Chapter 26

1299 Words
Chapter 26 Heaven's POV Hindi ko maitatanggi na tama si Hell sa mga iniisip niya. Hindi niya kami maipagtatanggol dahil hindi rin siya pwedeng mapahamak. Kaya ang tangi lang naming magagawa kung magkabukingan man ay ang tumakbo nang tumakbo at magtago nang magtago. Wala kaming kalaban-laban sa mga magbabalak na humabol sa amin. Naiintindihan ko ang nararamdaman ni Hell dahil tulad niya ay nafu-frustrate na rin ako habang tumatakbo ang oras nang wala kaming ginagawa o naiisip man lang na paraan. Pakiramdam ko ay nangangapa kami sa dilim na ano mang oras na may umatake sa amin ay wala kaming magagawa. I have never been this terrified at alam ko na ganoon din si Hell. Hindi namin pwedeng itago sa isa't isa ang takot na nararamdaman namin dahil kung hindi namin ito mailalabas ay baka mas lalo lang kaming mahirap na mag-isip. As long as hindi kami nagpapalamon sa takot ay alam ko na makakaisip pa kami ng paraan ni Hell. Huwag nga lang sana 'yung time na tipong huli na dahil may napahamak na. "Iyon lang naman ang mga iniisip ko, Heaven. Ayoko lang itago sa iyo 'yung takot na nararamdaman ko dahil gusto ko rin naman na may masabihan. At wala naman akong ibang pagsabihan kundi ikaw. I'm sorry kung wala akong magawa. I am the man pero pakiramdam ko ay nakagapos ang magkabila kong kamay." Niyakap ko si Hell dahil sa sinabi niya. Wala siyang dapat na ikahingi ng tawad dahil alam ko naman na ginagawa niya ang lahat para sa akin at sa magiging anak namin. I can not stand seeing Hell so hopeless dahil sa kanya lang ako kumukuha ng lakas at pag-asa. Kahit na ganitong down na down na siya ay buong puso ko pa rin siyang pinagkakatiwalaan. At gusto ko na nasa tabi niya lang ako lalo na sa mga panahon na down na down na siya. Alam ko na kaya niya at kaya namin na malagpasan ang lahat ng ito. Hindi ako kailanman titigil sa pagtitiwala sa kanya. "Don't be sorry, Hell. Pagtutulungan natin ang lahat ng ito. We will get through this," sabi ko habang patuloy na nakayakap sa kanya. Wala akong ibang gusto sa ngayon kundi ang maramdaman ang mga yakap ni Hell at maramdaman niya ang mga yakap ko. "Huwag na muna natin pilitin ang mag-isip sa ngayon, Hell. Sa tingin ko ay mas makakatulong kung ipapahinga natin ang mga utak natin." Bumitiw ako sa pagkakayakap kay Hell at may kalituhan sa kanyang mga mata tungkol sa aking sinabi. "What do you mean, Heaven?" tanong niya atj napangiti ako. Mukhang wala sa isip niya ang magpahinga man lang sa pag-iisip kung paano kami sa oras ng aming pagtakas kaya hindi niya nakukuha ang ibig kong sabihin. "Let's go somewhere since wala pa naman tayong plano sa ngayon. Malay mo pagbalik natin mula sa kung saan man tayo magpunta ay ma-rrefresh ang utak natin," I suggested pero napakunot ang noo ni Hell. Ang buong akala ko ay tatanggihan niya ang gusto ko ngunit matapos ang ilang sandali niyang pag-iisip ay tumango-tango rin naman siya kaya mas lalong lumapad ang mga ngiti ko. Sa totoo lang ay may naisip na akong plano namin pero ang hindi ko lang alam ay kung papayag ba si Hell. "Iyan ba ang gusto mo, Heaven?" tanong niya at sunud-sunod ang ginawa kong pagtango na parang isang bata. Ngumiti siya dahil sa ginawa ko at muling ginulo ang buhok ko. Hindi ko nga lang alam kung makakangiti pa nga ba si Hell kung sasabihin ko sa kanya kung ano at sino ang gusto ko na puntahan. Hindi ko rin alam kung gusto niya rin ba ang dahilan ko kung bakit namin siya dapat na puntahan. "Saan mo ba plano na pumunta?" tanong pa niya at huminga na muna ako nang malalim bago nagsalita at sabihin sa kanya ang lahat. "Ano kaya, Hell kung puntahan natin ngayon si Guia para magpasukat ng suit for you?" sabi ko at napakunot ang noo niya na halatang inaaral mabuti ang mukha para malaman kung seryoso ba ako o hindi sa plano ko. Wala naman akong nakikita na ano mang pagtutol sa mukha niya kaya kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. "Wala naman akong nakikitang problema sa gusto mo. I am just kind of worried na baka kung ano na naman ang mangyari. If you know what I mean. Baka magkasagutan na naman kayo at magkainitan," sabi niya. Hindi ko naman siya masisisi kung ganoon nga ang iisipin niya dahil aminado naman ako na nito ngang mga nagdaang linggo at buwan ay talagang hindi na ako nakakapagtimpi sa mga salita na naririnig ko kay Guia kaya lagi na kaming nagkakainitan. Huwag naman niya sana akong sagarin dahil alam ko na hindi na talaga ako makakapagtimpi pa sa kanya at ano mang oras ay maaari ko na siyang patulan. Alam ko na alam iyon ni Hell at kaya siya nag-aalangan na iharap akong muli kay Guia. "Wala naman tayong ibang gagawin kundi ang kausapin siya na igawa ka ng suit para sa upcoming event ng company ng Alpha. At maraming familiar doon panigurado kaya huwag ka nang umasa na magsusungit siya. Sigurado ako na magpapakitang tao na naman 'yun. Well I guess wala akong magiging choice sa ngayon kundi ang sakyan ang pagpapakitang tao niya." Hindi pa rin kumbisido si Hell sa mga gusto kong mangyari peri kahit papaano naman ay nakita ko na marahan siyang tumango. "Okay, we can go there but just promise that you will hold your temper longer," sabi niya. Hindi sana ako papayag sa gusto ni Hell dahil pakiramdam ko ay parang dehado naman ako roon. Lalo na at alam ko na maaari akong sagarin ni Guia sa susunod namin na pagkikita dahil sinagad ko siya recently. Knowing her ay alam ko na gaganti siya. Pero kahit pa mukhang dehado ako sa gusto at request ni Hell ay wala na rin akong nagawa pa dahil sa tingin ko ay iyon lang ang paraan. Kaya nang magkasundo kami ni Hell sa ganoon na pag-uusap ay agad kaming naghanda at nag-asikaso sa pagpunta namin bahay nina Guia. Bigla na lang pumasok sa isip ko ang posibilidad na pagkikita namin ni Vlad. At oras na magkasalubong kami ay nakakasiguro ako na hindi ko malalaman ang mga dapat kong gawin. Kaya sa biyahe pa lang ay dapat na akong mag-isip ng mga dapat kong gawin--lalo na ng mga dapat kong sabihin. Nang parehas na kami ni Hell na handa na sa pag-alis ay agad naming pinatawag si Butler Sam para ipag-drive kami papunta sa bahay nina Guia. Para ngang nagulat pa siya dahil sa ilang linggo namin na paninirahan dito ni Hell na siya na ang naging personal driver namin ay ngayon lang kami magpapahatid sa kanya sa bahay nina Guia. Ngunit hindi ko naman na prinoblema pa ang iisipin ng iba sa plano namin na pagpunta kina Guia. Pinaghandaan ko na lang ang mga maaaring tagpo sa loob ng kanilang tahanan at nagpatuloy na lang sa pagbiyahe. Either with Guia or with Vlad. Hindi ko rin inaalis ang posibilidad na si Guia ay maaaring tanggapin ako dahil hindi niya susubukan man lang na ipagtabuyan ako sa harap ng mga familiar dahil sigurado siya na mapapasama siya. Ngunit si Vlad ay ang may mas malaking pag-asa na magpaalis sa sa akin at ipagtabuyan ako. Dahil kung may isang malaking bagay ang may pagkakatulad kami ni Vlad, iyon ay ang hindi siya magpapanggap na gusto ka niya. Dahil ako mismo ay naranasan ko ang kasuklaman ng prinsipe ng mga bampira noong mga panahon na hindi pa natutuklasan ang tunay kong pagkataon. Ngunit ngayon pa lang, kahit ikakadurog ng puso ko ay tatanggapin ko kung ano man ang maging treatment sa akin ni Vlad kung sakali man nga na magkita kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD