Chapter 3

1101 Words
Chapter 3 Heaven’s POV "Prinsesa Heaven!" Napadungaw kami ni Hell sa ibaba nang tinawag ako ni Burn. Ngiting-ngiti siya habang kumakaway-kaway pa. Kinunutan ko siya ng noo. "What do you need, Burn?" tanong ni Hell sa kanyang pamangkin. Ngumuso ito umirap. "Ikaw ba si Prinsesa Heaven, Uncle?" Nagngalit si Hell sa pambabara ni Burn. Itinaas niya nang kaunti ang kanyang kamay upang ipakita ang kanyang hawak. "Want some?" alok niya. What. The! "Talon!" utos ko sa kanya na malugod naman niyang sinunod. Tumalon siya papunta rito at pagkatuntong sa balcony ay naglakad siya palapit sa akin. Saka niya iniabot ang box ng pizza. "Like it?" tanong ni Burn. I just smiled at her habang inaabot iyon. Sapat na siguro iyon bilang tanda ng pasasalamat. Hindi pa rin kasi ako vocal sa saloobin ko. "Where did you get this?" "Hinatid ko sina Mommy at Daddy. Then kinulit nila ako na mamasyal saglit sa mall. It's Mom's idea na dalhan kita niyan." Natawa ako. Kilalang-kilala pa rin ako ni Fire kahit minsan na lang kami magkasama. "You should have stayed longer there, Burn," sabi ni Hell at ipinatong niya ang pizza sa table at binuksan. Agad naman akong kumuha ng isa at ganoon din sila. "Actually, Uncle, I'm planning to." Kapwa kami seryosong napatingin kay Burn dahil sa sinabi niya. "Bakit biglang nagbago ang isip mo?" tanong ko. "Well, Mom had a storytelling about how great Westridge is. And it was tempted me to try." Nagkatinginan kami ni Hell at sabay na napangiti. "Nakatayo pa rin ang Westridge," sabi ko at tumango siya. How much I miss that school. It was all started there. "Mom said na aside sa love story nila ni daddy, doon din daw kayo nagkakilala ni uncle." Hindi ko maiwasang hindi mapangiti dahil sa mga alaalang bumabalik. "And she even said how Uncle made lie na natutulog siya sa bed mo just to met you personally," natatawa niyang sabi at nagbago ang ekspresyon ni Hell. "She said that?" Bakas ang inis...at hiya sa kanyang mukha. "Yes," she giggles. "Ew, Uncle, that's so korni." Burn can't hide the disgust in her face at mas lalo pang lumapad ang ngiti ko. "Indeed," I said at tumalim ang tingin sa akin ni Hell so I just shrug innocently. "You will never understand unless you fall in love, Burn," sabi ni Hell at kumagat sa pizza na hawak niya. "Was it love already? At first sight?" seryoso at puno ng kyuryosidad na tanong ni Burn. "That wasn't our first sight. Nagkita na kami isang beses noong mga bata pa kami—where we became mate," paliwanag ni Hell. He's right. Kaya pamilyar ang mga mata niya nang unang beses kaming nagkatitigan noong pinapaalis ko siya sa kama ko, 'yon ay dahil nagkita na kami noong mga bata pa lang kami. "And you felt the connection pagpasok pa lang ni Prinsesa Heaven ng Westridge?" "Yea. And you don't know how it feels loving someone from afar. I thought my love for her was forbidden," natatawa niyang sabi. Ilang beses na niyang na-ikuwento sa akin ang katotohanang iyon at hindi ako magsasawang makinig nang makinig. Ngunit iba pa rin talaga ang pakiramdam kapag nakikita at naririnig mong kinu-kuwento niya iyon sa iba. "I still find it korni... but sweet at the same time," sabi ni Burn at nagpatuloy na sa pagkain ng pizza. "Oh, Prinsipe Vlad," sabi ko nang makitang nakatayo si Vlad sa may pintuan ng kuwarto ko. "Nandito na ang Maestro," pormal niyang sabi at nagpaalam na. Matapos kong magpaalam kina Burn at Hell ay lumabas na ako upang gawin ang pakikipag-usap sa maestro. Nang nasa tapat na ako ng pintuan kung saan ginaganap ang malalaki at mahahalagang pagtitipon, bahagya kong hinawi ang suot kong kapa at pumasok na. Nakaupo na ang matataas na ministro ng A-Learning at naghihintay na lang sa aking pagdating. Agad silang tumayo at yumuko nang malaman ang pagdating ko. Lima silang narito. Naupo na ako sa pinakadulong bahagi ng lamesa upang masimulan na ang meeting para sa nais kong mangyari sa A-Learning. "Para saan itong biglaang pagpupulong na 'to, Prinsesa?" tanong ng senyor. "Naaalala pa ba ninyo ang gulong kinasangkutan ng Alucard walumpong taon na ang nakalilipas?" panimula ko at nagkatinginan sila. "Ang gulong may kinalaman ba sa V-Tox?" tanong ng maestro at marahan akong tumango. "Ang V-Tox ay produkto ng siyensya. At nais ko sanang magkaroon ng muwang ang mga paslit na bampira patungkol sa siyensya." Hindi magkamayaw ang mga ministrong nasa harapan ko dahil sa kaniya-kaniya nilang komento. "Sandali lamang, Prinsesa Heaven. Matagal nang nabura sa sistema ng mga bampira ang tungkol sa V-Tox. At kung muli nating uungkatin ang—" "I'm not specifically referring to V-Tox, Senyor. It's science I'm talking about," putol ko sa senyor ngunit nakikita ko pa rin sa kanila ang pagtutol. "We don't need science, Prinsesa. Payapa na ang Alucard," ani Ministro. "Just because it's peaceful, doesn't mean it's safe." Natigilan sila sa sinabi ko. Alam nilang may punto ako. "Ano ang nais mong mangyari?" "Ayon sa pananaliksik ko noon tungkol sa kasaysayan ng Alucard, ilang-daang taon na ang nakararaan, isang daywalker ang nag-aral ng agham at medisina sa mundo ng mga mortal." Nanatili silang tahimik na nakikinig sa akin. "Dahil sa kaalaman niya, isang imbensyon ang kanyang nabuo," patuloy ko. "Ang anti-bloodlust," the minister finished my sentence at tumango ako. "Na siyang dahilan kung bakit nalalagpasan ng mga bampira ang pagkauhaw sa dugo. Ngunit sa kasamaang palad, kabilang siya sa nasawi noong sumiklab ang gulo sa pagitan ng mga bampira at lobo." Tumayo ako. Naglakad ako papunta sa bintana at tinanaw ang buong Alucard. "Bakit mo ito sinasabi, Prinsesa?" "Dahil gusto kong iparating na hindi lahat ng produkto ng siyensya, makakasama sa atin. Nais kong idagdag sa aralin ng A-Learning ang science upang sila mismo ang tutuklas sa mga imbensyon at eksperimentong muling magliligtas sa kanilang lahi oras na muli na namang magkaroon ng gulo." Tinanaw ko ang mga batang bampira na naglalaro sa ibaba. Alam kong darating muli ang gulong pilit kong nilalayuan. At gusto kong maging handa sila. Ngunit imbis na sanayin sila upang makipaglaban, gusto kong pag-aralan nila ang mga bagay na magiging katuwang nila. At ito ang agham. Sa lahat ng pinagdaanan ko noon, natutunan kong hindi lahat ng bagay ay nadadaan sa dahas. "Naiintindihan na namin, Prinsesa. Ngunit para saan ang lahat ng ito?" Muli ko silang hinarap ngunit nanatili ako sa puwesto ko. "Para sa lahat ng posibilidad na mangyayari sa hinaharap. Gulo, digmaan, delubyo... at kamatayan." —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD