Chapter 29

2047 Words
Chapter 29 Heaven's POV Paglabas ko ng banyo ay hindi pa rin pala nakabihis si Hell. Nakaupo pa rin lang siya sa kama at may hawak na remote. Nanonood siya ng balita sa TV at napansin ko na ang kasalukuyan na binabalita ay ang tungkol sa Alpha. Hindi ko tuloy maiwasan ang makaramdam ng pagkaasiwa dahil masyado nilang pinagtutuunan ng pansin ang event mamayang gabi. Well I guess this is just a proof kung gaano ka-big deal ang buhay ng Alpha sa mundong ito. He is now the richest man alive at tagapagmana lang naman ang ipapakilala niya. Nang matapos ang balita tungkol sa event ay agad rin naman na pinatay ni Hell ang TV at tumayo na. Hinarap niya ako at tinawanan. Hindi ko alam pero sa tingin ko ay nang-iinis na naman siya. At alam ko na dahil ito sa napanood niya. "Could not wait any longer na makita ang pagmumukha mo sa lahat ng balita sa TV," natatawang sabi ni Hell kaya hinampas ko siya sa braso. Of course, alam niya na ayoko ng atensyon--lalo na ang ganoong klase ng pagkakakilanlan kaya may nahanap na naman siya na pwede niyang ipang-asar sa akin. Dahil sa magaganap na pagpapakilala sa akin, ngayon pa lang ay nasisiguro ko nang mas maraming mortal pa ang magkaka-interes sa akin. Hindi na lang mga familiar ang maghahangad na makilala ako. Maging ang mga normal na tao ay pag-iinteresan na rin ang buhay ko. Hindi na nga rin ako magtatakha pa kung may mga media pa ang magsasayang ng kanilang panaho para lang sundan ako. Napabuntong hininga na lang ako hanggang sa yayain ko na si Hell na isuot na ang kanyang suit. He wears his dress pants then his long sleeves and fold both cuffs. Ako na ang nagbutones ng polo niya. Hindi ko maiwasan ang humanga sa taglay na kagwapuhan at kakisigan ni Hell lalo na sa tuwing ganito ang mga suot niya. He is really a drop dead gorgeous man na kahit sino yatang babae ay talagang pagpapantasyahan siya. Bigla tuloy akong nagkaroon ng insecurities dahil pakiramdam ko na pagdating sa hitsura ay sobrang layo ng agwat niya sa akin. Nagulat na lang ako nang maramdaman ang pagdampi ng mga labi ni Hell sa akin. At nang tingnan ko siya ay nakangiti siya nang nakakaloko. Kinunutan ko siya ng noo bilang pagtatanong kung bakit kinailangan niya ako na halikan. Agad naman niyang nakuha ang pagkalito sa aking mukha. Nagkibit balikat siya at muling natawa. "I think you spaced out, Miss Ford. All you did was staring at my perfect face," sabi ni Hell at humawak pa sa kanyang baba. Agad ko siyang hinampas sa braso para suwayin. Hindi ko naman akalain na natulala na pala ako sa mukha niya. Pero syempre ay hindi ko aaminin na kaya ako natulala ay dahil pinagpapantasyahan ko ang mukha niya dahil sigurado ako na ipagmamalaki at ipagmamayabang na naman niya iyon. Pinagpatuloy ko na lang ang pagbubutones sa polo ni Hell. Ngunit kahit hindi ako sa mukha niya nakatingin ay alam ko na nakangiti pa rin siya. Ginawa ko na lang ang lahat upang iwasan ang mga mata niya. "Ang tagal na nating nagsasama pero hindi ko akalain na kaya pa rin kitang papulahin ng ganyan," sabi ni Hell. Hindi naman ako makapagsalita dahil ramdam na ramdam ko nga ang pag-iinit ng magkabila kong pisngi. I am already bearing his child pero may ganito pa rin siyang epekto sa akin. Dahil sa pang-aasar ni Hell ay nagmadali na ako sa pag-aayos ng suot niya. Hindi pa niya isusuot ang coat dahil babaunin na lang daw niya. Hindi pa ako nakakakilos kaya kinabuti ko na tumawag na muna ng familiar na tutulong sa akin sa pagbibihis at familiar na magme-make up naman sa akin. Pumasok ang make-up artist na pinadala ni Guia at sinimulan akong ayusan sa tapat ng vanity dresser ng kwarto ko. I just instruct her na hindi ko gusto ang heavy make up kaya huwag na huwag niyang gagawin sa akin. Nang masabi ko na ang gusto kong sabihin ay hinayaan ko na siya na pakialaman ang mukha ko. Tiningnan ko si Hell sa reflection ng salamin sa harap ko at nakita ko naman siya na nakaupo sa couch. He crosses his legs at pinatong sa back rest ng couch ang magkabila niyang braso. Doon ay nanonood siya sa ginagawa sa akin dito. Dahil nga sa simple lang ang gusto kong ayos ng mukha ko ay mabilis kaming natapos. Sunod naman niyanh inayos ay ang buhok ko. Nanatili ang panonood rito ni Hell na hindi man lang nababakasan ng pagkainip. Nang matapos na sa mukha at sa buhok ko ay sunod na ang pagsusuot ng gown. Hinubad ko ang suot ko na robe. Tulad ng inaasahan ko ay totoo na komplikado ang pagsusuot ng gown na ito. Mabuti na lamang talaga at nagpatawag ako ng mga familiar na aalalay sa akin. And it feels like eternity nang sa wakas ay maisuot ko na ng tuluyan ang gown. Agad ko namang pinalabas amg mga familiar nang maramdaman ko na masikip ang sa banda kong tiyan. "What's wrong?" tanong ni Hell nang mapansin na may mali akong nararamdaman. "Parang masikip lang sa bandang tiyan ko," sabi ni ko at napakunot ang noo niya. Naglakad siya palapit sa akin nang buong pagtatakha. Hindi ko naman masisisi si Hell kung magtakha man siya dahil maging ako man ay nagtatakha rin. Maiintindihan pa sana namin kung ang party ay gaganapin isang buwan matapos akong sukatan. Hindi naman kami nangamba ni Hell na baka nga hindi magkasya sa akin ang gown ko dahil hindi naman malaki ang ilalaki ng tiyan ko sa loob lang ng isang linggo. Isang linggo pa lang naman ang nakakalipas kaya imposible na hindi na agad magkakasya sa akin ang gown na ito. Hell checks the gown dahil baka pwedeng ma-adjust ang gown. Hindi kami pwedeng magpa-assist sa ibang familiar dahil baka magtakha sila kung hindi kasya sa akin ang gown na pinasadya para sa akin. "Tingin ko ay hindi twenty four ang sukat nito," sabi ko. "Twenty four ang sukat ko at twenty four pa rin naman ang sukat ko last week." Hindi ko rin naman napansin na lumaki kahit kaunti ang tiyan ko nitong mga nagdaan na araw. Hindi ko alam kung anong sukat nito pero alam ko na hindi ito ang sukat ko. Imposible rin naman na may nakapalitan ako dahil ako lang naman daw ang babae na binihisan ni Guia sa event na ito. Kung hindi ako nagdadalang bampira ay pipilitin ko na isuot ang gown na iyan kahit masikip. Pero dahil buntis ako ay hindi ako komportable na magsuot ng ganito kasikip. really kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Kahit nangangapa lang siya sa kung paano i-adjust ang gown ay nagawa pa rin naman niya. Sa tingin ko ay masyado kaming maaga ni Hell para sa party na hapon pa ang simula. Nakakain na rin naman kami ng tanghalian kaya saktong hapon siguro ay nasa venue na kami. Kinuha na ni Hell ang susuotin niyang coat at sinukbit sa kanyang braso. Nang maging handa na kami parehas ay sabay na kaming nagyaya para umalis na. Kaya nagpa-drive na kami kay Butler Sam papunta sa venue. Mangilan-ngilan na lang din kasi ang familiar na nasa mansyon dahil ang karamihan ay nasa venue na. Hindi ko alam kung gaano na ba karami ang mga familiar sa panahon na ito pero siguro naman ay hindi a-attend ang lahat. Lalo na ang familiar na magmumula pa sa iba't ibang bansa. Ngunit ayon na rin naman sa mga naririnig ko mula sa familiar na nasa loob ng mansyon ay live na mapapanood ang party sa site ng Alucard kaya sigurado ako hindi lahat ay makakadalo. Ngunit maraming mayayaman at kilalang mga normal na tao ang dadalo sa pagtitipon. Sila ang mga malalaking pangalan sa industriya tulad ng Alpha. "Nandito na po tayo, mahal na prinsesa, Mr. Levine," sabi ni Butler Sam nang huminto sa tapat ng isang matayog na building. Maraming tao ang pumapasok sa loob ng building na sa tingin ko ay mga dadalo sa pagtitipon. Dahil tulad namin ni Hell ay formal ng kanilang pananamit. Ang buong akala ko ay dito na kami ibababa ni Butler Sam. Ngunit iniikot niya kami dahil hindi raw doon ang baba namin. May isang kwarto ang pagdadalhan sa amin dahil ayaw nila na ma-spoil ang introduction ko. Wala pa sa mga normal na mga tao ang nakakakilala sa akin at maaaring masira ang element of surprise kung magkataon na lumabas agad ako at magpakilala agad sa lahat hindi pa man nagsisimula ang party. Walang ibang tao sa pinagbabaan sa amin ni Hell kundi ilang familiar na nakakasama namin sa mansyon. Nagsabi si Butler Sam na ipa-park lang niya ang sasakyan at isang familiar ang nagdala sa amin sa isang kwarto. At nang marating namin ang kwarto ay naroon ang buong pamilya ko. They all eyed me except Vlad. Nananatili siyang nakikipagkwentuhan sa kanyang ina. Hindi ko alam kung paano pakikitunguhan si Vlad dahil ayoko naman na kakausapin ko siya pero mapapahiya lang sila. Wala rin akong idea kung nasabi at nakwento ba niya kina Alpha at Master Racul ang tungkol sa naging pag-uusap namin. Hindi ko alam kung nagsumbong na ba siya pero sa tingin ko naman ay hindi dahil hindi naman ako kinakausap ng sino man sa kanila ng tungkol doon. Humalik lang ako sa pisngi ng Alpha at Master Racul. Sa wakas ay hinarap ako ni Vlad ngunit isang malamig na tungo lang ang ginawa niya sa akin. Well, mas mabuti na rin iyon kaysa sa inaakala ko na hindi man lang niya ako haharapin. Naupo kami ni Hell sa isang elegante na cleopatra sofa. Abala ang lahat sa paghahanda sa kani-kanilang role sa party na ito. Sigurado ako na lahat sila ay may speech sa harapan. Bigla tuloy akong nag-alangan dahil pakiramdam ko ay kinakailangan ko rin na maghanda ng sasabihin ko. Hindi naman kasi nsbanggit ng Alpha ang tungkol sa pagkakaroon ko ng speech. Kaya sana ay hindi ko kailangan na magsalita. Alam din naman mila na ayoko ng ganoong mga bagay kaya sana ay hindi na nila ako isali pa. Sinubukan ko na maghanda ng mga sasabihin ko kahit sa isip ko lang ngunit hindi ako makapag-isip ng kahit ano dahil ang pakiramdam ko ay may nakamasid sa akin. Kaya inikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto at ang namataan ko ay si Guia na sa akin nga nakatingin. She is smiling but her eyes are smirking. Hindi ko tinugunan ang mga ngiti niya dahil wala ako sa mood. Hindi ko gusto ang ambiance ng buong paligid. Pakiramdam ko ay nasa gitna ako ng giyera na hindi ko naman napaghandaan. Naramdaman ko na lang ang paghawak ni Hell sa kamay ko kaya nabaling sa kanya ang tingin ko. Nginitian niya ako kaya napangiti na lang din ako. "Are you okay?" tanong ni Hell na halatang nag-aalala dahil sa pananahimik ko. Tumango lang naman ako sa kanya at muling ngumiti. Nagpalipas pa kami ng oras hanggang sa lumabas na sila at naiwan kaming dalawa ni Hell dito. Mayamaya pa ang labas namin dahil sa mismong stage na ang entrance namin at hindi sa main entrance. Sila kasi ay kilala na ng lahat at kami na lang ang hindi pa. Matiyaga kaming naghintay ni Hell ng oras para sa pagsundo sa amin ng isang familiar. Ang sabi ng Alpha ay may isang familiar ang susundo sa amin. At hindi ko alam kung ano ba talaga ang gusto ko na mangyari sa ngayon. Ang bumilis ba ang takbo ng oras para matapos na ang gabing ito. O ang bumagal dahil ayokong harapin ang lahat ng nandoon. Ngunit kung may isang bagay lang ang sigurado ako sa ngayon, iyon ay ang katotohanan na pagtapos ng gabing ito ay hindi na ako isang private person at maraming tao na ang magkaka-interes sa buhay ko. Kahit pa sa mismong personal life ko. All I have to do is to prepare myself at habaan ang pasensya ko dahil dala-dala ko ang apelyido ng mga Montecillo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD