Chapter 33

2072 Words
Chapter 33 Heaven's POV Kahit na tinalikuran na namin ni Hell si Jom ay wala alam ko na parehas naman kami ni Hell na walang ano mang sama ng loob sa kanya dahil totoo na naiintindihan namin siya. Lalo pa at may pinoprotektahan siya na ayaw niyang madamay. Sadyang kinailangan lang namin na umalis agad dahil kapag nagtagal pa kami sa pag-uusap ay maaaring gamitin iyon upang mapagbintangan siya na may kinalaman sa gagawin naming pagtakas. Baka paghinalaan pa siya na mayroon siyang kinalaman gayong tinanggihan na nga niya kami. Alam ko rin naman na kaya ayaw niya kaming tulungan ay dahil oras na paaminin siya ng mga reaper ay madadamay ang kaisa-isa niyang familiar. At iyon ang ayaw niya na mangyari. Nang makalayo na kami ni Hell kay Jom ay nag-stay na lang kami sa isang sulok. May ilang mga bumati sa akin na talagang sinadya pa ako rito sa gilid. May mga mortal din ang lumapit sa akin na halata mong nabibilang sa alta sociedad. Magiliw ko naman silang pinakiharapan at tinulungan naman ako ni Hell dahil alam niya na hindi ko kaya ang makibagay sa harap ng ibang tao lalo na kung ganito kadami. Habang abala kami sa pakikipagkumustahan sa mga tao ay napansin naman namin na nag-aayos ng mic si Guia sa itaas ng stage. Napakunot ang noo ko dahil ang buong akala namin ay tapos na ang intoduction nat nandito na ang lahat para sa party. Guia tests the mic at nagkatiniginan kami ni Hell. Nagkibit balikat siya sa akin upang sabihin na wala rin siyang nalalaman sa kung ano mang mga nangyayari. Nilingon ko naman ang Alpha at Master Racul. Nag-uusap sila at tinuturo pa ang stage kung nasaan si Guia. Halata rin sa kanila na wala silang idea sa kung ano man ang plano ni Guia. Hinanap ko si Vlad at nakita ko naman siya sa harapan ng stage. Mukhang alam niya ang plano ng kanyang ina at nakahanda na siyang makinig. Inakbayan ako ni Hell habang pinapanood ng lahat si Guia sa pag-aayos ng mic dahil kanina pa iyon pinatay ng technical team. Kaya hindi namin alam kung ano ba ang trip ni Guia. Ngunit kahit na ano pa ang plano niya ay siguraduhin niya na may saysay ang lahat ng sasabihin niya na mukhang plano niyang ihabol dahil hindi pa niya nasabi kanina. At mas lalong siguraduhin niya na wala iyong kinalaman sa akin dahil kotang-kota na siya sa akin ngayong gabi. Kung ako na naman ang target niya kaya may ganyan pa siyang nalalaman ay hindi ko maipapangako na makakapagtimpi pa ako sa kanya. Hindi ako magdadalawang isip na patulan na siya kahit pa sa harap ng maraming tao. "May I have your attention, please," sabi ni Guia nang sa wakas ay naayos na niya ang mic. Kaya maging ang mga may sari-sariling mundo ay nagbigay na rin ng atensyon sa kanya. Tinigil nila ang pakikipagkwentuhan sa mga kasama nila para lang makinig kay Guia. Ngunit kahit halata pa man ang pagkalito kina Alpha at Master Racul ay mukhang hahayaan lang nila si Guia sa kung ano man ang plano nito. Mukhang na-curious din kasi sila. Mukha naman na confident si Guia sa kung ano man ang sasabihin niya. Ang iniisip ko naman ay naghanda ng isang sorpresa si Guia para sa Alpha para mas lalo pang pabanguhin ang pangalan niya. "Again, may I have your attention please," ulit niya para lang masigurado na nasa kanya na ang lahat ng atensyon. Nang maglibot siya ng tingin sa kabuuan ng venue ay napangiti siya nang makita niya na ang lahat ng aming atensyon ay nasa kanya. Maging ako man ay talagang makikinig sa sasabihin niya lalo na at halata naman na wala ito sa plano ngayong gabi. "First of all, I would like to thank each and everyone of you for coming tonight. Isa na yata ito sa pinakamalaking event para sa Montecillo Group of Companies," sabi ni Guia at hindi nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap niya sa akin at alam ko na para lang iyon masiguro niya na nakikinig at nanonood ako. "And the highlight of this event is the most anticipated introduction of the successor of the Montecillo's. Ngunit sino nga ba si Heaven Ford? Na ngayon ay kinikilala na bilang Heaven Montecillo..." Bigla akong natigilan dahil sa sinabi niya. Naramdaman ko rin ang pagkakahinto ni Hell. Nakita ko maging ang pag-ayos ng upo ng Alpha at ni Master Racul. Nakikita ko rin sa mga mata nila ang kagustuhan na pahintuin na si Guia sa kung ano man ang kanyang binabalak dahil baka kung anu-ano lang ang masabi nito. Sinenyasan naman ni Guia ang isa s technical team at may nag-play na video sa LED door ng stage. At napatayo ako nang video ko iyon noong bata pa lang ako at kasama ko roon si Papa Ismael na nilalaro ako sa duyan. Napatayo rin sina Master Racul at Alpha nang makita iyon. Bigla siyang naghanap ng maaaring magpatigil ng video ngunit nawala na ang staff na siguro ay piakiusapan ni Guia na i-play ang video. Naikuyom ko ang aking kamao dahil hindi ko naaalala na humingi ng permiso sa akin Guia para gamitin at ipakita ang video na iyon sa harap ng maraming tao. Mas lalong hindi ko alam kung paano napunta sa kanya ang clip ng video na iyan. Nagsimula na akong humakbang palapit sana sa stage pero hinarang ni Hell ang katawan niya sa daraanan ko. "He is Dr. Ismael Ford. Siya ang kinilala at kinalakihang ama ni Heaven Montecillo." Napuno ng bulungan ang buong venue dahil sa sinabing iyon ni Guia at marami ang nagulat dahil hindi nila alam ang ganoong background ko. Not that they have to know my private life. Pero ang hindi ko maintindihan ay kung ano ang sumapi kay Guia at naisipan niya na gawin ang mga ito. "How dare she!" nakatungo kong sambit sa harapan ni Hell dahil sa hindi ko maipaliwanag na galit para kay Guia. Pakiramdam ko ay na-invade ang privacy ko. Lalo n ng pamilya ko. Huwag siyang umasa na mapapalagpas ko ang isang ito dahil hindi ako titigil hangga't hindi ko siya nahaharap. At oras na magkaharap kami ay siguraduhin niya na may maganda siyang dahilan. Dahil kung hindi niya ako mabibigyan ng katanggap-tanggap na dahilan ay hindi ko maipapangako na hindi ko siya masasaktan. Sigurado ako na alam niya na hindi ako pumapayag na gagawin ito nang basta-basta sa pamilya ko kaya hindi ko rin alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para gawin ito sa akin. Parang napakadali para sa kanya ang lapastanganin ang katahimikan ng pamilya ko. Sa pagpapakita niya sa mga ito ay parang gusto niyang ibalik sa akin ang sakit ng pagkawala nila na matagal ko nang napagdaanan. "Ilabas mo na muna siya, Hell." Hindi ko na namalayan pa ang paglapit ng aking ama dahil na rin siguro sa alam na niya ang magiging epekto nito sa akin at sa kung ano ang maaari kong ikilos. Nakita ko ang pagkataranta sa kanyang mukha. Ngunit hindi ko gusto ang inutos niya kay Hell. "Opo, King Master," sabi ni Hell at sinubukan na niya akong akayin sana palabas pero tinabig ko ang kamay. Hinarap ko ang aking ama at hindi ko naitago ang poot na nararamdaman ko. "Hinding-hindi ako lalabas ng lugar na 'to hangga't hindi ko nakakaharap si Guia!" Nakuha ko na ang atensyon ng ibang tao dahil hindi ko naman sinasadya na mapalakas ang boses ko. Pero hindi ko inisip pa ang maaaring isipin nila sa nagawa ko dahil ang tanging nasa isip ko ngayon ay si Guia na patuloy pa rin sa pag-play ng mga clip videos namin ni Papa Ismael. At hanggang ngayon ay hindi ko pa rin makuha ang purpose niya kung bakit niya ito ginagawa. "Hindi ito ang mundo na kinalakihan ni Miss Montecillo. She did not grow up with family of businessmen. She grew up with family of doctors." Napataas pa ang kilay ko sa sinabi niya. Kahit na gusto ko na siyang sugurin sa taas ng stage ay naghintay pa rin naman ako ng mga susunod niyang sasabihin dahil umaasa ako na may maganda at makahuluhang salita ang lalabas sa kanyang bibig. "Ngunit ganoon pa man, sana ay pagkatiwalaan ninyo siya." Dahil sa sinabi niyang iyon ay saka ko lamang napagtanto ang purpose niya kung bakit niya ito pinapaalam sa lahat. Halata sa boses niya ang pagpapanggap na gusto niya na matanggap nila ang katotohanan na bukod sa hindi ako lumaki sa pamilya ng nga businessman at wala rin talaga akong background pagdating sa ganitong mga bagay. "Make her stop," nagpipigil na sabi ko sa aking ama at tumango-tango para kumbinsihin ako na patitigilan niya si Guia. "Yes, Prinsesa Heaven. I will make her stop. But please calm down," pakiusap niya ngunit sunud-sunod ang ginawa ko na pag-iling. "Kakalma lang ako oras na tumigil siya. Make her stop!" Mas lalo pang tumaas ang boses ko dahil sa galit kaya naghanap na ng mauutusan ang aking ama para pahintuin si Guia. Hindi niya ako magawang iwan dahil nag-aalala siya na may mga bagay akong magawa nang hindi ko makokontrol. Ngunit bago pa man siya makapag-utos ay naramdaman ko na ang pamumula ng mga mata. At alam ko rin na kaunti na lamang ay lalabas na ang mgs pangil ko. "Please, Heaven, not now," pakiusap ni Hell nang makita niya ang kasalukuyan na hitsura ko. Alam ko na nakakaramdam na rin siya ng pagkabahala na ano mang oras ay muli na naman akong sasabog sa galit. At nag-aalala siya na maraming normal na tao ang makakasaksi nito. Sigurado ako na maaaring mabunyag ang tungkol sa mga bampira at pag-usapan ang pamilya namin. Sinusubukan ko naman na kontrolin at kalmahin ang sarili ko ngunit habang patuloy ko na naririnig si Guia ay hindi ako makakalma. "Prinsesa Heaven, anak, kumalma ka," sabi pa ng aking ama. "Si Heaven Montecillo ay isang bastarda. Anak siya sa labas ng aking asawa kay Olivia Ford. Asawa siya ni Dr. Ismael Ford na siya nang tumayo bilang ama ni Heaven," sabi pa niya. Muli ay napuno ng bulungan ang buong venue dahil sa siniwalat ni Guia. At hindi maganda ang mga naririnig kong bulungan mula sa mga mortal. Napuno sila ng tanong na bakit ang isang bastarda na tulad ko ang napili ng Alpha na maging successor ng buong kompanya. Pwede naman daw si Vlad na marami nang nalalaman pagdating sa industriyang ito. At ito ang purpoee ni Guia kung bakit niya ito ginawa. She will not let me win their trust that easy. Kaya talagang gumawa pa siya ng paraan para mag-doubt sila sa akin. Kaya imbis na kumalma ako ay naramdaman ko na lang ang paglabas ng mga pangil ko. Agad na naghanap ng maaaring tumulong sa amin ang aking ama dahil sandali nang binalot ng malakas na hangin ang venue kahit pa closed air ito. Nakita ko nang pindutin ng Alpha ang emergency alarm at biglang nagtakbuhan ang mga mortal palabas ng venue. Naiwan ang mga familiar at bampira sa lugar na ito. Dahil sa nangyari ay saka lang nahinto si Guia sa kanyang pagsasalita. "What the hell did you do, Guia?" Dumagundong sa buong venue ang galit na tinig ng Alpha at alam ko na ang lahat ay nangilabot dahil maging ako man ay nakaramdam nito. Ngunit hindi nito nakalma ang galit na nararamdaman ko. Nasa itaas pa rin ng stage si Guia at nasa baba naman ang Alpha. "I'm sorry, Alpha. I just thought it will be fine to give some background about the successor's life. Karapatan din naman nila na malaman iyon dahil napakalaking tiwala ang hinihingi ng prinsesa mula sa kanila," paliwanag ni Guia kaya napahakbang ako. "And who gave you the permission to expose those videos?" tanong ko. May kalayuan pa rin ako sa kanya dahil mas pinili ko ang ganitong pwesto kung saan malayo ako sa kanya. "That was just a videos," sabi pa niya na mas lalong kinainit ng ulo ko. At ngayon pa lang ay alam ko na sa sarili ko na sagad na ako. I am now out of control at kung sino man ang umawat sa akin sa pag-aasam ko na saktan si Guia ay sinisiguro ko na madadamay sa galit ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD