Chapter 31

2579 Words
Chapter 31 Heaven's POV Ilang sandaling nanahimik ang Alpha at lahat kami ay naghihintay lang sa maaari niyang sabihin. Alam ko na ang Alpha na ang susunod na magsasalita pagtapos ng aking ama. At ayoko naman na masira ang mood niya nang dahil lang sa kapalpakan ni Guia. Alam ko na matagal niyang hinintay ang gabi na ito at hindi naman ako papayag na basta lang iyon masira. Kaya binuka ko ang aking bibig para sa muli kong pagsasalita. "There is nothing to worry about, Alpha. Tulad ng sinabi ko kay Prinsipe Vlad, I ca do things spontaneously. Sasabihin ko na lang po ang mga gusto kong sabihin. Please trust me in this one, Alpha," sabi ko. Saglit na nag-isip ang Alpha hanggang sa makita ko na sa mukha niya na kumbinsido na siya sa mga sinabi ko. "If you really think you can, who am I to not trust you?" sabi ng Alpha at napangiti ako. Hindi nakaligtas sa mga mata ko ang protesta sa mukha ni Vlad nang marinig niya ang sinabi ng Alpha. Mabilis kong binalikan ang mga sinabi niya ngunit wala naman akong nakikitang mali sa sinabi ng Alpha para mag-react nang ganito si Vlad. Sa kabila ng labis na pagprotesta niya ay inakala ko na hindi niya isasatinig ang kung ano mang nasa isip niya at sasarilinin na lang iyon ngunit nagulat ako nang naghanda siya sa pagsasalita. At hindi ko alam kung saan siya nakakuha ng lakas ng loob para magprotesta at magreklamo sa Alpha. "Ganoon na lang 'yon, Alpha?" Napakunot ang noo ng Alpha dahil sa tanong ni Vlad. Alam ko na hindi iyon inaasahan ng Alpha dahil unang-una sa lahat ay wala siyang naiisip na dahilan para magtanong nang ganoon si Vlad. Maging si Guia ay napaangat ng tingin sa kanyang anak dahil sa pakabigla. Nabakas din sa kanya ang pagkabahala sa mga sasabihin ng kanyang anak. "Prinsipe Vlad..." tawag niya rito at hinawakan pa siya sa braso. Ngunit hindi man lang natinag ang prinsipe at halata na wala siyang plano na magpasuway sa kanyang ina. At kahit pa may hindi kami pagkakaunawaan ni Vlad ay natatakot ako para sa kanya dahil kung ipagpapatuloy pa niya ang ano mang sasabihin niya ay sigurado ako na madadamay siya gait ng Alpha sa kanyang ina. "You were saying, Prinsipe Vlad?" sambit ng Alpha at alam ko na iniisip niya na nagkakamali lang siya ng dinig o hindi naman kaya ay na-misinterpret niya ang tono ng pagsasalita ni Vlad at pamamaraan ng pagtatanong niya. "You always to tell us that we should be prepared everytime we face board of directors at maging sa lahat ng tao na makapangyarihan sa mundong ito. Tapos ngayon na hindi handa ang prinsesa sa gabing ito na ilang taon na nilang hinihintay, sasabihin ninyo na pagkakatiwalaan niyo siya? Paano kung pumalpak ang prinsesa? May mukha pa ba siyang ihaharap sa lahat pagtapos ng gabing ito? Baka nakakalimutan ninyo, Alpha, magbabayad tayo ng air time para lang i-televized ang event na ito. Kung papalpak ang prinsesa ay nakakasigurado ako na magiging bad exposure ito para sa company," sabi ni Vlad. At hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko na nagmula sa kanya mismo. Hindi ko akalain na ganoon pala ang tingin niya sa akin. Hindi ko na matandaan kung may mga nagawa na ba akong isang sobrang laking kapalpakan sa buong buhay ko para isipin ng prinsipe na ito na papalpak ako. Halata sa kanya na wala man lang siyang tiwala sa ain kahit na kaunti. Kung sa ganitong bagay pa lang ay wala na siyang tiwala sa akin, sigurado ako na mas lalong wala siyang tiwala sa akin pagdating sa pamumuno. "If that's the case, then wala akong ibang dapat na sisihin kundi ang ina mo," sabi ng Alphana ikinatahimik ni Vlad. Mas lalong nataranta si Guia at hinila na ang anak upang mapaatras sa harap namin kahit na kaunti. Alam ko na natakot si Guia na bumalik sa kanya ang sisi. Oras na pumalpak ako ay isisisi naman ng Alpha sa kapalpakan ni Guia ang lahat. "Right, Guia? You should be the one to put the blame on. Dahil kung nasabi mo lang sana sa mahal na prinsesa ang kailngan niyang gawin, sana ay napaghandaan niya ang lahat. Kung pumalpak man ang prinsesa ay s Guia ang mapaparusahan dahil siya ang unang pumalpak," sabi ng Alpha. Nakita ko ang pagkuyom ng magkabilang kamao ni Vlad nang dahil lang sa sinabi ng Alpha. Hindi niya matanggap na ang ina niya ang babalikan ng sisi kapag pumalpak ako. May point naman ang Alpha sa sinabi niya. Kung sana ay sinabi niya sa akin ang tungkol sa speech, sana ay hindi siya mababalikan nang ganito. Sana ay hindi siya matatakot kung pumalpak man ako. Kahit pa alam ko na hindi rin naman talaga ako maghahanda nang sobra para lang sa isang speech. "Now, Prinsipe Vlad, all you can do is to trust the princess. Dahil kung pumalpak man siya ay sinisiguro ko sa iyo na mapaparusahan ang ina mo. She neglected her duty," sabi ng Alpha at muli na lamang napayuko si Guia. Hindi naman na muli pang nakapagsalita si Vlad dahil na-realize niya rin siguro na kailanman ay hindi siya mananalo sa Alpha. Sana lang ay hindi pa rin talaga tuluyan na nawawala ang interes ng Alpha sa gabi na ito. Binalingan ako ng Alpha at muli siyang ngumiti. "I am really sorry about this mess, mahal na prinsesa. I know how much you hate attention kaya minabuti ko na sabihan ka nang mas maaga para aware ka na at makapaghanda ka kahit papaano. Hindi ko naman akalain na papalpak si Guia sa isang simpleng pag-uutos," sabi pa niya at binalingan pa si Guia kaya napayuko na lang ulit ito. "Pero salamat dahil susubukan mo pa rin." Nginitian ko ang Alpha at tumango ako. "I can not guarantee you that I could deliver a perfect speech. Pero mag-iingat po ako sa mga sasabihin ko at sisiguraduhin ko na pag-iisipan ko nang mabuti ang bawat salita na bibitiwan ko." Napangiti naman ang Alpha dahil sa sinabi ko. "Huwag na po ninyo akong alalahanin pa. Kaya ko na po ang sarili ko. Maghanda na lang po kayo para sa speech ninyo," sabi ko at tumango ang Alpha. Nagpaalam na siya sa akin dahil ano mang oras maaari na siyang tawagin sa stage. Ngunit bago pa siya tuluyan na umalis sa aming harapan ay binantaan pa niya si Guia kakailanganin niya ng isang katanggap-tanggap na dahilan. Hindi tatanggapin ng Alpha ag lame niyang excuse na nawala lang sa loob niya. Gustong malaman ng Alpha ang dahilan kung bakit nawala sa isip niya ang isang importanteng utos na iyon. At kung pwede ko nga lang sabihin sa Alpha na alam kong sinadya ni Guia na hindi sabihin sa akin ang lahat upang hindi ako maging handa ay ginawa ko. Pero alam ko na baka maging dahilan pa iyon kung bakit tuluyan nang masisira ang mood ng Alpha. Nang tingnan ko si Guia ay hindi na ako nagulat nang makita ko na halos patayin na niya ako sa talim ng kanyang mga tingin sa akin. Why is she mad at me? She should be thankful na sinalo ko siya sa galit ng Alpha. Dahil kung hindi ko nakumbinsi ang Alpha na kakayanin ko kahit na impromptu lang ang gagawing kong pagsasalita ay sigurado ako na hindi magdadalawang isip ang Alpha na pagalitan siya sa kahit pa sa harapan mismo ng mga familiar. "Halika na, Heaven," yaya sa akin ni Hell na halata mong pilit akong nilalayo sa mag-inang kaharap namin. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong sumuway sa gusto ni Hell ngayong araw kaya sumunod na lang ako sa gusto niya ngayon. Ayoko namang isipin niya na hindi ko na siya pinakinggan at gusto ko lang ang sinusunod ko. Nagpatangay ako kay Hell ngunit bago ko tuluya na iwan sina Guia ay nakita ko ang pagtaas ng noo niya. Tila sa isang iglap lang ay may na-realize siya na isang bagay na nilamang niya at magagamit niya laban sa akin. Nakalayo na kami sa kanya pero iniisip ko pa rin ang taas noo niyang pagmamalaki sa akin. Iniisip kong mabuti kung ano ang maaari niyang ikalamang sa kin ngunit wala talaga akong maisip. Dahil wala naman akong idea sa iniisip niya ay hinayaan ko na lang ang bagayna iyon kahit pa nagdulot ito ng isang kakaibang kilabot sa akin Napansin ko na lang na pababa na ng stage ang aking ama at ang Alpha na pala ang nagsasalita. Ano mang oras ay maaari na akong tawagin sa stage kaya naghanda na ako. Ang Alpha raw mismo ang tatawag sa akin at siyang magpapakilala. Pinaghalong kaba at excitement naman ang nararamdaman ko sa ngayon. Habang naghihintay na tawagin ako ng Alpha ay hindi naman binitiwan ni Hell ang kamay ko para palakasin ang aking loob. Hindi naman ako nakakaramdam ng ano mang kaba pero magaan sa pakiramdam ang maramdaman na ganito kalapit si Hell sa akin. "And now, the time has finally come..." sabi ng Alpha at alam ko na papunta na siya sa pagpapakilala sa akin. Kaya hinaplos ni Hell ang braso ko para sabihin na kaya ko ito. I look up to him at nginitian siya. I just want him to know na kaya ko. "Everyone, I am pleased to introduce you, the one and only successor of Montecillo Group of Companies, Miss Heaven Montecillo," sabi ng Alpha at nilahad pa ang kamay papunta sa direksyon kung saan ako lalabas. Inalalayan naman ako ni Hell paakyat ng stage at nang makaakyat ako ay narinig ko na ang malalakas na palakpakan. Ngunit ang palakpakan na naririnig ko ay tila mga pilit. Dahil habang naglalakad ako papunta sa parte ng stage kung nasaan ang Alpha ay nakita ko ang bulungan ng mga tao na halata mong malalaking tao. Bakas sa mga mukha nila ang pagkabigla. At hindi ko alam kung ano ang nakakabigla sa anunsyo na ito dahil ang pagkakaalam ko ay nasa balita na ngayon ipapakilala ang tagapagmana ng Alpha. Ngunit halos lahat ng may pagtatakha sa mukha ay mga normal na tao na alam kong walang nalalaman pagdating sa mga bampira. Alam ng mga bampira at familiars kung sino ang tagapagmana ngunit ang mga normal na taong nandito ay mga walang alam. Kaya binuksan ko ang tainga ko bilang isang bampira. At nagulat ako nang malaman at marinig na ang kinabigla pala nila ay isang babae pala ang tagapagmana. Alam ko na kalalakihan ang kadalasan na tagapagmana at may narinig pa nga ako na ang inaasahan pala nila na ipapakilala ng Alpha ngayong gabi ay si Vlad. Dahil daw nakita nila ang hirap at malasakit ni Vlad sa kompanya. Hindi naman ako nagkaroon ng ano mang violent reaction dahil bati ko na totoo naman ang lahat ng sinabi nila. Kung sa dami lang ng nagawa para sa kompanya ang pagbabasehan ay aminado naman ako na wala akong laban kay Vlad. Sigurado ako na mas marami siyang nalalaman sa pagpapatakbo nito. Ngunit hindi lang naman kaalaman ang basehan nito kundi maging tradisyon ng buong lahi ng bampira. Ako ang panganay na anak ng King Master kaya ako ang nag-iisa na tagapagmana. Kahit pa marami akong naririnig na bulungan ay pinagpatuloy ko ang pagngiti habang naglalakad sa stage hanggang sa marating ko ang tapat ng Alpha. Kinuha ko sa kanya ang inaabot niyang mic at nagpasalamat sa kanya. Muli kong hinarap ang lahat ng nasa baba ng stage. "A pleasant evening," bati ko sa kanila at huminga ako nang malalim. Alam ko na kailangan ko na magsalita at sa tingin ko ay ito ang magiging pinakamahaba kong pagsasalita sa harapan. "So, I will not have to repeat my name since Mr. Montecillo has said it already. But he wasn't able to say my thoughts about this company so that is what I will be discussing. Don't worry, this isn't a board meeting so do not expect me to present a slide show." Narinig ko ang tawanan nila dahil sa sinabi ko. Nakita ko rin ang pagtawa ng Alpha sa gilid ng stage kaya natawa na rin ako. Nagpatuloy ako sa pagsasalita at nakuha ko ang atensyon ng lahat dahil sa paraan ng pagsisimula ko. Ngunit gusto kong malaman nila na hindi ako magtatagal sa harapan nila. "You do not know me and I do not know you all either. But you will not be part of this company if Mr. Montecillo does not trust you enough. So who am I to not trust you all? Same thing with me. I will not be the successor of Mr. Montecillo if he does not trust me. If there is one thing I want to ask with you right now, that would be your trust. I gave you my trust, you have to give me your trust so could be a team," sabi ko at muli ko silang narinig na nagbubulungan. Ngunit sa bulungan nila ngayon ay may kasama nang tango na tila ba ay sumasang-ayon sila sa mga sinasabi ko. "I trust you because I trust Mr. Montecillo. And if you trust him enough, you have to trust who he is trusting." Muli ko silang nakita na nagtanguan sa isa't isa. Nakita ko ang mga ngiti ng Alpha na tila ba ay proud na proud siya sa akin. "Marami pa ako na kailangan matutunan. At umaasa ako na isa kayo sa mga taong makakapagturo sa akin sa lahat ng dapat ko pang matutunan. The only thing I could guarantee you is the eagerness in me to learn and to improve. I want to be as successful as my grandfather under your supervision," sabi ko at minabuti ko na tapusin na ang pagsasalita ko sa harapan. Nang magpaalam na ako sa kanila ay narinig ko ang malakas na palakpakan habang naglalakad na ako pababa ng stage. Sa back stage ay sinalubong agad ako ng yakap ng aking ama. "I am so proud of you, mahal na prinsesa," aniya bago bumitiw sa yakap. "Salamat po, Master Racul." Sunod na yumakap sa akin ay ang Alpha na sinabi rin kung gaano siya ka-proud sa akin. Hindi ako makapaniwala na naging matagumpay ang ginawa kong pagsasalita sa stage kahit pa hindi ko naman iyon pinaghandaan. I may not feel nervous but I did not expect it to be like this. I thought it will be a mess dahil malalaking tao ang manonood at makikinig sa akin kaya alam ko na madali nila akong makikitaan ng pagkakamali. But it turns out na mukha naman na na-please ko sila at nagawa kong makuha ang tiwala nila. Kahit pa inamin ko naman na wala pa akong masyadong nalalaman sa negosyo at marami pa ako na kailangan matutunan. 'The perks of feeling no nervous. Hindi ka man lang nanginig," sabi ni Hell at nagtawanan kaming lahat. Hindi ko napansin na diretso lang din pala ang nagawa ko na pagsasalita. Mabuti na lang talaga at hindi ako madaling pakabahin dahil kadalasan naman ay wala akong pakialam sa mga bagay-bagay. "She is my grand daughter. What do you expect?" sabi pa ng Alpha at muli kaming nagtawanan. Malaki naman din ang pagpapasalamat ko na naging tagumpay ang lahat. Hindi ako nakagawa ng ano mang pagkakamali na maglalagay sa pangalan ng Montecillo sa kahihiyan. Ang pamilya ko lang naman ang dahilan kaya ginawa ko ang lahat ng makakaya ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD