Chapter 41

2574 Words
Chapter 41 Heaven's POV Buong magdamag ay hindi talaga ako natulog. Kahit pa tila nalalasing na ako sa antok at ilang beses nang muntik na mahulog dito sa taas ng puno ay pinilit ko ang sarili ko na manatiling gising. Nalipasan na nga ako ng antok at nang makita na unti-unti nang sumisikat ang araw ay saka lamang ako naghanda sa pagbaba. Hindi ko alam kung ano ang tamang oras upang balikan sila dahil hindi ko rin alam kung babalik pa ba ang mga bampira na humahabol sa akin. Ngunit gusto kong malaman at makasigurado na ayos lang ang sitwasyon nina Hell kaya babalikan ko sila. Alam ko naman na hindi magpapapatay si Hell dahil alam niya na magkakadugsong ang buhay namin. Kung mamamatay siya ay mamamatay rin kami ng magiging anak namin. Saglit akong natigilan nang ma-realize ko ang isang katotohanan tungkol sa mating ritual na mayroon kami sa aming lahi. Maaaring hindi kami ng madamay ng bata kung hindi mapapatay si Hell ng sino man dahil siya ang kikitil ng sarili niyang buhay. Bigla kong naisip na paano nga kung gawin iyon ni Hell upang hindi kami madamay sa pagkakapaslang sa kanya nang dahil sa pagtatanggol sa amin? Nagsimula ako sa pagtakbo pabalik sa kinaroroonan ng bahay ni Jom kung saan ko sila iniwan. At umaasa ako na sana pagdating ko roon ay maaabutan ko pa rin sila nang buhay. Ayokong mag-isip ng kung anu-ano kaya minabuti ko na magpatuloy na lamang sa pagtakbo. Ilang sandali lang din ay narating ko na nga ang malawak na bakuran ni Jom. At halos manlumo ako nang tumambad sa akin ang magulong paligid. Parang nasa ibang lugar na ako at hindi na sa tahanan ni Jom. Napakalayo nito sa lugar na kagabi ko lang iniwan. Parang dinaanan ng delubyo ang lugar na ito at halatang isang malaking sagupaan ang naganap. Mas lalong nadagdagan ang kaba ko sa mga posibilidad na maaaring mangyari kay Hell. Sana naman ay nagkakamali lang ako ng mga hinala ko. Sana ay mali lang ang kutob ko. Nilibot ko ng tingin ang kabuuan ng paligid at umaasa na makikita sina Hell ngunit mga nasirang pananim lang ang namataan ko at isang bahagi ng kagubatan na nasira na tila dinaanan ng isang nilalang. At doon ko naisip na baka nga ang daan na iyon ang dinaanan ng bampira nang nagtangka na silag umalis. Ngunit ang nananatiling katanungan sa akin ay kung nasaan sina Hell. Una kong pinasok ang loob ng bahay ang nagbaka sakali na doon pansamantalang nagpapahinga sina Hell dahil sa kinasangkutan nila na isang labanan. Ngunit hinalughog ko na ang kabuuan ng bahay ay wala pa rin akong nakikita kahit na anino man lang ng isa kina Hell at Jom. Kahit na kaluskos sa loob ng bahay na senyales na hindi lang ako nag-iisa rito ay wala akong naririnig. Bagsak ang magkabila kong balikat nang lumabas ako ng bahay. Napahawak na lang ako sa noo ko dahil sa frustration na dala ng labis na pag-aalala. Parang gusto ko na lang na mawalan ng malay dahil hindi ko pa rin nakikita si Hell. Parang dinudurog na ang puso ko sa sobrang takot sa maaari niyang sinapit. Hindi ko alam kung saan magsisimula sa paghahanap kay Hell. Walaakong idea sa kung saan sulok siya ng mundo naroroon. Ngunit kahit nasaan man siya, sana ay nasa maayos siyang kalagayan at malayo na sa kapahamakan. Muling nabaling ang tingin ko sa isang bahagi ng kagubatan na tila ay dinaanan ng mga bampira. Hindi ko alam kung tama lang ba ang iniisip ko na puntahan at sundan ang bakas ng mga hindi ko matukoy na nilalang. Hindi ko alam kung sina Hell ba iyon o ang mga kalaban. Ngunit kahit na wala akong kasiguraduhan ay pinili ko ang gusto ng puso ko na sundan iyon. Nagsimula akong tumakbo kahit pa hindi ko alam kung saan ako dadalhin ng mga bakas na sinusundan ko. Hindi ko alam kung ano nga ba ang naghihintay sa akin sa dulo ng pagtakbo ko na ito. Naging maingat ako sa pagtakbo ko at siniguro na aware pa rin ako sa nangyayari sa paligid ko dahil baka ay bigla na lamang sumulpot na kalaban sa harapan ko. Hindi ko alam kung gaano pa kalayo ang kailangan kong takbuhin para marating ang dulo ng mga bakas na sinusundan ko. At halos mawalam na ako ng dugo sa mukha nang maramdaman ko na may humila sa akin. Tinangay niya ako papunta sa isang madilim na kweba. At nang makapasok na kami sa kweba ay saka ko lang naaninag kung sino siya. Sinunggaban ko agad ng yakap si Hell. Ang buong akala ko ay matatahan na ako ngunit mas lalo lang akong naiyak dahil sa sobrang tuwa dahil nabunuan na ako ng tinik nang muli ko siyang makita. "Bakit bumalik ka?" tanong ni Hell ngunit hindi ko naman magawa na sumagot dahil sa labis ko pa rin na pag-iyak. Hindi naman na ulit nagtanong pa si Hell at niyakap na lamang niya ako. "Tahan na, Heaven. Natakot ka ba?" Hindi ko maiwasan ang sunud-sunod na pagtango sa dibdib ni Hell na parang bata. Hindi ko naman na kailangan pang itago kay Hell ang takot na nararamdaman ko kaya nilabas ko na ang lahat. At alam ko na ramdam na ramdam ni Hell ang takot ko sa mga kapit ko pa lang sa kanya. "Takot na takot ako, Hell. Ang buong akala ko ay mahuhuli na nila tayo," sabi ko. Alam ko naman na kung sasama si Hell sa mga bampira na humahabol sa amin ay hindi na siya sasaktan ng mga iyon. Ngunit alam ko rin naman na hindi niya hahayaan na habulin kami ng mga bampira kaya nasisiguro ko na hindi siya susuko sa kanila at manlalaba talaga siya. Alam ko na hindi papayag si Hell na mawala ang anak namin. Hindi niya hahayaan ang sino man na manakit dito. At gusto kong malaman niya na ganoon din ako dahil maging ang sarili kong buhay ay itataya ko para sa anak namin. Kahit pa anong sabihin nila ay hinding-hindi namin isusuko ang buhay na aming anak na siyang naging simbolo ng aming pagmamahalan. Hindi ako binitiwan ni Hell hangga't naririnig niya ako na umiiyak. Marahan niya lang ako na hinahaplos-haplos sa buhok upang pakalmahin. Nang sa wakas ay kumalma na ako ay saka lang ako binitiwan ni Hell at niyaya na na maupo na muna sa isang malaking bato sa kweba. Kahit na kalmado na ako ay hindi pa rin umalis si Hell sa tabi ko. Talagang nasa tabi ko lang siya at sinisigurado na maayos ang lagay ko. "Saan ka nagpunta kagabi?" tanong niya nang makasigurado na masasagot ko na ang mga tanong niya. Alam ko na naging sobra din ang pag-aalala niya kagabi sa akin lalo na siguro nang mapag-alaman niya na nawala na ako sa taas. Kaya gusto niyang malaman ang lahat ng nangyari sa akin kagabi. "Nasa pusod ako ng kagabutan, Hell. Takot na takot ako. Hindi ko alam kung saan at kanino ako hihing ng tulong. Ang buong akala ko ay may nangyari nang masama sa iyo. Hindi ko alam ang mga dapat kong gawain. Nangangapa ako mula pa kagabi." Paulit-ulit kong sinabi kay Hell gaano katindi ang takot ko nang buong magdamag ko siya na hindi nakasama. Ngayon lang nabawasan kahit papaano ang takot ko dahil alam ko na kasama ko na si Hell. "I am so sorry, Heaven kung kinailangan mong pagdaanan ang lahat ng iyan kagabi. Sorry kung sobra-sobrang takot ang naramdaman mo. At wala man lang akong nagawa para mabawasan ang takot mo kagabi. Sorry kasi maging ako man ay labis ang takot na naramdaman. Ngunit hindi para sa sarili kong buhay kundi para sa kaligtasan ninyo." Nasaktan ako para kay Hell dahil sa sinisisi niya ang kanyang sarili sa lahat ng kaduwagan ko. Ngunit ang totoo ay wala naman siyang kasalanan kung ganoon man ang naramdaman at naranasan ko kagabi. Ang totoo pa nga ay dapat pa akong magpasalamat dahil hindi siya tumitigil sa paghahanap ng paraan para lang masiguro ang kaligtasan namin ni baby. Sadyang wala lang kaming mga sapat na kakampi kaya nangyayari ang lahat ng ito. Sa ngayon ay ang kweba na ito muna siguro ang magsisilbi naming tahanan habang hindi pa humuhupa ang tensyon. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad sa akin dahil alam at sigurado ako na alam din ng anak natin na ginagawa mo ang lahat para sa pamilya natin. At doon pa lang ay sobra-sobra na ang pasasalamat ko sa iyo. Ako pa nga ang dapat na humingi ng tawad sa iyo dahil ilang beses ka nang muntik nang mapahamak nang dahil sa amin--" "Heaven..." Agad akong pinutol ni Hell dahil sa mga huli kong sinabi. "Wala kang dapat na ihingi ng tawad. Tulad ng sinabi ko sa iyo ay handa kong isugal ang buhay ko nang buong puso kapalit ng kaligtasan ninyo," sabi niya. Muling bumalik ang takot ko dahil sa sinabi ni Hell. "Ngunit hindi naman namin alam kung paano mabubuhay nang wala ka." Ngumiti si Hell at hinawakan ako sa magkabila kong pisngi. "You are the strongest woman I have ever known. And I know you can be the greatest mother, too. Mawala man ako sa mundong ito ay wala naman akong magiging pangamba dahil alam ko na nasa pangangalaga mo ang anak natin," sabi ni Hell at napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Dahil sa pagkunot ng noo ko ay alam ko na nakita niya ang pagkalito sa akin. Ngunit imbis na sagutin niya ako at bigyan ng linaw ang pagkalito ko ay ngumiti lang siya at ginulo na lamang ang buhok ko. Sana naman ay hindi sumasagi sa isip ni Hell ang mga bagay na sa tingin ko ay gagawin niya kanina. "Where is Jom?" tanong ko na lamang nang maalala na hindi nga lang pala siya ang iniwan ko. "Nagkahiwalay kami. Ang sabi niya ay hanapin daw kita at siya na ang bahala sa mga bampira. Good thing na naita ka," sabi niya. May kinuha si Hell na isang dahon ng saging na sa tingin ko ay siyang hinihigaan niya kanina at nilatag niya iyon sa harap ko. "Halata sa mga mata mo ang kawalan ng tulog at pagod sa pag-iyak. Ang mabuti pa ay matulog ka na muna. Pagtulog mo ay aalis ako para kumuha sandali ng makakain natin. Alam ko na kagabi ka pa walang kain," sabi niya at hindi naman na ako nagreklamo pa dahil nagugutom na rin talaga ako. I told Hell na huwag nang lalayo pa at nangako naman siya na sa malapit lang siya maghahanap. Mabuti na lamang na sa loob ng ilang buwan naming paninirahan sa bahay ni Jom ay nasanay na kaming kumain ni Hell ng mgja gulay at prutas na mapipitas lang namin sa tabi-tabi. Kahit hindi komportable ang hihigaan ko ay hindi na rin ako nagreklamo pa dahil ang tangi ko na lang na gustong gawin ay ang matulog. Kagabi pa ako walang tulog at ngayon na may chance na ako ay hindi ko na ito papalampasin pa. Kahit ang mabatong tutulugan ko ay ipagpapasalamat ko na. Tulad ng sinabi ni Hell ay talagang hinintay na muna niya ako na makatulog. Hanggang sa hindi ko na nga namalayan at unti-unti nang bumagsak ang mga talukap ng mata ko. Ang buong akala ko ay naalimpungatan lang ako sa mga ingay na naririnig ko. Ngunit napabangon akong bigla nang ma-realize ko na totoo ang mga ingay na naririnig ko. At alam ko na sa labas ng kweba iyon nagmumula. Kahit kinakabahan at may namumuo na namang takot sa dibdib ko ay buong tapang ko pa rin na tiningnan kung ano ang nangyayari sa labas. At nanlaki ang mga mata ko nang makita ko si Hell na nakahandusay sa lupa at isang reaper ang nasa ibabaw niya. Sakal-sakal niya si Hell gamit ang kanyang braso at nakikita ko sa mga mukha niya ang hirap sa paghinga at alam ko na ano mang oras ay maaari na siyang mawalan ng buhay. "Sumama ka na sa amin nang ayos, Hell. Huwag ka nang manlaban at magmatigas pa! Sumama ka nang ayos at hindi ka na masasaktan!" sambit ng bampirang umaatake sa kanya ngunit nanatiling matigas ang mukha ni Hell at alam ko na hindi siya susuko sa mga iyon. "And then what? You will kill my child?" sigaw ni Hell na punung-puno ng pait. "Isa lamang siyang kasalanan!" Nakaramdam ako ng labis na galit dahil sa sinabing iyon ng reaper. At hindi lamang ako ang nagalit dahil nakita ko ang panlilisik sa mga mata ni Hell. "F*ck you!" Hell shouts on his face at buong lakas na tinulak ang reaper. Tumalsik ito at saka lang siya nakawala. Saglit na naghabol ng hininga si Hell mula sa ginawang pagkakasakal sa kanya ng reaper. Ngunit hindi pa man siya lubusang nakakabawi sa pagkakasakal sa kanya ay isa namang lobo ang sumunggab sa kanya. Napatakip na lamang ako sa bibig ko para pigilan ang sigaw na gustong kumawala sa bibig ko dahil sa pagkabigla. Nagpagulong-gulong sa damuhan sina Hell at ang higanteng lobo. Hindi ko akalain habang nasa kalagitnaan ako ng masarap na pagtulog ay nakikipagsagupa na pala si Hell sa mgakalaban. Malapit na ring dumilim kaya sigurado ako na kanina pa ako natutulog. Gusto ko man siyang tulungan ngunit natatakot akong magpakita dahil sigurado ako na ako naman ang susubukan na hulihin ng mga bampira. At mahihirapan ako na makipaglaban sa kanila dahil sa kondisyon ko. "Ilabas mo ang mahal na prinsesa!" sigaw ng bampira na tila ay handa na muling sugurin si Hell kahit pa may kaharap na itong lobo. Nataranta ako dahil oras na magsabay sila ng pag-atake kay Hell ay alam ko na hindi na niya sila kakayanin. Isa si Hell pinakamahusay sa pakikipaglaban ngunit lugi siya kung isang lobo at isang bampira ang kaharap niya. Nangyari nga ang kinakatakutan ko at sinugod na rin ng bampira si Hell. Namumula na ang mga mata ni Hell at nakalabas na ang mga pangil. Hindi ako natatakot na maaari nilang mapatay si Hell dahil hindi nila iyon magagawa sa kanya. Dahil bukod sa alam nila na magkakonekta ang mga buhay namin ay bawal sa batas ng mga bampira ang kumitil ng kapwa nila bampira. Liban na lang kung hinatulan sila ng kamatayan. "Talaga bang makikipagmatigasan ka, Hell? Pasensyahan tayo, ang bilin ni Madame Guia ay tuluyan kayo kung hindi kayo kusang susuko." Nabigla ako sa sinabi ng bampira at alam ko na nabigla rin si Hell. Ang buong akala ko ay mga reaper sila ngunit mga tapat na tauhan pala sila ni Guia. Naramdaman ko ang pamumula ng mga mata ko bilang paghahanda sa pagtulong sa labanan. Dahil kung tauhan sila ni Guia ay alam ko na maaari nilang tuluyan si Hell. Hindi nila susundin ang batas ng mga bampira na bawal silang pumatay. Alam ko kung gaano ka-selfish si Guia at malaki ang chance na kung tutuluyan nila kami na patayin ni Hell ay ililihim nila iyon. Mabuti na lamang din at hindi sumama sa kanila si Hell dahil alam ko na pahihirapan lang siya sa kampo nina Guia. Alam ko na delikado para sa kondisyon ko ang makipaglaban ngunit mas delikado kung wala akong gagawin at hahayaan na lang si Hell na humarap sa lahat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD