Chapter 35

2562 Words
Chapter 35 Heaven's POV Naramdaman ko ang paghahanda ni Hell sa nalalapit na pagkakabunyag ng sikreto namin kaya hinanda ko na rin ang sarili ko para hudyat na lang ni Hell ang hihintayin ko. Tuluyan na ngang binitiwan ng Alpha si Guia upang mas makapagsalita ito nang maayos. Inayos naman ni Guia ang kanyang sarili bago simulan ang pagsasalita. Nakita ko ang pagkakatutok sa kanya ng lahat ng nandito kaya alam ko na talagang nakikinig silang lahat at lahat ay curious sa sasabihin niya. Hindi na kami nagprotesta pa ni Hell para lang pabulaanan ang sasabihin niya. Hinayaan na lamang namin na mabunyag na sa lahat ang aming lihim dahil alam namin na daratin na rin ang oras na ito. Sa ngayon ay wala kaming ibang magagawa kundi ang tumakbo upang makatakas. At sisiguraduhin namin na hinding-hindi nila kami mahuhuli. Ngunit bago pa man makapagsalita si Guia ay muli nang nagsalita ang Alpha bilang banta. "Ginamit mo ang ngalan ng isang babaylan. Hindi basta-basta ang kaparusahan na ipapataw ko sa iyo oras na napatunayan na nagsisinungaling ka lamang, Guia! Hahatulan at papatawan kita ng pagpapatiwakal!" Nakita ko ang paglaki ng mga mata ng halos lahat ng nandito dahil sa sinabi ng Alpha. Maging si Guia ay nabigla ngunit agad naman na bumalik ang confidence sa kanyang mukha. Hindi naman dapat nawawala sa kanya ang confidence dahil totoo ang kanyang sasabihin. Nagawa iyong sabihin ng Alpha kahit pa konektado ang buhay ni Guia at aking ama dahil nababali lamang ang mating ritual kapag tinapos ng isa ang sarili nitong buhay. At kaya pagpapatiwakal ang ipapataw na parusa ng Alpha kay Guia ay upang hindi mamatay aking ama dahil si Guia mismo ang tatapos ng kanyang buhay. Kaya hindi kami dapat na matakot kung mamatay man si Guia sa parusang pagpapatiwakal. "Nakahanda ako na harapin ang kaparusahan na inyong ipapataw sa akin oras na mapatunayan na gumagawa lamang ako ng kwento." Hindi na ako nabigla pa sa nakakakilabot na kumpiyansa ni Guia sa kanyang sarili dahil alam ko na labis ang tiwala niya kay Alona na hindi siya nito lolokohin lalo na sa ganitong ka-confidential na bagay. At hindi ko alam kung makakabalik pa ako ng Alucard matapos ang rebelasyon na ito ngayong gabi ngunit oras na makabalik ako ay sisiguraduhin ko na si Alona ang unang-una kong haharapin. Gusto kong malaman at marinig sa kanya mismo ang dahilan sa kung bakit mas pinili niya na panigan ang isang average vampire na si Guia kaysa sa akin na isang prinsesa. Well, hindi na dapat ako napapatanong pa dahil bukod sa isa siyang babaylan na may matataas din naman katungkulan ay ramdam ko talaga noon pa man na ayaw niya sa akin--tulad ng pag-ayaw sa akin ni Guia. Ngunit huwag siyang umasa na mapapalagpas ko ang ginawa niyang ito. Mataas lang ang tingin sa kanilang mga babaylan ngunit hindi sila makapangyarihan. Huwag lang magtatagpo ang landas namin dito sa mundo ng mga mortal dahil hindi ko maipapangako na hindi ko siya masasakta. She is capable of going out here dahil isa siyang daywalker. "Kung gayon ay pag-usapan natin ito sa loob ng Alucard Palace," the Alpha suggested ngunit nakaramdam ako ng pagkabahala. Dahil kung sa Alucard pa namin pag-uusapan ang lahat ng ito ay mas lalo lang kamin mahihirapan ni Hell na makalayo dahil sigurado ako na mahihirapan kaming makalusot sa Dark Forest kung hinahabol kami ng mga bampira at lobo. Nakita ko na umiling si Guia sa suggestion ng Alpha kaya napakunot ang noo nito. "I want everyone to hear this. Gusto ko na marinig ninyo, Alpha, Master Racul at Pinunong Levine ang lahat ng sasabihin ko," sabi ni Guia at nagulat pa ang ama ni Hell nang maging siya ay nadamay sa mga binanggit ni Guia. Hindi ko naman naramdaman na nakaapekto kay Hell na malalaman na ng kanyang ama ng tungkol sa lihim namin na isang malaking kasalanan sa lahi ng mga bampira. Kahit pa alam naman namin ni Hell na maaaring ma-disappoint ang kanyang ama sa kanyang matutuklasan lalo pa at subok na ang kanyang katapatan sa buong lahi ng bampira. Mabuti na rin na hindi pumayag si Guia sa gusto ng Alpha na dalhin pa sa Alucard ang issue na ito. Ayoko rin naman na maabala pa ang mga batang bampira doon. Alam ko na kaya gusto ng Alpha na gawing pribado ang pag-uusap ay dahil malaki ang chance totoo ang sinasabi ni Guia na kasalanan ko dahil sa pagbanggit niya ng isang babaylan. At iniiwasan ng Alpha na masiwalat iyon nang biglaan at walang nakahanda na damage control. Ngunit kung nalalaman lang ng Alpha ang laki ng kasalanan ko sa aming lahi ay sigurado ako na hindi na niya nanaisin pa ng damage control at diretso ang gagawin niyang pagpaparusa sa akin. "Now, speak!" Halos dumagundong ang sigaw ng Alpha sa kabuuan ng venue at napapitlag pa si Guia dahil sa gulat. But when she coped up, tumayo siya ng tuwid at hinarap pa ang lahat ng nandito. Tinuro niya kami rito ni Hell sa taas ng stage at saka sinabi ang bagay na kanina pa niya plano na sabihin. "Ang prinsesa na halos sambahin na ninyong lahat ay nagdadalang bampira!" Saglit na namayani ang katahimikan matapos ang rebelasyon na iyon. Alam ko na nabigla sila ngunit mas kinabigla iyon ng Alpha. Hindi makapaniwala niya kaming tiningnan ni Hell at tila ay hindi niya alam ang kanyang dapat na gawin. "A-ano?" tanging naisatinig ng ama ko na hinawakan pa si Guia sa magkabila nitong braso. The way she holds her arms is the same way Alpha did. Hindi ko alam pero sa dami ng mga nangyayari ay mas inuna ko pa na maawa sa braso ni Guia na kanina pa nalalamog ng mag-ama. "What are you talking about? Alam mo ba kung gaano kalaking kasalanan ang binibintang mo sa anak ko?" My father is fuming mad at ngayon ko lang siya nakita na ganito kagalit. Kung ngayon pa nga lang ay kinikilabutan na ako sa kanya, paano pa kaya kung ang kinakagalit na niya ay ang pagbubuntis ko. Para akong isang menor de edad na nabuntis nang maaga na natatakot ipaalam sa ama niya dahil sigurado na makakagalitan siya. "Believe me, Master Racul! The princess is carrying a child. At alam naman nating lahat ng nandito na may tinakdang panahon para sa isang tagapagmana na magbuntis. At hindi pa nararating ng prinsesa ang hustong gulang para magbuntis siya! Heaven Monrtecillo is pregnant at isa iyong walang kapatawaran na kasalanan! She must be punished!" Guia shouted the last words she said. At sa tono pa lang niya ay iyon nga ang main reason kung bakit niya kami nilaglag. Gusto niya na maparusahan kami ni Hell. Ngunit muli ay nabalot ng katahimikan ang buong lugar. Hanggang sa napuno na ng bulungan ang lahat dahil sa pagkalito. Wala pa rin kasi kahit na isa man lang sa amin ni Hell ang nagsasalita. At sa tingin ko ay parehas kami ng desisyon na huwag na munang magsalita at hintayin na lamang na mismong pamilya na namin ang magtatanong. Gusto ko sana na samantalahin ang pagkakabigla ng lahat para magsimula na sa pagtakbo at pagtakas ngunit hindi naman ako ganoon kasuwail na anak dahil gusto ko pa rin na marinig ang sasabihin ng pamilya ko. Kung magalit man sila at itakwil ako ay tatanggapin ko. They have all the right an all the reason para talikuran ako. Tatanggapin ko rin ang masasakit na salita na ibabato nila sa akin kung iyon ang tanging paraan para mabawasan kahit papaano ang disappointment at sama ng loob nila sa akin. Hindi rin ako mabibigyan ng katahimikan kung hindi ko man lang makikita kahit man lang ang reaksyon nila. Kahit pa magalit sila, ang mahalaga ay alam ko kung ano ang naging saloobin nila. "Stop this nonsense--bullsh*t story of yours, Guia! Stop making up stories! Nilalagay mo lang sa kapahamakan ang prinsesa!" muli ay sigaw ng aking ama at narinig na lang namin ang marahan na pagtawa ni Vlad. At hindi naitatago ang pang-iinsulto sa pamamaraan ng pagtawa niya. Tila ba pinagtatawanan niya ang lahat dahil ayaw nila na maniwala sa kanyang ina. "We ain't making up stories! The princess is pregnant. Sandali nga lamang, mahal kong ama, bakit hindi na lamang ninyo tanungin ang prinsesa?" Vlad challenges our father ngunit hindi agad ito nakasagot sa gusto ni Vlad. Kung confident si Master Racul sa pagtatanggol niya sa akin at paniniwala na hindi nga ako buntis ay alam ko na iyon agad ang gagawin niya. Ngunit dahil hindi niya agad iyon magawa ay alam ko na mayroon na rin siyang pagdududa na baka nga totoo ang mga sinasabi at bintang ni Guia laban sa amin ni Hell. Ngunit kahit na nananahimik pa rin kami ni Hell ay hindi ibig sabihin na natatakot kami. Kasi ngayon ay buo na ang desisyon namin na hindi na patagalin pa ang pa-amin. Kumukuha na lamang kami ng tamang pagkakataon upang tumakas. Dahil nga sa suggestion ni Vlad na bakit hindi na lamang ako tanungin ay nabaling na naman sa akin ang atensyon ng lahat na tila ay mga naghihintay ng isasagot ko. "Let's ask the princess then," sabi ng Alpha at nilingon ako. Seryosong-seryoso ang mukha ng Alpha kaya hindi ko pa rin mabasa kung ano na naman ba ang nasa isip niya. Sa lahat ng nandito ay ang Alpha ang pinakanahihirapan ako na basahin. May anggulo siya na nagsasabi na galit siya ngunit may anggulo rin naman na nagsasabi na pagkatiwalaan ko siya sa ano mang katotohanan. At gusto kong umasa sa sinasabi ng expression niya na pagkatiwalaan ko siya ngunit hindi ko naman maaaring ipagsapalaran ang kaligtasan naming tatlo sa isang nilalang na wala naman kaming kasiguraduhan kung kakampi ba namin o hindi. Tahimik ang lahat habang naghihintay ng sagot ko. Nilingon ko si Hell at marahan niya akong tinanguan bilang hudyat ng pag-amin namin. Nang makuha ko ang pagsang-ayon ni Hell ay umayos ako ng tayo at hinarap silang lahat. "Yes, I am bearing our child," sabi ko at hindi ko na sinubukan pa na pakinggan ang samu't saring bulungan na bumalot sa buong venue dahil hindi ko na alam kung sino ang una kong pakikinggan. Nakita ko ang tagumpay sa mga ngisi ni Guia nang aminin ko na ang katotohanan. Ngunit parang dinurog ang puso ko nang makita ang disappointment sa mga mukha nina Master Racul at ng Alpha. Hindi agad sila nagsalita at tila hinihintay ang mga susunod ko pang sasabihin. Ngunit wala naman na akong kailangan pa na sabihin. Kung hihingi man ako ng tawad sa kanilang dalawa at maging sa ama ni Hell ay nais ko sana na 'yung pagkakataon na kami-kaming pamilya na lamang ang magkakaharap na alam ko naman na malabo nang mangyari. Pakiramdam ko kasi ay sa kanila lang kami dapat na humingi ng tawad dahil sa kabila ng taas ng expectation nila sa amin ni Hell ay nagawa namin silang biguin. Ngunit sa iba naming kalahi ay wala naman kaming dapat na ihingi ng tawad dahil ginawa naman namin ang lahat upang magampanan nang tama ang kanya-kanya naming tungkulin. Wala pa rin naman kami sa trono. Wala kaming dapat na ihingi ng tawad dahil wala naman kaming pagsisisi ni Hell na nabiyayaan kami ng isang sanggol sa aking sinapupunan. Binalingan ko si Hell na nakatingin naman sa kanyang ama at sa kakambal na magkatabi lang na nakatayo. Maging sila ay nabakasan ng pagkabigla. Muli kong tiningnan ang pamilya ko at nanatili silang tahimik. Dahil alam ng mga reaper na isa iyon na malaking kasalanan ay agad silang naghanda sa ano mang ipag-uutos ng Alpha. Ngunit nanatili silang hindi kumikilos dahil wala pa ang utos kahit ng aking ama. Sinalubong ko ang titig ng Alpha. Hindi ko alam kung bakit hindi pa rin nila nagagawang magbigay ng hudyat sa mga reaper upang damputin kami gayon wala naman na ang pagkabigla sa kanilang mga mata. Alam ko na nag-sink in na sa kanila ang mga inamin namin ngayon. Ilang sandali pa akong nakatingin lang sa kanilang dalawa nang maramdaman ko na ang paghawak ni Hell sa aking kamay. "I think we should go," sabi ni Hell at sa tingin ko ay oras na nga para tumakas kami. Kailangan na naming samantalahin ang pagkakataon na ito upang tumakas. "What? You will let them escape?" Naghihisteryang sambit ni Guia na tila ay hindi makapaniwala sa ginagawang pananahik ng mag-ama sa kabilang ginawa niyang pagsiwalat sa katotohanan. "Reapers, go and get the princess!" utos ni Guia ngunit wala man lang kahit na isang reaper ang tumalima sa kanya. Maging ang ama ni Hell ay nanatili lamang sa kanyang kinatatayuan. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa isip ni Guia at nag-utos siya ng ganoon sa mga reaper gayong alam naman niya na wala naman siyang karapatan. Oo nga at sinusunod siya ng mga iyo ngunit sa mga simpleng utos lang. Ngunit iba ang bigat ng utos lalo na ang pagpapadampot. Plus the fact na kasama niya sina Master Racul at Alpha na siyang kanilang hinihintay na mag-utos. Hindi talaga alam ni Guia kung saan ilulugar ang karapatan niya. Samantalang si Vlad nga na isang prinsipe ay hindi nagawa na mag-utos kahit pa kitang-kita na sa kanyang mga mata ang pagkainip na ipag-utos ng Alpha ang pagdampot sa akin. "I said go and get the princess!" ulit ni Guia. Alam ko sa mga pagkakataon na ito ay dapat tinatawanan ko na siya dahil desperada siya sa kapangyarihan na mapasunod ang mga reapers. Baka nga kapag binuka ko ang bibig ko at ipag-utos na damputin siya ay ako ang sundin ng mga ito. Ngunit kahit na kayang-kaya ko na gawin iyon ay hindi ko ginawa dahil hindi naman ganoon kakapal ang mukha ko para mag-utos pa. "Halika na, Heaven! We are still lucky. Huwag nating sayangin ang pagkakataon na binigay nila sa atin," sabi ni Hell ngunit hindi ko naman nakuha ang ibig niyang sabihin. Ngunit bago pa man ako makapagtanong kay Hell sa kung ano ang ibig niyang sabihin ay hinila na niya ako papunta sa balcony. Kahit pa madami kaming nadaanan na reaper ay hindi nila kami nagagawang damputin dahil wala pa naman ang hudyat ng Alpha. Tumalon kami sa damuhan at nagsimula na sa pagtakbo gamit ang bilis ng isang bampira. "Dakpin sina Hell at ang prinsesa ngunit huwag na huwag silang sasaktan!" sigaw ng Alpha nang tuluyan na kaming nakalayo. At ngayon lang naging malinaw sa akin kung ano nga ba ang ang ibig sabihin ni Hell sa sinabi niya kanina na swerte pa rin kaming maituturing. Bago pinag-utos ng Alpha ang pagpapahuli sa amin ay sinigurado niya muna na sapat na ang aming distansya upang tuluyan kaming makatakas at walang sino mang reaper ang makakahabol sa amin, kahit ang pinakamabilis pa. Mabuti na lamang at nakuha agad iyon ni Hell dahil kung hindi ay ilang sandali pa siguro ang ilalagi namin doon. At hindi ko alam kung paano pasasalamatan ang pamilya namin dahil sa ginawa nila. Alam ko na nabigla namin sila ngunit hindi sila nagpadaig at nanaig ang pagiging pamilya namin. Mas napatunayan ko na mahal nila ako sa pagkakataon naman na kinakailangan ko na lumayo sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD