Chapter 40

1847 Words
Chapter 40 Heaven's POV Hindi ko na nga yata mahihintay pa ang dalawang buwan para magsilang. Ganito ako ke-excited na makita ang anak ko at makarga siya sa sarili kong mga bisig. Para bang gusto ko na lang na hilahin ang oraw at araw hanggang makapagsilang na ako. "Antok ka pa?" tanong ni Hell nang bumangon ako mula sa pagkakahiga ko. Isang panibagong umaga na ramdam ang kapayapaan at isang maghapon na naman ang hihintayin na matapos. "Hindi na, Hell. Babangon na rin siguro ako," sabi ko. Ngumiti naman siya at tumango. Ngunit kahit na sinabi kong babangon na ako ay hindi pa rin ako bumababa ng kama. Kaya kinunutan niya ako ng noo pero nilapitan niya rin naman ako at hinarap sa pagkakaupo ko sa kama. "In a scale of one to ten, how excited are you for me to pop?" Natawa si Hell sa tanong ko kaya sinamaan ko siya ng tingin. Wala lang, gusto ko lang malama kung gaano siya ka-excited sa paglabas ng baby namin. Kahit pa araw-araw naman niya iyong sinasabi at inuuli-ulit sa akin. "I am very much excited, Heaven. You can never rate the excitement I am feeling as time goes by. Habang papalapit tayo nang papalapit sa kabuwanan mo ay may kumakabog ang dibdib ko sa pananabik. I think the word excited is understatement." Halos matulala ako sa sinagot ni Hell. Gusto ko lang naman na marinig ulit sa kanya na excited siya pero ang haba na ng sinabi niya. Napayakap na lang tuloy ako sa kanya dahil sa sobrang tuwa. Higit pa sa mga gusto kong marinig mula sa kanya ang mga sinabi niya. "You wll pop in two months. Don't you think it's time for us to see an OB?" tanong ni Hell pero mabilis ako na umiling. Sa aming apat na nandito ay ako lang ang hindi sumasang-ayon na lumabas ng bahay para magpa-check up. Lahat sila ay gusto na magptingin ako sa OB kahi na isang beses lang. Ngunit hindi ako pumapayag dahil sa tingin ko naman ay hindi na kailangan. Ramdam na ramdam ko ang pagiging malusog ng anak ko sa aking sinapupunan. At sigurado ako na mararamdaman ko rin kung magkaroon man ng problema. At oras na maramdaman ko na kailangan ko na nga ng tulong ng isang OB ay ako pa mismo ang magyayaya sa kanila na lumabas at magpa-check up. Ngunit hangga't nararamdaman ko ang pagkilos ng anak ko sa aking tiyan ay hinding-hindi ako lalabas dahil para ko na rin siyang nilagay sa tiyak na kapahamakan. Ayoko na masayang ang tiniis naming hindi paglabas ng ilang buwan para lang maging ligtas kami. Ngunit mapapahamak din pala dahil lang sa paglabas ng isang beses. Doctor ang lahi nina Billie at medisina rin ang plano niyang kunin sa college kaya kahiit papaano ay nalalaman siya sa pagpapaanak. May mga kagamitan din sila na maaari naming gamitin. At siya na rin ang magpapaanak sa akin. Wala naman na talagang iba pa na kailangan dahil nandito na ang lahat. At lalabas lamang siguro ako oras na makapanganak ako at nasa isang ligtas na lugar na ang baby namin. "Ikaw ang bahala, Heaven. Ngunit kung ako ang tatanungin ay talagang gusto ko na magpatingin tayo. Ngunit nasa iyo pa rin naman ang desisyon. Sabihin mo na lang kung magbago ang isip mo," sabi ni Hell at tumango ako. I feel bad dahil hindi ko mapagbigyan si Hell sa gusto niyang mangyari kahit pa alam ko na kaming dalawa dapat ang nagdedesisyon ng tungkol dito. Ngunit wala talagang ibang makakapagpabago ng isip. Pinal na ang desisyon. Buangon na ako at lumabas na rin ng kwarto para sana mag-almusal dahil nakakaramdam na ako ng gutom. Ngunit isang pambihirang pagkakataon ang hindi maabutan si Jom na naglalaro ng playstation. He is actually nowhere to be found. Sigurado kami ni Hell na hinatid niiya si Billie at dapat sa ganitong mga oras ay nandito na siya at naglalaro dahil iyon ang daily routine niya sa tuwing hinahatid si Billie. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Hell na halatang nagtatakha rin dahil hindi pa nakakauwi si Jom. "Mukhang may mga inasikaso pa si Jom," sabi ko at nilingon ako ni Hell. Nagkibit balikat lang siya na tila ay walang pakialam ngunit halata naman sa mga mata niya ang pagtatakha. Niyaya ko na lang siya sa kusina upang tingnan kung may makakan ba kami. Dahil kung wala ay ipagluluto ko naman siya. Ngunit pagpasok namin sa kusina ay mga mga nakahanda naman na pagkain na siya na ring kakainin namin ni Hell. Habang kumakain ay hindi namin maiwasan ni Hell ang mapaisip sa kung ano nga ba talaga ang pwedeng ginawa ni Jom. Sa ilang buwan kasi na paninirahan namin dito at pagsasama-sama sa iisang bubong ay ngayon lang ito nangyari. Wala naman kaming ano mang communication dahil hindi naman naaabot ng signal ang lugar na ito kaya hindi namin siya matatanong. Natapos na kami sa pagkain ay hindi pa rin umuuwi si Jom. Kahit tinatago ni Hell ang pag-aalala niya ay mabilis mo namang iyon makikita sa mga mata niya. Hanggang sa lumipas na nga ang maghapon ay wala pa rin si Jom. Alam ko na ni Hell ang lumabas ngunit hindi naman niya magawa dahil hindi niya ako maiiwan dito nang mag-isa. Gusto kong sabihin na magiging ayos lang ako kahit mag-isa rito ngunit hindi ko na sinabi pa dahil rin naman niya gagawin kahit pa pilitin ko siya. Gabi na ay naghihintay pa rin kami ni Hell sa pagdating ni Jom. Lumalamig na rin ang hinanda kong hapunan para sa aming tatlo. Magkatabi kaming nakatanaw ni Hell sa labas ng pintuan nang makita namin ang pamilyar na balahibo ni Jom at nag-transform siya into human. Sasalubungin na sana namin siya ngunit nakita namin ang sugat sa kanyang tagiliran. Biglang pumwesto si Hell sa harapan ko nang sinenyasan kami ni Jom na huwag lalabas. At nagulat na lamang kami nang isang bampira ang sumalakay kay Jom kaya bumagsak ito sa lupa. "Umakyat ka na sa taas, Heaven!" utos ni Hell nang ma-realize na nasundan si Jom dito. Maaaring natunugan si Jom ng mga humahabol sa amin ngunit hindi pa naman nila alam na nandito kami dahil hindi naman nila naaamoy ang dugo namin. Kaya sinenyasan kami ni Jom na huwag lalabas upang hindi kami makita. "Pero--" Hinawakan ako ni Hell sa magkabila kong pisngi upang kausapin nang mabuti kahit pa kitang-kita ko na rin sa kanya ang pagkataranta. "Listen to me, Heaven. May lahi kang mortal kaya hinding-hindi ka nila maaamoy. Kung sa tingin mo ay nagkakagipitan na, hudyat na iyon para tumakas ka," sabi ni Hell at nanlambot ang mga tuhod ko sa mga nais niyang sabihin. "What are you saying, Hell? Paano ka? Hindi kita iiwan!" sabi ko ngunit umiling si Hell. Diniinan pa niya ang pagkakahawak sa magkabila kong pisngi upang pakinggan ko siya. "Makinig ka sa akin, Heaven, hindi kayo pwedeng mapahamak ng anak natin. Kailangan natinsiyang iligtas," sabi ni Hell at nagsimula nang tumulo ang luha ko. Hindi ko alam sa kung paanong paraan na lang bigla naging ganito kagulo ang lahat. Parang kanina lang ay wala kaming ibang maramdaman kundi katahimikan at kapayapaan. Ngunit ngayon ay tila lahat kami ay nasa bingit na ng kamatayan. At ang pinakahirap isipin sa lahat ay ang bata sa sinapupunan ko na hindi pa man naisisilang may banta na sa kanyang buhay. "Per Hell--" "Just go, Heaven!" Binitiwan na ako ni Hell at wala na akong nagawa pa kundi ang tumakbo papunta sa kwarto namin. At pakiramdam ko ay napakahina ko dahil wala man lang akong magawa sa sitwasyon namin ngayon. Naririnig ko ang mga sakitan ngunit mas kinakatakot ko na baka kasali na si Hell sa gulo. Oras na makita nila si Hell ay malalaman nila na nandiito ako. At sigurado ako na hahalughugin nila ang buong bahay. Hindi na rin ako ligtas pa sa bahay na ito at kailangan ko nang itakas ang anak namin ni Hell. Ang kaisa-isang bilin ni Hell sa akin ay itakas ang bata kapag nagkakagipitan na. Ayoko man na iwan sila ni Jom pero wala rin naman akong magagawa. Baka oras na lumabas ako ay makadagdag lang ako sa iisipin nilang dalawa at hindi nila magagawa na makipaglaban. Kaya susundin ko ang gusto ni Hell para sa anak namin. Tinakbo ko agad ang balcony at tumalon pababa. Nahihirapan pa akong kumilos dahil sa tiyan ko. Hindi ko kabisado ang kagubatan na ito pero diretso lang ako sa pagtakbo. Bahala na kung saan man ako makarating. Ang mahalaga sa ngayon ay makita nila na wala ako sa loob ng bahay at makatakas kami g bata. Tiwala naman ako sa kakayahan nina Hell at Jom kaya nasisiguro ko na magagawa nilang makaya ang mga kaharap nila ngayon lalo na at nagtutulungan sila. Kung noong kabataan namin ay sila ang nagkakagulo, ngayo naman ay sila na ang magkakampi sa gulo. Sa kabila ng madilim na kagubatan ay pinagpatuloy ko ang pagtakabo. Laking pasasalamat ko na mayroong liwanag na nanggagaling sa buwan na siyang tumutulong sa akin upang makapagpatuloy sa pagtakbo. Hindi ko na alam kung gaano kalayo na ang natatakbo ko ngunit sigurado naman ako na malayo-layo na rin ako mula sa bahay ni Jom. Ang problema ko lang ay hindi ko alam kung lalabas ba ako ng gubat papunta sa siyudad o mananatili na lamang dito sa loob ng kagubatan. Tinalon ko ang pinakamataas na puno na nakita ko at umaasa na matatanaw ko mula roon ang daan palabas ng gubat at kung malayo pa ba ako sa mga kabahayan. Nang marating ko naman ang taas ng puno ay nakita ko na may kalapitan na rin ako dahil nakikita ko na ang mga liwanag ng mga bahay sa siyudad. Ngunit hindi na muna ako nagpatuloy sa pagtakbo dahil minabuti ko na magpahinga na muna rito. At wala akong ibang magawa rito sa itaas ng puno kundi ang umiyak. Hindi ko na alam ang mga nangyayari kay Hell. And I feel kind of guilty dahil iniwan ko sila. Hindi ko maalis sa isip ko na baka mamaya ay napahamak na pala sila. Sana naman ay wala sa kanila ang mapahamak. Gusto ko silang balikan ngunit iniisip ko ang baby ko na baka madamay. Ngunit bukas na bukas ay sisiguraduhin ko na babalikan ko sila. Papahupain ko lang ang tensyon ngayong gabi ngunit hindi ako matatahimik kung hindi ko malalaman bukas ang kalagayan nilang dalawaa. Kahit na naiinip na ako rito ay hindi ko tinangka ang bumaba man lang. Nakakaramdam na rin ako ng antok ngunit hindi naman ako maaaring matulog. Pakiramdam ko ay buong gabi lang akong iiyak nang iiyak. Tiningala ko na lang ang buwan at sa pagtitig na lang doon ko inabala ang aking sarili. Buhay pa ako kaya sigurado ako na buhay pa naman si Hell. Ngunit ang hindi ko kayang isipin ay ang posibilidad na p*******t sa kanya ng sarili naming kalahi. At iyon ang hinding-hindi ko mapapatawad.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD