Chapter 27

2437 Words
Chapter 27 Heaven's POV Nang matanaw namin ang malaking gate na ang hula ko ay ang bahay nina Guia ay hindi naman kami nahirapan na makalusot sa mga gwardiya dahil mabilis nilang nakilala ang sasakyan ng Alpha. At nang makita nila na ako ang nasa loob ng sasakyan ay nagulat pa sila dahil siguro ngayon lang ako namataan dito. They all vowed at me pero hindi ko sila sinagot kahit pa tango lang. They are all Guia's familiar kaya hindi ko sila kailanman ituturing na kakampi ko. Hindi pa man namin nararating ang pintuan ng kanilang bahay ay natanaw ko na si Guia na kalalabas lang ng pintuan. She was about to hop into her car nang mapahinto siya dahil napansin niya ang paparating na sasakyan namin. Tumigil siya saglit sa kanyang ginagawa at hinintay na lang ang tuluyang pagdating ng sasakyan namin sa kanyang harapan. Kaya nang huminto ang sinasakyan namin ay si Guia na mismo ang nagbukas ng pinto dahil halata naman na nagmamadali siya. Hindi ko alam kung saan siya pupunta pero ngayon pa lang ay sinisiguro ko na hindi siya matutuloy. Hindi naman sa sasadyain ko na hindi siya matuloy sa ano mang plano niya ngunit sadyang gusto ko na unahin niya ang ipag-uutos ko. Hindi ako papayag na hindi niya ako pakikinggan sa pagkakataon na ito. Alam ko rin naman kasi na hindi niya ako kayang tanggihan lalo na at maraming familiar ang nakasunod sa kanya. Hindi niya pwedeng ipakita na hindi siya sumusunod sa akin na isang prinsesa lalo pa at kilala siya bilang isang masunurin na asawa ng King Master. Nang magkaharap nga kami ni Guia ay agad na rumehistro sa kanya ang ngiti na hindi na maaalis hanggang sa magkahiwalay kami. Ang buong akala ko ay hindi ko na makakasanayan ang ngiti niyang ito pero dahil lagi ko itong nakikita lalo na kapag nasa mundong ito kami ay nakasanayan ko na rin. "What a pleasant surprise," bati niya sa akin at muli ay nakipagbeso. I gave her a fake smile. Well, at least kahit papaano ay improving ang pakikitungo ko sa kanya. Noon ay wala akong response sa mga ganitong treatment niya sa akin. Pero ngayon ay nginitian ko siya kahit peke lang. "Well, are you busy?" tanong ko agad dahil pakiramdam ko ay kayang-kaya niya ang makipagkumustahan na muna. Pero ako ay walang panahon sa ganoon kaya hindi ko na siya binigyan pa ng chance na gawin iyon. Hindi rin nakaligtas sa akin ang bahagyang pagtaas ng kilay ni Guia dahil sa hindi niya inaasahan na tanong ko. And I think I already know why. I know I sounded like a what to have some of her time to have a chitchat with her. At alam ko na hindi niya rin gusto ang idea na iyon. Kung may kasama na mga familiar ay baka pwede pa na pumayag siya. Pero kung muli na naman kaming mag-uusap na kami-kami lang nina Hell ay sigurado ako na tatanggi siya lalo na sa tuwing maiisip niya ang mga huli naming pag-uusap. Wala rin naman akong plano na makipag-usapan sa kanya nang kami-kami lang dahil kahit papaano naman ay susubukan ko na tuparin ang pangako ko kay Hell na iiwasan ko ang makipagtalo kay Guia at mas hahabaan ko pa ng kahit kaunti ang pasensya ko pagdating sa kanya. Tutuparin ko ang lahat ng iyon hanggang sa makakaya ko. Pero kung hindi ko man magawa ay alam ko naman na ini-expect na rin iyon ni Hell. Baka nga sa mga oras na ito ay humahanga na siya sa akin dahil hindi ako nagpapakita ng pagkairita laban kay Guia. "Well, birthday ng kaibigan ko ngayon and she invited me," sagot niya kaya tumango-tango. It is her friend's birthday kaya sigurdo ako na hindi naman siya ngayon lang in-invite. Sigurado ako na planado na ang lahat probably weeks ago pero pwede rin na buwan na ang binilang ng pagpaplano na 'yun. And I feel sorry for Guia dahil mukhang hindi na siya makakapunta sa party na plano niya sanang puntahan. Hindi ko alam ang magiging reaction niya dahil may ilang mga familiar ang nakapaligid sa amin ngunit sigurado ako na hindi niya iyon magugustuhan. "Happy birthday to your friend. But that is sad. May hihingin pa naman sana ako sa iyo na ing maliit na pabor. Pero hindi ko naman alam na may lalakarin ka pala ngayon," sabi ko sa tono na tila ba ay hinayang na hinayang ako na hindi ako mapagbibigyan ni Guia sa hihingiin ko na pabor. Narinig ko naman ang pagtikhim ni Hell na tila ba ay sinusuway ako sa kung ano man ang plano ko. Pero wala akong plano na tumigil hangga't hindi ko nasasabi kay Guia ang sadya ko kay Guia. Huminga siya nang malalim nang hindi inaalis ang mga ngiti sa kanyang labi kahit pa nahahalata ko na ang pagpipigil niya ng inis. But of course, being the two-faced Guia, she is trying to hide it. Tiningnan niya ang mga familiar na nakapaligid sa amin at na-realize niya na nakikinig sila sa aming usapan at halatang naghihintay sa magiging sagot ni Guia. And their faces are like reminding and telling her that I am their goddamn princess kaya sana ay pagbigyan niya ako sa kung ano man ang sasabihin at hihingin ko na pabor. Kaya wala nang nagawa pa si Guia kundi ang muli ay bumuntong hininga bago nagsalita. "May I know what was the favor you were about to ask?" malambing niyang tanong na tila ba ay pagbibigyan ko kahit pa ano man ang hingin kong pabor. I can't help but smirk at the back of my mind. I slightly batted my lashes at hinawakan sa braso si Hell bago ko muling binalingan si Guia. "It is given that Hell will be my date in the upcoming event. "Uh-huh?" tanging sagot naman ni Guia na naghihintay pa rin ng sasbihin ko. Gusto ko sana siyang dahan-dahanin para mas maramdaman ko ang magiging reaction niya. "You know, I wanted our clothes to be matchy-matchy. Can you design a suit for him as well?" sabi ko at bahagyang nabawasan ang ngiti niya. Ngunit hindi kalaunan ay mukha namang naka-recover na siya. "Sure," tipid niyang sagot kaya napangiti ako. "That's great! Pwede ba kaming tumuloy sa bahay mo? Sa loob na lang sana namin hihintayin ang design," sabi ko at halos malaglag ang panga niya dahil sa sinabi ko. Hindi ko naman inalis ang matatamis kong ngiti na kahit sa mga taong malalapit sa akin ay hindi ko naipapakita. She must be grateful dahil isa siya sa mga nilalang na minsan kong nangitian. "Wait...what?" tanong niya na hindi pa rin yata nagsi-sink in sa kanya ang sinabi ko. O hindi naman kaya ay nakuha na niya pero nagbibingi-bingihan lang siya. Pero sana ay alam niya na handa kong ulit-ulitin ang lahat ng sinai ko hanggang sa tuluyan niyang marinig. "Kung pwede lang naman, Guia. Pero kung hindi naman kami welcome sa bahay mo ay wala naman kaming magagawa ni Hell. Pwede naman namin na hintayin ang design dito sa labas." Ang paghingi ng permiso na pagtuloy sa bahay niya ang inulit ko at hindi ang katotohanan na ngayon ko kailangan ang design. Ayoko na siyang bigyan pa ng chance na makatanggi sa pabor na hinihingi ko. Kahit pa sa totoo lang ay hindi ko pa naman talaga kailangan iyon. Hindi naman kasi talaga kami excited ni Hell sa party. Sa katunayan nga niyan ay wala kaming idea sa exact date ng party. Pwede ngang bumili na lang si Hell ng suit sa mall pero hindi naman ako papayag nu'n dahil isang malaking chance na ito para laalong mas maasar ko pa si Guia. This may sound and look childish pero anong magagawa ko kung dito ako masaya. Huwag naman sana pero mukhang si Guia ang pinaglilihian ko. Nakita ko ang pasimple na pagtalim ng tingin sa akin ni Guia na mas lalo ko pang kinatuwa. "Hindi ko ba pwedeng gawin sa mga susunod na araw? Kahit bukas na bukas din ay gagawin ko." Napanguso ako sa sinabi niya. Talagang pinakita ko rin ang pagbagsak ng mga balikat ko na tila ba sobra akong nadi-disappoint na hindi niya pala ako mapagbibigyan sa hiling ko na ngayon mismo. Naramdaman ko ang marahan na pagkapit ni Hell sa braso ko na halatang nalilito sa mga gusto kong mangyari. Dapat ngayon pa lang ay alam na ni Hell ang plano ko. Ngunit hindi ko pinansin si Hell dahil susunod pa rin naman ako s pinag-usapan namin at nakakasigurado rin naman ako na walang mangyayaring gulo dahil hindi naman ako magsisimula at mas lalong hindi rin naman magsisimula si Guia sa harap ng mga familiar. "Ngayon ko sana gustong makita, Guia." "Pero hindi kasi ganoon kadali ang paggawa ng isang design lalo pa at iyon na yata ang pinakamalaking event na pinapahanda ng Alpha. Ayoko naman na magmukhang minadali ang susuotin ni Hell. Kinakailangan na magmukhang pinag-isipan ang bawat detalye ng susuotin ninyong dalawa." Talagang pinagpipilitan niya na hindi makagawa ng design ngayon dahil nga sa may pupuntahan siya. Pero ipagpipilitan ko rin na talagang hindi makaalis para lang masira ang plano niya. "Kahit isang simpleng sketch lang sana, Guia. Hindi naman namin kailangan ng final design. Pero kung hindi mo talaga magagawa ngayon dahil nga sa aalis ka ay iintidihin ko na lang. Wala rin naman akong magagawa. I guess that your friend is really that important...important than your princess. Sige, Guia, mauuna na kami. Sorry for bothering you." Binalingan ko na rin si Hell at niyaya na siya na umuwi. Kinunutan pa nga niya ako ng noo upang alamin kung plano ko na ba talaga na umuwi. Nang mapagtanto niya na umaarte lang ako ay tinaasan naman niya ako ng kilay. Pero hindi kalaunan ay nagpatangay rin naman siya sa akin. "Mahal na prinsesa," tawag sa akin ng mga familiar nang magsimula na kaming humakbang pabalik ng sasakyan. Muli akong napangisi dahil alam ko na natataranta na si Guia sa mga maaaring isipin ng mga familiar. "Okay, let's go inside." Bago pa man kami tuluyan na makapasok sa sasakyan ay napahinto na kami nang muli ay magsalita si Guia. Nilingon ko siya at sa ngayon ay hindi ko na maipinta pa ang kanyang pagmumukha. Alam ko na ano mang oras sa sasabog na siya sa inis pero hindi na ako magtatangka pa na hintayin na mangyari iyon dahil alam ko rin naman na sobrang impoisble iyon. She composes herself bago muling ngumiti at naglakad na palapit sa kinaroroonan namin ni Hell. Inayos niya ang buhok ko na ginugulo ng hangin at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat. At alam ko na mula sa malayo ay mukhang isang marahan na paghawak lang sa balikat ang ginagawa niya. Ngunit ang hindi nila alam ay dinudurog na niya ang balikat ko. Ngunit hindi ko naman iyon ininda dahil wala naman iyong epekto sa akin. Parang masahe lang ang dating sa akin. "Of course you are more important," sabi niya at pinandilatan pa ako ng mga mata. Niyaya na nga niya kami sa loob at dinala kami sa receiving area ng kanilang bahay. It is actually a mansion. Guia told us to wait for a couple of seconds par sa sketch na gagawi niya. Ang sabi niya ay sandali lang daw siya pero inabot na siya ng ilang minuto. "What the fudge, Heaven?" hindi makapaniwalang sambit ni Hell nang makaupo na nga kami at makaalis na si Guia sa harapan namin. Sa mga mata pa lang niya ay alam ko na agad na alam na niya ang plano ko at naiiling niya akong tinitigan. He could not believe how horrible I could be. Imagine I just ruined someone's plan. Hindi ko mabasa kung ano ang iniisip ni Hell sa ngayon pero hindi naman ako nag-aalala dahil hindi naman siya galit. Kung nakikitaan ko ng galit ang mukha ni Hell sigurado ako na magdadalawang isip na ako na ituloy ito. Nagkibit balikat na lang ako dahil wala naman akong maisip na paliwanag kay Hell kung bakit bigla ko na lang naisipan na gawin ang ganito. Matiyaga kaming naghintay sa pagbalik ni Guia. Hangga't alam ko na nandito lang siya sa loob ng kanilang bahay maghapon ay hindi ako maiinip na maghintay sa kanya. Masaya na ako na hindi siya nakakaalis. Mayamaya nga lang ay bumalik si Guia na bitbit ulit ang kaniyanh iPad. Iniharap niya iyon sa amin. She swipes the pictures para papiliin kami. At hindi ako makapaniwala na ang dami agad niyanng nagawang sketches. Hindi lang sila basta-basta sketches dahil kahit tila pattern pa lang sila ay gusto ko na ang designs ng lahat. Kahit pa ganito pa lang ang sketches ay sigurado ako na magiging sobrang ganda ang kalalabasan oras na makita namin ang actual suit ng ia-approve namin na design. Plus the fact si Hell ang magususot na sigurado akong babagayan ng ganitong kasuotan. Pero dahil nga nandito lang yata ako ngayon para galitin si Guia ay wala akong ia-approve pa. "You thoughts, Hell?" tanong na ni Guia kay Hell dahil ilang sandali ko ns yatang inaaral ang mga sketch pero wala pa rin siyang naririnig na komento mula sa akin. "I think they are actually good and--" "And need improvements," singit ko sa dapat sana ay positibong komento ni Hell. There is no way in this world he is allow to compliment Guia. "Pardon?" hindi makapaniwalang ulit niya at nakita ko ang pagkainsulto sa kanyang mga mata. Kakikita ko lang yata ng ganitong expression niya kahapon. Sobra din siyang nainsulto nang sinabihan ko siya na wala akong nagustuhan sa mga design niya ns plano niya sanang ipasuot sa akin. "Improvement...revision...whatever you call it. There is something talaga na wala sa mga designs mo." Halata sa mga mukha ni Hell na gusto niya rin talaga. Lalo na 'yung isang design na talagang pinagkatitgan niya talaga. At iyon na ang plano kong ipagawa. Pero dahil nga sa naging goal ko na ang inisin pang lalo si Guia ay hindi ako pumayag na hanggang dito lang ang lahat. Kailangan ko pang mag-isip ng mga pwede kong gawi para naman masulit ko ang pagpunta rito. Hindi ko ba mabilang pa kung ilang beses na akong inirapan ni Guia pero isa lang itong patunay na seccessful ang mga plano. Ngunit hindi pa ako kuntento dahil marami pa akong plano para asarin siya. There are more. She should be ready dahil hinding-hindi ko siya titigilan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD