Chapter 32

2556 Words
Chapter 32 Heaven's POV Tila hindi na matatapos pa ang papuri sa akin nina Master Racul at Alpha dahil sa ginawa ko. Sa kanila na mismo nanggaling na hindi madaling makuha ang tiwala ng board of directors pero tila nagawa ko raw iyon nang walang kahirap-hirap. Ang buong akala ko ay hindi na sila matatapos pa pero ilang sandali pa ang lumipas ay nagpaalam na rin sila para harapin na ang lahat ng bisita. Hindi naman daw nila inaasahan na makikipag-socialize ako sa ibang tao kaya hindi na nila ako pipilitin. Mabuti na lamang at naiintindihan nila ang ugaling iyon. Ngunit nagsabi naman ako sa kanila na makikihalubilo ako sa iba kahit papaano para na rin sa pangalan ng Montecillo. Lumabas na sila ng back stage ngunit nagpaiwan kami ni Hell sandali dahil kailangan ko muna na ihanda ang aking sarili at kumbinsihin na kinakailangan ko itong gawin. "Just tell me whenever you are ready," sabi ni Hell at tumango ako. Nawala sa loob ko na hindi pa pala lumalabas sina Guia at Vlad kaya kasama pa rin namin silang mag-ina rito. Agad kong nilingon ang kinaroroonan nila at parehas silang nakamasid sa akin. Hindi man lang nila naisipan na ibaling sa iba ang direksyon ng kanilang mga tingin na tila sinasabi pa na pinapanood nila ang bawat kong galaw. At kitang-kita sa mga mata nila na hindi sila natutuwa. Alam alam ko na dahil iyon sa mga nangyari. Alam ko rin na hindi sila masaya dahil mga narinig nila na papuri sa akin nina Master Racul at Alpha. Hindi ko tuloy lubos maisip ang inis na naramdaman nila habang naririnig ang mga iyon. Sigurado ako na kinarindi iyon ng kanilang mga tainga. Hindi ko alam kung saan sila kumuha ng lakas ng loob pero nagawa pa nila na maglakad palapit sa amin ni Hell. "Hayaan mo na sila, Heaven," paalala sa akin ni Hell habang pinapanood namin sila na maglakad. Handa naman akong sumunod sa paalala ni Hell, iyon ay kung wala silang sasabihin na masama laban sa akin. Dahil ayaw naman ni Hell na maging bastos para alisan sila gayong alam namin na lalapit sila sa amin ay wala siyang ibang nagawa kundi ang hintayin na lang sila sa tapat namin. Kahit pa alam ko na gusto na niyang hindi na lang sila harapin para sigurado na walang magiging gulo. "Do not expect that we will congratulate you," sabi ni Guia na siyang pinambungad niya sa akin. Halos matawa naman ako sa sinabi niya. Sino ba ang nagsabi na nag-expect ako na gagawin nila iyon? That is beyond impossible. "I did not expect you to, though. I know that the opposite is what you wanted to happen. Tama ba ako, Guia?" Nakita ko na nanginig ang labi niya dahil sa galit. Mukhang magsisimula na naman siya sa ganitong klase ng pag-uusap. Sigurado ba siya na sa harap mismo ni Vlad niya ilalabas ang ugali niya? "Ganyan ba talaga ang tingin mo sa aking ina?" hindi makapaniwalang tanong ni Vlad. Bakit nga ba hindi ko agad naisip na'yung mali kaagad sa sinabi ko ang makikita niya at hindi ang mali ng ina niya na halata namang sinadya na hindi sabihin sa akin ang tungkol sa paghahanda ko dapat ng speech. Pasalamat siya at maliit na bagay lang iyon para sa akin. It did not put me in trouble kaya kayang-kaya iyon na palampasin. Kung nagkataon na ako ang tipo ng babae na mabilis mataranta at masydong kabado, sigurado ako na siya ang sisisihin ko at baka hilingin ko pa sa Alpha na parusahan siya. "Prinsipe Vlad, Madame Guia, siguro ay mauuna na kaming lumabas ng back stage upang--" "No, Hell. Huwag kang mangialam dito!" Nagulat ako nang sigawan ni Vlad si Hell dahil sa tangka nito na ilayo sa mag-ina. Mabuti na lamang at wala nang ibnag tao rito dahil sigurado ako na kung may iba na makakarinig ay makakaramdam ng pagkapahiya si Hell. At hindi ako kailanman makakapayag na may gumawa nito sa kanya. Kahit pa ngayon na walang ibang nakarinig ay hindi ko matatanggap ang ginawa niya na sa mismong harapan ko pa. "How dare you?" I said as I gritted my teeth dahil sa labis na galit. Naramdaman ko naman ang paghawak ni Hell sa braso ko para kalmahin ako ngunit hindi ako makakalma hangga't nakikita ko si Vlad. "How dare you raised your voice in him in front of me?" Humakbang ako ng isa para mas makaharap si Vlad ngunit napaatras naman siya. Kahit na umabante ako ay hindi pa rin naman ako binitiwan ni Hell. Kahit na marahan na niya akong hinihila pabalik sa kanya ay hindi ako nagpapatangay. Pinakatitigan ko si Vlad na may halong pagbabanta. Kahit gaano pa siya katatag sa pagsalubong sa mga titig ko sa kanya ay binigo naman siya ng kanyang mga mata na ngayon ay mabilis mong makikitaan ng takot. "I can taste your fear, Prinsipe Vlad. And your fear tastes delicious." I heard him grunt ngunit napangisi ako dahil alam ko naman na hanggang doon lang ang kaya niyang gawin. Alam niya sa kanyang sarili na wala siyang laban kahit na kaunti sa akin. "Heaven, I'm fine. Come on, let's go," sabi ni Hell kasabay ng ilang beses na pagtangka niyang mararahan na paghila sa akin. Ngunit nagmatigas ako. Talagang nanginginig ang laman ko kay Vlad dahil sa ginawa niya kay Hell. Kung nang ako ang bastusin niya ay pinag-isipan ko pang mabuti kung magagalit ba ako sa kanya o iintindihin na lang. Pero ngayon na si Hell na ang binastos ni Vlad ay hindi ako magdadalawang isip na harapin siya. Hinding-hindi ko siya maiintindihan sa pagkakataon na ito dahil alam ko na walang kasalanan sa kanya si Hell. Na ang tangi lang namang gusto ay ang ilayo ako sa mag-inang baliw na ito. "Mayabang ka dahil makapangyarihan ka," sabi ni Guia ngunit nahalata ko rin ang takot sa kanyang pananalita. Hindi ko alam kung bakit tila hirap na hirap sila na itago ang takot na nararamdaman nila. Kung makakaramdam man ako ng takot sa isang nilalang ay mas pipiliin ko na lang na hindi na lang siya harapin nang ganito dahil alam ko na mas magiging katawa-tawa lang ako lalo sa harapan niya. Mas lalo lang siyang magkakaroon ng lakas ng loob na takutin ako. Kaya kung ako sa dalawang ito ay mas pipilin ko na lang ang umalis kaysa pilit na itago sa akin ang kanilang mga takot dahil kahit ano namang gawin nila ay hindi nila maitatago ang takot nila sa akin. Mas lalo lang akong ginaganahan na takutin sila. "Mali ka riyan, Guia. Makapangyarihan ako kaya ay karapatan ako na magyabang," sabi ko na mas nakapagpanginig ng galit sa kanila. Napakibt na lang ako ng balikat. Hindi ko alam kung bakit sila nagagalit sa mga sinasabi ko gayong aam naman nila sa kanilang mga sarili na pawang katotohanan lang naman ang mga iyon. "Hindi mo naman ako katulad, Guia. Kahit na nagagawa pang magyabang kahit pa alam mo naman sa sarili mo na wala kang kapangyarihan at mas lalong wala kang karapatan," sabi ko at mukhang susugurin ako ni Vlad ngunit napigilan lang siya ni Guia sa kanyang braso. Dapat lang na awatin niya ang kanyang anak dahil alam naman niya na wala siyang laban sa akin kahit pa isa siyang prinsipe. Ngunit naawat nga ni Guia si Vlad ay siya naman pala ang haharap sa akin. "Masyado kang matapang, mahal na prinsesa. Tingnan natin kung hanggang saan ka dadalhin ng tapang mo oras na pasabugin ko 'yang baho mo." Nahinto ako dahil sa mga huling salita ni Guia bago nila kami talikuran. Hindi ko maiwasan ang mapaisip dahil sa kanyang sinabi at wala naman akong magawa kundi ang sundan na lang sila ng tingin. Nang tuluyan na nga silang makalabas ng back stage ay talagang kami na lang ni Hell ang naiwan sa back stage. Saka ko lang naramdaman ang panghihina ng tuhod na talagang kinailangan pa akong saluhin ni Hell para lang makakuha ako ng suporta at hindi ako tuluyan na matumba. Inalalayan ako ni Hell na maupo na muna at hindi naman ako tumanggi. "Hindi mo dapat ini-stress masyado ang sarili mo dahil alam naman natin na makakasama iyon sa baby natin," sabi ni Hell at alam ko naman na tama siya. Inabutan niya ako ng isang basong tubig at agad ko naman itong ininom. Mabilis ko itong naubos at unti-unti naman akong kumalma. "Hindi ko mapigilan, Hell. Ang hirap lang tanggapin 'yung part na kailangan pa namin na magkasira ng kapatid ko. Siya lang ang nag-iisa kong kapatid na nabubuhay. Ayoko na sanang mawalan pa ulit ng kapatid. Ayoko rin na may mawawala na naman sa pamilya ko." Wala naman nang sinabi pa si Hell at hinayaan niya lang ako sa pagsasalita. Mayamaya lang ay niyakap na ako ni Hell at saka lang ako nakaramdam ng kakalmahan. Nang masiguro niya na maayos na ang pakiramdam ko ay niyaya na niya ako na muling lumabas at makisalamuha na sa iba sa party. At pagpasok ko pa lang sa venue ay nakuha ko agad ang atensyon nila. Marami akong nakita na pamilyar na familiar. Ang iba naman na familiar ay nalaman kong familiar kahit pa ngayon ko pa lang sila nakita dahil sa simple nilang pagyuko sa akin. Tinatanguan ko lang naman ang bumabati sa akin sa aking paglalakad. Hindi ko alam kung saan kami pupunta ni Hell dahil wala naman kaming kilala. Nakakapit lang ako sa braso niya habang kung saan-saan napupunta ang tingin namin para lang maghanap ng pwede namin makausap. Hanggang sa nabaling ang tingin ko sa isang sulok ng venue at nakita ko na nakatayo si Jom kasama ang iba pang familiar. Hinila ko agad ang braso ni Hell upang kuhanin ang atensyon niya at nilingon naman niya ako. Nginuso ko ang kinaroroonan ni Jom at sinundan naman ng tingin ni Hell ang tinuturo ko. Maging siya ay nagulat nang mkita si Jom. Oo nga at hinihiling na dumalo si Jom ngayong gabi ngunit hindi naman kami umasa na mangyayari iyon. Ngunit ngayon na nandito si Jom ay hindi kami papayag ni Hell na matatapos ang gabing ito nang hindi namin siya nakakausap. "Lapitan natin siya," yaya ko kay Hell. Alam ko na nag-aalangan siya dahil wala man lang kaming plano kung ano ang dapat naming sabihin kay Jom. Pero wala na rin namang nagwaa pa si hell dahil hinila ko na siya palapit sa kinaroroonan ni Jom. Naglalakad pa lang naman kami ay nagtama na ang paningin nila ni Hell. Kaya agad siyang nagpaalam sa mga kasama niya para salubungin kami dahil sigurado siya na siya ang sadya namin sa part na ito ng venue. Kung ang ganitong pagsasalubong nina Hell at Jom ay hudyat ng pagsisimula ng away noon sa Westridge, ngayon ay isang masinsinang pag-uusap ang hudyat nito na walang pwedeng makaalam. Yumuko agad sa akin si Jom nang magkaharap kami at tinanguan naman niya si Hell. Alam ni Jom na gusto namin siyang makausap kaya lumingon muna siya sa paligid upang masiguro na walang badya ng ano o sino man na maaaring magpahamak sa aming tatlo. Wala pa man kaming sinasabi ay niyaya na kami ni Jom sa may balcony kung saan walang gaano ang nandito. "Mag-ingat kayo sa sasabihin ninyo. Siguraduhin ninyo na walang bampira o lobo ang kaya kayong marinig," sabi ni Jom at tumango kami. Kailangan naming kontrolin ang mga boses namin para kung may sumubok man na mga bampira o lobo na alamin ang pinga-uusapan namin ay mabibigo sila. "I do not trust Levine kaya kukumpirmahin ko na lang muna sa iyo, Prinsesa Heaven. Are you really pregnant?" tanong ni Jom at hindi naman ako nagdalawang isip na tumango. "Okay, now that I know you are pregnant...why?" Kasabay ng pagtaas ng kilay ko ay ang pagngiwi rin ng mukha ko dahil sa naging tanong ni Jom. Hindi ko alam kung bakit sa dinami-rami ng pwede niyang maging reaction ay ito pa. Why? Why did we make love? Why did we break the rules? Hindi ko alam kung alin ba riyan ang sakop ng tanong niya na why. "Uh...because we are couple?" sagot ko dahil baka ang tanong niya ay bakit namin ginawa ni Hell. We are not saint. Natutukso rin naman kami sa isa't isa. "I mean why...why did you tell me?" seryosong tanong ni Jom at tipid ako na ngumiti. Alam ko naman na talagang mapapatanong si Jom dahil sobrang confidential ng sikretong sinabi namin sa kanya. Hindi lang buhay namin ni Hell ang tinaya namin sa pagsasabi sa kanya kundi maging buhay ng anak namin. "Dahil kakailanganin namin ang tulong mo," sagot ni Jom. Hindi ko nabakasan ng ano mang pagdadalawang isip si Hell nang sabihin niya iyon kay Jom na naging mortal niyang kaaway noong kabataan namin. Wala rin naman akong nakikita na mockery o pagmamataas man lang kay Jom nang nagpahayag si Hell ng paghingi ng tulong sa kanya. "Tulong ko? Sa paanong paraan ko naman kayo matutulungan?" tanong pa ni Jom na bakas sa mukha ang labis na pagkalito. Mukhang wala talaga siyang maisip na dahilan at paraan sa kung paano niya kami matutulungan at sa kanya pa namin naisipan na lumapit upang manghingi ng tulong. "Kailangan namin ng matataguan," sabi ko at napakunot ang noo niya. "Hindi ko kayo matutulungan sa sinasabi ninyo na pagtatago. Tahimik na akong namumuhay at maaaring magulo ang tahimik kong buhay kung tutulungan ko kayo." Bumagsak ang magkabila kong balikat dahil sa sinabi ni Jom. Alam naman namin na kaya siya umalis ng Alucard ay upang makapamuhay siya ng tahimik. And we know that it will be too much to ask na itago niya kami dahil wala namang kasiguraduhan na hindi kami matutunton sa poder niya. Kung tatanggihan niya kami ay hindi naman namin na ipagpipilitan na tulungan niya kami dahil naiintindihan namin. Sino ba naman ang hindi gugustuhin na mamuhay nang tahimik? Kung hindi nga lamang ako ang prinsesa ay mas gugustuhin ko na lang na mamuhay rito sa mundo ng mga mortal. Iniisip ko lamang ang mga bampira na umaasa akin. "We completely understand, Jom. Nagbaka sakali lang kami." Bigo akong ngumiti at nakita ko ang awa sa mukha ni Jom. Ngunit hindi naman niya kaming dapat na kaawaan dahil alam ko na may maiisip pa kami na ibang paraan ni Hell. "I am really sorry, Prinsesa Heaven. Mayroon kasing isang mortal akong isinasaalang-alang na ayokong madamay. Alam mo naman ang mundo na mayroon tayo. Dinadamay nila ang lahat kahit na walang mga kasalanan." Alam ko na tama siya sa kanyang sinabi tungkol sa mundo namin pero napangiti ako sa sinabi niya tungkol sa isang mortal na ayaw niyang madamay. Dahil hindi man siya nagbanggit ng pangalan ay kilala na namin ni Hell kung sino ang tinutukoy niya. "Si Billie ba?" tanong ko at nanlaki ang mga mata niya sa pagkabigla na alam namin iyon. Bahagya akong natawa sa naging reaction niya. Habang may gulat pa rin sa kanyang mukha ay minabuti na namin ang magpaalam sa kanya. Tinapik lang siya ni Hell sa braso at tinalikuran na namin siya. "At least we tried," sabi ni Hell habang naglalakad na kami palayo sa prinsipe ng mga lobo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD