kita, Heaven." Muli ay bumagsak ang masaganang luha mula sa aking mata dahil sa sinabi niya. Sa hinaba-haba ng panahon na nagkasama kami ni Hell ay ito ang unang beses na binigkas niya ang mga salitang iyon. "Mahal na mahal kita. Ikaw at ang anak natin." "Mahal na mahal din kita, Hell." Agad akong hinalikan ni Hell sa mga labi at nalasahan ko ang alat ng kanyang mga luha. Ayokong bigyan ng kahulugan ang mga ito ngunit sana naman ay hindi ito ang maging huli naming pagkikita.Kasabay ng pagtalikod sa akin ni Hell ay ang pagsakit muli ng tiyan ko. At sa pagkakataon na ito ay alam kong lalabas na ang baby. At sa tingin ko ay kinakailangan ko na paanakin ang aking sarili. Hindi ko alam kung paano ngunit kung iindahin ko ang sakit ay baka kung mapaano pa ang bata. Kaya bahagya akong sumandal sa pader upang makakuha ng suporta. Binuka ko ang aking mga hita at sinimulan ang pag-ire. I keep on pushing kahit pa hindi rin ako sigurado kung may nangyayari ba. Hindi ko alam kung kaya ko ba na mapalabas ang bata nang ako lang mag-isa. Kahit pa pakiramdam ko na mauubusan na ako ng lakas ay ginawa ko pa rin ang lahat at pinilit na umiri. Ngunit habang naghihirap ako rito ay natanaw ko sa bukana ng kweba ang pagbagsak ni Hell sa lupa. At nakita ko na puro galos na siya na tila ay hindi na makakatayo pa. Gusto ko siya na lapitan ngunit hindi ko naman magawa dahil bukod sa kasalukuyan akong nanganganak ay nangako rin ako sa kanya na hindi ako lalabas dito sa pinagtataguan ko. Ngunit sa hitsura ni Hell ngayon ay alam ko na hindi na siya makakalaban pa. Isang bampira ang dumagan sa kanyang katawan at hiniwa ang kanyang dibdib gamit ang matutulis nitong kuko. Pinipilit ni Hell na kumawala ngunit hindi pa man siya nakakawala sa bampira ay isang lobo ang sumipa sa kanya. Hindi ko alam kung saan ako dapat na magtuon ng pansin. Sa patuloy na p*******t ba nila kay Hell kahit pa wala na itong kalaban-laban. O pagpapaanak sa akin sarili na ngayon ay nakakapa ko na ang ulo ng bata. Walang kahirap-hirap na dinampot ng bampira si Hell sa leeg at iniangat pa ito sa lupa. Nanlaki ang mga mata ko sa ginagawang pagsakal ng bampira kay Hell. At ang mas kinatakot ko pa ay kitang-kita ko sa mukha ng bampira ang kasiguraduhan na tutuluyan niya si Hell. Gustuhin ko man na sumigaw ngunit wala naman na akong natitira pang lakas. Alam ko na nararamdaman na rin ni Hell na plano siyang tuluyan ng kaharap niyang bampira ngunit wala naman na siyang lakas para lumaban. At nanlaki ang mga mata ko nang tinapat niya ang kanyang matutulis na kuko sa kanyang dibdib at nakita ko ang mga ngisi niya sa bampira. "No..." It was supposedly a scream ngunit nagmistula na lamang itong isang bulong dahil sa kakapusan ko ng lakas. At nakita ko na tinusok ni Hell ang kanyang dibdib gamit ang sariling kamay at mabilis na umagos ang dugo mula roon. Nagawa pa niya na ilabas ang sarili niyang puso bago sabay na bumagsak sa ang magkabila niyang kamay at nalaglag ang kanyang puso. Sakal-sakal pa rin siya ng bampira kahit pa nasa magkabila na niyang gilid ang kanyang mga kamay. Halatang nabigla rin ang bampira sa ginawa ni Hell kaya hindi agad ito nakakilos. Hindi ko na namalayan ang nangyayari hanggang sa marinig ko na lang ang iyak ng isang sanggol...ang iyak ng aming anak. We are still breathing... But Hell...is now lifeless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD