Chapter 6

2138 Words
Chapter 6 Heaven's POV Bago tuluyang bumalik sa mundo ng mga tao, nais ko sanang masiguro ang lahat lalo na ang tungkol sa araling agham kaya naman inihabilin ko na ang lahat kay Dr. Carreon. May tiwala ako sa kanyang kakayahan at alam ko na hindi niya ako bibiguin. Pinakiusapan ko rin si Vlad na kung maaari ay dalasan niya ang pagpunta sa A-Learning upang mas maging maayos ang lahat at pumayag naman siya. Nagpapasalamat ako sa kapatid kong iyon dahil hindi na ako nagdalawang salita pa sa kanya. Natapos ko nang ilagay sa isang lalagyan ang kaunting gamit na kailangang dalhin sa pagbalik namin ni Hell mamaya sa mundo ng mga tao. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon ngunit hindi na ako makapaghintay pa na muling makatapak sa mundo ng mga mortal at pagbayarin ang mga walang hiya na lumapastangan sa aking pamilya. Pagbaba ko sa hagdan ay nabigla ako nang makitang kausap ni Master Racul ang babaylan. Nais ko man siyang harapin ngunit hindi maaari dahil malalaman ng aking ama ang lahat. Nang nagpaalam na ang aking ama sa babaylan ay nilapitan ko ang matanda nang mapag-isa na siya. "Tandang Kresya..." tawag ko sa kanya nang humakbang na siya palabas ng palasyo. Huminto naman siya, hinarap ako at saka yumuko. Yumuko rin ako bilang paggalang na rin dahil nakatatanda pa rin siya at kinikilalang pinuno ng mga bampirang babaylan. "Bakit, mahal na prinsesa?" Kaswal niyang tanong na parang wala siyang sinabi sa akin na napalaking bagay. Parang wala lamang sa kanya ang nabasa niya sa aking palad noong huling beses kaming nagkita. "’Yong tungkol sa hula ninyo..." Pinaalala ko sa kanya ang tungkol doon. "Ano ang tungkol sa hula, Prinsesa Heaven?" "Nais ko lamang mabigyang linaw...sino ang mamamatay? Ako ba? Kailan? Sa paanong paraan?" sunod-sunod na tanong ko ngunit umiling siya. "Paumahin, mahal na prinsesa, ngunit hindi iyan sakop ng aming kakayahan. Ang tanging nababasa lamang naming mga babaylan ay mga babala at nais ipahiwatig ng propesiya. Hindi namin kayang alamin ang mga eksaktong mangyayari," aniya. Ngunit hindi ako titigil hangga’t hindi niya ako mabibigyan ng malinaw na kasagutan. "Ngunit paano ninyo nasabing kamatayan?" patuloy ko pang tanong. "Dahil sa aurang nakapaligid sa ’yo noong mga oras na 'yon. Hindi ko pa man nababasa ang palad mo, naramdaman ko na ang aura mo. Umasa ako na sana ay nagkakamali lamang ako kaya ako na mismo ang humiling na basahin ang palad mo. Ngunit maging ang palad mo ay nag-iindika ng kamatayan," sabi niya na mas lalo ko pa na ikinanlumo. Sana ang susunod niyang sabihin ay kung ano ang dapat kong gawin upang hindi mangyari ang hula niyang iyon. Ngunit hindi na siya muli pang nagsalita kaya minabuti ko na ang muling magtanong. "May paraan ba para mapigilan ang nakatakdang kamatayan?" tanong ko. Kung mayroon man, handa akong gawin ang lahat ano man ang kapalit. Inilahad ng babaylan ang kamay niya upang abutin muli ang palad ko. Inaamin kong may pangamba na naman sa akin, ngunit kailangan kong labanan iyon upang malaman kung ano ang maaaring kahantungan ng lahat. Iniabot ko ang aking palad sa kanya. Hinaplos niya ito gamit ang kanyang hintuturo at nakaramdam ako ng kakaibang kilabot. Sana sa pagkakataong ito ay magandang balita naman ang kanyang ihahayag. "Anong nababasa n’yo?" Hindi ko na napigilan at napatanong na ako. Naiinip na ako sa paghihintay. "Dalawang nilalang ang nakatakdang maghari." Napakunot ang noo ko. "Ano?" "Ilang taon mula ngayon, magaganap ang isang napakalaking digmaan. Mamumuhay sa nakaraan," dagdag pa niya. "Mamumuhay sa nakaraan?" naguguluhang tanong ko. Mukhang imbis na luminaw ang mga bagay-bagay ay mas lalo lamang itong gumulo. "Hindi mapipigilan ang nakatakdang digmaan," sabi niya. "Tama na—" Babawiin ko na sana ang palad ko ngunit muli siyang nagsalita. "Ngunit maaari itong agad na wakasan." Sa pagkakataong iyon ay muli akong nagkaroon ng interes na ituloy ang usapan naming ito. "Paano?" "Pag-isahin ang dapat ay iisa, paglapitin ang katauhang magka-konekta," sabi niya na mas lalong ikinagulo ng isip ko. "Hindi ko maintindihan. Anong ibig n’yong sabihin?" inip na tanong ko. Binitiwan niya ang kamay ko. "Paumahin, prinsesa, ngunit ’yan lamang ang nabasa ko." Naikuyom ko ang aking mga kamao at mas nangamba. "Maiwan ko na kayo, Prinsesa Heaven," paalam niya at naglakad na palabas ng palasyo. Napaupo na lamang ako at pilit binibigyang linaw ang mga salitang binitiwan ng babaylan. Naramdaman ko na lamang ang pag-upo ni Hell sa tabi ko at isinandal ang ulo ko sa kanyang balikat. "Hell—" I was about to tell him everything ngunit pinutol na niya ako. "I heard everything," sabi niya at hindi na muli pang nagsalita. Nanatili lamang kami sa ganoong posisyon nang ilang minuto. Mabuti na lamang at dumating agad si Hell kaya nakalma ako kahit paano. Saglit kong pinahinga ang aking isip para sa aming pag-alis. May mga bagay pa ako na kailangang ayusin kaysa intindihin ang hula ng matandang babaylan. "Halika na, Hell," sabi ko nang sa tingin ko ay handa na akong umalis at tumango naman siya. Ako na lang ang hinihintay niya kaya naglakad na kami papuntang dark forest. "Sa labas ng kagubatang ito ay ang Westridge. Handa ka na bang balikan ang lahat?" nakangiti niyang tanong at napangiti rin ako. Hindi ko akalain na makakabalik pa pala kaming parehas sa eskwelahang iyon. "Walang kasiguraduhan sa kung ano nang klaseng lugar ang sasalubong sa atin, ngunit nakahanda na ako," I said at inilahad na niya ang kanyang kamay sa akin. I take his hand at sabay na tinakbo ang madilim na kagubatan. Matapos ang dalawang minutong pagtakbo ay natatanaw na namin ang liwanag na nagmumula sa kabilang mundo. Napatakip pa ako sa mata ko gamit ang likod ng aking palad dahil sa pagkasilaw. Mukhang nanibago ang mata ko sa liwanag ng araw dahil tanging liwanag lang ng buwan ang mayroon kami sa Alucard. Nilingon ko si Hell at ganoon din siya. Hanggang sa unti-unting nasanay ang paningin namin sa liwanag na nagmumula sa sikat ng araw. "Nabigla ang mga mata natin sa liwanag," natatawang sabi ko at tumawa rin sya. Nilingon namin ang paligid nang makarinig ng buzzer. At doon lang namin napansin ang laki ng pinagbago ng Westridge. Maraming gusali ang nadagdag at mas tumayog pa ang mga ito. Nagmukhang condominium building ang dating kinatitirikan ng mga dormitory. Hindi ko na nakikilala ang Westridge. Kung hindi ko nga lang alam na ito na ang Westridge ay hindi papasok sa isip ko na ito talaga iyon. "I admire Alpha Drake. Napagsasabay niya ang pagiging alpha at pagiging successful businessman. No wonder, Westridge ang pinakakilalang eskwelahan ngayon dito sa buong Asia," sabi niya habang nagsisimula na kaming maglakad. Tumango ako. Ang alpha na ang may-ari sa buong Westridge. Binili niya ito noong bumalik ako ng palasyo. Hiniling ko rin kasi ang bagay na iyon dahil malaki ang naging role ng Westridge sa buhay ko rito sa mundong ito at pinagbigyan naman niya ako. "Tingnan mo, ganoon pa rin ang uniform nila," parang bata kong sabi habang nakaturo sa main building kung saan nagsisimula nang bumaba ang mga estudyante. Mas nanumbalik ang alaala ng nakaraan nang nakita ko ang dati naming uniform na suot pa rin ng mga estudyante ngayon. Hiniling ko rin sa Alpha ang bagay na ito at natutuwa ako na pinagbibigyan niya ang maliliit kong kahilingan. Niyaya ko si Hell na maglibot saglit sa Westridge at pinagbigyan naman niya ako. Siguro ay nami-miss na rin niya ang lugar na 'to. "Saan ang punta ninyo?" tanong ng guwardiya nang makarating na kami sa gate. "Lalabas na kami," sabi lamang ni Hell ngunit umiling ang guwardiya. "Bawal lumabas habang may klase. At saka bakit hindi kayo naka-uniform?" tanong ng isa pang guwardiya. Alam kong hindi kami tumatanda, ngunit hindi naman na kami ganoon ka-bata tingnan upang isipin pa nilang estudyante kami ng Westridge. "Ano bang pakialam n’yo? Lalabas kami," sabi ko at umamba na sa pagtalon ngunit pinigilan ako ni Hell at umiling siya. Doon ko lamang na-realize na wala nga pala kami sa Alucard na puwedeng gamitin ang kakayahan namin bilang bampira ano mang oras namin gustuhin. "Prinsesa Heaven..." Napalingon kami nang marinig ang boses ni Fire. Naglalakad siya palapit sa amin. Lihim akong napangiti nang makita siyang naka-uniform na pangguro. Nasabi niya noon na nagtuturo siya sa Westridge. Natuwa ako noon nang malaman iyon dahil alam kong iyon ang pangarap niya. Ngunit iba ang tuwa ko ngayong nakikita ko siyang naka-uniporme. "Prin...sesa?" sambit ng dalawang guwardiya na kanina lamang ay nagsusungit sa amin. "Yea, why? She's the princess," kasuwal na sabi ni Fire at na-realize ko na hindi lamang sila guwardiya. "Paumanhin, mahal na prinsesa," sabi nila at sabay na yumuko. Tiningnan ko si Fire nang buong pagtatakha. "Familiar sila. Ang lahat ng tauhan ng Westridge ay mga familiar," sabi ni Fire at inihatid na kami ni Hell sa tapat ng gate. "Saan ang diretso n’yo ngayon?" tanong niya. "Sa De Montecillo High. We will meet Guia," I said. "Alright, I'll see you guys later," sabi niya at nagpaalamanan na kami. We will meet Guia first, at nasa DMH siya dahil siya na ang namamahala roon. Nasa Westridge na kasi ang focus ng Alpha kaya ipinasa kay Guia ang pamamahala sa DMH. Nang marating ang city ay makaagaw pansin ang iba't ibang disenyo ng mga sasakyan. Nagpara na kami ng taxi na siyang maghahatid sa amin sa DMH dahil sa taxi lamang kami pamilyar ni Hell. Huminto ang taxi sa tapat ng isang malaking gate kaya bumaba na kami at pumasok sa loob. Mabuti na lamang at hindi kasing higpit ng Westridge ang restriction ng DMH. Agad naming ipinagtanong ang office ni Guia at sinamahan naman kami ng janitress sa paglalakad. Sa paglalakad namin ay napansin ko rin ang malaking pinagbago ng DMH. Kahit saglit lang ako nag-aral dito ay makikitang ibang klase rin ang ini-unlad ng paaralang ito. Ngunit walang-wala pa rin ito kung ikukumpara sa Westridge. "Ito na po ang opisina ni Mrs. Montecillo," sabi ng janitress at tumango na lamang ako tanda ng pasasalamat at umalis na ito. Kumatok na si Hell at mabilis kaming nakarinig ng "Come in." He shoves the door at naabutan si Guia na abala sa pag-aayos ng mga papel na nakapatong sa kanyang desk. "Oh, you're here..." bati niya sa amin at binitiwan ang mga hawak niya. Tumayo siya at sinalubong kami. "Madame Guia," bati ni Hell at bahagyang yumuko. "Maligayang pagbabalik sa mundo ng mga mortal, Mr. Levine. And to you, Prinsesa Heaven, maligayang pagbabalik sa De Montecillo High," bati naman niya sa akin at bahagyang yumuko. "Malaki ang pinagbago ng lahat," komento ko nang makaupo kami. Magkatabi kami ni Hell at nasa katapat naming couch si Guia. "What do you expect? It has been eighty years," seryoso niyang sabi. Guia is still the sophisticated woman I used to know. Kung hindi lamang siya asawa ng aking ama, hindi ko siya pakikisamahan dahil sobrang magkasalungat kami. Kaya ganoon na lamang ang pagpapasalamat ko dahil bihira lamang siyang bumisita sa Alucard. "Sa Montecillo mansion kami tutuloy," sabi ko at tumango siya. "Nasabi nga iyan sa akin ng Alpha. I offered my mansion pero tinanggihan mo raw?" kasuwal niyang sabi. "Yea," bored kong sagot. Hindi ko naman itatanggi ang bagay na ‘yon. Walang dahilan para hindi ko iyon aminin. "In-expect ko na ’yon," natatawa niyang sabi. Alam ko naman na pinakikisamahan niya lang din ako dahil sa aking ama. "Alright, ladies, pag-usapan natin ang dahilan kung bakit tayo nandito," singit ni Hell at napairap na lamang ako. "Yea, bakit kami sa iyo pina-diretso ng Alpha?" tanong ko kay Guia. "Tulad ng sinabi ko, marami nang nagbago sa mundong kinalakihan mo. That's why you are under my supervision." Napamaang ako sa sinabi niya. "What?" singhal ko. "Uh-huh? So whether you like it or not, kailangan mo akong pakisamahan, mahal na prinsesa." In-emphasize niya talaga ang pagtawag sa akin ng 'Mahal na Prinsesa.' "Lemme to talk to Alpha about that s**t!" sabi ko at nagkibit balikat lang siya. "I'm here to guide you in your long stay here," sabi pa niya. Matapos ang ilan pang minutong pakikipag-usap kay Guia ay nagpaalam na kami. "May driver na maghahatid sa inyo sa Montecillo mansion. I'll see you guys tomorrow," pahabol pa niya bago kami tuluyang makalabas ng kanyang opisina. "Bakit kailangang ihabilin pa ako ng Alpha sa kanya?" reklamo ko habang naglalakad na kami sa hallway. "I got Alpha's point. Hindi na natin kabisado ang mundong 'to. Maaari tayong lumapit kay Madame Guia kung may kailangan man tayong matutunan at malaman," sabi niya. "No!" desidido kong sagot. Napabuntong hininga na lamang si Hell dahil alam niyang wala talaga akong balak makipagkasundo sa mga taong hindi ko talaga makasundo. —
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD