Chapter 36

2555 Words
Chapter 36 Heaven's POV Parehas naming hindi alam ni Hell kung gaano kalayo na ba ang tinatakbo namin. Basta ang nasa isip lang namin ay kailangan namin na makalayo. Wala ring kasiguraduhan kung saan kami dapat na magtago. Hindi ko alam kung gaano ba sila dapat kalapit sa amin para maamoy nila kami. Kaya mas malayo ang distansya namin sa mga humahabol sa amin ay mas maganda. Wala naman na kaming naririnig na ano mang kaluskos ng paghabol sa amin ngunit upang makasigurado na talagang hindi nila kami masusundan ay hindi pa rin kami humihinto mula sa pagsubok na makalayo. Nagpatuloy lang kami ni Hell sa katatakbo kahit pa ilang kagubatan na rin ang tinawid namin. At nang pinaplano ko na ang paghinto ay saka naman kami nakarinig ng mabibilis na kaluskos na alam kong kami ang tinutumbok. Ngunit dahil napapagod na ako ay nakaramdam na rin ako ng pagsakit ng tiyan at sa tingin ko na kung magpapatuloy pa kami ni Hell sa pagtakbo ay mas titindi ang sakit ng nararamdaman ng tiyan ko. Alam ko na dahil sa pagtakbo kaya ako nakakaramdam ng ganito kaya kahit may papalapit na kaluskos sa amin ay mas pinili ko na huminto na muna. At dahil magkahawak ang kamay namin ni Hell ay napilitan din siya na huminto. Napahawak ako sa tiyan ko at marahan ko itong hinaplos-haplos. Umaasa ako na kahit papaano ay mababawasan ang sakit ng tiyan ko. Binabantayan ko rin ang pagitan ng mga binti ko dahil natatakot ako na bigla na lamang akong duguin at bigla na lang mawala ang baby namin dahil nakunan na pala ako. At hinding-hindi ko iyon matatanggap. Ngayon pa na nasiwalat na ang lahat. Ngayon pa kung kailan handa na kamii ng ama niya na ipaglaban siya sa buong lahi ng bampira na ang gusto ay mapaslang siya dahil isa lamang siyang kasalanan. At hindi ko kailanman hahayaan na maramdaman ng anak ko na isang kasalanan ang tingin sa kanya ng aming lahi. Kung sakali man na mapatawad kami ng Alpha at ganoon lang din naman ang magiging buhay ng anak ko sa Alucard ay mas pipiliin ko na lang na mamuhay kami nang malayo sa mga mapanghusgang mata. "Are you okay?" tanong ni Hell nang makita ang sakit sa aking mukha. "I...I just need to rest," sabi ko kay Hell. Hindi naman siya sumagot at inakay na lamang ako sa isang bato upang doon ay makaupo ako kahit papaano. Naging alerto na naman siya sa paligid dahil alam ko na naririnig pa rin niya ang kaluskos. Binabantayan ako ni Hell habang nagpapahinga. Sana naman ay maging maayos na ang pakiramdam ko dahil gusto ko na ulit ang makapagpatuloy sa pagtakbo. Gusto ko nang tuluyan na makalayo. Ngunit hindi ko naman maaari na pilitin ang sarili ko. Mas lalong naging alerto si Hell nang makakita kami ng isang pares ng mata sa madilinm na kagubatan. At maging ako ay inalerto ko ang sarili ko. The eyes we are seeing are yellow kaya nakakasigurado ako na hindi siya isang bampira kundi isang lobo. At nawala ang pangamba namin ni Hell nang makilala namin ang balahibo ng lobo na humahabol sa amin nang iluwa ito ng madilim na kagubatan. At the back of him, we see Billie riding. Nang nasa harapan na namin sila ay tumalon si Billie pababa sa likod ni Jom at saka lang ito nag-transform into human at agad naman siyang dinamitan ni Billie. "What are you doing here?" tanong ni Hell na siya rin dapat na tanong ko. Hindi na nakakapagtakha na si Jom lang ang nakahabol sa amin dahil sa siya ang pinakamabilis na lobo. "I will give you a place to stay," sabi ni Jom at nagkatinginan kami ni Hell. Parehas pa naming inaral nang mabuti kung totoo ba si Jom sa mga sinabi nito na bibigyan niya kami ng matutuluyan gayong tinanggihan naman na niya kami kanina. Ngunit wala naman kaming nakikita na kasinungalingan tungkol sa sinabi niya. Sa katunayan nga ay bakas pa rin sa mukha niya ang pag-aalala sa sitwasyon namin. "Ang buong akala ba namin ay hindi mo kami matutulungan dahil ayaw mong madamay?" tanong ko sa kanya ngunit walang halo na ano mang pait dahil naiintindihan naman talaga namin ni Hell ang naging rason niya. Maging ako man ay hindi mangingialam sa isang problema na tiyak ko na gulo lang ang madudulot sa akin at alam ko na may ibang tao na madadamay na malapit sa akin. "Wala naman na akong magagawa kung siya na talaga mismo ang nagsabi na tulungan namin kayo," sabi ni Jom at binalingan ko si Billie. She smiles awkwardly na tila ay nahihiya. Wala namang dahilan para mahiya siya dahil tutulungan na nga nila kami. Kami pa nga ang dapat na mahiya sa kanila. "Pasensya na po kung tinanggihan kayo na tulungan ni Jom nang lamang sa akin. Ngunit ngayon ay handa na po siya na tulungan kayo. At hindi na lang po si Jom ang tutulong sa inyo kundi maging ako po ay tutulong na rin," sabi niya at bigla akong nag-alangan sa mga huli niyang sinabi. Hindi ko gusto na tutulong siya dahil isa lamang siyang mortal. Oras na may mga bampira o lobo kami na makaharap ay nasisiguro ko na madadamay siya. At maaari pa niya iyon na ikamatay nang wala man lang siyang kalaban-laban. At iyon ang pinakaayaw ko na mangyari. Ang may isang madamay at mamatay nang wala man lang laban dahil may kakaibang lakas ang mga bampira. "No, salamat na lang sa inaalok ninyong tulong ngunit ayoko na may isang mortal ang madadamay sa gulo na ito. Sige na, umalis na kayo," sabi ko ngunit hindi man lang sila kumilos para sundin ang sinabi ko. Bagkus ay may nakita akong pagmamatigas sa mukha nila na nagsasabi na hindi nila ako susundin sa pagkakataon na ito. "Paumanhin mahal na prinsesa ngunit nais po talaga namin na kayo ay tulungan," sabi ni Billie at bahagya pa na yumuko. Kinalma ko ang aking sarili dahil hindi nga ako nagkamali sa hinala ko sa kanya noong unang beses pa lang namin siya na nakaharap. Tama ako na makulit siya. "Kung ayaw ninyong umalis ay kami na lamang ang aalis," sabi ko at kumapit na ako sa braso ni Hell para sana yayain na siya na talikuran silang dalawa ngunit hindi nagpatangay si Hell bagkus ay nanatili lang siya sa kanyang pwesto. Nang tingnan ko siya ay saka lamang niya ako nilingon. "What are you doing? Let's go," sabi ko sa kanya ngunit umiling siya kaya kinunutan ko siya ng noo. "Hindi, Heaven. Noon ay naghahabol tayo ng tulong mula sa prinsipe ng mga lobo. Ngayong nasa harapan na natin si Jom at siya na mismo ang nag-aalok ng tulong ay hindi ko alam kung bakit nagagawa mo pa na tumanggi," sabi ni Hell kaya binitiwan ko siya. Humalukipkip ako at tinaasan siya ng kilay. "'Yung tulong ni Jom ay matatanggap ko. Ngunit hindi ang tulong ng isang mortal. Wala 'yang laban sa mga bampira na humahabol sa atin. Mamamatay 'yan nang walang kalaban-laban," sabi ko at binalingan si Jom. "Ang buong akala ko ba ay ayaw mo siyang madamay? Bakit ngayon ay ikaw pa ang naglalagay sa kanya sa isang tiyak na kapahamakan?" sabi ko kay Jom at tiningnan niya lang naman si Billie na tila ay tinitimbang pa ang sitwasyon. "Wala pong kinalaman si Jom sa desisyon ko na tulungan din kayo, mahal na prinsesa. Ako po ang nagpumilit sa kanya," sabi ni Billie ngunit hindi mababago ng sinabi niya ang kagustuhan ko na wala nang ibang mortal pa ang madadamay sa galit ng mga bampira. "At nagpapilit ka naman, Jom?" "Kilala ko na si Billie, Prinsesa Heaven at alam ko kung gaano siya kakulit na ipagpilitan ang mga bagay na gusto niya talagang gawin. Hindi 'yan matatahimik hangga't hindi siya mapagbibigyan," sabi ni Jom at marahan akong natawa. Napakawalang kwenta ng dahilan ni Jom para hayaan niya lang si Billie na idamay ang sarili niya sa gulo na wala naman siyang kinalaman. Ngunit dahil mukhang hindi ako makakakuha ng isang satisfying na sagot mula kay Jom ay si Billie na lamang ang hinarap ko. At kung hindi niya ako mabibigyan ng sagot ay aalis ako kahit pa hindi ko kasama si Hell. Bahala na siya kung susundan niya ako o hindi. "Hahayaan kita na makapasok sa gulong ito kung mabibigyan mo ako ng isang katanggap-tanggap na dahilan kung bakit gusto mo kami na tulungan--bukod sa ako ang prinsesa," sabi ko kay Billie. Hindi ko naman siya nakita na nag-isip ng isasagot kaya nakakasigurado ako na kung ano man ang sasabihin niya na dahilan ay katotohanan lamang. Huminga siya nang malalim bilang paghahanda sa kanyang pagsasalita. "Unang-una po sa lahat ay wala akong nakikitang mali sa pagbubuntis ninyo nang wala sa hustong gulang na tinakda sa inyo. I mean, para saan ang tinakdang edad ng pagkakaroon ng anak ng isang tagapagmana? Makakaapekto ba ito sa pamumuno?" Napataas ang kilay ko sa unang dahilan na mayroon siya. Hindi ko alam kung ilan ang dahilan niya ngunit nakuha ko agad ang punto niya sa isang ito. At tama naman siya. Hindi ko alam kung saan nagmula ang batas na iyon ngunit sinusunod iyon at kinikilala ng lahat. Maging ang Alpha at Master Racul ay higit isang daang taon na sila nagkaroon ng anak. Hindi ko rin alam kung sino ba ang naglagay ng ganoong batas sa sa batas ng mga bampira. Basta ang alam ko lang ay isa iyong kasalanan ngunit hindi ko naman alam sa kung bakit may ganoon pang batas gayong wala namang mangyayari na hindi maganda kung mabuntis man ang isang tagapagmana nang wala pang isang daang taon. 'That's all?" tanong ko pa at umiling siya. Alam ko na may gusto pa siyang sabihin. "We really appreaciate you for sparing our ancestor's life. Ako po at ang buong pamilya namin ay alam ang history ng aming Lolo Brent at naniniwala kami na kung tinuloy ninyo ang pagpatay sa kanya ay wala ang aming pamilya. Kaya labis naming tinatanaw na isang malaking utang na loob ang pagbuo sa aming pamilya. At sumumpa kaming buong pamilya na maglilingkod sa lahi ng bampira. Lalong-lalo na sa inyo, mahal na prinsesa," sabi ni Billie at yumuko pa. Hindi naman ako nakapagsalita pa dahil hindi ko naman akalain na ganoon pala kalaki ang tingin at epekto sa kanilang pamilya ang pagbuhay ko kay Brent. He was the only familiar I had at wala lang talaga siyang ibang pagpipilian kaya sumunod na lamang siya. "Iyan talaga ang dahilan kaya hindi na ako nakatanggi pa sa mga gusto niyang gawin, Prinsesa Heaven. Dahil paninindigan na ng kanyang pamilya ang sinusunod niya at wala naman ako sa lugar para pigilan siya sa kanyang gusto. Kaya sana ay hayaan na ninyo na makatulong kami sa inyo ni Hell. Kahit para na lamang sa anak ninyo." Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa mga sinabi ni Jom ngunit tama siya na kahit para na lang sa magiging anak namin ni Hell. "We worked had for this help, Heaven. Huwag na natin itong pakawalan pa," sabi ni Hell at napabuntong hininga na lamang ako bilang pagsuko. Ang kondisyon ko kay Billie para hayaan ko siya sa gusto niya na tulungan kami ay ang bigyan ako ng katanggap-tanggap na dahilan at sa tingin ko ay nabigay naman niya ang gusto ko. "Saan n'yo naman kami balak na patuluyin ngayon?" tanong ko at unti-unti ay nakita ko ang pagngiti ni Billie na parang kanina lang ay halos nawawalan na ng pag-asa na papayag ako. Maging si Jom ay naging masaya para naman kay Billie. "Pwede kayo sa tinutuluyan ko. Malawak naman doon," sabi ni Jom at muli ay nagkatinginan kami ni Hell. Nagpapakiramdaman pa kami kung sang-ayon ba kami sa mungkahi ni Jom. Wala naman akong nakikita na pagtutol sa mukha ni Hell kaya muli ko silang nilingon. "Kung gayon ay tara na," sabi ko at agad naman silang kumilos. Nakapagpahinga na rin naman ako kaya sa tingin ko ay kaya ko na ang muling bumalik sa pagtakbo. Hindi na rin naman namin kailangan na tumakbo nang sobrang bilis tulad ng kanina dahil ngayon ay sigurado kami na hindi na nila kami masusundan. Jom transforms again into a werewolf at sumakay nang muli si Billie sa kanyang likuran. Yumakap pa ito sa kanya upang masiguro na hindi siya malalaglag. Naghanda na sila sa pagtakbo at ganoon din kami ni Hell. Hanggang sa umalis na nga kami. Hindi ko alam kung saan nakatira si Jom ngunit kahit saan pa iyan ay ayos lamang basta sigurado na malayo sa mga humahabol sa amin. Ilang gubat at ilog pa ang tinawid namin at sa tingin ko ay nasa isang liblib na lugar ang tinutuluyan ni Jom. At hindi nga ako nagkamali nang huminto kami sa tapat ng isang malaking bahay. Napaka-refreshing ang makakita ng ganitong uri ng bahay dahil sobrang layo na nito sa mga bahay sa siyudad. Hindi ko nga rin akalain na mayroon pa palang ganitong bahay sa panahon ngayon. Ganitong uri ng bahay ang panahon noong dito pa ako nakatira. Hindi tulad sa mga bahay ngayon na halatang mga moderno na. Nasa gitna ito ng isang malawak na lupain ngunit walang katao-tao. At hindi ko lubos maisip ang katahimikan ng lugar na ito. Knowing Jom way back then, hindi naman ganoon katahimik ang buhay niya dahil puro gulo rin ang hanap niya noon kaya hindi ko masasabi na sanay naman siya sa katahimikan. Ngunit kung ako ang tatanungin ay masasabi ko na mas pabor ako sa ganitong uri ng tutuluyan. Hindi hamak na mas malaki at mas marangya ang mansyon ng Alpha ngunit hindi ko naman gusto ang ganoong karaming kasama sa bahay. Kaya ngayon pa lang, kahit na hindi ko pa napapasok ang bahay ay nasisiguro ko na magiging komportable ako sa pagkilos dahil walang mga mata ang susubaybayan sa akin sa bawat galaw ko. Matagal ko rin namang napakisamahan si Jom kaya sanay ako sa presensya niya. Sa bahay na ito ay sigurado ako na magkakaroon ako ng kapayapaan. Which is good dahil makakatulong iyon sa pagkakaroon ko ng healthy pregnancy. "Tuloy kayo, Hell, Prinsesa Heaven. Mula ngayon ay ituring na ninyo na parang sarili n'yong bahay ang bahay ko dahil mukhang matagal-tagal kayong maninirahan dito." Binuksan ni Jom ang pinto at sumalubong sa amin ang maaliwalas na loob ng bahay. Hindi pa man kami nakakapasok ay tanaw naman mula rito sa doorstep ang linis ng loob ng bahay. Parang hindi isang lalaki ang nakatira. Malinis din naman si Hell sa place niya pero hindi tulad nito na halatang kalilinis lang. I think he cleaned his house bago pumunta sa party. "Let's go inside," yaya pa niya sa amin at nilahad ang pinto ng kanyang bahay. Tiningnan naman ako ni Hell at tumango siya. "Suit yourselves and feel at home," dagdag pa ni Jom. Sa tingin ko ay siya dapat ang mauna na pumasok ngunit dahil pinauna na niya kami ay pumasok na kami ni Hell. Nilibot ko ng tingin ang bahay na ilang buwan din naming titirhan. At wala naman akong nakikitang dahilan para tanggihan ang pagtira sa isang tahimik at maaliwalas na bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD