Chapter 30

2577 Words
Chapter 30 Heaven's POV Kahit na anong pilit ko na mag-isip ng maaar kong sabihin sa harapan kung hilingin man nila na magsalita ako ay wala akong maisip. Hahayaan ko na lang siguro na kusang lumabas sa bibig ko ang mga bagay na gusto kong sabihin--iyon ay kung may mga gusto ko nga akong sabihin. Ilang minuto pa siguro kami na nagpatuloy ni Hell sa paghihintay bago kami nakarinig ng katok sa pintuan. Sabay kaming tumayo ni Hell at dumiretso sa pintuan. He opens the door at nagulat pa ako sa kung sino ang pinagbuksan namin. Ang sabi kasi ng Alpha ay isang familiar ang uutusan niya na susundo sa amin ngunit si Guia ang nandito ngayon. She is not wearing the fakest smile she used to wear in front of me. Hindi naman niya iyon kailangan ngayon dahil walang sino man na familiar ang nakasunod sa kanya. "And why are you here?" tanong ko pero napairap siya. Iyon pa lang ang salita at tinatanong ko pero napairap na agad siya. Kaya hindi ko talaga alam kung saan nanggagaling ang haba ng pasensya niya na pakiharapan ako nang mabuti sa harap ng mga mortal. I can't even fake a single smile at her. Well, maybe I could pero hindi para magmukhang mabuti sa harap ng ibang tao, kundi para inisin lang siya. Pero bakit pa nga ba ako magtatakha kung alam ko naman na ang dahilan sa kung bakit siya ganyan sa harap ng mga mortal. "Ako na ang nagprisinta sa Alpha na sunduin kayo since ako naman ang mag-iintroduce sa inyo," sabi niya kaya napataas ang kilay ko. Napaka-mapapel talaga ng babae na 'to. Magagalit siya kapag sinasabihan na utus-utusan lang siya sa pamilyang ito pero siya naman ang nagkukusa na mgmukhang utusan. Pinaninindigan niya ang mga salita ko sa kanya noon. "So we can go out now then?" Si Hell na ang nagtanong kay Guia bago pa man humaba ang usapan naming dalawa na sa isang pagtatalo lang naman din nauuwi. Lalo pa ngayon na wala siyang ibang kasama na familiar kaya maging si Hell ay alam na hindi magpapalamang sa akin si Guia sa pagkakataon na ito. Alam din naman ni Hell na hindi rin ako magpapatalo kay Guia kaya siya na agad papagitna. "Yea. Mas mabuti nang nandoon kayo sa pagsisimula ng speech namin. Hindi kung kailan patapos na kami ay saka lang kayo ipapatawag." Hindi na ako nakapagsalita pang mulii dahil pumayag na si Hell. At nang pumayag na siya ay tinalikuran na kami ni Guia. Inirapan ko si Hell pero sumunod rin naman na kami kay Guia dahil hindi naman namin alam ang pasikut-sikot dito. Nang marating namin ang back stage ay agad kong nakilala ang boses ni Vlad na nagsasalita sa stage hindi ko pa man siya nakikita. He is already thanking everyone he remembers kaya sigurado ako na patapos na rin ang speech niya. Nang ilang sandali pa ang lumipas ay narinig na namin ang isang masigabong palakpakan sa pagtatapos ng speech ni Vlad. Sunod na tinawag sa stage ay si Guia. Na kung pakikinggan mo nang mabuti ang paraan niya ng pagsasalita ay masasabi mo na sanay na sanay siya sa ganitong mga bagay. Sanay siya sa na kuhanin ang atensyon ng ibang tao na talagang makikinig ka sa mga sasabihin niya. At alam ko na isa iyon sa mga namana sa kanya ni Vlad dahil ganitong-ganito rin siya kanina noong siya ang nagsasalita. Talagang sa ganitong gawain na sila nasanay. Samantalang ako, kahit ang pagsasalita sa harap ng mga nasasakupan kong bampira ay minsan kinatatamaran ko. Pinasalamatan din ni Guia ang lahat ng dumalo ngayong gabi. Naglata din siya ng kanyang mga naiisip na platform para sa mas iakbubuti at ikauunlad pa ng kompanya. She is saying everything in her head na tila ba nasa isang kampanya siya. Kung magsalita siya ay talagang kinukumbinsi niya ang lahat na siya ang iboto o panigan ng lahat dahil sa magaganda niya plano. At hindi ko naman itatanggi na magaganda nga ang naririnig ko mula sa kanya kaya hindi na nakakapagtakha na nakukuha niya ang tiwala ng lahat ng nandito na mapagtatagumpayan niya ang lahat ng kanyang plano sa ngayon. At maging ako man ay napapaniwala na kaya niya iyong gawin dahil talagang napatunayan naman na niya ang kakayahan niya. Ang hindi ko lang gusto sa lahat ng naririnig ko mula sa kanya ay ang tonyo ng kanyang pananalita. Nararamdaman ko ang pakikipagkompitensya niya at hindi ko naman alam kung kanino. She is sounded like she is threatened kaya pilit niyang kinukuha ang tiwala ng lahat ng nandito. At napataas na lang ang kilay ko nang ma-realize ko na maaaring sa akin nakikipagkompitensya si Guia. Hindi ko alam kung ano ang nasa isip niya at mas lalong hindi ko alam kung bakit niya kinakailangan na makipagkompitensya sa akin. There is no competition between us. Dahil kahit na anong gawin niya ay hindi siya mananalo sa akin. Kahit na saang anggulo mo tingnan ay ako ang palaging mananalo. "Prinsesa Heaven..." Nagulat ako nang bigla na lang akong tawagin ni Vlad na halos kabababa lang ng stage. At halos manginig ako sa lamig ng pagkakatawag niya sa akin. I smile at him per hindi naman niya sinuklian ang mga ngiti ko. Hindi na lang din ako nagdamdam dahil alam ko na may sama pa rin siya ng loob sa akin na hindi ko alam kung hanggang kailan mawawala. "Ano iyon, Prinsipe Vlad?" Sinubukan ko na maging normal ang tono ko kahit pa sa totoo lang ay napapaisip ako sa maaari niyang sabihin gayong halata naman sa tono niya ang pagiging malamig. Hindi naman umalis sa tabi ko si Hell na halatang nakahanda ako na saluhin ano man ang gawin at sabihin na masama ni Vlad. I am thankful to him ngunit umaasa pa rin naman ako na kahit gaano pa siya kagalit sa akin ay hindi naman niya ako pagsasalitaan ng kung anu-ano dahil alam ko na nirerespeto niya pa rin ako hindi man bilang ate niya kundi bilang prinsesa nila. "Have you prepared something for your speech?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko. Ang ibig sabihin ay dapat talaga na naghanda ako. Pero hindi ko naman kasalanan kung walang nagsabi sa akin at nag-advise. Kung kailangan ko pala ng speech ay dapat sinabi nila agad dahil alam naman nila na ayoko ng ganitong mga bagay. "No, I did not," pag-amin ko dahil wala naman talaga akong naihanda. At wala naman akong plano na i-pressure ang sarili ko na maghanda ng speech kung kailan last minute na. Kung magsasalita man ako sa harapan ay pwede naman siguro na impromptu. Hindi rin naman ganoon kahaba ang pwede kong masabi. "Prinsesa Heaven, hindi mo ba alam kung gaano kalalaking tao ang manonood at makikinig sa speech mo? Then you will give them an impromptu?" Nasa tono ni Vlad ang pang-iinsulto na siya yatang naging dahilan ng pag-init ng ulo ko. As much as possible ay gusto kong intindihin siya dahil alam ko naman ang naging mali ko. Pero hindi ako papayag na kung ang galit niya sa akin ay aabot na sa punto na hindi na niya ako irerespeto. Kaya hindi ko na naiwasan pa ang mapataas ang kilay. Naramdaman ko ang dapat sana ay pagsasalita ni Hell kaya kinabig ko siya sa braso para patigilin. Alam ko kasi na papagitna na naman siya sa amin para hindi na humaba at lumaki ang issue dahil kasama lang din namin dito sa back stage sina Alpha at Master Racul na kapwa naghihintay ng turn nila para sa kanilang pagsasalita. At mabuti na lang din na hindi nila nahahalata ang pag-uusap namin. May kanya-kanya sila na mundo. Pero sana sa pagkakataon na ito ay maintidihan ni Hell na mahirap palampasin ang ginawa at sinabing pangmamaliit sa akin ni Vlad. Kailangan ko siyang harapin at wala na akong pakialam kahit pa malaman ng Apha at aming ama. "I can do spontaneous things, Vlad. Hindi ko pinaghahandaan ang lahat ng bagay dahil wala naman akong kailangan na i-impress," malamig kong sabi at nakita ko ang pagkibot ng mga labi niya dahil sa kagustuhan niya na magsalita ngunit walang ano mang salita ang lumabas sa bibig niya. Ilang sandali rin ang lumipas bago siya nakaisip ng mga maaari niyang sabihin at isagot sa akin. "Nasasabi mo lang iyan dahil hindi mo alam kung gaano katagal naghintay ang board of directors para makilala ang successor ng pinakamakapangyarihang tao. Kung isang hindi pinaghandaan na speech lang ang sasabihin mo ay ano sa tingin mo ang iisipin nila? Sa tingin mo ba ay ipagkakatiwala nila sa iyo ang buong kumpanya kung ang simpleng speech lang ay hindi mo nagawa ng ayos," he says and I can not help but scoff. "If those boards of diretors can put too much pressure in you, sa akin ay hindi. Whether I impress them or not, I am still superior with them," sabi ko. Hindi ko plano na insultuhin ang posisyon ni Vlad sa kompanya dahil alam ko na rin naman ng naging hirap niya para doon. Pero dahil ininsulto niya ako ay hindi ako papayag na wala akong magiging ganti. But what just I said is not a pure insult. Dahil totoo naman din ang lahat ng sinabi ko. Dapat ngayon pa lang ay malaman niya na hindi ako kung sino na lang. Hindi ako tulad nila na kailangan pang paghirap ang lahat para lang sa mataas na posisyon. "Hey, kids? May problema ba?" tanong ng Alpha habang lumalapit sa amin. Sakto naman na tinawag si Master Racul sa stage kaya hindi na niya kami nagawa pang lapitan din. Nang makaharap namin ang Alpha ay halata na sa mga mata niya ang pagdududa sa pinag-uusapan namin ni Vlad. At alam ko na nakatunog na siya at nakaamoy ng hindi maganda. Nakita ko naman agad ang pagkataranta sa mukha ni Vlad at hindi inaasahan ang pangingialam ng Alpha. Hindi ko alam na ganito pala ang kaba na naidudulot sa kanya ng Alpha. "Nag-uusap lang po kami ng Prinsesa Heaven, Alpha," sabi ni Vlad at hindi ko naitago ang pagngisi. Ang boses ng aming ama na nagsasalita sa stage ang nagsisilbing background sa pag-uusap namin na ito. Alam ko na ano mang oras ay baba na si Guia mula sa stage at malaki ang chance na maabutan niya ang pag-uusap-usap namin na ito. Ngunit wala akong pakialam kahit pa maabutan niya kami. Mas lalong wala akong plano na tapusin na agad ang pag-uusap na ito dahil hindi ako natatakot na magkaroon ng ano mang pakikipagtalo sa kanya. Siya pa nga dapat ang magdalawang isip kung gusto niiya ba na makipagtalo sa akin sa mismong harapan ng Alpha. Habang naririnig ko pa rin ang boses ng aming ama ay muling nag-echo sa pandinig ko ang sinagot ni Vlad sa Alpha. The last time I checked ay hindi pakikipag-usap niya sa akin kundi pang-iinsulto. I did not know that my brother is capable of lying, huh? Hindi ko tuloy maiwasan ang mapaisip kung hanggang saan maaaring umabot ang pagsisinungaling niya. Hindi ko tuloy mapigilan ang isipin na maging ang mabuti at maayos niyang pakikitungo sa akin ay isa lamang din na kasinungalingan. I swear, that would be one of the most painful thing that could ever happen to me. Pero sa tagal ng panahon na naging maayos kami ni Vlad ay hindi ko naman naramdaman na kasinungalingan lang ang lahat ng iyon. Kaya kampante pa rin ako na totoo ang lahat ng pagmamahal ni Vlad sa akin bilang nakatatanda niyang kapatid. Mas lalong kampante ako na totoo ang lahat ng ginawa niyang pagtanggap sa akin. Sana nga lang ay hindi siya magpaapekto dahil lang sa narinig niya na pagtatalo namin ng kanyang ina. "And you are talking about..." Dahil nga sa nakahalata na siya sa maaaring pagtatalo namin ay hindi siya nakuntento sa sinagot sa kanya ni Vlad kaya kinailangan pa niya ako na balingan upang tanungin. Alam niya na hindi ko ugali ang magsinungaling kaya alam ko na paniniwalaan niya ang kung ano mang sasabihin ko. At kahit gaano ko pa kagusto na pagtakpan ang prinsipe ng mga bampira ay hindi naman ako maaari na magsinungaling sa pinakamataas na bampira. "About me for not having anything to say. I was not able to prepare any speech, Alpha," sabi ko at napakunot ang noo niya. He is not mad pero halata sa mga mata niya ang pagtatakha kung bakit wala man lang ako inihanda para sa gabi na ito. "Why didn't you prepare, Prinsesa Heaven?" tanong pa niya. "Because no one told me to do so," I answered with a shrug off. The shrug that I did clearly indicates that I am not sorry. It is not my fault though. Well actually, kahit naman may nagsabi sa akin ay hindi rin naman ako maghahanda ng ano mang speech. Bahala na kung ano man ang masasabi ko oras na nasa stage na ako. Mas lalo lang nabakas ang pagtatakha sa mukha ng Alpha nang sabihin ko na walang nakapagsabi sa akin na kailangan kong maghanda ng magiging speech ko sa harapan. Dahil sa pagtatakha ng Alpha ay agad naman akong napaisip na baka nagpahanda talaga siya sa akin. Iniutos niya kung kanino pero ag nangyari ay hindi nakarating sa akin. "How come no one told you?" takhang tanong niya at sa tanong pa lang niya na iyon ay nakumpirma ko na agad na mayroon nga siyang pinag-utos na maghanda ako ng speech. Ang pinagtatakha ko lang ay kung bakit hindi nakarating sa akin. No one informed me. "Mukhang may importante kayong pinag-uusapan?" Nakangiti si Guia nang lapitan niya kami. Mukhang nakita niya agad ang pag-uusap-usap namin kaya nilapitan niya agad kami para tanungin at makisali sa usapan. "Sinabi ng mahal na prinsesa na hindi siya nasabihan na kinakailangan niyang gumawa ng speech for tonight's party?" sabi ng Alpha kay Guia. Alam ko na likas na mapuputla ang kulay ng mga bampira ngunit batid ko na namutla talaga siya sa sinabi ng Alpha. At ang reaction niyang ito ay nagbigay agad sa akin ng pagdududa. "Ikawang inatasan ko na magsabi sa kanya ng mga kinakailangan niyang gawin. Lalo-lalo na ang mga dapat niyang paghandaan. Paanong hindi mo nasabi sa kanya?" Halata kay Guia ang pagmamadali niya na makahagilap ng maaari niyang idahilan. Siya pala ang inutusan ng Alpha para sabihin sa akin ngunit hindi niya nagawa. Siguraduhin niya lang na may maganda siyang dahilan kung bakit hindi niya nagawang sabihin sa akin gayong ilang beses na kaming nagkaharap bago ang gabi na ito. "I am so sorry, Alpha. Nawala sa loob ko na sabihin sa mahal na prinsesa ang mga kailangan niyang gawin." Napairap na lang ako sa naging sagot niya. Dahil siguro sa sobra niyang pagkakataranta ay wala na siyang naisip pa na mas katanggap-tanggap na dahilan. Alam ko naman na sinadya niya iyon na hindi sabihin sa akin. Pero hindi ko akalain na ganito kababaw lang ang maidadahilan niya sa Alpha. Kitang-kita ko ang disappointment sa mukha ng Alpha dahil sa nangyari. Mukhang hindi rin inaasahan ni Guia na mabubuko siya sa hindi niya sinabi sa akin. Sigurado ako na ang plano niya ay ang ipahiya ako. Pero pasensya na lang siya dahil sa mga oras na ito ay umaayon sa akin ang pagkakataon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD