Chapter 52 Hunter's POV Alam ko ang katauhan na mayroon si Britney kaya kung inaakala niya na papayaga ko sa kagustuhan niya na pasukin ko ang buhay niya ay imposible na mangyari iyon. Dahil alam ko rin na ang kapalit nu'n ay ang pagpasok niya rin sa buhay ko. At hindi ko hahayaan na sino mang bampira o lobo ang makapasok sa buhay ko. Dahil alam ko na magbibigay lamang iyon ng pangamba sa aking ina. Lumipas ang maghapon naming klase nang hindi ko na muling nakita si Britney. At ang buong akala ko ay magtutuloy-tuloy na iyon pero paglabas na paglabas ko pa lang ng classroom ay si Britney agad ang bumungad sa akin. Kaya pala tila may kumpulan na naman ng mga estudyante sa labas ay dahil pala iyon sa presensya niya. Hindi ako nag-assume na ako ang pinuntahan niya dahil ayoko rin talaga n

