Chapter 70 Hunter's POV Wala naman na akong magagawa pa dahil hindi ko na rin naman mahahabol pa si Britney. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain at hindi na muna inisip pa ang mga maaaring mangyari mamaya. Dahil ang isipin pa lang na kinakailangan ko na naman siyang puntahan sa classroom nila a nawawalan na ako ng gana na kumain. At kinakailangan kong kumain dahil kanina pa ako nagugutom. At sigurado rin ako na magugutom din ako mamaya sa pagsama kay Britney tulad ng nangyari kahapon. Nang matapos naman na ako sa pagkain ay dumiretso na agad ako sa classroom ko at doon na lamang nagpahinga. Hanggang sa dumating na ang guro at nag-resume na ang klase namin. Mabilis lang din naman na lumipas ang oras at hindi ko namalayan na dismissal na pala. Mabuti na lamang din at parehas pa rin kami

