Chapter 61 Hunter's POV Hindi naman na ako nagdalawang isip pa at pagpasok ko ng cafeteria ay dumiretso na agad ako sa table na kinaroroonan niya na tila ba walang mga mata ang nakasunod sa bawat hakbang ko. Hindi ko naman pinansin ang mga iyon hanggang sa marating ko na nga ang kinaroroonan ni Britney. Tulad ng naabutan ko na ginagawa niya kahapon ay may pinapanood siya sa kanyang iPhone. And I think she is watching a Korean drama na sa tingin ko ay ang matunog at usong-uso na pinapanood ng mga kabataan. Pero wala pa akong napapanood kahit na is man lang sa mga iyon dahil hindi ko rin naman hilig ang manood ng series. Pero mukhang malayo ang genre ng pinapanood niya sa genre ng mga binabasa niya. Nang silipin ko kasi ang phone niya ay tila ba nasa isang romantic scene ang mga bida. Na

