Chapter 24

2586 Words
Chapter 24 Heaven's POV Our room feels empty without Hell. Ilang minuto pa lang ang nakakalipas mula nang umalis siya ay pakiramdam ko agad na miss na miss ko na siya. Hindi ko alam kung part pa ba ito ng pagbubuntis ko pero iba talaga ang lungkot ko ngayon. At alam ko na nagiging emotional talaga ang mga babaeng nagbubuntis. Kung pwede nga lang na hindi ko na lang paalisin si Hell ngayon ay ginawa ko na. Pero alam ko naman na hindi pwedeng wala kaming magagawa nang dahil lang sa kaartehan ko. Kaya para sa mga plano namin ni Hell at sa mga kailangan naming malaman ay wala akong ibang magagawa sa ngayon kundi ang tiisin ang lungkot ng ilang oras na hindi namin pagkikita. Lumipas ang tanghalian nang hindi pa rin ako lumalabas ng kwarto. Hindi na yata ako sanay na umalis nang wala si Hell sa tabi ko. Plano ko sana na maglakad-lakad sa garden maze pero bigla akong tinamad nang ma-realize ko na hindi ko makakasama si Hell. Nasa point na ako na naiinis na ako sa sarili ko dahil sa sobra kong kaartehan. Kung ibang babae ang ganito ay sigurado ako na kaiinisan ko rin siya. Mas pinili ko na lang ang magkulong sa kwarto. Ang bilin din kasi sa akin ni Hell ay huwag akong aalis ng kwarto kung hindi naman importante ang gagawin ko. Ayaw niya na may mangyaring hindi maganda habang wala siya sa tabi namin ni baby. Pero hindi lang naman kami ang dapat mag-ingat dahil maging siya ay hindi rin dapat malagay sa ano mang kapahamakan. Masyado na akong naiinip sa paghihintay na maggabi kaya nang bandang hapon ay napagpasyahan ko na lumabas na muna ng kwarto at sa ibang lugar naman na magpalipas ng oras. Mayamaya lang din naman kasi ay lalabas na ako para sa plano ko na paghahanda ng hapunan namin ni Hell. Mas inagahan ko lang nang kaunti ang labas dahil naiinip na talaga ako. Nang marating ko ang garden maze ay ang magandang kalangitan agad ang bumungad sa akin. Papalubog na rin pala ang araw kaya mayamaya lang din ay kakailanganin ko nang pumasok. Ngunit habang nandito pa rin ako sa labas ay sinamantala ko na muna ang paglanghap ng sariwang hangin. Para kasi akong na-suffocate sa loob ng kwarto. Napakapayapa ng paligid. Ngunit biglang naglaho ang kapayapaan na narinig ko ang boses ni Guia na nag-uutos sa isang familiar kaya agad ko siyang nilingon. Mabilis na nagtama ang mga mata namin at napangiti siya kaya alam ko na ako talaga ang hinahanap niya. "There you are, mahal na prinsesa," aniya at nakipagbeso pa sa akin na tila ba walang nangyari na sagutan sa amin nitong mga nakaraan na araw. Isang insulto talaga sa pandinig ko ang pagtawag niya sa akin ng mahal na prinsesa. I know she is just mocking me. Pero ang pakikipagbeso niya sa akin ang pinaka-insulto sa akin. Naiintindihan ko na ang dahilan niya kung bakit kailangan niyang magpanggap sa harap ng mga familiar. At wala naman akong pakialam doon, pero huwag na niya sana pa akong gamitin para lang mas maging mabuti pa ang tingin nila sa kanya dahil wala siyang mapapala sa akin. Kung totoo nga na ginagamit niya ako ay alam ko na dahil iyon sa alam niya na hindi ako gagawa ng ano mang hakbang para lang makuha ang loob ng ibang tao. Na kapag nasira ang pangalan ko sa kanila nang dahil sa kanya ay wala akong pakialam. Hindi ko kailanman ipapaliwanag ang sarili ko sa kanila. Iyan lang ang nakikita ko na dahilan kaya siya ganito sa akin sa harap nila. Sa tuwing susungitan ko siya ay mag-iiba ang tingin sa akin ng mga familiar. Alam niya na kaya kong ipakita sa harap ng ibang tao na na ayaw ko sa kanya. At tama naman siya kung iyon nga ang plano niya. Kahit na kailan ay hindi ko itatama ang tingin ng mga familiar na nabibilog niya sa kanyang mga pagpapanggap. Wala rin namang mawawala sa akin kung ayawan ako ng mga familiar na pilit niyang pinagpapasikatan. "What do you need?" tanong ko. Bago ako sagutin sa tanong ko ay nagpasalamat na siya sa familiar na nagdala sa kanya sa akin dito sa garden maze. Nagpaalam na rin ang familiar hanggang sa kaming dalawa na lang ang naiwan sa garden maze. At tulad nga ng inaasahan ko ay biglang nagbago ang expression niya at naglaho na lang na para bang bula ang mga ngiti niya. "How are you?" tanong niya na halos ikatawa ko. "What do you want to hear?" I answered her question with another question. Kahit kailan ay hindi ako nagkaroon o magkakaroon ng panahon paa makipagkumustahan sa kanya. Sa tuwing siya ang kaharap ko ay gusto ko na diretsuhin na niya ang kanyang mga sadya dahil kahit ilang minuto pa lang kaming nagkakaharap ay gusto ko na agad siya na paalisin sa harapan ko. "Alpha sent me here," sabi niya at mas lalo nang hindi naitago ang inis sa kanyang mukha. Hindi ko naman alam kung bakit siya pinapunta rito ng Alpha para mainis siya nang ganyan. Ngunit sa hitsura niya pa lang ay alam ko nang labag sa kanyang loob ang kung ano mang iniuutos sa kanya ng Alpha. Ngunit bigla ko lang naisip na naiinis lang naman siya nang ganyan kapag may kinalaman na sa akin ang isang bagay. Kaya alam ko na ako talaga ang sadya niya at dahil iyon sa may pinag-uutos ang Alpha. "And?" inip kong tanong dahil ayaw niyang magpatuloy sa pagsasalita kahit pa tinaasan ko na siya ng kilay para magpatuloy na siya. "I will be cooking Hell's dinner. Kaya kung hindi ka magsasalita ngayon ay hindi ko maipapangako na may oras pa ako mamaya. Ipag-uutos ko sa buong bahay na huwag magpapasok ng sino man sa kusina," sabi ko at napairap na siya sa sobrang inis sa akin. Nang tingnan ko ang oras ay mag-aalas sais na ng gabi kaya talagang hindi ko na malalaman ang kung ano mang sasabihin niya. She should be thankful dahil pinag-aaksayahan ko pa ng oras ang pakikipag-usap sa kanya. Nang ma-realize niya na wala na siyang oras kung hindi pa siya magsasalita ngayon pa lang ay binuksan niya ang kanyang bag na nagsusumigaw ng karangyaan ay nilabas niya ang isang iPad. She taps on it at matapos lang ang ilang segundo ay pinakita niya sa akin ang isang larawan ng eleganteng gown. Saglit pa na napako ang mga mata ko roon dahil sa ganda ng nasa larawan. Ngunit napakunot ang noo ko nang mapatanong ako sa isip ko kung para saan iyon at kung bakit niya iyon kailangang ipakita sa akin. "And what is that?" tanong ko at muli ay napairap siya. Nag-swipe siya at may pinakita ulit na isa pang larawan ng gown. "These will be your gowns in the upcoming event ng Montecillo Group of Companies," sabi niya at natawa ako. Hindi ko alam kung bakit inis na inis siya habang sinasabi niya iyon. She is obviously bitter dahil malakas ang kutob ko na ang party na iyon ay dahil ipapakilala ako ng Alpha sa lahat ng bahagi ng kanyang company. Ngunit para sa akin ay hindi naman na iyon kinakailangan pa dahil sooner or later ay maglalaho rin naman ako na parang bula at hindi na muling masisilayan pa ng sino man. Baka maging problema pa iyon ng Alpha kapag nagkataon dahil wala na siyang maihaharap na tagapagmana. "Upcoming event?" tanong ko pasa kabila ng kasiguraduhan sa mga hinala ko. "Yea. Ano pa nga ba? He will introduce his one and only successor." Hindi nga ako nagkamali sa mga hula ko dahil talagang para sa akin nga ang party. Matagal na rin akong hindi nakaka-attend ng party kaya may part din sa akin na gusto ko ang idea na iyon. Pero dahil nga sa laki ng pinagbago ng mundong ito ay hindi ko na alam kung paano pa ba sila kung mag-party. Baka iba ang nakasanayan naming party noon sa party nila ngayon. Hindi iyon malabong mangyari dahil ilang dekada na rin naman ang nakakaraan nang hindi man lang kami nakakapunta rito kaya wala kaming idea kahit na kaunti. "That's great!" sabi ko sa pinaka-excited na tono na kinaya ko. Hindi talaga ako excited pero dahil alam ko na bitter si Guia dahil ipapakilala ako ng Alpha sa lahat ng malalaking pangalan sa business industry. Imagine the fame I can have being the successor of Drake Montecillo. The fame that Guia is craving for a very long time. At bitter siya dahil alam niya na kahit anong gawin niya ay hindi siya kikilalanin bilang isang Montecillo. At hindi naman ako nabigo dahil kitang-kita ko ang pinahalong inis at inggit sa mga mata niya. At hindi ko alam kung bakit kailangan niya na mainggit sa akin. Kung nalalaman lang sana niya ang bigat at pressure ng pagiging isang tagapagmana. "How does it feel getting everything just by being a Montecillo?" tanong niya at hindi ko pinahalata ang pagkainsulto ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung saan niya talaga nakukuha ang lahat ng lakas ng loob niya na pagsalitaan ako ng kung anu-ano. Pasalamat na lang din siya at hindi niya natityempuhan na mainit ang ulo ko at wala ako sa mood para makipag-argumento sa kanya. "Please, Guia, never ask about that again. Because it is a kind of feeling that you will never experience to feel," sabi ko at hindi siya nakapagsalita. Kung kanina ay inggit ang nangingibabaw sa kanya, ngayon naman ay pagkainsulto. At iyon talaga ang purpose ng sagot ko, ang insultuhin siya. And it satisfies me na nagtagumpay ako roon. "Iyan lang ba ang sasabihin mo?" tanong ko pa at humikab upang sabihin na nabo-bored na ako sa pag-uusap namin na ito. Hindi naman na nakapagsalita pa si Guia kaya pinlano ko nang talikuran siya. Pero bigla kong naalala ang iPad na dala niya at kinuha ko iyon mula sa hawak niya. Ngumuso pa ako habang pabalik-balik na nagsuswipe sa dalawan pictures na pinakita niya sa akin kanina. Pinakita ko ang disappointment sa mukha ko. Kahit pa gandang-ganda ako sa gown ay hindi ko iyon ipapakita. "I don't like the designs," sabi ko at halos bumagsak ang panga ni Guia dahil sa sinabi ko. I know she designed both gowns. Pero hindi ko iyon aaminin lalo na sa kanya. I will never ever compliment her. Kaya kahit na gustong gusto ko pa ang designs ng dalawang gown ay kailangan ko iyong tanggihan. "Are you sure?" hindi makapaniwalang tanong niya at napataas ang kilay ko. Parang ngayon lang siya nakarinig ng mga salita na against sa designs niya. Pero sa ganda ng mga designs niya ay siguro nga na hindi siya sanay na ma-reject. "I am hella sure. Who designed that? Fire her. Bumalik ka na lang kung may bago nang designs. I will never wear that trash," sabi ko at tinalikuran ko na si Guia nang mapansin ko ang oras at pagdilim ng kapaligiran. Kailangan ko nang maghanda para sa paghahanda at pagluluto sa magiging hapunan namin ni Hell. Hindi ko alam kung saan pa ba nagtungo si Guia matapos ko siya iwan dahil wala naman na akong narinig na yabag niya. Pagdating ko sa kusina ay malinis na iyon. Wala na kahit isang familiar dahil sinabihan ko sila na gusto kong masolo ang kusina pagdating ng alas sais. Sinabiha ko rin sila na huwag na kaming ipaghanda pa ni Hell ng hapunan dahil ako na ang maghahanda para sa amin. Noong una nga ay ayaw pa nilang pumayag pero wala na silang nagawa pa nang sabihin ko na pinag-uutos ko na lisanin nila ang kusina sa ganap na alas sais ng gabi. Ayoko rin kasi talaga na kumikilos sa kusina nang may ibang tao. Lalo na kung manonood sa ginagawa kong pagluluto dahil sobrang nakaka-conscious. Ang plano ko ngayon ay magluto ng pagkain ng mga mortal. Napansin ko na hindi pa naghahain ng mga ulam na nakasanayan namin noon ang mga tagaluto rito sa mansyon. Hindi ko tuloy alam kung uso pa ba ang mga adobo o caldereta sa panahon na ito pero iyon ang plano kong lutuin para kay Hell. Matagal na rin kaming hindi nakakatikim nu'n kaya alam ko na hinahanap-hanap na rin niya iyon. Ginawa ko at hinanda ko ang lahat ng naalala ko na kailangan sa pagluluto ng adobo. At sa tingin ko naman ay nandito sa kusinang ito ang lahat ng kailangan ko kahit pa hindi ako nakpaagsabi sa mga familiar ng mga kailangan ko. Kumpleto naman sila sa kagamitan at mga sahog. Kung may kulang man ay pwede akong magsabi para ikuha nila ako. Nakakasiguro kasi ako na lahat ng inihahain nila sa amin ay farm to table kaya ganoon ka-fresh ang lahat. Magpapakuha na lang ako ng mga sa tingin ko ay wala pa rito. Ilang minuto na rin mula nang magsimula ako sa pagluluto ay confident naman ako na matatapos ako bago pa man dumating si Hell. Wala siyang sinabing oras ng uwi niya dahil wala rin naman kaming pinag-usapan. Ang tanging sinabi niya lang ay hindi siya magpapagabi nang sobra. Alam ko na nakakapagod at nakakagutom ang ginagawa niya kaya mas lalo na akong hindi makapaghintay na ihain sa kanya ang pinagpaguran kong lutuin. Nang patapos na ako sa niluluto kong adobo ay tinikman ko na ito. At nakuntento naman ako sa naging lasa nito. Marami pa akong hinandang side dish para sa pagdating ni Hell hanggang sa matapos na nga ako. Hinain ko na agad sa mesa ang lahat ng niluto ko. I even do a plating para naman presentable ang lahat at magmukhang masarap kahit pa wala namang especial sa lasa. Lasang adobo lang talaga. Nang matapos ako sa paghahanda ng table ay lumabas na ako ng kusina para naman hintayin ang pagdating ni Hell. Hindi pa rin ako nagpapasok ng sino mang familiar sa loob dahil ayokong masira nila ang plano ko. Dumiretso ako sa labas ng bahay upang doon na lamang abangan ang pagdating niya. Wala pa yatang limang minuto akong naghihintay nang makita ko na siya na naglalakad palapit dito. Ngumiti naman agad siya nang mabungaran ako kahit pa halata sa kanya ang pagtatakha sa kung anong ginagawa ko rito. Nang magkaharap kami ni Hell marahan niyang pinitik ang noo ko. "What are you doing here? Gabi na, Heaven. You should be in bed by now," sabi niya at napanguso ako. Akala niya ay nagpapahinga na ako pero nagluto pa ko. At sigurado ako na mapapagalitan ako niya ako. Inakbayan niya ako para sana sabay na kaming pumasok sa loob pero hindi ako humakbang kaya binalingan niya ako at tinaasan ng kilay. I smile at him. "I cooked you dinner," sabi ko at agad na napakunot ang noo niya. Nakikita ko na agad ang pagrereklamo sa mga mata niya pero wala naman siyang sinabi at bumuntong hininga siya. "Ayaw mo ba?" tanong ko at ginulo niya ang buhok ko. "Did you?" paninigurado niya at tumango naman ako. "All by yourself?" Muli akong tumango bilang sagot. "Para sa isang prinsesa, masyadong matigas ang ulo mo. But thank you, Heaven. Tamang-tama, nagugutom na ako." Napangiti naman ako sa sinabi niya kaya niyaya ko na siya sa kusina bago pa lumamig ang mga niluto ko. Tama lang talaga ang idea ko na ipagluto siya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD