Chapter 7

2067 Words
Chapter 7 Heaven's POV Tulad ng sinabi ni Guia, may driver na naghatid sa amin sa Montecillo mansion. Isang beses pa lang akong nakarating dito ngunit kapuna-puna ang laki ng ikinaganda ng mansion na 'to. Mas naging elegante pa ito kumpara noon. Makabago ang disenyo ng bawat gamit dito at alam ko na ito ang mga uso sa panahong ito. "Naalala mo ba nu’ng unang beses na pumunta tayo dito?" tanong ni Hell nang makapasok na kami. Inalala ko ang bahagi ng buhay namin na tinutukoy niya at hindi naman ako nahirapan na alalahanin iyon. "Oo. Ang garden maze agad ang pumukaw sa atensyon ko noon," sabi ko at ngumiti siya. At alam ko na malinaw pa rin iyon sa kanyang alaala. "I know. I saw how mesmerized you were that time," sabi pa niya at napairap ako. Para bang kayang-kaya niyang idetalye ang mga nangyari noon. Hindi ko naman kasi akalain na tinitingnan na pala ako ni Hell noon pa man. Pinagtatawanan na niyakoko dahil sa ginawa kong pang-iirap sa kanya. "I told you, Heaven. Ikaw lang ang nakikita ko kahit noon pa man." Sinjgurado niya talaga na alam ko ang bagay na iyon. Hindi naman na niya kailangan pang ulitin-ulitin dahil alam na alam ko ang bagay na iyon matagal na. "I get it." I shove him in his chest at hinawakan niya ang kamay ko. Saka kami nagsimulang maglakad. "Let's go," sabi pa niya. Bigla naman akong napaisip sa kung ano ang plano ni Hell ngayon. The way he said let’s go ay parang may gagawin kami. "Saan tayo pupunta?" tanong ko. "Garden maze," tipid niyang sagot. Tama nga ang hinala ko na may plano siyang gawin ngayon. At ang plano niyang iyon ay hindi kasama sa plano naming dalawa. Kaya huminto ako sa paglakad at napahinto rin sya. Kinunutan ko siya ng noo bago ako nagsalita. "Hell, hindi tayo nandito para magliwaliw," paalala ko sa kanya at bumuntong hininga naman siya. Tiningnan niya ako sa mga mata. Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na hinahangin sa mukha ko at iniipit sa aking tainga. "Alam ko 'yun, Heaven. Ngunit gusto ko muna sanang sulitin ang mga araw kung kailan payapa pa ang lahat. Who knows, kapag nagsimula na ang digmaan, hindi na natin ito magawa pang muli." Napatitig ako sa kanya dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam na ganoon kalalim ang tingin niya sa sinabi kong hula. At natutuwa ako na siniseryoso iyon ni Hell. Hindi ko iisipin na napa-paranoid na ako dahil maging si Hell ay pinaghahandaan iyon. Ngunit hindi ako nagpahalata na tama siya. "Hell!" bagkus ay suway ko sa kanya ngunit umiling siya. "Wala tayong ibang magagawa kundi ang tanggapin ang itinakdang ito. Hindi natin ito matatakasan. Kailangan lang nating alamin kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng tinuran ng babaylan na pag-isahin ang dapat ay iisa, paglapitin ang katauhang magka-konekta," sabi niya. Marahan akong tumango. Maging si Hell pala ay napaisip sa sinabing iyon ng babaylan. Ngunit sino ba naman ang hindi mapapaisip sa ganoong mga salita lalo pa at may mga buhay na nakataya. "Prinsesa ako, Hell. Nakatakdang maging reyna. Kung maraming mawawalan ng buhay sa lahi ng mga bampira, sa tingin ko ay hindi ako karapat-dapat na umupo sa trono." Iyan ang matagal ko nang pinanghahawakan kaya nais kong maging handa sa lahat ng bagay—lalo na sa nakatakda kong pag-upo sa trono. "Naiintihan ko yung pressure na nararamdaman mo, Ven. Pero wala nang iba pang maaaring mamuno at magmana ng trono kundi ikaw. At naniniwala ako sa kakayahan mo. Alam kong kaya mo, Heaven. Susuportahan kita—namin, nasa likod mo lang kami," sabnyaiya. Bumuntong hininga ako at muling tumango. They trust me, I should trust myself, too. Tulad ng ginusto ni Hell, nagsimula na kaming maglakad papunta sa garden maze. At nang marating na namin ang aming sadya ay saka ko lang na-realize na mas maganda ito ngayon at mas lumawak. Tila walang katapusan ang tinatahak namin. Na sa bawat dulo ng maze ay may naghihintay na kung ano. "Ano 'yan?" natatawa kong tanong nang maglatag siya ng picnic blanket. Hindi naman niya pinansin ang pagtawa ko. "Iniabot sa akin ng hardenero kanina," sabi niya. Naupo siya kalalatag lang na blanket at tinapik ang tabi niya upang paupuin na rin ako. "Mas ayos siguro kung may pagkain," biro ko at pumalakpak siya na tila isang don. At napanganga ako nang may dumating na isang tagasilbi sa mansyon na may tulak-tulak na cart. Nilingon ko si Hell at nginisian niya ako. "What my princess wants, my princess gets," sabi niya at napangiwi ako dahil sa hindi ako makapaniwala. Wala ito sa usapan namin. "Pinlano mo ba ang lahat ng 'to, Mr. Levine?" tanong ko nang makaalis na ang tagasilbi. Nalulula pa rin ako sa dami ng nakahandang pagkain sa harap namin ni Hell. Buti nagkaroon sila ng oras na maghanda ng ganito. "Hiniling ko sa Alpha na kung maaari ay magkaroon tayo ng royal treatment sa mansion na 'to kahit sandali. At pinagbigyan naman niya ako," nahihiya niyang sabi kaya napailing na lang ako. "May pa-royal treatment royal treatment ka pang nalalaman. Sana niyaya mo na lang akong makipag-date." I teased. Nagkibit balikat si Hell na tila ba walang pakialam sa mga pang-aasar ko. "You can't blame me, Heaven. We never had a date here. Ito ang unang date natin sa mundong ito." Napakunot ang noo ko dahil hindi naman ito ang unang date namin. Nakaramdam pa ako ng kaunting tampo sa kanya dahil parang nakalimutan na niya iyon gayong malinaw pa rin sa aking alaala ang first date namin noon kahit pa ilang dekada na ang nakakalipas. "Yung sa park at amusement park?" Pagpapaalala ko sa kanya at hindi ko naitago ang bitterness sa aking tono. "Inistorbo tayo noon ng tauhan ni Calderon, si Mayonielle, remember? So I don't consider that as a date." Muli akong napailing bilang pagsuko. Hindi niya pala nakalimutan, inis lang siya dahil naistorbo kami noon. Well, maging ako man ay talagang nainis noon dah kung anong saya ang naramdaman ko sa date namin, ay binawi rin naman agad dahil napahamak ang aming lahi nang makuha ako ng mga kalaban. “I remember that,” sabi ko. "But this?" Ikinabigla ko nang hapitin ako ni Hell sa beywang at napaupo ako sa kandungan niya. Bigla na lamang akong nakaramdam ng hiya dahil baka may makakita sa amin sa ganitong tagpo. "Hell!" suway ko ngunit ngumisi lang siya. Tila ba wala siyang plano na bitiwan agad ako. At alam ko na may iba pa siyang plano bukod rito. At napapikit na nga lang ako nang maramdamang muli ang lambot ng kanyang mga labi. Kahit pa ilang dekada na kaming magkasama ni Hell ay hindi pa rin nawawala ang kuryente na lagi kong nararamdaman sa tuwing magdadampi ang aming mga labi. Tinugon ko ang kanyang mga halik. Hinding-hindi ko na yata talaga pagsasawaan ang mga halik ni Hell. Ang ganitong pakiramdam ang palagi kong hinahanap at alam ko na tanging si Hell lang ang makakapagparamdam sa akin ng ganito. Mayamaya lamang ay bumitiw sa halik si Hell at pinaglapat niya ang aming mga noo. Kapwa kami naghahabol ng hininga. "Kung may isang bagay akong kinatatakutan tungkol sa nalalapit na digmaan, ito ay ang baka hindi na kita muling mahawakan, mahagkan at maramdaman," sabi niya at naramdaman ko ang pagtama ng kanyang hininga sa aking mga labi. Hinawakan ko siya sa pisngi nang hindi pinaghihiwalay ang aming mga noo. "Maging ako man, Hell. Ngunit lalaban tayo hindi lang para sa atin. Lalaban tayo para sa lahi ng mga bampira. Lalaban tayo para sa katahimikan ng buong Alucard." He smiled at humiwalay sa akin. Ginulo niya ang buhok ko. He seems so proud of what I have said. "That's my princess." Tinabig ko ang kamay niya. Nakasanayan na talag niyang gawin iyan. I really hate it tuwing ginaganyan niya ako. Nagmumukha akong aso. And he can’t just pet me like that. I am still their princess. "Lagi mo na lang akong ginagawang aso," reklamo ko ngunig mas lalo lang akong nainis nang muli siyang ngumisi. "Correction, tuta!" sabi niya at agad ko siyang sinuntok sa sikmura. Masyado na niyang nae-enjoy ang pang-iinsulto sa akin. "Do you really wanna die, arsehole?" I threatened him at tumawa siya. Hindi niya talaga ako siniseryoso. "You mean do I really want us die?" Nakangisi niyang sabi. Kaya malakas ang loob niya at hindi natatakot sa mga banta ko ay dahil alam niya na magkakonekta ang mga buhay namin. Ikinabigla ko nang walang sabi niyang pinulupot ang mga braso niya sa beywang ko. "I miss this, Heaven," sabi niya. Parang naka-back hug siya sa akin at nakapatong ang baba niya sa leeg ko. Hindi ko man alam ang tinutukoy niyang na-miss niya ay napangiti na rin ako. Para bang naiintindihan ko ang ibig niyang sabihin. "Ang alin?" tanong ko dahil gusto kong makasiguro kung parehas ba ang mga nasa isip namin. "You, always getting pissed off because of me. Madalas tayong magtalo noon, pero sobrang gaan lang ng buhay." Napangiti ako sa sinabi niya dahil iyon din ang nasa isip ko. At tama siya, sobrang gaan lang ng buhay namin noon kung ikukumpara ngayon. Isa lamang akong normal na estudyante ng Westridge na ang tanging purpose kung bakit nag-aaral ay dahil iyon ang gusto ng kuya ko. Hindi namin kayang tagalan ang katigasan ng ulo namin noon kaya madalas kaming magtalo. At ang mga bagay na 'yon ay tinatawanan na lamang namin ngayon. Wala kaming ibang problema noon kundi ang isa't isa. Hindi tulad ngayon na pasan na naming parehas ang buong lahi ng bampira. Dahil sa pagiging mag-mate namin ni Hell ay nadamay na rin siya sa bigat ng responsibilidad na mayroon ako. And I am very glad that Hell is responsible enough to help me handling everything. Kahit papaano ay gumagaan ang bawat bagay. "Those were the days," tanging sabi ko at tumango-tango si Hell. Sa ngayon ay wala na kaming ibang magagawa pa kundi ang tanggapin ang kasalukuyan at paghandaan ang hinaharap. Bilang mga susunod na uupo sa trono ay hindi dapat kami magpakita ng ano mang pangamba ng banta laban sa katahimikan ng aming lahi. "Let's go to our room," sabi niya at tinaasan ko siya ng kilay. "Separate room, mister," I corrected him and I heard him chuckles. Mukhang may binabalak na naman ang isang ito at parang alam ko na kung ano iyon kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Says who? Halika na sa kwarto natin. We'll do something," sabi niya at kumindat pa. Napangiwi ako sa mga kindat niya. Hindi ko mapigilan ang kilabutan sa mga ngisi niya. "Something? What would we do there?" tanong ko kahit pa may idea na ako sa mga nais niyang gawin. "Talk... and many more," sabi niya at binigyan ako ng kakaibang ngiti nang banggitin niya ang 'many more'. At alam ko na agad kung ano ang ibig niyang sabihin sa mga salitang iyon. "Hell—" Hindi na niya ako binigyan pa ng pagkakataon na makapagprotesta dahil pinutol na niya agad ako sa aking dapat sana ay pagsasalita. "Halika na..." Hinapit niya ako sa beywang at tinungo ang daan papunta sa isang kwarto gamit ang bilis ng isang bampira. Hindi naman na ako nagtangka pa na muling magprotesta dahil minsan lang naman kami maging ganito ka-intimate ni Hell sa isa't isa. Hindi ito ang unang pagkakataon na gagawin namin ito ni Hell ngunit kinakabahan pa rin ako. Hindi namin ito madalas ginagawa dahil parehas din kaming takot. Takot kami na baka kung lagi namin itong gagawin ay mayroong mabuo. At alam namin parehas na hindi iyon maaaring mangyari dahil bawal pa kaming magkaroon ng anak hangga't hindi ko pa namamana ang trono. Oras na magdalang tao ako sa hindi tinakdang panahon ay papatayin nila ang bata. At hindi naman kaming hindi makakapayag na ganoon ang mangyayari sa sarili naming dugo at laman. Baka iyon pa ang maging sanhi ng pagkakaroon namin ng gap sa amin lahi. Kaya mas mabuti nang kami na mismo ni Hell ang umiwas sa ganoong gulo at hidwaan dahil makakapaghintay pa naman kami. Kaya ang plano namin ni Hell ay hintayin na muna ang tinakdang taon upang ako ay magdalang bampira at tinakdang panahon ng pagpapasa sa akin ng trono.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD