Chapter 28

2557 Words
Chapter 28 Heaven's POV Talagan hindi mo na maipipinta pa ang mukha ni Guia dahil lang sa pagpipigil niya ng inis. Kahit pa mukha siyang kalmado ay halata naman sa mga mata niya ang pag-aasam na saktan ako. Sinauli ko sa kanya ang iPad upang mas ipagdiinan sa kanya na wala talaga akong nagustuhan sa mga binigay at pinakita niyang design sa akin. "Could you do some more?" sabi ko pa at halos mag-usok na ang ilong at tainga ni Guia dahil sa muli ko pang pakiusap. Isang malakas na buntong hininga muna ang pinakawalan niya bago siya muling pumayag. Muli kaming naiwan ni Hell sa receiving area nang kaming dalawa lang. Binalingan niya ako ngunit hindi pa man siya nagsasalita ay nginitian ko na siya. "I know what you are doing, Heaven," sabi niya ngunit nginitian ko lang ulit siya. Hindi naman ako pinagsasabihan ni Hell nang kung anu-ano na tila ba ay sinasabi niya na gawin ko lang ang gusto kong gawin. Kilala na rin naman niya si Guia kaya kampante siya na walang mangyayaring gulo hangga't hindi kami napagsosolo. Well, wala rin naman akong plano na makipag-usap sa kanya nang kaming dalawa lang. Ilang sandali rin nag lumipas bago makabalik si Guia na sigurado ako na mas marami siyang dala na samples kumpara kanina. Hindi nga ako nagkamali dahil marami siyang samples na pinakita sa amin. Parang gumawa na siya ng isang buong portfoliio para lang sa amin ngayon. Dahil hindi lang suit para kay Hell ang pinakita niya kundi maging mga bagong designs ng gowns dahil nga sa tinanggihan ko ang dalawa na pinakita niya sa akin. Ngumuso ako habang iniisa-isa kong tingnan ang lahat ng designs at umarte na wala pa rin akong nagusto. "All good, but wala pa rin talaga 'yung hinahanap ko na design." Nagbulungan ang mga familiar ni Guia dahil siguro hindi makapaniwala na hindi ako satisfied sa mga gawa. "She is a princess. Hindi na nakakapagtakha na mataas ang standard niya." Narinig kong sabi ng isang familiar sa kanyang kasamahan dahil ginamit ko ang kakayahan ko bilang isang bampira. "Ang ibig sabihin ay mga mortal at average vampire lang ang kayang i-please ni Miss Guia?" Halos matawa ako sa sinabi ng kasamahan niya. Halata naman kay Guia na narinig niya rin iyon kaya nabakas ang pagka-insulto sa kanyang mukha. Ngunit alam ko na mas lalo lang siyang gagawa ng iba pang design hanggang sa may magustuhan ako. "Please let us know kung kaya mo bang ibigay ang hinahanap namin ni Hell. Kasi sa totoo lang, mula nang makita ko ang pagkaka-design mo sa gowns ko ay naghanap agad ako ng magagaling, talented at kilalang designer na pwedeng gumawa ng isusuot namin. Well, you are lucky dahil kahit papaano ay nagtiwala pa rin kami sa iyo na kaya mo. Pero ngayon ay nagdadalawang isip na ako. Kaya sabihin mo lang kung hindi mo kayang ibigay ang hinahanap namin para maghahanap na lang kami ng iba pang designer."' Tila binuhusan ng malamig na tubig si Guia dahil sa sinabi ko. I just said that in front of her beloved familiars. Kahit pa sinabi ko iyon in the nicest way ay alam ko naman na hindi iyon matatanggap ni Guia dahil alam niya na nananadya lang ako Alam na alam ko na ang taas ng pride ni Guia kaya hindi siya titigil hangga't hindi ako napapa-oo. Alam ko na hindi siya titigil sa kakagawa ng designs hanggang sa ma-approve namin. Dito na kami nagtanghalian at inabot na rin kami ng gabi ay hindi pa rin kami nakakapili. Hindi na rin nakaalis si Guia dahil mukhang tinamad na siya. Nang makaramdam na ako ng antok ay saka ko lang naisipan na tapusin na ang pag-uusap na ito. Guia shows us the last batch of her freshly sketched designs kaya tiningnan ko naman iyon. "Okay, I have decided," sabi ko at binalik ko na ang iPad sa kanya. Tumayo na ako at ganoon din si Hell. Hinarap namin si Guia na nakahinga nang maluwag dahil sa wakas ay nakapili na kami ng aming isusuot mukla sa design niya. "So...which one?" Nakangiti pa siya habang naghihintay ng sagot ko. "My gowns will be the ones you showed me yesterday," sabi ko at halos malaglag ang panga niya. Maging ang mga familiar ay hindi rin makapaniwala sa naging desisyon ko. Tulad ng sinabi ko kahapon ay talagang magaganda ang designs niya. At kahapon nga ay desidido na ako na iyon na nga ang isusuot ko. "You can't be serious," aniya pero tumango-tango ako. Sa gowns ko pa lang ay ganito na ang reaction niya. Paano pa kaya kung sabihin ko sa kanya na ang suit na napili ko ay Hell ay nasa mga una niyang pinakita sa amin. Ang napili ko para kay Hell ay ang nagustuhan niya kanina na talagang pinagkatitigan pa niya. "Are you mad, Guia?" tanong ko at mabilis naman siyang ngumiti upang pagtakpan ang inis niya dahil kasunod ng tanong kong iyon ay ang sabay-sabay na paglingon sa kanya ng mga familiar upang tingnan kung galit ba siya o hindi. 'Of course not, mahal na prinsesa. That is perfectly fine. I understand that you just needed more option para makapili ka ng best," sabi niya at nginitian ko rin naman siya. "Thank you for your understanding," sabi ko pa at bahagya siyang yumuko sa akin. "How abot the suit for Hell?" Muli akong ngumiti at kumapit sa braso ni Hell. "I also want the first design you showed us." Hindi na nakapagsalita pa si Guia. Nanatili na lang ang mga ngiti sa kanyang labi at alam ko na kinakalma niya lang ang kanyang sarili. "Right, Hell? That's what you want?" tanong ko kay Hell at wala naman siyang nagawa kundi ang tumango na lang. Halata kay Guia na hindi na niya alam kung paano pa itatago ang inis. But in all fairness, ngayon lang ako humanga nang ganito sa kanya. Masyadong kahang-hanga ang ginagawa niyang pagtitimpi. "Okay, mahal na prinsesa," tanging nasabi ni Guia at pakiramdam ko ay naubusan na siya ng lakas para makipagtalo. Ngumiti ako at muling nagpasalamat. Mabuti na lamang din pala na sinadya na namin si Guia rito dahil nasabi niya na gaganapin ang party next week. Kailangan na talaga niya na umpisahan ang tailoring ng mga susuotin namin ni Hell. Maging ang mga susuotin nina Alpha, Master Racul at Vlad ay siya rin ang gumagawa at matagal na niya palang nasimulan. Ang sa amin na lang pala ni Hell ang sisimulan niya. Sa dami naman ng familiar ni Guia ay sigurado ako na marami siyang makakatulong doon para umabot. Iniwan na namin si Guia na tila hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyari. I just made her sketch a lot of designs pero ang ending ay ang una niyang ginawa pala ang pipiliin namin. Imagine the anger she is feeling right now. "An angelic face with an evil smile," sabi ni Hell nang makaupo na kami sa sasakyan. Nakita niya ang mga ngiti ko dahil magkaharap kami sa loob. Nakasarado ang bintana sa driver's seat. "Masama bang maging masaya, Hell?" natatawa kong tanong at napailing na lang siya. Talagang masaya ako ngayon lalo na at kitang-kita sa mga mata ni Guia ang pagkatalo. "You are so unbelievable," sabi na lang niya hanggang sa maramdaman na namin ang pag-andar ng sasakyan. At sa buong biyahe ay naging tahimik lang kami ni Hell. Wala naman kaming ginawa pero siguro ay napagod kami sa kakahintay kay Guia sa ginagawa niya. Nang makarating kami ng mansyon ay sa dining area agad kami pumunta dahil nakahanda na raw ang hapunan namin. Tamang-tama dahil parehas na kaming nagugutom ni Hell. At tulad ng nakasanayan namin sa malaking mansyon na ito ay dalawa lang kami ni Hell ang kumain. Ngunit wala naman akong nakikitang problema roon dahil alam ko na sa mga susunod na mga araw ay kaming dalawa lang ang laging magkasama. Wala rin namang kaso sa akin dahil iyon ang ideal life ko. Ilang buwan pa bago namin makasama ang aming magiging anak. Maging ang hapunan namin ni Hell ay tahimik lang na lumipas. Hanggang sa niyaya na niya ako sa kwarto upang matulog. Dahil hanggang sa ngayon ay wala pa kaming konkretong plano ay gagawin na lang muna ulit ni Hell ang ginawa niya na pagsunod kay Billie. Sana lang ay hindi mag-alangan si Jom na makipagkita kay Billie kahit pa alam namin na may hinala na siya na sinusundan namin si Billie para makausap siya. Alam ni Jom na siya lang ang makaktulong sa amin kaya sana naman ay hindi na niya pahirapan na hagilapin siya. Nakatulog kami ni Hell sa ganoong plano kaya kinabukasan ay maaga na ulit siyang umalis. At muli ay naiwan akong mag-isa sa kwarto. At tulad noong unang beses na nangyari ito ay agad ko na namang nami-miss si Hell. Hindi ko alam kung hanggang kailan kami magtatagal sa ganitong plano ngunit hangga't wala pa kaming naiisip na panibagong hakbang ay mananatili kaming nakasunod kay Billie. Sa paglipas pa nga ng mga araw ay talagang wala kaming napala sa kakasunod ni Hell kay Billie. Dahil kahit ang anino ni Jom hindi man lang niya namataan. Hanggang sa dumating na nga ang araw na gaganapin ang malaking party na hinanda ng Alpha para sa pagpapakilala sa akin. Ngunit sa paglipas ng mga araw ay may isang bagay lang akong pinagtatakha. Hindi na ulit nag-krus ang mga landas namin ni Guia. Hindi man lang din niya personal na kinuha ang sukat namin ni Hell at may pinadala lang siya na tao niya na siyang kumuha ng sukat namin. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya pagtapos ng gabing iyon pero ang inisip ko na lang ay sobra lang ang naging pagka-abala niya dahil sa kanya nakasalala ang isusuot naming buong pamilya. Dahil nga sa ngayon isasagawa ang party ay wala sa plano ni Hell ang sundan si Billie. Bukod sa hindi kami pwedeng mawala sa gaganaping party ay naroon din si Billie. Sana lang ay dumalo si Jom. Sana ay nakarating sa kanya ang tungkol sa mga gaganapin ngayong araw. At higit sa lahat, sana ay bigyan niya kami ng pagkakataon na makausap siya. At sana rin sa pagkakataon na ito ay seryosohin niya ang problemang kinakaharap namin at hindi lang basta congratulation ang gusto naming marinig mula sa kanya kung bakit namin pinagkatiwala ang isang napakalaking sikreto. Maaga kaming kumilos ni Hell para sa pag-aasikaso sa party. Ngayong araw din namin inaasahan ang pagdating ng mga isusuot namin. Habang naliligo si Hell ay kumatok si Butler Sam kasama ang mga familiar na may bitbit ng mannequin kung saan nakasuot ang gown ko at suit namin ni Hell. Ipinasok lang nila ang kanilang mga dala at nagpaalam na rin agad sila. Hindi ko maiwasan ang hagurin ng tingin ang isa sa dalawang gown na pinadala ni Guia. Ngayong gabi ko lang talaga dapat isusuot ang gown na ito. Pampalit ko sana ang isa pero hindi na kailangan dahil ayoko ng hassle sa mismong event. Masyadong abala para sa akin kung magpapalit pa ako. Napag-usapan na kasi namin ni Hell na kung dumating nga si Jom at magpakita sa ami ay gagawa at gagawa kami ng paraan para lang makausap usap siya. Parehas kaming umaasa ni Hell na magkakaroon ng improvement sa mga plano namin ngayon. Talagang iba ang pakiramdam ko ngayong araw. Hindi ko lang alam kung ang kutob ko ba na ito ay maganda o mabuti. Habang pinagmamasdan ko ang kabuuan ng gown ay hindi ko maiwasan ang humanga sa tila ay perpektong detalye nito. Halatang pinagtuunan ng pansin ni Guia ang paggawa rito. At alam ko na siya mismo ang gumawa ng malaking bahagi nito. Inikutan ko pa ito para makita maging ang likurang bahagi ng gown. Maging ang likod nito ay talagang detalyado rin. Nang bumalik sa unahan ng gown ang tingin ko ay saka ko lang napansin ang tila ay isang papel na nakasuksok sa may dibdib na bahagi ng mannequin. Agad ko itong kinuha at napag-alaman ko na isa pala itong sobre. Hindi ko alam kung para kanino ito dahil wala namang pangalan sa labas pero dahil nakasuksk ito sa gown na isusuot ko ay in-assume ko na para ito sa akin. Hindi rin naman kasi ito parang naligaw lang. Halata na talagang siniksik iyon doon upang hindi malaglag sa byahe at makarating sa pagbibigyan. Ang ang pagbibigyan nga na iyon ay walang iba kundi ako. Kahit na walang kasiguraduhan kung para sa akin nga ito ay sinimulan ko nang buksan ang sobre at nilabas ang kapirasong papel mula rito at mabilis kong nakita ang notes na nakasulat doon. I have seen Guia's penmanship kaya nasisiguro ko na siya ang sumulat nito. At nakumpiram ko rin na para sa akin nga ito nang mabasa ko ang paunang salita na 'Mahal na Prinsesa'. Guia wrote this to me. Pinagpatuloy ko ang pagbabasa sa maikling note ni Guia para sa akin. 'The most beautiful gown for your most unforgettable night. Enjoy you night!' Hindi ko alam kung bakit kailangan pang mag-note nang ganito ni Guia gayong pwede naman niya itong gawin nang magkaharap kami at mas mararamdaman ko pa ang mockery sa mga salita niya. Nilingon ko ang suit ni Hell at hinago ko rin ito ng tingin para sana tingnan kung may note din na para sa kanya pero wala naman akong nakita. Kaya nilamukos ko na lang ang papel. Sakto naman na lumabas si Hell ng bathroom at na nagpupunas pa ng basa niyang buhok at naka-wrap lang ang tuwalya sa kanyang baywang. Napansin ni Hell ang hawak kong crumpled paper kaya napakunot ang noo niya roon. "What's that?" tanong niya at naupo sa kama. Doon niya pinagpatuloy ang pagpupunas ng buhok. "Nothing special. Just Guia's note," sabi ko at naglakad palapit sa trash bin at tinapon doon ang papel. Hindi ko na plano pa na pag-aksayahan pa ng oras ang letter na iyon. "What's written there?" tanong ni Hell na sinundan pa pala ako ng tingin. Nagkibit balikat lang ako pero sinabi ko rin naman kay Hell ang kabuuan ng note dahil hindi naman mahaba. Hindi naman niya napigilan ang mapakunot ang noo. Alam ko na maging siya ay nagtatakha kung bakit ganoon ang naging sulat ni Guia. "Why would she wrote something like that?" tanong niya pero muli ay nagkibit balikat lang ako. Hindi ako nakakakita ng ano man na dapat ipangamba tungkol sa sinulat ni Guia pero hindi ko maintindihan kung bakit kung anu-ano pa ang naging tanong ni Hell na hindi ko naman mabibigyan ng sagot. "Hayaan mo na ang babae na iyon, Hell. Baka wala lang siyang magawa," sabi ko na lang at nagpaalam na ako sa kanya na ako naman ang maliligo. Tumango na lang naman siya kaya naglakad na ako papunta sa bathroom at pumasok na roon. Mabilis lang ang ginawa ko na pagligo dahil sa totoo lang ay gusto ko nang isukat ang gown na susuotin ko. Sa sobrang elegante nga ng gown ay hindi ko alam kung makakaya ko ba isuot iyon nang mag-isa. Sa tingin ko ay kakailanganin ko ang tulong ng isa o dalawang familiar.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD