Chapter 34

2577 Words
Chapter 34 Heaven's POV Kaya siguro hindi ko na nagawa pa na kontrolin ang galit na nararamdaman ko ay dahil alam ko sa sarili ko na wala nang mga normal na tao ang nandito na makakasaksi sa mga kakayahan ko kaya malaya ako na magagawa ko na ang lahat ng ano mang gusto ko kay Guia. Hindi ko rin papayagan na awatin ako ng sino man. Sisiguraduhin ko na idadamay ko ang lahat. "Heaven, Calm down," paulit-ulit na sabi ni Hell ngunit walang kahirap-hirap ko lang na tinabig ang kanyang kamay na dapat sana ay aawat sa akin. Hindi na nga ko tuluyang naawat ni Hell nang sa isang iglap lang ay nasa stage na ako at kaharap si Guia. Naramdaman ko na nabalot ng tensyon ang buong venue lalo na nang hawakan ko siya leeg. May isang familiar ni Guia ang nagtangka na awatin ako ngunit tumatakbo pa lang siya palapit sa akin ay tumalsik na siya sa lakas ng hangin na ako ang may likha. Hindi na rin naman ako nagulat pa nang maging sa isang iglap lang ay nasa harapan na namin si Vlad at hinawakan niya rin ako sa leeg upang ipagtanggol ang kanyang ina. At hindi agad ako nakakilos dahil sa ginawa niya. Inasahan ko naman na makikialam siya at ipagtatanggol ang kanyang ina sa tangka ko na p*******t dito ngunit hindi ko naman akalain na pagtatangkaan niya ang buhay ko nang ganito. At mababasa mo talaga sa kanyang mga mata ang labis na galit at pag-aasam na mapaslang ako. Muli kong binalingan si Guia na ngayon ay alam kong nahihirapan na sa paghinga. Hindi siya gumagawa ng ano man na hakbang upang makawala sa akin. Wala akong plano na paslangin siya. Ang inaasahan ko kasi ay pipilitin niya na kumawala mula sa pagkakasakal ko sa kanya at hindi rin naman ako magdadalawang isip na pakawalan siya dahil ina pa rin siya ng kapatid ko. Ngunit ngayon na alam kong wala siyang ginagawa ay alam ko na nais niyang palabasin sa mga bampira, lobo at familiar na talagang may plano ako na patayin siya. Nang makaramdam na ako ng kakapusan ng hininga dahil sa ginagawang pagsakal sa akin ni Vlad ay hindi na ako nagdalawang isip pa sakalin din siya gamit naman ang kaliwa kong kamay. At tulad ng inaasahan ko ay wala siyang naging laban sa akin. Ngunit hindi niya ako katulad na tila ay kayang pumaslang ng kapatid. Dahil bago pa man siya kapusin ng hininga ay agad ko na siyang tinapon sa malayo. Hindi ko na pinanood pa ang pagbagsak niya at muli ko na lang na binaling kay Guia ang mga tingin ko. At tulad ni Vlad ay tinapon ko siya hindi kalayuan sa pinagtapunan ko sa anak niya. Sa isang iglap lang din naman ay pinapaligiran na ako nina Master Racul, Alpha at Hell. Ngunit kahit pa paligiran nila ako ay wala naman na akong plano pa na dagdagan ang p*******t ko sa mag-ina. Sapat na sa akin kahit papaano ang nasaktan sila sa ganoong paraan. Nararamdaman ko pa rin ang tensyon sa kanilang lahat. At alam ko na hindi huhupa ang tensyon hangga't nanatili na ganito ang hitsura ko. Kaya unti-unti ay nawala ang pag-iinit ng mga mata ko at hindi ko na rin maramdaman pa ang mga labi ko. Naramdaman ko na lang nang hilahin ako ni Hell at niyakap. Saka lamang ako tuluyan na kumalma. Hindi ko alam kung bakit bigla na lang akong naiyak pero sa tingin ko ay dahil iyon sa sobrang pagka-miss na naramdaman ko nang makita ang video kasama ang pamilya ko. Simula nang tumira ako sa Alucard Palace ay hindi na ako muling nakapanood o nakakita man lang ng ano mang larawan ng pamilya ko. "Tell Guia ang Vlad to go to my office!" Bakas ang labis na galit ng Alpha sa mag-ina nang mag-utos siya sa isang familiar. Ngunit hindi pa man nakakahakbang ang familiar palapit sa mag-ina ay narinig ko na ang tunog ng heels ni Guia na marahan na naglalakad palapit sa amin. Kaya agad akong napabitiw sa yakap ni Hell para lang makita si Guia. Kung kanina ay si Guia ang tinitingala namin dito sa ibabaw ng stage, ngayon naman ay si Guia na ang tumitingala sa amin. Wala akong nakikita na ano mang takot sa mga mata niya gayong nasaksihan ng aking ama at Alpha ang ginawa niyang kasalanan sa akin sa paggamit niya sa aking pamilya. Nakikita ko pa nga ang pagmamalaki sa kanyang mga ngisi at labis ko iyon na kinainsulto. Naglakad rin si Vlad papunta sa tabi ng kanyang ina na tila ba nagsasabi na nakahanda siya na protektahan ito man ang mangyari ngayong gabi. Kaya ngayon pa lang ay alam ko na talagang may binabalak ang mag-inang ito. "Ano ba ang problema mo, Guia? Anong katampalasan ang ginawa mo sa prinsesa?" tanong ng Alpha ngunit nanatiling nasa akin ang mga tingin ni Guia. Hanggang sa napakunot na lamang ang noo ko nang walang sabi-sabi ay pumalakpak si Guia. Hindi isang palakpak ng pagpupuri. And I know for sure that it is a clap full of mockery. Nakaramdam ako ng insulto sa paraan ng ginagawa niya na pagpalakpak at hindi ko maiwasan ang makaramdam ng pag-aasam na matigil na ito. "Ano na naman ito, Guia?" tanong ng King Master at nilapitan na siya nito. Alam ko na maging sila ay naramdaman ang pang-iinsulto sa bawat palakpak ni Guia. Tumigil lang si Guia nang magkaharap sila ng aking ama. "Kapag hindi ka tumigil sa iyong mga kahibangan, ipadadampot kita sa mga reaper!" sabi pa ni Master Racul at naghanda ang mga reaper na nandito na tila ba ay handa nang kumilos at naghihintay na lang ng salita ng hari. Ngunit maging ang mga banta ng aking ama kay Guia at maging ang pagiging alerto ng mga reaper ay hindi man lang nagdulot ng ano mang pangamba kay Guia para maging dahilan man lang ng pagtigil nito sa pagngisi. Nawala lamang ang mga ngisi ni Guia nang balingan niya ng tingin ang aking ama upang magbigay ng reaction sa siguro ay sinabi nito na pagpapadampot sa kanya sa mga or kung hindi pa siya titigil. Minabuti ko na lamang na sila na ang humara at magpatigil kay Guia dahil baka oras na mangialam ako ay patigilin ko s Guia sa paraan na alam ko. At hangga't maaari ay ayoko na siya ulit na saktan dahil alam ko na mangingialam na naman si Vlad. At iyon ang pinaka-iniiwasan ko sa lahat--ang masaktan muli ang kapatid ko. Tama na siguro ang ginawa ko kay Guia kanina. "Sandali, mahal kong hari," sabi ni Guia at bahagya pang natawa. At sa tingin ko ay wala pa siyang balak na tumigil anytime soon. Wala akong baon na mahabang pasensya para sa kanya kaya sana ay magawa na siyang patigilin ng Alpha at ng aking ama. Ngunit hinihiling ko rin na kahit ngayon lang ay kampihan naman ako ni Vlad. Umaasa pa rin ako na aawatin niya ang kanyan ina sa pang-iinsulto niya sa akin dahil alam ko na sa kanya lang makikinig ang kanyang ina. Ngunit nang tingnan ko si Vlad ay pinapanood niya lang ang magkaharap niyang mga magulang na tila wala talaga siyang plano na suwayin man lang ang kanyang ina. Kaya ngayon pa lang ay tinanim ko na sa isip ko na wala akong aasaha na ano man mula kay Vlad. Lalo na sa kondisyon na mayroon ako ngayon. Hindi ko maaari na ipagkatiwala sa kanya ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil hindi ko siya magiging kakampi. At ang masakit pa ay baka isa pa siya sa mga gusto na parusahan ako at imungkahi na patayin ang magiging anak ko oras na masiwalat man ang katotohanan. "Bakit ako ang kailangan mong ipadampot sa mga reaper? Wala akong kasalanan sa iyo at mas lalong wala akong nilabag na batas ng mga bampira," sabi ni Guia at nakita ko ang pagkunot ng noo ng ama ko. Nagkatinginan kami ni Hell at bigla na lamang akong nanlamig dahil sa tono ng pananalita ni Guia. Her voice tells she knows somethig. I felt Hell's arms wrap around my waist at naramdaman ko ang higpit nito. At nakakasiguro ako na parehas kami ng nasa isip sa maaaring pinupunto ngayon ni Guia. Ngunit sana ay nagkakamali lang kami ni Hell ng hinala dahil aminado naman kami parehas na hindi pa kami handa. Lalo pa ngayon na pumalpa ang una naming plano na humingi ng tulong kay Jom. Kung mabubunyag man ngayon ang lahat ay alam namin na parehas kmaing walang kalaban-laban dahil napapaligiran kami ng mga reaper na maaari agad kaming hulihin at hindi na namin magagawa pa na tumakas. "What do you mean walang nilabag? Ang pambabastos ba sa prinsesa nang ganyan ay hindi paglabag sa batas ng mga bampira?" tanong ng Alpha at hindi pa rin nawawala ang pagmamalaki sa mga tingin ni Guia. Mas lalo pa akong nakaramdam ng insulto nang matawa siya sa sinabi ng Alpha. "Masyado naman yata ninyong sinasamba ang prinsesa na 'yan. Samantalang sinuway niya kayo at may isang napakalaking kasalanan sila na tinatago ng lalaking 'yan!" Tinuro pa niya si Hell at hindi na ako nakakilos pa dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin at dapat naming gawin ni Hell dahil parehas naming alam ni Hell kung saan papunta ang usapan na ito at kung ano ang tinutumbok ni Guia. Nilingon ako ng Alpha at hindi ko na mabasa ang nasa isip niya. Alam ko na hindi niya pa rin nauunawaan ang sinasabi ni Guia ngunit kailangan na naming umalis. Naglakad ang Alpha pababa ng stage upang puntahan si Guia. Tumabi siya sa aking ama at magkatabi nila na hinarap sina Vlad at Guia. Nanlaki ang mga mata ni Guia nangg mahigpit siyang hinawakan ng Alpha sa magkabila nitong braso. "Siguraduhin mo na kung ano man ang sasabihin mo ay talagang magsasabi na may isang tinatagong kasalanan ang mahal na prinsesa. At hindi ko tatanggapin ang basta salita mo lamang. Kailangan ko ng ebidensya...isang matibay na ebidensya," the Alpha said with his teeth gritted. Kitang-kita sa mga mata ng Alpha ang galit na siyang nagpanginig kay Guia. At kahit na malayo sila ay nakikita ko kung paanong halos bumaon na ang kuko ng Alpha sa mga braso ni Guia na tila ay madudurog na. Alam ko na gusto na niyang mawala si Guia sa harapan niya ngunit gusto niya rin naman na malaman ang sasabihin nito. Nilingon ko si Hell para sana magtanong sa kung ano ang dapat naming gawin ngunit nanlumo akong bigla nang makita ko rin sa hitsura ang niya nag pagkataranta. Mas lalo pa na humigpit ang pagkakapulupot ng braso ni Hell sa aking baywang na tila ay niyayakap niya ako. "What should we do now?" marahan kong tanong sa kanya at sinisiguro ko na hindi kami maririnig ng iba pang mga bampira. Hindi ako umaasa na may isasagot si Hell ngunit nagtanong na rin ako dahil gusto kong malaman niya na hindi ko na rin alam ang gagawin ko. "What else? Run." Tiningala ko siya dahil sa sinagot niya. He said it as if it is the only choice have right now. Pero mas mabuti na rin ito kaysa wala kaming ano mang pagpipilian. Muling binaling ni Hell ang tingin niya sa Alpha na hanggang ngayon ay mahigpit pa rin ang pagkakahawak kay Guia. Alam ko na iyon ang tanging sinabi ni Hell dahil iyon naman talaga ang plano namin, ngunit hindi naman namin akalain na ngayong gabi na iyon magaganap. At alam ko na mas mahihirapan pa kami sa ganitong sitwasyon lalo na at napapaligiran kami ng mga reaper. Na oras na masiwalat ni Guia ang lahat ay hindi magdadalawang isip na damputin kami oras na ipag-utos ng Alpha. Kahit na isa akong prinsesa ay hindi sila magdadalawang isip na gawin iyon lalo na at Alpha ang nag-utos. Higit na mas malakas at mas makapangyarihan siya kaysa sa akin. "Totoo ang lahat ng sasabihin ko laban sa prinsesa, Alpha," kumbinsi pa ni Guia. "Kung gayon ay nais ko na sabihin mo muna kung ano ang gagamitin mo na matibay na ebidensya upang patunayan ang lahat," sabi ng Alpha at bigla akong napaisip. Sigurado ako na nalaman ni Guia ang tungkol sa pagbubuntis ko. Hindi naman na ako masyadong nabigla na may nakaalam na dahil alam naman namin parehas ni Hell na talagang mayroon at mayroong makakaalam sa sikreto namin. Ang kinabigla lang namin ay hindi sa ganitong pagkakataon at mas lalong hindi ganitong biglaan. Ang malakin katanungan lang sa akin ngayon ay kung sa paanong paraan niya natuklasan ng lahat. Gusto kong malaman kung sino ang nagsabi sa kanya. Bigla na lamang pumasok sa isip ko ang Alpha. Ngunit kahit na anong isip ang gawin ko laban sa kanya ay alam ko naman na hindi iyon magagawa ni Tandang Kresya. Alam ko na may isang salita ang matandang babaylan na iyon. Kaya nang sinabi niya na mananatiling sa amin tatlo ang lihim na pagbubuntis ko ay alam ko na tutuparin niya iyon. At naalala ko rin ang sinabi niya na kung may magsiwalat man ng katotohanan na iyon ay sinisiguro niya sa amin na hindi siya ang may kagagawan. At naramdaman ko naman ang sinseridad niya nang mga oras na iyon. Nang makumbinsi ko ang aking sarili na hindi nga ang babaylan ang nagsabi ng katotohanan ay bigla na lang pumasok sa isip ko ang isa pang nilalang na may alam ng aming sikreto. Agad ko siyang hinanap sa paligid at namataan ko naman siya sa hindi kalayuan at napansin ko sa tabi niya si Billie. Hindi alam ni Jom na kanina ko pa siya tinititigan dahil naka-focus siya sa paghaharap nina Alpha at Guia. At ayon sa nakikita ko ay wala namang kakaiba sa kanya. Normal lang ang mga tingin niya roon na tila ay wala siyang alam sa mga nangyayari. Hanggang sa nabaling ang tingin sa akin ni Jom at sinalubong niya ang mga titig ko. Ngunit kabaligtaran ng sinasabi ng mga mata niya ang mga bintang ko sa kanya. Nabakas sa mukha niya ang pag-aalala dahil mukhang nahuhulaan na rin niya kung saan papunta ang tensyon na nangyayari ngayon. Dahil sa nakikita ko na pag-aalala sa amin ni Jom ay mas lalo na akong naguluhan sa kung sino sa kanilang dalawa ng babaylan ang maaaring nagsabi ng sikreto namin ni Hell. Mas imposible naman na isa sa amin ni Hell ang nagsabi dahil hinding-hindi naman namin ipapahamak ang sarili naming anak. "Kaya kong patunayan ang lahat. Sa tulong ng pinakabatang babaylan na si Alona." Natigilan ang Alpha sa sinabi ni Guia. Ang pagbanggit ng pangalan ng isang babaylan bilang saksi ay isang katotohanan dahil hindi marunong magsinungaling ang mga ito. Nakita ko kung paanong dahan-dahan na binitiwan ng Alpha ang mga braso ni Guia. Ngunit nabigla ako sa sinabi niya. Si Alona ay ang pinakamalapit na babaylan kay Guia. Siguro ay nakita ako ni Alona at napag-alaman niya na nagdadalang bamapira ako at pinaalam niya iyon kay Guia. Alam niya ang galit sa akin ni Guia kaya hindi ko rin ganoon kagusto ang babaylan na 'yon. And I know that her loyalty is with Guia. Kaya hindi na dapat ako nagulat pa na si Alona ang nagsiwalat ng aming sikreto.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD