Chapter 88

2009 Words

Chapter 88 Hunter's POV Narinig ni Auntie Fire ang sinabing iyon ng kanyang ama kaya mas lalo na siyang nabakasan ng pagkalito sa kanyang mukha. Muli ay tiningnan niya ako ngunit wala naman akong maibigay na sagot sa kanya. Kaya nagkibit balikat na lamang ako. Kung ang itatanong kasi ni Auntie Fire ay kung ano ang maaaring dahilan ng pag-uusap namin ni Pinunong Levine ay wala akong kasiguraduhan dahil marami akong naiisip na dahilan. Hindi ko naman pwedeng isa-isahin sa kanya ang lahat ng iyon. Hindi naman bumuka ang bibig ni Auntie Fire para sa pagtatanong niya at pinagpasalamat ko iyon. Sa katunayan nga ay naging tahimik ang pagbalik ko rito sa aking pwesto. And it is better. Kahit papaano ay naging payapa ang isip ko. Ngunit hindi rin naman nagtagal ang kapayapaan na iyon dahil alam

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD