Chapter 71 Hunter's POV Dumating ang order namin ni Britney at nagsimula na nga kaming kumain. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na napapayag niya ako na pumunta sa family dinner nila. Kinain ko ang lahat ng sinabi ko kahapon dahil heto ako ngayon ay binilhan pa ni Britney ng isusuot para sa okasyon bukas. Pero kahit na ano pa man ang reklamo na gawin ko ay wala na rin naman akong magagawa pa dahil nakahanda na ang lahat. Paulit-ulit pa rin akong kinukulit ni Britney na subukan kong sabihan si mama at paulit-ulit ko namang sinasabi na oo. Pero hindi yata siya kumbinsido dahil hindi niya pinaniniwalaan na gagawin ko iyon. Pero totoo ang sinasabi ko na susubukan ko kahit na isang beses lang. Pero oras na humindi si mama sa unang tanong ko ay hindi ko na siya kukulitin pa d

