Chapter 2

1586 Words
Chapter 2 Heaven’s POV "Look at Burn, she needs to grow up,” naiiling na sabi ni Hell sa pagpapatuloy ng aming kaya napababa ang tingin ko kay Burn na kasalukuyang nakikipaglaro sa mas mga nakababatang bampira. "As if she'll grow up." "She could at least go outside Alucard and explore." Napansin ko nga rin kay Burn na bihira lang siyang lumabas ng Alucard. She's a daywalker. Sayang ang kakayahan niyang ’yon. "But she's an amazing girl." Tumango si Hell at napangiti. Malapit sila sa isa't isa. Mas madalas kasi sa mundo ng mga mortal sina Tyco at Fire kaya si Hell ang tumatayong magulang ni Burn kapag wala sila. Minsan, naiisip ko kung anong klase siyang ama sa mga magiging anak namin. "I'm sorry, Hell," bigla kong nasabi kaya nawala ang mga ngiti niya. Sinalubong niya ang mga tingin ko nang buong pagtatakha. "For what?" Nag-shrug ako. "Baka kasi gusto mo nang magkaroon ng anak, na hindi ko pa kayang ibigay sa ngayon." Hindi pa kasi puwedeng magkaanak ang tagapagmana hangga't hindi pa niya namamana ang trono. Napakarami ko pang tungkulin bilang isang tagapagmana. Saglit na natigilan si Hell at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. Hanggang sa marinig ko ang malakas na niyang halakhak. Humagalpak siya ng tawa at maging ang mga bampirang nasa ibaba ay buong pagtatakha kaming tiningnan. "Hell!" inis kong suway sa kanya dahil hawak na niya ang kanyang tiyan sa katatawa. Tumango-tango siya at pilit pinapakalma ang sarili. "Is that a suggestion na pagtuntong na pagtuntong mo ng hundred years old, mag-aanak na tayo?" natatawa niyang sabi. "That sounds exciting." Ngisi niya. "I'm serious, Hell." Tumigil siya sa pagtawa ngunit nakangiti pa rin. "You're being paranoid, Heaven." "And you're not taking this paranoia seriously!" singhal ko. Nawala ang mga ngiti niya at mabilis na napalitan ng ka-seryosohan. "Heaven, should I hate myself now?" tanong niya na ikinakunot ng noo ko. "Pakiramdam ko kasi ay iniisip mong napipilitan lang akong manatili sa tabi mo. Ganoon ba ang pinaparamdam ko sa iyo?" He bit his lip at huminga nang malalim. "What should I do for you to feel that you're all I need?" mahina niyang sabi. "Heaven, please, huwag mong isipin na maraming kakulangan sa buhay ko mula nang magkasama tayo. So what kung hindi na ako nakakatapak sa mundo ng mga tao? So what kung wala pa rin tayong anak? So what kung—" "Thank you, Hell," sabi ko nang diretsong nakatingin sa kanyang mga mata. I've never been a good daughter, I've never been a good sister. Definitely not been a good friend. Kaya hindi ko alam kung anong kabutihan ang nagawa ko noon para makatanggap ng labis-labis na pagmamahal. His love is unconditional. At kahit ako, alam ko sa sarili kong hindi ko iyon deserve. Ngumiti siya. "I should have recorded it." "What?" "Your ‘Thank you, Hell’." He laughs for mimicking me. Hinampas ko siya sa balikat at natawa. Sa tagal ng pagsasama namin ni Hell, mabibilang mo lang ang dami ng beses kong binitiwan ang mga salitang iyon. I am very grateful to him, and it's more than words. I just don't want it to be a routine instead of a feeling. I want to say it whenever he needs to hear it. Hell is very vocal for his feelings, and God knows how he actioned his words. It's heart melting. Dahilan upang mas mahalin ko pa siya nang lubusan. "You can't hear it often but I want you to know that I really am grateful." Niyakap ko si Hell na hindi ko rin madalas ginagawa. "I know, I can feel it." Naramdaman ko ang pagdampi ng labi niya sa aking buhok. "Halika sa bahay, uuwi sina Fire at Tyco ngayon," sabi ni Hell at tumango ako. Mula sa pagkakaupo namin sa handrail ay tumalon kami sa ibaba. "Burn!" suway ni Hell sa pasaway niyang pamangkin nang pumasan ito sa kanya pagbaba pa lamang namin. "What the f**k!" reklamo pa niya nang bumagsak sila sa lupa. "Uncle, standup! Let's play!" sabi ni Burn kay Hell at hinila ito sa kamay upang mapatayo. "Get off me! f**k!" Pinipigilan ko ang tawa ko dahil inis na inis na si Hell at dumagdag pa ang ibang batang bampira sa pagpasan sa kanya. Alam kong kaunti na lang ay sasabog na sa inis si Hell kaya naman nilapitan ko na sila. "That's enough. May pupuntahan pa kami," sabi ko at tumigil naman na sila. Naglakad na kami papunta sa bahay nila rito sa Alucard. Naabutan namin si Pinunong Lucas Levine na kausap ang babaylan na si Tandang Kresya. Napatayo silang dalawa at sabay na nag-bow nang makita ako. "Prinsesa Heaven, bakit kayo narito?" tanong ni Pinunong Levine. Tiningnan ko si Hell upang sabihin na siya na ang magpaliwanag. "Tyco and Fire are coming home," tanging sagot ni Hell sa ama at binalingan na ako. "Sa kuwarto na tayo." Hinawakan ni Hell ang kamay ko at naglakad kami papunta sa kanyang kuwarto. Ngunit bago pa man namin marating ang hagdan ay may pumigil na sa balikat ko. At paglingon ko... "Bakit?" takhang tanong ko sa babaylan. Isa si Tandang Kresya sa mga pinakamatandang bampira sa buong Alucard. Namatay siya at muling nabuhay kung kaya't kinilala siya bilang isang babaylan. "Maaari mo bang ilahad ang palad mo, Prinsesa?" Alam ko na agad ang nais niyang sabihin. Gusto niyang basahin ang aking kapalaran. Hindi ako naniniwala sa hula, ngunit iba ang hula ng isang babaylan. Walang sablay. Kahit nag-aalangan, inilahad ko ang aking palad. Agad niya iyong hinawakan at binasa. Nagbago ang expression niya at rumehistro ang pangamba sa kanyang mga mata. "Bakit, babaylan?" tanong ko. "Heaven!" May isang salitang binulong ang babaylan ngunit hindi ko iyon narinig dahil sa sigaw ni Fire habang patakbo niya akong nilapitan at niyakap. Tiningnan kong muli ang babaylan ngunit naglalakad na siya palabas ng bahay ng mga Levine. Bumitiw si Fire sa akin ngunit wala pa rin ako sa aking sarili. Hindi ako maaaring magkamali. Hindi ko man narinig ang sinabi niya, nabasa ko naman ang buka ng kanyang bibig. And 'Death' was what she mouthed. Matagal din nanalagi sa utak ko ang sinabi ng babaylan. Kahit saan ako mapunta at kahit ano pa ang ginagawa ko ay talagang hindi iyon mawala sa isip ko. "Heaven, what's bothering you?" tanong ni Hell habang dinidiligan niya ang black orchids na alaga ko. Nakaupo lang ako sa bintana ng balcony ng aking silid. Dapat ko bang sabihin kay Hell ang tungkol sa hula ng babaylan? Pero ayoko na siyang mag-alala pa. Tama nang ako na lang ang mabagabag. Death? Sinong mamamatay? Magkatotoo kaya ang hula ng babaylan? Ngunit sa tagal ng paglagi ko rito, walang naging sablay ang kanyang mga turan. May posibilidad kayang ako ang mamamatay? "Heaven..." Halos mapatalon ako sa gulat nang hawakan ni Hell ang braso ko. Ni hindi ko namalayan ang paglapit niya dahil sa lalim ng iniisip ko. "I know something's bothering you, Heaven," seryosong sabi ni Hell at alam kong hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako nagsasabi ng totoo. "Wala, Hell. Iniisip ko lang ang tungkol sa Alucard Learning," pagsisinungaling ko at kumunot ang kanyang noo. Alam kong may mga follow-up questions nang nakahanda sa kanyang isip. "What's up with it?" Sumandal siya sa railings at humalukipkip. "Ano... Hmm, naisip ko lang na magdagdag ng panibagong lectures para sa mga batang bampira," I didn't lie. Balak ko na rin namang sabihin kay maestro ang tungkol sa mga bagong aralin na naiisip kong dapat matutunan ng mga batang bampira. Wala na akong maisip na isagot kay Hell kaya sa kanya ko na muna sinabi ang plano ko bago iparating kay maestro. "Anong lecture ang gusto mong aralin nila?" Puno na siya ng kuryosidad. "Siyensya," tipid kong sagot at napataas ang kanyang kilay. "We're living primitively, Ven. We don't need science," sabi niya. Magandang hakbang na rin ang sinabi o kay Hell dahil nakakakuha ako ng opinyon. "Yes, but I just want to prepare Alucard sa ano mang maaaring kapahamakan ang muling mangyari sa hinaharap." Mas lalo lang akong nahikayat na ituloy na ituro sa mga bata ang siyensya dahil sa hula. Kung may mamamatay, ibig sabihin, may nagbabadya na namang gulo. At ayoko nang maulit ang nangyari walumpong taon na ang nakakaraan. Lahat kami ay nangapa sa kung paano makakaligtas. "Payapa na ang Alucard, Heaven. Wala ka nang dapat pang ipag-alala." Hinawakan ako ni Hell sa kamay upang mapatayo ako. "Hindi mo naiintindihan, Hell. Naging payapa ang Alucard bago guluhin ng mga Calderon. Payapa ngayon ang Alucard, pero hindi ibig sabihin nun na magiging payapa ito habang buhay." Tumango si Hell at nag-isip. "I get it, Heaven." "Look at the surroundings, Hell. Peaceful. At ayoko mang isipin... But this is too good to be true." Hinawakan ako ni Hell sa magkabilang braso. "Alright, Heaven. If that's what you want. But damn, stop thinking too much. I don't like seeing you restless," sabi niya at pinilit kong kalmahin ang aking sarili. "Gusto ko lang maging handa sa mga posibilidad, Hell. Siyensya ang nagligtas sa atin noon, walang masama kung sa siyensya ulit tayo magtitiwala," sabi ko at tumango si Hell. Muling sumagi sa isip ko sina Kuya at Papa. Kung hindi dahil sa V-Tox na inimbento ni Papa, at sa antidote na pinagpatuloy ni Kuya, siguro ay tuluyan nang maglalaho ang buong Alucard. V-Tox. It is too toxic. Pero dinivelope ito ni Kuya into antidote na siyang nagligtas sa aming mga bampira
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD