Chapter 39

2105 Words
Chapter 39 Heaven's POV Simula nang mapag-alaman ko na may naglakas loob na pakialaman ang mga nananahimik na libingan ng mga magulang ay hindi na ako nagkaroon pa muli ng katahimikan. At mas lalong hindi na rin ako nagkaroon ng payapang pag-iisip dahil naging sunud-sunod ang problema na dumating sa buhay. Ngayon na lamang ulit yata naging kalmado ang isip ko. Napakalaking tulong ng pagtira namin dito sa bahay ni Jom. Panatag ako na walang sino mang bampira o lobo ang makakaamoy at makakasunod sa amin dito. Tama lang talaga ang naging plano namin ni Hell na sa prinsipe ng mga bampira kami humingi ng tulong ni Hell. Hindi na ako mai-stress at mapa-paranoid sa kakaisip na ano mang oras ay mayroong maaaring dumampot sa amin ni Hell. Kaya naging masarap ang pagmulat ng mga mata namin ni Hell ngayong unang umaga namin dito sa bahay ni Jom. Naging masarap ang naging pagtulog namin at nanaginip pa nga ako nang maganda. Kaya bumangon agad ako habang si Hell ay nanatili muna sa pagkakahiga dahil halata na tamad na tamad pa siya na bumangon. Hindi naman iyon problema sa akin dahil ang katunayan pa nga ay gusto ko na magpatuloy lang siya sa papapahinga. Dahil alam ko na tulad ko ay ngayon lang siya ulit nagkaroon ng ganitong katahimikan at kapayapaan. At hindi ko naman agad sisirain ang paglasap niya sa sarap ng ganitong uri ng pamuuhay. Nang makabangon ay lumapit agad ako sa bintana at hinari ang blinds. At halos masilaw pa ako dahil hindi ko akalain na mataas na pala ang sikat ng araw. Hindi namin parehas napansin ang oras dahil sa sarap ng pagkakatulog at paggising namin. At dahil na rin siguro sa late na kaming nakatulog kagabi dahil pagtapos naming magligpit ng kinainan naming apat kagabi ay naghugas pa kami ng plato ni Hell. Wala rin namang mga makabagong kagamitan si Jom sa bahay na ito kaya mano-mano ang ginawa naming paghuhugas. Ayaw raw kasi ni Jom ng makabagong appliances dahil kung pati ang maliliit na gawain ay iaasa niya roon ay maubusan na siya ng gagawin at mabo-bored lang siya. At sa tingin ko naman ay tama siya. Kaya bikod sa pagbabasa, siguro ay itutuon ko ang atensyon ko sa mga gawain sa bahay para hindi ako gaano mainip. Nilingon ko si Hell sa kama at nakita ko rin ang pagkasilaw niya dahi sa pagbukas ko sa blinds ngunit ngumiti rin naman siya. "Good morning," sabi niya kaya napangiti rin ako. "Good morning." Nilapitan ko siya at hinalikan sa labi. "Matulog ka pa, Hell. Alam ko naman na masarap matulg ngayon," sabi ko pa pero umiling siya. "Sapat na siguro ang naitulog ko, Heaven. Masyadong kalmado ang paligid para itulog lang. We must live with it. Mas gusto ko na laging gising para mas maramdaman ko ang kapayapaan." Natawa ako sa sinabi ni Hell at napailing na lang. Kaya nilahad ko ang kamay ko sa harap niya para yayain na siya na bumangon na. Tinanggap naman niya ang kamay ko at hinila ko siya patayo sa kama. Hindi naman na niya sinubukan pa ang magpabigat at tumayo na rin siya agad. We just did our morning rituals at naisipan na namin ang bumaba upang makatulong naman kahit papaano sa kung ano man ang mga nakaplanong gawin ngayon ni Jom. Ngunit paglabas namin ay naabutan lang namin siya na naglalaro ng sa tingin ko ay playstation na hindi ko alam kung anong series na. Dahil abala siya sa paglalaro ay tiningnan niya lang kami dahil halatang hindi siya maiistorbo. "Gising na pala kayo," sabi niya ngunit nanatili sa TV ang mga mata niya at diretso lang siya sa pagpindot. "May almusal nang nakahanda sa mesa. Kumain na ako, sinabayan ko na si Billie kanina. Kayong dalawa na lang ang hindi pa kumakain," sabi niya kaya naglibot ako ng tingin upang hanapin si Billie ngunit wala man lang akong nakita kahit ang anino niya. "Where is Billie?" tanong ko at sakto naman na natapos ang nilalaro niya kaya nagawa na niya akong lingunin sa pagkakataon na ito. Binaba niya ang controller sa center table at tiningala kaming muli ni Hell. "Maaga ko siyang hinatid kanina kasi maaga ang pasok niya sa Westridge. Pero pinagluto muna niya tayo bago siya umalis. Mamaya ay susunduin ko ulit siya para mamili naman ng mga kailangan ninyo at karagdagang mga damit. Kaya mag-almusal na muna kayo sa dining. Then pagtapos ninyong kumain ay maglalaro tayo, Hell," sabi ni Jom nang may halong paghamon at tinuro pa ang TV. At doon ay saka lang namin nakita ang nilalaro niya. It is Tekken. Hindi ko akalain na uso pa rin pala ang laro na 'yan sa panahon ngayon. Nakita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Hell dahil sa hamon ni Jom. "And what made you think na makikipaglaro ako sa iyo?" tanong ni Hell at natawa si Jom. Umiling ito dahil hindi makapaniwala na tatanggihan ni Hell ang alok niya na pakikipaglaro. "Wala namang masama kung maglalaro tayo. Libangan lang," I heard Hell tss-ed pero hindi naman na ulit nagsalita pa. Pero alam ko na ang pananahimik ni Hell ay sign din ng pagpayag. Kaya nagpaalam na muna kami kay Jom na kakain na muna para makakain na kami at mas maaga sila na makapagsimula. "At least may pagkakaabalahan kayo," sabi ko kay Hell nang marating namin ang dining ara at nakita nga namin ang mga nakahain sa mesa na may takip. Agad iyong binuksan ni Hell at parehas kaming nakaramdam ng gutom. "Well, I'd rather lie down with you sa buong maghapon kaysa makipaglaro sa kanya," sabi niya at natawa na lamang ako. Pinaghila niya ako ng upuan at nagsimula na kami sa pagkain. "Sino bang nagsabi sa iyo na maghapon akong mahihiga? Magbabasa ako sa patio, Hell at ayoko ng sino mang-iistorbo sa akin. Kaya tama lang may iba kang pagkaabalahan. Tama lang na niyaya ka ni Jom na maglaro," sabi ko at tinaasan ako ng kilay ni Hell dahil sa sinabi ko. "Istorbo lang ba ang tingin mo sa akin?" Hindi ko napigilan ang matawa dahil sa naging tanong ni Hell. Hindi ko alam kung seryoso ba siya sa tanong niya pero napangiti na lang din siya. Naging mabilis lang ang ginawa naming pagkain ni Hell. Pero agad ko na siyang pinalabas ng dining para ako na ang magligpit at maghugas ng mga pinagkainan namin. Matagal pa ngang nakipagtalo sa akin si Hell dahil ayaw niya talagang pumayag pero wala na rin naman siyang nagawa pa nang ma-realize niya na hindi rin naman siya mananalo sa akin. Nang matapos ako sa paghuhugas ng plato ay lumabas na ako ng kusina at naabutan ko na nga sina Hell at Jom na naglalaro. Kung kanina ay tumatanggi at nagpapapilit pa si Hell sa paglalaro, ngunit ngayon kung titingnan mo siya ay tila ba hindi siya magpapaistorbo dahil talagang nasa TV lang ang atensyon niya. Hindi na nga niya namalayan ang paglapit ko sa kanila. "I'll go upstairs to get some books. Then sa patio na ako didiretso," sabi ko sa kanya at hindi ko napigilan ang matawa nang tango lang ang sinagot niya sa akin at hindi man lang din ako nagawa na lingunin. And that is perfectly fine with me as long as nakikita ko na nag-e-enjoy si Hell at talagang hindi mo na siya makikitaan ng ano mang pag-aalala. Dumiretso na ako sa hagdan umakyat pabalik sa kwarto namin. Kumuha lang ako ng ilang libro sa bookshelf para sa patio na lamang ako mamimili ng babasahin ko. Hindi ko na muling nadaanan pa sin Hell dahil iba ang daan papunta sa patio kaya hindi ko na nakamusta pa ang paglalaro nila. Pero alam ko naman na magkakasundo sila at hindi magkakapikunan. Maaliwalas ang hangin dito sa patio kaya alam ko na mare-relax ako. Naupo ako sa hammock at sinandal ang likod ko. At sa tingin ko ay wala na akong mahihiling pa. Ayokong magbasa ng mga novel kaya tamang-tama lang pala ang mga nadampot ko na pamimilian ko. Mga history, pregnancy and motherhood books. Una kong binasa ang magazine na hawak ko at nabuklat ko ang mga pahina na may kinalaman sa mga kaganapan sa Pilipinas at buong mundo nang mga panahon na nasa Alucard na ako. At masasabi ko na talagang malaki na ang pinagbago ng mundo. Marami nan hindi kapani-paniwalang invention na hindi mo aakalain na pwede pala. May isang pahina rin ako na nakitang may article ang Alpha. Ang Alpha ay nagpapapalit-palit lang ng pangalan. Dahil ang pangalan niya ngayon ay mayroon nang the fifth. At sa librong ito ko napatunayan na talagang kilalang-kilala ang pamilya namin sa buong mundo. At nakita ko rin ang isang article kung nasaan si Jom. At ito ang pinagmaayabang niya na richest bachelor sa panahon ngayon. At sa tingin ko na kaya lang niya binili ang magazine na ito ay dahil nandito siya. Imagine how vain he could be? Well, nasa Westridge pa lang naman kami ay alam ko nang ganoon ang personality niya. At kung mayroon man na isang bagay ang hindi nagbabago kay Jom, iyon ay ang kumpyansa niya sa kanyang sarili. Nang matapos ang binabasa kong magazine ay sinunod ko naman ang book about motherhood. At sa tingin ko ay mas lalo lang akong nanabik na makita at mahawakan na ang anak namin ni Hell na siyang naging bung ng aming pagmamahalan. LUMIPAS ang mga araw at buwan hanggang sa hindi namin namalayan na lumalaki na rin pala ang tiyan ko. Nasa pitong buwan na ako ng pagbubuntis ko at talagang nagkaroon kami ng kapayapaan sa nakalipas na ilang buwan. Kahit na nandito lang kami sa loob ng bahay ay naging kontento naman kami ni Hell. Sa loob ng pitong buwan na pagbubuntis ko ay hindi man lang kami nakapagpa-check up ni Hell. Ngunit hindi naman kami nangangamba dahil alam ko at ramdam ko naman na malusog ang sanggol sa sinapupunan. Madalas ko na nga na nararamdaman ang pagsipa niya. Sa sobrang dalas nga ay masakit na. Ngunit hindi ko naman magawa na magreklamo dahil iyon ang palatandaan namin na maayos ang pagbubuntis ko. "Ang laki na ng tiyan ninyo, mahal na prinsesa. Kung hindi ko lang alam na pitong buwan pa lamang ang tiyan mo ay iisaipin ko na maaari ka nang manganak ano mang oras," sabi ni Billie at nilapag ang isang tumpok ng paper bags. Kadarating lang nila ni Jom dahil sinundo siya nito at nandito kaming dalawa ngayon sa kwarto niya. Sina Jom at Hell naman ay nasa baba para agad-agad subukan na ang bagong download na laro ni Jom sa playstation. Sinilip ko naman ang laman ng paper bag na bitbit ni Billie at nakita ko na mga iyon ng baby. Hindi rin namin alam kung babae ang anak namin ni Hell kaya karamihan sa mga pinamili niya ay unisex. Nitong mga nagdaang araw ay sunud-sunod ang pagdadala nila ni Jom ng gamit ng baby at alam ko na maging sila ay excited sa panganganak ko. Ang sarap siguro sa feeling na kami mismo ni Hell ang mamimili ng mga gamit ng anak namin pero alam naman namin parehas na imposible na mangyari iyon. Hindi naman namin ilalagay sa kapahamakan ang buhay ng anak namin para lang magawa iyon. Lalo pa at nababalitaan namin kina Jom at Billie na hanggang ngayon ay patuloy pa rin sa paghahanap sa amin ang mga reaper. Ang isang balita pa na hindi ko nagustuhan ay ang pagrereyna-reynahan umano ni Guia sa Alucard lalo na kung wala sina Master Racul at Alpha. Ngunit hindi naman na ako nagpaapekto nang sobra dahil wala na akong pakialam sa trono. Nandito na ang buhay ko at kuntento na ako. She can have the throne at wala na akong pakialam. Nakita ko ang reflection ko sa malaking salamin ni Billie rito sa kwarto niya at na-realize ko nga na tama siya. Malako nga na maituturing ang tiyan ko para sa pitong buwan ma pagbubuntis. Ngunit may ganoon naman talagang mga babae na malalaki kung magbunti. At sa tingin ko ay isa ako sa kanila. Dinampot ko na lang ang mga pinamili mi Billie para sa baby namin at dinala ko na sa kwarto. Doon ay isa-isa ko iyong inayos sa crib na binili naman ni Jom noong isang araw. Ang buong akala ko ay magiging kasalanan ang anak namin sa mata ng lahat ngunit natutuwa ako na kahit papaano ay may mga nagmamalasakit pa rin at hindi na makapaghintay na masilayan siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD