Chapter 38

2061 Words
Chapter 38 Heaven's POV Kahit na pakiramdam ko ay ilang minuto pa lang mula nang mahiga kami ni Hell ay sa tingin ko naman na nakapahinga na ako kahit papaano. Ngunit hindi ko magawang alisin sa isip ko ang mga pinag-usapan namin ni Hell. Lalo na ang katotohanan na maaari kaming ipahanap ni Guia. Ngunit ayoko na sanang isipin pa ang mga bagay at tao na pilit naming tinakasan. Kaya nga kami lumayo ay upang maging healthy ang pagbubuntis ko. At malabong mangyari 'yon kung magpapaka-stress lang ako sa pag-iisip sa kanila. Masasayang ang katahimikan, kakalmahan at kapayapaan ng pag-stay namin dito sa bahay namin ni Jom kung iisipin ko ang buhay na tinakasan namin. Sa ngayon ay wala na muna akong iba pa na iisipin kundi ang magiging buhay namin dito ni Hell sa pang-araw-araw at kung paanong hindi kami maiinip dahil hinding-hindi namin susubukan na lumabas ng kagubatan man lang. Sa ngayon ay kailangan muna naming tlikuran ang mundo ng mga bampira at mundo ng mga tao. Kailangan naming gumawa ng sarili naming mundo sa lugar na ito. At sa tingin ko naman ay hindi kami mahihirapan ni Hell sa bagay na iyon. Matapos pa nga ang ilang minutong paghiga ay nakarinig na kami ng katok sa pintuan. "Mahal na prinsesa, Mr. Levine, nakahanda na po ang hapag," sabi ni Billie at sinabi naman ni Hell na susunod na kami. Hindi kasing laki ng mansyon ng Alpha ang bahay na ito ni Jom kaya siguro naman ay hindi kami maliligaw. Nakita rin naman naming parehas ni Hell kung anong daan ang tinahak ni Jom nang magpaalam siya na pupunta na muna sa kusina kaya susundan lang namin iyon. Nang marinig na namin ang papalayong footsteps ni Billie ay bumangon na rin kami ni Hell at lumabas na ng kwarto. Tulad ng sinabi ko kanina ay hindi kami nahirapan na hanapin ang kusina at dinala na nila kami sa dining kung saan nakahain na ang mga pagkain. Hindi na ako nagulat nang makita na halos karamihan sa nakahain ay gulay dahil mayroong malawak na taniman si Jom. "Pasensya na kayo iyan lang ang nakayanan. Don't worry, bukas na bukas ay maggo-grocery kami ni Billie para hindi kayo maumay. Sabihin n'yo na lang din ang lahat ng sa tingin niyo ay kakailanganin n'yo para mabili namin ni Billie bukas na bukas," sabi ni Jom habang isa-isa na nilalagyan ng kutsara at tinidor ang gilid ng apat na plato. "Walang kaso kung puro gulay at prutas ang kainin namin. Mabuti 'yon sa pagbubuntis ni Heaven," sabi ni Hell at sinamaan ko siya ng tingin. Wala naman talagang masama kung kumain ako ng gulay dahil totoo naman na healthy ito. Pero huwag naman sanang gulay araw-araw. Sana ay huwag maniwala si Jom kay Hell. "Tama ka naman, Hell. Pero bibili na rin ako ng meat," sabi ni Jom at nakahinga ako nang maluwag. Kung pwede nga rin na mag-request ng pizza at iba pang pagkain ay ginawa ko na. Ngunit baka isipin nila na abusado kami ni Hell kaya hindi na lang ako nag-request pa. Baka sabihin pa nila na wala naman kaming inaabot na pera. Well, wala naman kasi talaga kaming mailalaba na pera dahil wala kaming dalang kahit na ano sa pagtakas na ito kundi mga sarili namin--at maiinit na suit at gown. Biglaan lang naman kasi ang lahat kaya hindi man lang kami nakapag-prepare ng ano mang gamit. "Ayos lang ba kahit wala kaming pera?" tanong ko dahil baka mamaya ay wala rin pinagkukuhana ng pera si Jom. Kahit pa hindi naman halata sa ari-arian niya na naghihirap nga siya. "I wasn't hailed as richest bachelor in town for nothing," mayabang na sabi ni Jom at natawa si Billie nagsasalin ng tubig sa mga baso. "Maupo na tayo para makapagsimula na tayong kumain. I was so disappointed with the food sa party." Sa yaya na iyon ni Jom ay naupo na kaming apat upang sabay-sabay na kumain. Nakasanayan na talaga ni Hell na ang plato ko ang una niyang lalagyan ng pagkain. Napansin ko naman ang nakangiwing mukha ni Jom habang pinapanood niya ang ginagawa ni Hell. Nahinto lang siya nang maramdaman niya ang ginagawang pagtitig sa amin ni Jom. "What, Alegre?" masungit na tanong niya sa prinsipe ng mga lobo habang nakataas pa ang kilay. "Will you please stop babying the princess? That's quite annoying. She's just pregnant at hindi naman disabled." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa reklamo niya or what pero mukhang hindi iyon nagustuhan ni Hell. At muli king naramdaman ang tensyon sa pagitan nila. Tulad ito ng tensyon noong kabataan namin. Ang pinagkaiba lang ay alam mo na kahit anong tensyon man ang mamagitan sa kanila ngayon ay hindi na mauuwi sa gulo. "Mind you own goddamn business, Alegre. Pregnant or not, ganito ko asikasuhin si Heaven," sabi ni Hell at napairap pa si Jom na halata nga ang pagkairita. Sa tingin ko ay hindi siya sanay na makakita ng ganitong eksena. Hindi na nakakapagtakha dahil mukhang bihira na lang siya na makihalubilo sa ibang tao. Well, sa tingin ko na dapat ngayon pa lang ay masanay na siya dahil ganito na talaga si Hell ever since. At hindi malabo na tuwing makakasabay namin siyang kumain ay ganitong eksena ang haharapin niya. "Seriously? Mabuti at hindi naiirita ang prinsesa sabi niya." Tinapos lang ni Hell ang paglalagay ng pagkain sa plato ko at nang ibaba niya ang bowl ng isang ulam ay binalingan niya si Jom. "Well, if you're feeling envious, why not do it with the kid beside you," sabi ni Hell at sabay na nanlaki ang mga mata nila dahil sa pagkabigla. Hindi ko maiwasan ang matawa dahil sa naging reaction nila. Lalong-lalo na si Jom na bigla na lamang nanahimik. Nakita ko ang mga ngisi ni Hell kaya alam ko na sinadya niya iyong sabihi para mapatahimik si Jom. Sabay rin na namula ang kanilang mga mata. Sinubukan pang magsalita ni Jom ngunit walang ano mang salita ang lumabas sa bibig niya. Hindi niya rin talaga inaasahan ang pang-aasar ni Hell na iyon. Mabilis na lang na yumuko si Billie dahil sa hiya. At mukha namang nagtagumpay si Hell na mapatahimik si Jom sa pamamagitan ng panunukso niya kay Billie dahil hindi na muli pang nagsalita si Jom at hindi na niya ulit pinakialaman ang sobra-sobra na pag-aasiko sa akin ni Hell. Kahit lumalalim na ang gabi ay hindi pa rin ako nakakaramdam ng antok. Kahit pasobrang tahimik ng table namin ay naaaliw ako na panoorin ang pananahimik nina Billie at Jom. Hanggang sa matapos ang pagkain namin ay nananahimik lang silang dalawa. Parang nasobrahan naman ang pagiging tahimik nila. "Hey, Alegre," tawag ni Hell kay Jom matapos niyang uminom ng tubig. Nahinto naman si Jom sa dapat sana ay pag-inom niya rin ng tubig. Tiningnan siya ni Jom at tinaasan ng kilay bilang paghihintay sa sasabihin ni Hell. "How sure are you na hindi tayo maaamoy ng mga kalahi mong lobo na tauhan ni Guia?" tanong ni Hell at bigla rin tuloy akong napaisip. Alam ko naman na talagang hindi kami maaamoy rito sa lugar ni Jom dahil tulad ng sinabi kanina ni Billie na ilang taon na rin mula nang manirahan dito si Jom at wala man lang kahit na isa sa aming lahi ang nakatunton sa kinaroroonan niya. Ngunit ang hindi ko lang alam ay kung sa paanong paraan. Kasi hindi naman problema sa mga bampira o lobo ang layo nitong bahay nni Jom kung may makaamoy man sa kanya dahil kayang-kaya siya na mapuntahan dito. "Well, hindi naman gawa sa simple at normal na materyales ng bahay ko. That nerd Tiffany invented something na hinalo sa paggawa ng bahay ko upang hindi maamoy ng sino mang bampira ang nasa loob nito. Mabuti na lamang ang kaibigan ko ang asawa niya at tinulungan niya ako na pakiusapan siya kaya napagbigyan ako sa request ko ng ganoong klaseng invention," sabi niya. Hindi naman na ako nagulat pa nang sabihin niya na si Tiffany ang may likha ng invention na 'yon dahil noon pa man ay alam ko nang capable siya na makaimbento ng isang kapaki-pakinabang at hindi pangkaraniwan na bagay. "And I am glad na hindi lang pala ako ang makikinabang sa invention niya na iyon dahil tingnan mo ngayon, pare-parehas tayong nagtatago sa iisang bubong mula sa sari-sarili nating mga lahi. Kaya sana, Prinsesa Heaven at Hell, hangga't maaari ay huwag na huwag kayong lalabas kung hindi naman kinakailangan," sabi ni Jom at tumango-tango naman kami ni Hell. "Of course they know that," sambit ni Billie na tila ay pinapagalitan pa si Jom dahil sinabihan pa niya kami ng mga dapat naming gawin. Ngunit wala namang kaso sa amin dahil wala rin namang masama sa sinabi ni Jom. "Will you shut up? I was just reminding them," sagot naman ni Jom na halatang hindi rin naman magpapatalo kay Billie. "Oh really? You don't have to remind them. Alam naman na nila ang dapat at hindi nila dapat gawin," sabi naman ni Billie at marahan na lamang akong napailing. Parehas naman silang may point pero hindi ko alam kung bakit bigla-bigla na lang nagiging big deal sa kanila ang isang napakaliit na bagay. Nagkatinginan na lamang kami ni Hell at sabay na napakibit balikat dahil alam na namin parehas ngayon pa lang na dapat na kaming masanay sa kung ano man ang treatment nila sa isa't isa. Masyadong malabo para sa amin ni Hell kung ano ba ang mayroon sila ngunit alam ko na mas malabo iyon para sa kanila. Parang kanina lang ay ang kaswal ng treatment nila sa isa't isa. Hindi mo aakalain na mayroon na palang something sa kanila. Hanggang sa nagkahiyaan sila. Ngunit ngayon naman ay bigla-bigla na lamang silang magtatalo nang dahil lang sa isang napakababaw na dahilan. Hindi ko alam kung gaano ba kadalas si Billie na pumunta rito sa bahay ni Jom ngunit sa tingin ko na sa tuwing nandito siya ay dapat expected na namin ni Hell ang ganitong mga tagpo. Kung si Jom ay kailangan na mag-adjust sa paraan ng pag-aasikaso sa akin ni Hell, kami naman ni Hell kinakailangan na mag-adjust sa kung paano itrato nina Billie at Jom ang isa't isa. At sa tingin ko naman ay hindi kami mahihirapan dahil mukhang mas mapapadalas pa kami ni Hell sa kwarto kaysa rito sa ibang parte pa ng bahay. Nakita ko kasi na may mga libro sa kwarto namin at sa tingin ko ay aabalahin ko na lang ang sarili ko sa pagbabasa. "Masama na ba ang magpaalala?" Ang buong akala kok ay tapos na sila sa pagtatalo but Jom still fires back. At hindi ko alam kung hanggang saan ang tinatagal ng mga nagiging pagtatalo nila. "Will you two shut up? Katatapos lang kumain pero parang mga gutom pa kayo sa sobrang init ng mga ulo ninyo," sabi ko at masama nilang tiningnan ang isa't isa. "Si Jom kasi!" "Si Billie kasi!" sabay pa nilang sabi at nasapo ko na lang ang noo ko dahil sa stress sa dalawang ito. "Magligpit ka na ng kinainan," utos ni Jom kay Billie ngunit mas pagmamatigas sa mukha nito. "Bakit ako? Ikaw na!" sagot naman ni Billie. Tinaas ko na ang magkabila kong kamay na tila ay sumusuko nang makita ko ang dapat sana ay pagsasalita pa ni Jom. Hindi naman niya natuloy pa dahil sa pagpigil ko. "You do not have to fight. Kami na ang magliligpit," sabi ko at tumayo na kami ni Hell para sana simulan na ang pagliligpit pero sabay naman na tumayo ang dalawa. "Hindi na, mahal na prinsesa. Kami na po ang magliligpit," sabi pa ni Billie pero hindi na kami pumayag ni Hell. Pilit na lamang naming nilalayo ang mga plato sa kanila. "Kanina nagtuturuan kayo sa kung sino ang magliligpit. Ngayon naman na kami na ni Hell ang gagawa ng pinagtatalunan ninyo ay saka naman ninyo gagawin. Hayaan n'yo nang kami ang gumawa. Matagal kami na titira dito at hindi naman pwede na hindi kami gagawa ng kahit na anong gawaing bahay dito." Hindi naman na sila nagsalita pa at hinayaan na lamang kami ni Hell sa mga gusto naming gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD