Chapter 5

2085 Words
Chapter 5 Heaven's POV Panibagong araw, panibagong abalang araw. Isa na yata ito sa pinaka-hassle na naging araw ko sa buong pananalagi ko rito sa Alucard. Akala ko ay kapag nakahanap na ako ng mortal na magtuturo ng agham at siyensya sa mga batang bampira ay magiging madali na ang lahat sa part pero nagkamali ako dahil hindi lang pala natatapos sa paghahanap ng guro ang gagawin ko. Kinakailangan ko rin na subaybayan ang kanilang aralin. Na kung maaaring araw-araw ay aaraw-arawin ko. Ngunit hindi ko naman iyon maaaring gawin dahil baka naman ma-pressure sila. Ayos na ang minsang pagbisita sa A Learning. at ngayon nga ang simula ng minsan na iyon. "Masyado ka yatang maaga, Prinsesa Heaven?" tanong ni Vlad nang magkasabay kami sa pagbukas ng pinto ng mga kuwarto namin. Mostly kasi ay siya ang nauunang magising sa amin. Bihira ang ganitong pagkakataon na halos sabay lamang kami. "Marami pa kasi akong kailangang asikasuhin sa A-Learning. Ngayon kasi ang simula ng karagdagang aralin," sabi ko habang naglalakad na kami pababa sa dining hall. "Parang noong isang araw lang ay pinaplano mo lang 'yan. Ngayon ay isasagawa mo na," natatawang sabi ni Vlad at tumango ako. Hindi na ako magtatakha sa sinabi niya dahil maging ako ay nabilisan din sa proseso. Which is better. Iyon din naman kasi ang pinag-utos ko. "Pinabilis ko ang proseso upang agad na maisagawa," sabi ko at bumati muna kami kina Alpha at Master bago naupo sa hapag upang kumain. "Sa A-Learning na ba ang diretso mo?" tanong ng Alpha at tumango ako. Nagsimula kami sa sabay-sabay na pagkain. "Opo. Gusto ko rin kasing mabantayan ang bagay na 'to," sabi ko. Hindi ko itatago sa kanila ang pag-aasam na maging successful ang bagay na ito. "Bakit ganito ang pagnanasa mo sa araling ito? May hindi ka ba sinasabi sa amin, anak?" nag-aalalang tanong ng aking ama pero umiling ako. Hindi nila puwedeng malaman sa ngayon ang nagbabadyang kamatayan. Ayoko na silang mag-alala pa. Walang ibang pwedeng makaalam kundi kami lamang ni Hell. "Wala po, Master. Gusto ko lang pong maging matagumpay ang bagay na 'to. Kayo po? Nasabi sa akin ni Hell na may pagtitipon mamaya ang mga reaper?" sabi ko bago sumubo para mapunta na sa iba ang usapan. Ayokong masundan pa ang kanilang mga tanong. Mabuti na lamang at nasabi sa akin ni Hell ang tungkol sa bagay na iyon. "Oo. Kailan lang namin ito napag-alaman ng mga reaper at maging ni Alpha, pero ilang beses nang may nauulat ang mga reaper na nagbabantay sa dark forest ang isang nilalang. Tila nagmamatiyag ito." Napatigil ako sa pagsubo dahil sa sinabi ng aking ama. Nakuha nito ang aking buong atensyon. "Nagmamatiyag?" ulit ko at tumango siya. "Oo. Sa tuwing tatangkain nilang habulin ito, mabilis itong nakakatakas," sabi pa ng Alpha. Natatakas niya ang bilis ng isang bampira? "Paano niya nagagawang takasan ang mga reaper?" tanong ni Vlad. "’Yan din ang tanong namin. Paano?" sabi ni Master. Kung nagagawa niyang takasan ang mga bampira ay nakakasigurado ako na hindi iyon isang pangkaraniwang nilalang. Matapos naming makakain ay nagpunta na kami sa kanya-kanya naming destinasyon. Kadarating ko pa lang sa A-Learning ay sumalubong na sa akin ang ingay ng mga naglalarong batang bampira. Yumuyuko sila habang ako ay dumaraan. Agad kong tinungo ang silid ni Dr. Carreon. "Kumusta ang lahat dito?" tanong ko habang ang mga estudyante niya ay abala sa pagsusulat. "Ayos lang naman, Prinsesa Heaven. As of now, oral pa lang ang itinuturo ko. Gusto ko muna silang bigyan ng background kung patungkol saan ang science. Ayoko silang biglain," sabi ng doctor at tumango ako. Sang-ayon ako sa ginawa niyang iyon. Hindi nga dapat na biglain ang mga batang bampira na ang kinalakihan ay ang tahimik na pamumuhay ng aming lahi. "Pamilyar naman siguro kayo sa V-Tox? I want something like that ang matutunan nila. Gusto kong maka-diskubre sila ng isang hindi pangkaraniwang formula. Ituro n’yo ang lahat ng kailangan nilang matutunan oras na magsimula ang actual discussion ninyo," sabi ko. Ilang sandali lang akong nanalagi at umalis na rin agad upang magtungo sa tahanan ng mga Levine. Naabutan ko si Hell na mag-isa dahil nasa pagpupulong na raw ang kanyang ama. Sa kuwarto niya namin piniling mag-stay at mag-usap. "Kumusta ang A-Learning?" tanong niya nang parehas na kaming makahiga sa kama. Nakasandal siya sa headboard habang ako naman ay nakaunan sa may dibdib niya. At ngayon lang yata ulit ako na-relax nang ganito. "Ok naman, I agree with Dr. Carreon na 'wag biglain ang mga bata sa araling ito," sabi ko. "That's good," tipid at walang gana niyang sabi kaya tiningala ko siya at sinalubong naman niya ang mga tingin ko. "What's wrong?" tanong ko. "Nasabi sa akin ni daddy ang tungkol sa isang nilalang na palaging nakikita ng mga reaper sa dark forest." Nakarating na pala sa kanya ang balita. Ngunit hindi ko naman akalain na ipag-aalala niya iyon. "Nasabi rin sa amin ni Master Racul at Alpha ang bagay na 'yan," sabi ko. "’Yong hula agad sa iyo ng babaylan ang pumasok sa isip ko." Ito ang dahilan kung bakit ayokong sabihin kay Hell ang tungkol sa hula. Maging siya ay mababagabag din. At ayokong nakikita siyang ganito. "Maging ako man, Hell. Paano kung siya ang may dala ng kamatayan dito sa Alucard? Sa akin? Sa atin?" Hinaplos ni Hell ang buhok ko upang pagaanin ang aking pakiramdam. Ayos rin sa pakiramdam ang may nasasabihan ako ng ganitong bagay. Kahit papaano ay may nakakaintindi sa akin. "Sasama ako sa mga reaper sa pagmamatiyag sa dark forest," sabi niya at umiling ako bilang pagtutol. Hinding-hindi ako makakapayag sa sinabi niyang iyan dahil lubhang delikado. "Para saan, Hell? Baka mas lalo mo lang ikapahamak," protesta ko ngunit nanatiling desidido ang kanyang hitsura. Mukhang hindi siya magpapapigil sa kanyang pinaplano. "I will never put myself in danger, Heaven. Pero hindi maaaring nandito lang ako sa bahay habang nasa paligid lang ang nagbabadyang gumulo sa tahimik na nating buhay dito sa Alucard," sabi niya pero ayoko talaga sa ideya niyang iyon. "Pero—" "Kailangan na nating malaman kung sino siya bago pa man niya masimulan ang gulo," sabi niya. Kahit ayaw ko, ay tumango na lang ako dahil desidido na talaga siyang sumama sa mga reaper at hindi ko na siya mapipigilan. May tiwala rin naman ako sa kakayahan niya kaya pumayag na rin ako. "Nagugutom ka ba?" mayamaya ay tanong niya kaya tumango ako. Bumaba na kami sa kusina nila at nagulat kaming parehas nang makita sina Fire at Tyco na kapapasok lang ng bahay. Sa mukha pa lang nila ay alam kong may bitbit na silang masamang balita. "Anong ginagawa ninyo rito?" tanong ni Hell sa kambal niya ngunit sa akin agad nabaling ang tingin ng mag-asawa kaya alam ko na ako ang sadya nila. "Prinsesa Heaven," tawag sa akin ni Tyco. Hindi ko nagugustuhan ang hitsura at tono nilang dalawa. Kaya mas makakabuti kung magsasalita sila agad at hindi na magpapaliguy-ligoy pa sa kanilang sasabihin. "What?" inip kong tanong. "Tulad ng hiniling mo, hinukay namin ang libingan ng pamilya mo upang ilagay sa mas maayos na museleyo ang mga buto nila. Pero..." Napahakbang ako palapit kay Fire nang huminto siya at hindi nagawang ipagpatuloy ang sasabihin. Hindi ko alam kung nananadya ba siya na bitinin ako o sadyang hindi niya lang kayang ituloy ang sasabihin. "Pero ano, Fire?" inip na tanong ko at ginamitan ng awtoridad upang magpatuloy siya sa pagsasalita. Wala akong panahon at mad lalong wala ako sa mood para makipaghulaan sa kanya. "Kasi Prinsesa Heaven..." Binalingan ko si Tyco nang siya na ang magsalita dahil hindi pa rin magawang magsalita ni Fire. "Nawawala ang labi ng pamilya mo. Sa Papa Ismael mo, kay Madame Olivia, Peter at maging kay Tristan." "No!" I shouted. "I'm sorry, Prinsesa Heaven, pero wala na kaming natagpuang buto sa hinukay na puntod. At base sa imbestigasyon, ninakaw ito dahil wala naman silang permit na nire-release," sambit ni Fire at halos sumabog ang dibdib ko dahil sa nararamdaman kong galit. "AHH!" I shouted at lumakas ang hangin sa paligid. Tumakbo ako palabas na normal na bilis lamang ang gamit ko. "HINDI!" muling sigaw ko at nagtalsikan ang mga bagay na nadaraanan ko. Madilim na ang paligid ngunit mas lalo pang dumilim nang halos matakluban na ng makakapal na ulap ang buwan na siyang tanging nagbibigay liwanag. Napalabas ang mga bampira sa kani-kanilang tahanan dahil sa nangyayari sa paligid at nabalot sila ng pangamba. Sa isang iglap lang ay nakaharang na sa harapan ko ang mga reaper kasama sina Master at Alpha kaya napahinto ako sa pagtakbo. "Anong nangyayari, Prinsesa Heaven?" nag-aalalang tanong ng aking ama. Maging siya ay nabigla sa pagbabago ng paligid na ako ang may likha. Ngayon na lamang ulit ako nakagawa ng ganitong kadiliman. "Kailangan kong pumunta sa mundo ng mga tao," I said helplessly na ikinabahala nila. "Bakit? Ano bang nangyayari?" tanong ng Alpha at sa isang iglap lang ay nasa tabi ko na si Hell, kasama sina Tyco at Fire. Mabuti na lamang at sumunod sila upang sila na ang magpaliwanag. "Napag-alaman po namin na nawawala ang mga labi ng pamilya ni Prinsesa Heaven." Si Tyco na ang sumagot dahil hindi na ako makapagsalita pa dahil sa labis na galit. "Paanong nangyari iyon?" tanong ng Alpha. "Hindi rin po namin alam," tanging sagot ni Tyco. "Heaven, you need to calm down." Pilit akong pinapakalma ni Hell ngunit hindi ko magawa. Mapapatay ko ang hayop na naglakas loob na lapastanganin ang labi ng pamilya ko na matatagal nang nahimlay! Hindi pa sila nakuntento sa ginawa nila noong nabubuhay pa sila. Maging nang wala na sila ay ganoon pa rin ang nangyari. "Prinsesa..." pagpapakalma rin sa akin ni Fire ngunit nanatili ang galit sa akin. "Magpapadala ako ng mga daywalkers upang imbestigahan kung sino ang may pakana ng lahat ng ito," suhestiyon ni Master Racul ngunit umiling ako. Hindi ko sila nagawang protektahan noong nabubuhay pa sila, at hindi ako papayag na maging ngayon na patay na sila ay wala pa rin akong magagawa. "Gusto kong ako mismo ang humarap sa kanya," puno pa rin ng poot na sabi ko. Ako mismo ang hahanap sa taong iyon. "Ngunit Prinsesa, matagal kang nawala sa mundong kinalakihan mo. Nakasisiguro akong malaki na ang ipinagbago roon," sabi pa ni Fire. "Sadyang malaki na nga ang ipinagbago ng mundong iyon, Prinsesa Heaven," sabi pa ng Alpha. Alam niya iyon dahil pabalik-balik pa rin siya roon. He's still one of the richest and powerful business tycoons sa mundong iyon. But I don't care, wala akong pakialam kung malaki na ang ipinagbago ng mundong iyon. Hindi ako matatahimik knowing na nasa kamay ng iba ang labi ng pamilya ko. What the hell? Isa itong kalapastanganan! Hindi na nila iginalang ang katahimikan ng pamilya ko. Ano pa ba ang kailangan nila sa kanila? "Alright, Heaven. Babalik tayo sa mundong iyon." Nabaling ang tingin ko kay Hell dahil sa kanyang sinabi. "Sasamahan mo ako?" "Yes. Of course. But please, 'wag ganitong pabigla-bigla. Anong gagawin mo ro’n? Susugod ka? Kanino? Sinong susugurin mo? You'll be lost, Heaven. Pahupain mo muna 'yang galit mo. ’Pag ayos ka na ay saka tayo pupunta sa mundong iyon at hahanapin ang gumawa niyan sa pamilya mo," kalmadong sabi ni Hell at niyakap ako. "I need to find my family, Hell," nasabi ko na lang habang nakasubsob sa dibdib niya. "I know. Hahanapin natin sila," he said. Unti-unting kumalma ang kapaligiran. Alam na alam talaga ni Hell kung paano pagagaanin ang loob ko. Siya lang ang nakakagawa ng ganito. He's my peace of mind. "I'm sorry, Prinsesa Heaven. Wala kaming nagawa," sabi ni Fire. Walang ibang may kasalanan dito kundi ako. Hindi ko dapat sila tuluyang iniwan sa mundong iyon. Kung nabantayan ko lang sana sila at nadalaw pa rin kahit papaano ay nalaman ko na sana agad at hindi na umabot nang hindi ko alam kung kailan pa iyon nawala bago nalamang wala na pala ang mga labi nila sa kanilang puntod. Wala na nga silang katahimikan noong nabubuhay sila dahil sa akin, maging ngayon ba naman na wala na sila ay hindi pa rin nila makakamtan ang katahimikan? Binigo ko na naman sila sa ilang ulit na pagkakataon. Kailangan ko silang maibalik sa kanilang tahimik na pagkakahimlay. Hindi ako titigil hangga't hindi sila naibabalik sa amin. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD