Chapter 37

2565 Words
Chapter 37 Heaven's POV Hindi ko alam kung ayos lang ba kaya kay Hell ang tumira sa ganito katahimik na lugar ngunit kung pagbabasehan ko ang pagkakakilala ko sa kanya ay siguro naman na magiging ayos lang sa kanya. Wala rin namang pakialam si Hell sa paligid niya kaya sigurado ako na gusto niya rin ang ganitong klase ng pamumuhay. "Since when you bacame a freakin' gay?" tanong ni Hell matapos makapaglibot ng tingin at sa tingin ko ay parehas kami ng naiisip tungkol sa pagiging malinis ng bahay ni Jom. Not that it was just women who can be neat. Pero kilala kasi namin si Jom at alam naman namin na hindi siya ganito kalinis sa place niya. "Believe me, it was Billie," natatawang sambit ni Jom at tiningnan ko si Billie. Hindi pa niya alam kung bakit ko siya tiningnan. Mas lalo pa siyang nalito nang pinanliitan ko siya ng mata. "You said you don't know his place?" tanong ko at tila natauhan naman siya at naalala ang una naming pagkikita kung kailan tinanong namin siya kung alam ba niya ang kinaroroonan ni Jom. At naaalala ko pa na ang naging sagot niya sa amin noon ay hindi niya alam. Tapos ngayon ay malalaman namin na siya ang naglilinis ng bahay ni Jom. Paano niya ito malilinis nang ganito kung hindi siya nakakapunta. Imposible naman na ngayong araw niya lang nilinis dahil hindi kakayanin ng isang araw na linisin ang ganito kalaking bahay. Agad na nag-isip at naghagila tamang salita at tamang sasabihin si Billie dahil halata sa tono ko ang pagdududa. Hindi naman niya ako masisisi dahil talaga namang nakakaduda iyon. Akala ko pa naman ay totoo siya sa sinabi niya na gusto niyang tumanaw ng isang malaking utang na loob sa akin on behalf of her family. Pero parang napakadali lang sa kanya ang magsinungaling sa akin dahil hindi man lang siya nagdalawang isip na sumagot noon. "Nagkakamali po kayo, mahal na prinsesa kung iniisip man ninyo na nagsinungaling ako. Dahil totoo po na hindi ko alam ang lugar na ito," sabi niya ngunit mas lalong naningkit ang mga mata ko. Narinig ko na lang ang marahang pagtawa ni Jom at umiling-iling. "She is telling the truth, Prinsesa Heaven. Masyadong liblib ang lugar na ito para makabisado niya ang daan. Plus the fact na mabilis ang ginagawa ko na pagtakbo para sigurado ako na hindi niya malalaman ang daan papunta rito. Kung lalakarin niya ang kagubatan na dinaanan natin nang ilang minuto ay kailangan niya iyong tawirin sa loob ng isang araw." Napataas ang kilay ko. Mukha namang nagsasabi ng totoo si Jom kaya hindi na rin ako nagsalita pa. And I kind of feel embarrassed dahil sa pambibintang na ginawa ko kay Billie pero hindi ko na inisip pa ang humingi ng tawad. Tinanguan ko na lamang sila. "Billie," tawag ni Jom kay Billie at agad naman siya nitong nilingon. "Pakisamahan sila sa magiging kwarto nila. Alam ko naman na lahat tayo ay hindi nakakain nang maayos sa party kaya mas mabuti pa kung magsisimula na akong magluto. I will just check the kitchen kung ano ang pwede kong lutuin." Nagpaalam na rin si Jom at tinalikuran na rin kami. Naiwan naman kami ni Hell kasama si Billie. "Halika na po kayo sa taas," sabi niya. Sa pag-akyat namin ng hagdan ay saka ko lang na-realize ang bigat ng suot kong gown kaya kinailangan ko pa na iangat ang laylayan nito. Hanggang sa kinuha ni Hell ang laylayan ng gown ko mula sa pagkakahawak ko at siya na ang nag-angat nu'n kaya nasa likuran ko siya. Kami ni Billie ang magkatabi at sabay na naglalakad Hanggang sa huminto siya sa tapat ng isang pinto binuksan gamit ang fingerprint scanner. Hindi ko alam kung ano ba ang real score sa kanila ni Jom but knowing na may access siya sa security ng bahay na ito ay masasabi ko na hindi na lang sila basta magkaibigan lang. It can trust my friends but not as much as he trusts Billie. Malaki ang kwarto na pinagdalhan sa amin ni Billie. May sarili rin itong bathroom kaya kahit hindi na kami lumabas ng kwarto ay makakatagal kami ni Hell. Pinakita rin sa amin ni Billie ang balcony ng kwarto ay wala kaming ibang nakita kundi ang malawak na lupain at kulay luntian na kagubatan gamit lamang ang liwanag ng bilog na bilog na buwan. Hindi ko alam kung pagmamay-ari ba ito ni Jom. At kung pagmamay-ari nga niya ang lahat ng aming natatanaw ay hanggang saan ang sakop ng ari-arin niya. "Are these all Jomarie's property?" Hindi na rin nakatiis si Hell at nagtanong na rin siya. Tumango naman si Billie. "Lahat ng natatanaw ninyo ay pag-aari niya. Binenta ito ng isang corrupt na administration kaya nakuha niya ang titulo. Ilang dekada na rin siyang namumuhay nang tahimik sa lugar na ito dahil private property ang paligid nito," sabi niya at tumango-tango si Hell. Hindi ko naman akalain na magiging ganito ka-literal ang katahimikan na gusto niyang maging buhay. He was like isolated na talagang walang ibang maaaring makapasok sa buhay niya. Kaya pala hindi rin alam ni Dr. Carreon ang kinaroroonan niya. And I bet na tanging si Billie pa lang ang nakakapunta rito. Siguro tuwing nabo-bore siya o hindi naman kaya ay gusto niya ng kausap ay talagang sinasadya na niya si Billie sa siyudad. Well, hindi ko rin naman masisisi si Jom na rito niya napiling mamuhay. Okay na rin 'yung paminsan-minsan ay binibisita niya si Billie at hindi siya laging nag-iisa. Gusto ko rin naman ng tahimik na buhay pero ayokong mapag-isa. Kung ako man ang nasa katayuan ni Jom ay bibisita rin naman ako sa lugar ng mga taong kakilala ko. "Kung ako man ang papipiliin ay mas nanaisin ko pa ang manirahan dito nang tahimik kaysa sa malaking palasyo ngunit nararamdaman ko na hindi naman ligtas ang mag-ina ko," sabi ni Hell at nilingon niya ako. Hindi ko tuloy naiwasan ang mapangiti dahil sa sinabi niya. Parehas pala kami ng naiisip. Nakita ko rin ang ngiti ni Billie dahil naramdaman niya ang sincerity ni Hell. She looks at him with full of admiration. Hindi kasi maitatanggi ang sobra-sobrang pagmamahal ni Hell para sa akin. "Wala po akong magagawa para ipagtanggol kayo sa mga humahabol at naghahanap sa inyo. Ang tangi ko lang po na magagawa para sa inyo ay ang ipagdasal na sana ay hindi nila kayo matunton hangga't hindi kayo nakakapagsilang." Tipid ko naman na nginitian si Billie bilang pasasalamat na rin. Sana ay alam niya na malaking tulong na para sa amin ang pagkumbinsi niya kay Jom na tulungan kami. Mula sa malawak na balcony ay bumalik na kami sa loob ng kwarto dahil nakakaramdam na kami ng ginaw dahil sa malamig na simoy ng hangin. "Pakihintay hintay na lamang po ninyo ako rito. Ikukuha ko lamang po kayo ng pwede ninyong maisuot," paalam ni Billie at naglakad na palabas kwarto. Sigurado ako na kukuha si Billie ng isusuot ni Hell sa kwarto ni Jom. Ngunit hindi ko alam kung saan siya maaaring kumuha ng ipapasuot niya sa akin. Bigla naman akong natauhan na hindi malayo na magkaroon ng damit si Billie rito. Hindi rin naman nalalayo ang sukat ng katawan namin kaya alam ko na damit niya ang ipapahiram niya sa akin. Ngunit wala namang kaso sa akin kung manghiram ako ng luma niyang damit. Ang mahalaga ay mapalitan na ang mabigat na gown na kanina ko pa gusto na hubarin. At alam ko na hindi na rin komportable si Hell sa suot niyang suit at gusto na rin niya na Naupo na muna kami ni Hell sa kama at parehas na nakatanaw sa pintuan para sa pagpasok ni Billie. Hindi rin naman nagtagal ang ginawa naming paghihintay dahil mayamaya lang din ay bumukas nang muli ang pinto at niluwa nga si Billie na ngayon ay may bitbit nang paper bag. Iniabot niya iyon sa amin at tinanggap naman ni Hell. "Hindi pa po namin naisusuot ni Jom ang mga damit na iyan. Mabuti na lamang po at nag-shopping kami para sa party at namili na rin ng ilang damit. Sigurado naman po ako na kasya sa inyong dalawa ang mga sukat namin ni Jom," sabi niya at napatitig pa ako sa shopping bag. Tulad nga ng sinabi ko ay ayos lang kung lumang damit nila ang pansamantalanng isusuot namin ni Hell. Ngunit dahil may mga bago naman pala ay mas lalong mabuti. "Well, thanks!" I said awkwardly at narinig ko ang mahinang pagtawa ni Hell kaya sinamaan ko siya ng tingin dahil parang alam ko na kung bakit siya natawa. "You know, Heaven, hindi mo naman kailangang magpasalamat kung hindi mo feel ang magpasalamat. We know you're grateful and that is cool," sabi niya kaya hinampas ko siya sa braso. "Mas sincere pa 'yung mukha mo kaysa sa pananalita mo." Tinulak ko si Hell sa balikat nang hindi pa rin siya tumigil sa kakaasar sa akin. Narinig ko pa nga ang tawa ni Billie na tila ay enjoy na enjoy panoorin ang pang-aasar ni Hell at pagiging pikunin ko. "What?" masungit kong binalingan si Billie at agad naman siyang napayuko. Napairap na lamang ako at nauna na kay Hell sa bathroom upang doon na magpalit ng damit. "Pagpasensyahan mo na, buntis kasi," narinig ko pang bulong ni Hell kay Billie habang papasok ako ng bathroom. Sa kagustuhan ko na mahubad na agad sa katawan ko ang gown ay mabilis lang akong nakapagpalit ng damit. Lumabas na agad ako ng bathroom para makapagpalit na rin si Hell ngunit pagbukas ko ng pinto ay nasa tapat na si Hell at doon na naghihintay ng paglabas ko. Nagngising aso siya sa akin pero inirapan ko lang siya. Napanguso naman siya dahil iyon lang ang naging tugon ko sa mga ngiti niya. "Sungit," sabi pa niya nang makalabas ako at makapasok naman siya ng bathroom. Muli ko na lamang siyang inirapan kahit pa hindi na niya nakita dahil tinalikuran ko na siya. Binalikan ko na lamang si Billie may kama kung saan matiyaga niya kaming hinihintay ni Hell. Napangiti siya nang makita ako na kasya nga sa akin ang bagong damit niya na kabibili lang. Well, maganda naman ang T-shirt pero hindi ko alam kung saan ba nanggaling at saan nila nakuha ang ganitong klase ng design. "Bagay na bagay sa inyo, mahal na prinsesa. Kahit ano yata ang isuot ninyo at babagay sa inyo," sabi ni Billie at napangiwi ako dahil sa compliment niya. Hindi ko alam kung paano tumanggap ng papuri galing sa ibang tao lalo na kung bagong kakilala at harapan na sinabi. "Well, kid, trust me, she is better off without one!" Narinig namin ang sigaw ni Hell mula sa banyo na nakikinig yata sa usapan namin ni Billie. At naramdaman ko ang halos pagliyab ng magkabila kong pisngi dahil sa kahihiyan sa sinabi ni Hell. "You shut up, mother f*cker!" sigaw ko sa may banyo para siguradong maririnig ni Hell. Dinig na dinig ko naman ang nakakarindi niyang pagtawa. Lalo lang akong nainis nang makita ko ang kakaibang ngiti ni Billie. Muli ay sinamaan ko siya ng tingin at napayuko siya. Dahil naramdaman na niya na naiinis na ulit ako kay Hell ay hindi na siya muling tumawa pa ngunit nakikita ko pa rin naman ang pagpipigil niya ng tawa. Kagagalitan ko na sana ulit siya ngunit narinig ko na anb pagbukas ng pinto ng bathroom kaya hinintay ko na lamang ang paglabas ni Hell mula roon. Nang lumabas siya ay nagulat pa siya nang makita niya ang masama kong tingin sa kanya. Ngunit ngumiti lang siya at dumiretso ng lakad papunta sa akin. Niyakap niya ako at hinalikan sa ibabaw ng aking ulo. "Pikon ni buntis," sabi niya kaya siniko ko siya sa sikmura. Narinig ko ang mahina niyang pagdaing ngunit tumawa rin naman. "Nais niyo na po bang bumaba?" tanong ni Billie nang bimitiw sa akin si Hell. Nagkatinginan pa kami para tanungin ang isa't isa sa kung ano ang gusto naming gawin. Ngunit nabasa ko sa mga mata ni Hell na ako na ang pinagdedesisyon niya. Kaya hinarap ko si Billie para sagutin ang tanong niya. "Parang gusto ko muna na magpahinga. Magbabawi muna siguro ako ng lakas. Pakitawag na lang siguro kami kapag kakain na," sabi ko at tumango naman si Billie. "Kung gayon ay maiwan ko na po muna kayo. Tatawagin ko na lang po kayo kapag nakahanda na ang pagkain sa mesa. Sa ngayon po ay tutulungan ko na po muna si Jom sa pagluluto sa kusina nang makakain na tayong lahat." Nginitian ko si Billie at tinanguan. Hanggang tuluyan na nga siyang lumabas ng kwarto at naiwan kaming muli ni Hell. At tulad ng sinabi ko kay Billie ay gusto ko muna na magpahinga kaya niyaya ko na si Hell na mahiga na muna sa kama. Malambot at malaki ang kama kay sigurado ako na magiging komportable ang magiging pagtulog namin ni Hell. Tulad ng nakasanayan naming pwesto sa tuwing magkatabi kami sa kama ay inunan ko ang braso ni Hell. This is the most relaxing part of my life. "Sa tingin mo ba ay naghahanap pa rin sila sa ganitong mga oras?" tanong ko kay Hell at nilingon ko siya. Nakatingin lamang siya sa kisami. "Hindi ko rin alam, Heaven. Kung ang Alpha ang iisipin ko, siguro ay hindi. Ngunit kung si Guia ang iisipin ko sa tanong mo ay sasabihin ko na oo. Hindi pwede at hindi niya hahayaan na basta na lamang tayong makawala nang ganoon na lang. Sigurado ako na mag-uutos 'yon sa mga galamay niya para ipahanap tayo," sabi niya at napag-isip-isip ko tama siya. Kung mayroon man na isang nilalang ang kating-kati na madakip kami upang maparusahan ay walang iba iyon kundi si Guia. Tama si Hell sa sinabi niya na mag-uutos pa iyon sa mga bampira at familiar na tapat na nagliligkod sa kanya. "Our beautiful nightmare has ended," sabi ko. Kung noon ay isang panaginip na maituturing ang naging buhay namin ni Hell sa Alucard dahil naging sobrang mapayapa ng lahat. Hindi ko akalain na may ganitong problema pala kami na kakaharapin. Ang buong akala ko nabubuhay na kami sa reyalidad. Ngunit isang panaginip lang pala ang lahat. Pinaranas lang pala sa amin ang buhay sa loob ng isang panaginip. It is just a beautiful nightmare that would just lead us to a disaster. And maybe the following days, weeks and months of our lives will be the worst disaster could ever happen to us. Kaya kung panaginip lang ang lahat ng ito, sana ay hindi na kami magising pa. I want to stay in this dream. Isang panaginip kung saan ang saya na nararamdaman namin ay tulad ng sa reyalidad. "Don't you have any regret that I dragged in this disaster I always have?" tanong ko at kinunutan niya ako ng noo. Natatakot ako na baka maging si Hell at ang anak namin ay madamay sa disaster na kakambal ko. Tulad ng nangyari noon kina mama at kuya. They both died protecting me. "No, Heaven. Hinding-hindi ko iyan pagsisihan," sabi ni Hell at naramdaman ko naman ang sinseridad sa sagot niya na wala siyang ano mang pinagsisisihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD