Chapter 4

2584 Words
Chapter 4 Heaven's POV "They're here," sabi ko kay Hell at agad naman siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa isang malaking bato. Tinabihan niya ako at sabay naming tinanaw ang tatlong nilalang na unti-unting niluluwa ng kagubatan. Tumakbo sila palapit sa amin gamit ang normal na bilis upang makasabay ang isang mortal. "Prinsesa Heaven," bati ni Tyco at Fire nang nasa tapat na namin sila. Halata pa rin sa kanilang mag-asawa ang pagkalito sa mga nangyayari. Walang sino man sa kanila ang may nalalaman sa kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. "Hindi ko pa rin maintindihan pero dala ko na ang sinasabi mo," sabi ni Fire at itinuro ang isang mortal na kasama nila. Base sa kanyang hitsura, marahil ay nasa early 50's siya. Sinabi kong magdala siya rito ng isang mortal na scientist o kahit anong profession na may kinalaman sa medisina na siyang maaaring magturo ng agham at teknolohiya. Sinabi ko rin na kinakailangang isang mortal na hindi bago sa pandinig ang tungkol sa bampira dahil wala na akong balak ipaliwanag pa ang lahat. "He's Dr. Carreon," pakilala ni Tyco sa nilalang na kanilang binitbit. His name rings a bell na dahilan ng pagkakakunot ng noo ko. "Carreon?" ulit ko sa sinabi niyang apelyido. There’s only one Carreon came in my mind ngunit nais ko na makasiguro. "Yea, apo siya nina Brent at Tiffany. At naisalin hanggang sa kanya ang pagiging familiar nu’ng dalawa," paliwanag ni Fire at napatango ako. Sapilitan lang ang pagiging familiar noon ni Brent. He was just oblige to be one dahil binuhay ko siya. Hindi ko akalain na maisasalin niya sa mga susunod na henerasyon ng kanilang pamilya ang pagiging isang familiar. Hindi ko rin alam ang naging simula sa kung paano sila nagkatuluyan ni Tiffany. Pero naibalita sa akin noon ni Fire na naging familiar si Tiffany matapos nilang ikasal ni Brent upang matulungan ang asawa sa mga misyon nito. Sobrang dami na talaga ang nangyari sa labas ng Alucard at hindi ko naman pinagsisihan na hindi ko nasaksihan ang mga iyon. Naging masaya rin naman ako sa mundong ito at hindi ko sila kinailangan na makasama. "Isang napakalaking karangalan ang makaharap ang prinsesa," sabi niya at yumuko. Maraming familiar ang naghahangad na makaharap ang mga dugong bughaw na bampira ngunit bibihira lamang ang nabibigyan ng pagkakataon. Tumango ako at saka nagsalita. "Salamat, Fire, Tyco. Dr. Carreon, wala na akong aaksayahin pang oras, kaya kung maaari ay sundan ninyo ako." Tinalikuran ko na sila at nagsimulang maglakad pabalik ng palasyo. Naiwan si Hell kina Fire upang siya na ang magpaliwanag ng mga nais kong mangyari. Siya na rin ang magpapaliwanag ng nais kong hingin pang pabor kina Fire. Pumasok kami sa isang silid kung saan dinaraos ang mga pagpupulong. Masyado itong malaki para sa aming dalawa ngunit wala naman na kaming iba pang pwesto na maaaring makapag-usap. "I don't do redundancy, Dr. Carreon, so didiretsuhin na kita," sabi ko at muli lang siyang tumango. "Gusto ko sanang turuan mo ang mga batang bampira tungkol sa science. Sa medisina, to be specific," I tell him at hindi agad siya sumagot. Alam ko na maging siya ay nagtatakha rin. "Anong mga bagay ang nais mong ituro ko sa kanila, Prinsesa?" tanong niya. "May isang daywalker ang naka-imbento noon ng lunas upang makontrol ang pagkauhaw namin sa dugo. Papa Ismael invented V-Tox. Ang kapatid ko naman ay dinivelope ang V-Tox na nakatulong upang pansamantalang malunasan ang kahinaan namin sa silver, na siyang nagsilbing antidote for our silver weakness," sabi ko at hindi ko alam kung nakukuha niya ba ang nais kong sabihin. "Naikuwento iyan ng aking ama. But I don't think na kakailanganin pa ang science. As you can see, tahimik na ang—" Tumigil siya sa pagsasalita nang magsalita rin ako. "Are you doubting my plan about this issue, Dr. Carreon?" May pagbabanta sa tinig ko kaya napayuko siya. Bakit ganito ang pag-iisip nila? Bakit kuntento na sila sa katahimikan at kapayapaan na natatamasa nila ngayon? Siguro kaya ganito ako ka-pressure ay dahil ako ang prinsesa at ang susunod na uupo sa pwesto. Na kung may masama man na mangyayari sa Alucard at sa buong lahi ng bampira ay sa akin mapupunta ang sisi. Kaya ganito na lamang ang kagustuhan ko paghandaan ang lahat. "Pasensiya na, Prinsesa," sabi niya. Of course, he is sorry. Nagpatuloy na lang ulit ako sa pagsasalita ko. "As I was saying, kailangan maituro sa mga batang bampira ang tungkol sa siyensya. Magsisimula ang aralin nila bukas. May nakahandang kwarto para sa inyo at ang tagasilbi na ang mag-a-assist sa inyo. May mga bagay pa akong kailangang asikasuhin. Maiwan ko na muna kayo," sabi ko at tumayo na. Wala na rin naman siyang sinabi. Tumayo na lamang siya at muling yumuko sa akin habang naglalakad na ako palabas ng silid. Naglakad na ako pabalik kay Hell malapit sa dark forest. Kinakailangan ko pang kumustahin ang naging pagdating at pag-alis nina Tyco at Fire. “Nakaalis na sina Fire?" tanong ko kay Hell nang maabutan siyang nakatanaw sa madilim na kagubatan. "Yea, kaaalis lang," sabi niya at inakbayan ako. Sabay naming tinanaw ang dark forest sa abot ng aming matatanaw. "Nasabi mo ba ang hiling ko na ilipat sa isang mosileyo ang labi ng pamilya ko?" tanong ko. Vlad suggested it at sinang-ayunan naman ni Master kaya pumayag na rin ako. "Opo, mahal na prinsesa," sabi niya at nilingon ako. Kumindat pa siya kaya siniko ko siya. "Halika na?" agad na sabi niya at tumango ako. Hinubad ko ang kapa ko at magkahawak kamay naming tinakbo ang dark forest. Nagpatalon-talon kami sa matatarik na puno hanggang sa marating namin ang pinakamatarik na puno at naupo sa sanga rito. Dark forest is a dark place but it's our sanctuary. Madalas kami rito upang pansamantalang takasan ang lahat ng responsibilidad na mayroon kami sa aming pamilya at sa buong Alucard. Pakiramdama namin parehas na pasan namin ang buong lahi ng mga bampira. "Magiging busy siguro ako sa mga susunod pang araw dahil gusto kong mapagtuunan ng pansin ang tungkol sa mga bagong aralin," sabi ko at inabutan ako ni Hell ng isang mansanas. "I understand, Ven. Wala akong ibang hiniling noon kundi ang matanggap mo ang pagiging prinsesa mo. And I'm glad na talagang ginagampanan mo ang mga tungkulin mo bilang isang prinsesa," sabi niya at kumagat sa kanyang masanas. "Salamat sa lahat ng bampirang matiyaga na naghintay na matanggap ko ang lahat. Lalo na sa iyo, Hell. Ilang beses kitang ipinagtabuyan noon pero hindi ka lumayo. You stayed even at my worst." Ngumiti si Hell dahil sa mga salitang binitiwan ko. Alam ko na naramdaman niya ang katotohanan at sincerity sa aking mga sinabi. "Hindi ko kakayaning mapalayo sa iyo, Heaven. May koneksyon tayo at mahirap iyong putulin. At kahit ilang beses mo akong sinaktan noon, it was all worth it dahil sa saya at pagmamahal na nararanasan natin ngayon. At hindi ako papayag na may sumira sa lahat ng ito. Kaya gagawin natin ang lahat para manatili ang katahimikan ng palasyo." Tumango ako bilang pagsang-ayon. Sobrang saya ng nararamdaman ko dahil sobrang supportive si Hell sa kung ano mang responsibilidad ang mayroon ako. sinasamahan niya ako sa lahat ng desisyon na ginagawa ko na para sa ikabubuti ng Alucard. "Oras na maging ganap na reyna na ako, alam kong magiging isang magaling kang hari," sabi ko at natawa si Hell. "Parang nakaka-pressure ’yan. Hindi ba puwedeng maging isang mabuting asawa muna?" sabi niya at natawa kaming parehas. Umurong si Hell palapit sa akin at nahiga sa lap ko. Nakahiga siya sa sanga at nakatingin lang sa langit. "Sana palagi na lang tayong ganito," seryoso niyang sabi. "Pero kilala ko ang mga mata mo, Heaven. Alam kong may bumabagabag sa iyo," nagulat ako sa sinabi niya. Alam ko naman na hindi talaga ako makakapaglihim sa kanya ngunit hindi ko naman akalain na ganito niya kabilis na mahahalata ang pag-iisip ko sa mga bagay-bagay. "Hell..." Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanya ang lahat o hayaan na lamang na ako ang pumasan ng lahat. "Ang hirap magpanggap na hindi ko iniisip ang mga nakikita ko sa mga mata mo." Tumingin siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. Ipinatong niya ang magkahawak naming kamay sa kanyang dibdib. "I want to know everything, Heaven." Siguro nga ay kailangan ko nang ipaalam kay Hell ang tungkol sa hula ng babaylan. Ayoko na sana siyang pag-alalahanin. Pero parang mas nababagabag siya hangga’t hindi niya nalalaman ang totoo. Alam ko na mas mahihirapan siya sa kung ano ang iniisp ko. Alam ko na mas magpapahirap iyon sa kanyang loob. "Binasa ng babaylan ang palad ko," sabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano sisimulan ang pagkukwento sa kanya kaya ididiretso ko na sa hula ng babaylan. "And? What did she say?" Matagal akong napatitig sa mga mata ni Hell bago ko nagawang sagutin ang tanong niya. Siniguro ko muna na nasa akin ang kanyang buong atensyon. "Death," I finally utter. Napabangon si Hell at seryosong napatingin sa akin. Inasahan ko nang ganito ang kanyang magiging reaction. Alam ko na kahit sino man ang makakarinig ng naging hula sa akin ng babaylan ay sigurado ako na magugulat at mangangamba. "What?" hindi makapaniwalang sambit niya. Tumango ako upang sabihin na tama ang narinig niya. "Walang malinaw kung anong klaseng kamatayan. Kung sino ang mamamatay. Natatakot ako, Hell, hindi para sa buhay ko, kundi para sa buhay mo. Paano kung ako pala ang mamamatay at madamay ka dahil sa konektado nating buhay—" Niyakap ako ni Hell upang maputol sa sasabihin ko. Ayw niyang ituloy ang lung ano mang nasa isip ko. "Ssh. Walang mamamatay. Hindi ko hahayaan na may mawala na naman sa lahi ng mga bampira. Lalong-lalo ka na. Hindi ko hahayaan na may magtangka na naman sa buhay mo," sabi niya. Hell's words are magical. Kaya nitong alisin ang lahat ng takot at pangamba na kanina lang ay nararamdaman ko. His words are my security. "Salamat, Hell," sabi ko. Kahit papaano ay nawala ang takot ko nang bigyan ni Hell ng kasiguraduhan ang aking kaligtasan. I know he is true to his words. Alam ko na kaya niya akong protektahan. "My pleasure. You are always welcome, mahal na prinsesa." Lihim na lang akong napangiti. Iba talaga sa pandinig at pakiramdam kapag si Hell ang tumatawag sa akin ng prinsesa. "Halika na," yaya ko sa kanya pagbitiw namin sa yakap. Muli na kaming tumakbo pabalik ng Alucard at naabutan namin si Vlad na nasa tapat ng pinto ng palasyo. Mukhang kanina pa siya naroon at may hinihintay. At malakas ang kutob ko na ako ang hinihintay niya dahil nawala ang pagkainip sa kanyang mukha makita niya ako na paparating na. "Prinsesa Heaven..." salubong niya sa amin at tinanguan niya naman ako. "Bakit bihis na bihis ka yata?" puna ko dahil naka-coat siya. He does not usually dress like that. "Pupunta ako sa mundo ng mga mortal. Kaarawan ng aking ina. Hinintay lang talaga kita upang makapagpaalam," sabi niya. Tama nga ang hinala ko na ako ang hinihintay niya. "Bakit? Nasaan ang Master Racul at Alpha?" tanong ko dahil pwede naman siyang sa kanila na lang magpaalam. "Tinitipon nila ang mga reaper," sabi niya at tumango ako. I see. "Sige, mag-iingat ka." Tumango lang din siya at muli nang nagpaalam. Tinanaw namin ni Hell ang dinaanan ni Vlad at alam ko na may mga iniisip siya. "Sariwa pa rin sa alaala ko ang ilang beses na pagtatangka ni Vlad sa buhay mo," natatawang sabi ni Hell at natatawa rin ako. Bakit nga ba hindi ko naisip na ganoong bagay na pala ang naglalaro sa isip ni Hell. "Kung gaano kaming hindi magkasundo noon, kabaligtaran naman ngayon dahil magkasundong-magkasundo kami," sabi ko. Totoo ang sinabi kong iyon dahil makikita mo talaga ang kaibahan ng treatment namin ni Vlad sa isa’t isa ngayon kung ikukumpara sa kung paano namin itrato ang isa’t isa ngayon. Mas kapansin-pansin iyon lalo na kung nagkaroon sila ng chance na makilala ako noong mga panahon na hindi pa natutuklasan na ako ang prinsesa. "Yea, yea," natatawa niya pa ring sabi. Naalala ko rin noong mga unang taon kong pagtira dito sa Alucard ay si Vlad na ang gumagabay sa akin sa pasikot-sikot dito sa palasyo. Naging malaking tulong talaga ang kapatid kong iyon sa pagtulong para maging at home ako sa kaharian na ito. "Isa siya sa mga dahilan kung bakit natatakot akong muli na namang sumiklab ang gulo. Ang isipin pa lang na malalagay na naman sila sa kapahamakan ay natatakot na ako," sabi ko sa kanya. Ang pinaka-ayaw ko sa lahat ay ang mdadamay ang mga nilalang na malalapit sa akin dahil iyon ang nangyari noong nasa mundo pa lang ako ng mga mortal. Dahil mula nang malaman ko na may kapangyarihan at lakas ako na tinataglay ay pinangako ko sa aking sarili na wala nang mga mahal ko sa buhay ay mapapahamak. Kung noon na isa pa lamang akong normal ay wala akong nagawa, ngayon ay gagawin ko ang lahat upang protektahan ang lahat ng malalapit sa akin. Lalong-lalo na ang hanay ng mga bampira. "Napi-pressure ka lang siguro dahil malapit ka nang maging ganap na reyna. Ang mabuti pa, kumain ka na muna," yaya ni Hell at dinala na niya ako sa dining hall at siya na ang naghanda ng pagkain ko. Naging sobra ang pag-aasikaso a ginawa sa akin ni Hell. "Ikaw? Hindi ka kakain?" takhang tanong ko dahil isang plato lang ang inihanda niya. Huwag niyan sabihin na may plano siya na panoorin akong kumain hanggang sa matapos ako? "Hindi na. Sa bahay na lang siguro ako kakain. Mas gusto kong pagsilbihan ang prinsesa ko ngayon," sabi niya pa at pinaghila ako ng upuan. Pilit ko na nilabanan ang ngiti na bigla na lamang nais kumawala sa aking labi. "Hell, hindi—" Natigil ako dahil binuksan na niya ang cloche sa harapan ko. Plano ko pa sanang salungatin ang kanyang sinabi dahil mas gusto ko na kasabay siya kaysa pagsilbihan ako. Ngunit na-focus na sa pagkain sa aking harapan ang aking atensyon. "Enjoy your meal, my princess," sabi niya at tuluyan na nga lamang akong napangiti. True enough, baghila siya ng upuan at pinanood akong kumain. Hindi ko rin tuloy napigilan ang pagngiwi. "Sa tingin mo ba ay makakakain ako nang ayos sa mga titig mo?" suway ko sa kanya. Pero parang hindi niya ako narinig dahil ngumiti lang siya at ipinagpatuloy ang pagtitig at panonood sa bawat pagsubo ko. Gusto ko sanang palabasin na lamang si Hell sa dining pero ayoko naman siyang mawala sa paningin ko. It is either pagtiisan ko ang mga tingin niya, o iwan niya ako rito nang mag-isa. Pinilit kong tapusin ang pagkain ko dahil kahit ang tagal na naming magkasama ni Hell ay natutunaw pa rin ako sa bawat pagtitig niya. Hindi pa rin nagbabago ang bawat epekto ni Hell sa akin. "Salamat sa lahat, Hell," sabi ko at na-distract siya sa pagtitig sa akin. It's my turn para mapangisi dahil nabigla ko na naman siya sa pagsabi ng mga bihirang salita na minsan niya lang marinig mula sa akin. At hindi ako magsasawa na paulit-ulit siyang biglain sa tuwing sa tingin ko ay inaasar niya ako. Sa ganitong paraan lamang ako nakakaganti sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD