Chapter 23

2568 Words
Chapter 23 Heaven's POV Parehas kaming hindi nagsalita ni Hell at pinanood lang namin ang pag-iyak ni Billie. Alam ko na naaalala rin ni Hell kay Billie ang kabataan namin dahil ang buong akala ni Hell ay nahulog siya sa isang mortal na tulad ko. Plus the fact na may mate siya. Nasabi pa nga noon ni Hell na handa niyang labagin ang mating rituals para lang makasama ako nang pansamantala. Hanggang sa mayamaya lang ay nag-angat na siya ng tingin at nagpunas ng luha. Buong pagtatakha niya kaming tiningnan nang wala siyang narinig na ano mang salita mula sa amin ni Hell. "Mahal na prinsesa?" tawag niya sa akin nang hindi na siya nakatiis pa sa pananahimik namin Hell. Ngunit imbis na magsalita ako ay ngumiti lamang ako sa kanya na mas lalo pa niyang kinalito. "Wala man lang po ba kayong sasabihin tungkol sa mga inamin ko?" Mas lalo lang akong natawa sa tanong niya. "Why? Mas gusto mo ba na may gawin kami na hakbang laban sa iyo? Sa totoo lang ay pwede ka naming parusahan ngayon mismo. Pero dahil pareahas naming naiintindihan ni Hell ang sitwasyon ninyo ni Jom ay wala kaming ibang magagawa kundi ang pagtakpan kayo." Muli ay nanlaki ang mga mata niya dahil sa sinabi ko at hindi alam kung paano ipa-process ang lahat ng iyon. "Po? Naiintindihan? Pagtatakpan?" Ang huli niyang inulit sa mga sinabi ko ang pinaka-kinabigla niya. Hindi niya akalain na gagaawin ko iyon lalo pa at isa akong prinsesa na dapat ay nagpaparusa sa kanya. Pero anong magagawa ko na mas nanaig sa akin ngayon na intindihin ang isang mortal na hindi ko rin naman maaaring itanggi na kalahi ko. "Yes, Billie. Your secret is safe with us...right, Hell?" Binalingan ko pa si Hell na tumango naman bilang suporta sa mga sinasabi ko na pangungumbinsi kay Billie. Muli kong binalingan ang mortal na hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari. Kaya kailangan kong samantalahin ang lahat habang nawiwindang pa siya. Upang oras na maka-recover na siya sa kanyang mga pagkakabigla ay wala na siyang magagawa pa dahil napapayag ko na siya sa mga gusto kong mangyari. "Hindi namin sasabihin sa ibang bampira at lobo--especially Jom ang sikreto mo basta ba mananatili rin na isang sikreto ang pag-uusap nating ito," sabi ko at hindi pa rin nawawala sa mukha niya ang pag-aalalinlangan ngunit alam ko na anytime soon ay ppaayag na siya sa mga gusto ko. Sa totoo lang ay wala naman talaga akong plano na ipagsabi ang lahat kahit pa kanino dahil wala naman akong pakialam sa buhay nang buhay. Kinailangan ko lang sabihin iyon dahil wala na akong maisip na iba pang paraan kundi ang ma-blackmail siya. Alam ko na ayaw niyang malaman ni Jom ang nararamdaman niya para sa kanya at mas lalong ayaw niya na malaman ito ng Alucard dahil batid niya maaaring madamay si Jom oras na maparusahan siya. "Sigurado po ba kayo na hindi ito malalaman ang lahat at hindi ako mapaparusahan?" Hindi pa rin siya makapaniwala na kukunsintihin ko sa isang kasalanan ang isang familiar na lumabag sa batas pero tulad ng sinabi ko kanina ay pinaliwanag kong muli sa kanya na naiintindihan ko ang lahat. "Kung ganoon po ay pumapayag na ako," sabi niya at napangisi ako. "Is there a specific time na nagpapakita sa iyo si Jom?" tanong ni Hell nang sa wakas ay magkasundo kami. Nag-isip naman si Billie kung matatantiya niya ang pagsulpot ni Jom. "Wala po talaga, Mr. Levine. Pero nagpapakita siya sa akin twice or thrice a week. Kahapon po kami huling nagkausap," sabi niya. Kahit papaano hindi na masama ang ganoong kadalas ng pagkikita. Malaki ang posibilidad na makita namin si Jom within this week. Marami pa kaming naging tanong kay Billie hanggang sa tuluyan na nga namin siyang pinayagan na makababa ng sasakyan sa tapat ng Westridge Academy. Hindi naman kami lumayo dahil inutos ko kay Butler Sam na umikot-ikot lang kami habang nag-uusap kaming tatlo sa loob at ibabalik namin si Billie sa campus. Nang nagda-drive na si Butler Sam pauwi sa mansyon ay hindi pa rin namin binubuksan ang divider mula sa kanyang pwesto dahil may mga gusto pa akong sabihin kay Hell. Hindi namin sinabi kay Billie na kailangan naming makausap si Jom kaya susundan namin siya. We don't want to scare her dahil lang sa alam namin na susundan siya ni Hell. "Do you think Jom likes her?" Hindi ko akalain na magiging curious din pala si Hell sa maaaring nararramdaman ni Jom kay Billie. Naalala ko na ang mga grupo nila noon ang mortal na magkaaway. At kahit isa sa grupo nila ay wala akong nakasundo. Ayoko sa kanilang lahat noon dahil masyado silang mayayabang. Ang gulo sa pagitan ng kanilang grupo ang nagsilbi kong welcoming committee na siyang sumalubong sa akin. "I think he does," sabi ko. Sa tingin ko naman ay may nararamdaman din talaga sa kanya si Jom. Hindi naman siya magpapakita kay Billie nang ganoon kadalas kung hindi niya siya gustong makita. Kaya malaki talaga ang kutob ko na may pagtingin din sa kanya si Jom. At alam ko na alam ni Jom ang batas tungkol sa pag-iibigan ng isang mortal at immortal kaya hindi niya sinasabi at inaamin kay Billie ang lahat. "That dude must be gone insane. He will now understand what I felt before," natatawang sabi ni Hell at naalala ko ang kwento ni Hell na bago pa man nila ako kilalanin bilang prinsesa ay nahalata na ni Jom ang nararamdaman ni Hell para sa akin. Na ginawa pa niyang paraan para ma-blackmail si Hell. Isa sa dahilan kung bakit ayaw rin namin na magsumbing sa ibang mga bampira ng tungkol sa pagtingin nila sa isa't isa ay dahil hindi naman nagsumbong si Jom noon. Pinili niyang manahimik kahit pa may alitan na sila noon ni Hell na ngayon ay tinatawanan na lang namin dahil sobrang childish na ng datingan kung nagpatuloy ang ganoong alitan nila. Napagplanuhan na rin namin ni Hell na magsisimula siya sa pagsunod kay Billie simula bukas. Kung noong una ay si Dr. Carreon ang plano namin na sundan, ay si Billie na. At wala naman akong nakikita kung si Hell mismo ang mags-spy sa kanya. She is just a kid. Nang makarating na kami sa mansyon ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko knowing na maaaring nasa loob si Vlad. Pero nang pinagtanong ko sa mga familiar na nandito kung umuwi ba si Vlad ay hindi raw. Mula nang umuwi siya sa Alucard ay hindi pa raw siya umuuwi sa mansyon. At isa lang naman ang sigurado ako na uuwian niya. Ang bahay ng kanyang ina. Kahit naman gaano ko siya kagusto na puntahan ay hindi pa naman ako nasisiraan ng bait para puntahan pa siya. Kakausapin ko na lang siya oras na magkita kami pero hindi nang kasama ang ina niya. Medyo nag-aalala lang ako dahil baka kung anu-ano na ang sinasabi sa kanya ni Guia at tuluyan na siyang ma-brainwash. That would be unfair dahil hindi man lang ako mabibigyan ng chance na ma-defend ang sarili ko. Hindi man lang ako mabibigyan ng chance na ipaliwanag ang side ko. But I hope Vlad will not be that gullible para paniwalaan ang lahat ng sasabihin ng ina niya. At sana ay kilala na rin niya ako. Ganito lang ang ugali ko pero hindi ako kailanman nagsimula ng gulo. Agad kaming dumiretso ni Hell sa patio para doon na lang kumain ng tanghalian. Masyadong malaki ang dining area para sa amin dalawa. At least doon ay may iba kaming makikita. Sa patio ay naabutan namin sina Tyco at Alpha na nag-uusap. At alam ko na ang pinag-uusapan nila ay tungkol lang sa business. Hindi pa man kamu tuluyan pang nakakaupo ay nagpaalam na rin sila agad dahil may mga kailangan pa raw sila na asikasuhin. Mabilis lang na lumipas ang maghapon namin ni Hell at hindi namin namalayan na gabi na naman. Kaya pumasok na kami sa kwarto at sinulit na lang ang bawat minuto ng gabing ito dahil alam ko na sa mga susunod na araw ay magiging busy na siya sa kakasunod kay Billie. "Do you think there are movies we could watch?" tanong ni Hell nang makahiga na siya sa kama rito sa tabi ko. Hawak niya ang remote control ng flat screen TV at mukha ngang balak niya na manood muna. Hindi pa naman ako inaantok kaya sa tingin ko naman ay pwede ko siyang samahan magdamag dahil mahaba-haba rin naman ang pahinga na nagawa ko sa Alucard bago kami bumalik dito. "I think so. Let us just try to browse," sabi ko binuksan naman ni Hell ang TV gamit ang remote control. At hindi ko akalain na parehas kaming mahihirapan ni Hell na mag-operate ng TV na ito dahil masyado pala itong komplikado. Kaya kahit nahihirapan ay sinubukan na lang namin at nangapa kahit papaano. Nang sa wakas ay nagawa namin ni Hell na makahanap ng mapapanood ay inakbayan na niya ako at inunan ko naman ang balikat niya. At sa buong oras yata ng panonood namin ni Hell ay hawak-hawak niya ang tiyan ko at banayad na humahaplos rito. Hindi naman ako nakaramdam ng ano mang pagkairita sa ginagawa niya. Bagkus ay nagugustuhan ko nga iyon. Sa panahon ngayon ay hindi pa ako nakakaranas ng ganitong klase ng relaxiation. Ito lang pala ang tanging paraan para ma-relax ako nang ganito. Sa tuwing nililingon ko si Hell ay ngingitian niya lang ko. Kaya napapangiti na lang din ako dahil kitang-kita ko na gusto niya rin ang ginagawa niya. Nang makatapos kami ng isang movie ay nagyaya pa ulit si Hell na manood at hindi naman ako nagdalawang isip na pumayag dahil gusto ko rin talaga na manood pa. Hanggang sa ang dalawang movie ay naging tatlo. At nang matapos namin ang pang-apat na movie na pinanood namin ay saka pa lang kami nagdesisyon na matulog na. Mahigpit akong yumakap kay Hell dahil gusto kong matulog nang yakap siya at umaasa ako na sa paggising ko ay nakayakap pa rin ako kay Hell. Naramdaman ko naman din na dahil sa gaan ng pakiramdam ko ay mabilis din ako na nakatulog. Kinabukasan paggsing ko ay hindi naman din ako nabigo dahil pagmulat ko ng mga mata ay ang natutulog pa rin na si Hell ang bumungad sa akin. Nakayakap pa rin ako sa kanya pero mayamaya lang ay nakita ko na rin na unti-unting dumidilat ang kanyang mga mata. At nang tuluyan nga siyang magmulat ay agad niya akong nilingon at nginitian. "Good morning," bati niya sa akin at binigyan ako ng isang mabilis na halik sa labi. Agad naman akong napangiti. Ginulo ni Hell ang buhok ko bago ako niyaya na bumangon na. "Do you want me to prepare you breakfast?" tanong ko at ngumiti naman siya bago umiling. Napanguso naman ako. Alam ko na ayaw talaga ni Hell na pinagsisilbihan ko siya dahil lang sa isa akong prinsesa. Mas gusto niya na siya ang nagsisilbi sa akin. Pero sinabi ko na oras na maging mag-asawa na kami ay hindi pwedeng hindi ko siya pagsisilbihan. Gusto ko rin maranasan na paglingkuran ang asawa at maramdaman ang satisfaction ng ganoong gawain. "No. I want to prepare you breakfast," sabi niya kaya mas lalo na akong walang nagawa pa dahil gusto ko ang idea na matitikman kong muli ang mga luto ni Hell kahit a kahapon lang naman nang huling beses ko iyon na natikman. Nagpaalam na si Hell na lalabas na muna para ipaghanda nga ako ng almusal. Naiwan naman akon mag-isa rito sa kwarto kaya minabuti ko na maglinis muna kahit papaano kahit pa sobrang laki ng kwarto na ito. Nagligpit na rin ako ng kama at hinigaan namin ni Hell para maayos na ang kama oras na dalhin na niya rito ang mga pagkain na hinanda niya. Medyo nakukunsensya lang ako dahil si Hell itong aalis at may mga lalakarin at hindi ko alam kung hanggang saan siya makakarating tapos ay siya pa itong magpapagod para lang sa almusal namin. Para sa akin ay ako talaga dapat ang gagawa nu'n dahil ako naman itong maiiwan sa mansyon na wala yatang gagawin maghapon. Ngunit napag-isip-isip ko naman na kung hindi ko man siya naipaghanda ng almusal ngayon dahil nandito siya, siguro ay pwede ko iyong gawin mamayang gabi pag-uwi niya. Ipaghahanda ko siya ng dinner. Ngunit hindi ako eksperto sa pagluluto. Sana lang ay magustuhan ni Hell ang kung ano mang pagkain ang maiisipan ko na ihanda sa kanya mamaya. Wala naman siya mamaya habang nagluluto ako kaya hindi na siya makakatutol pa sa mga gusto kong gawin. Hindi ko na rin naman plano pa na ipaalam sa kanya ang balak ko na paghahanda ng dinner para sa kanya dahil hindi ko na siya bibigyan pa ng pag-asa na magkaroon ng say. "Mahal na prinsesa?" Ilang minuto pa ako na naghintay nang marinig ko na nga ang boses ni Hell sa tapat ng pintuan. At napairap na lang ako dahil sa pagka-irita sa paraan ng pagtawag niya sa akin. Halata na nang-aasar na naman siya. Hindi ko sana siyang plano na pagbuksan pero naisip ko na baka may mga bitbit siya kaya hindi niya mabuksan ang pinto. Hindi naman na niya ako tatawagin kung kaya na niyang pumasok nang mag-isa. Ngunit alam ko naman sa sarili ko na hindi ko siya matitiis kaya nagsimula na rin ako na humakbang papunta sa pintuan upang pagbuksan na siya. At pagbukas ko nga ng pintuan ay bumungad agad ang mapang-asar na ngisi ni Hell kaya mas lalo lang akong nainis sa kanya. "Para sa mahal na prinsesa," sabi pa niya at isasarado ko na sana ang pinto para pagsarahan siya pero pinigilan niya ang pagsara nito gamit ang kanyang paa. Dahil sa kinilos ko ay hindi na napigilan pa ni Hell ang pagtawa. He is holding a tray na punu-puno ng pagkain. "Kapag hindi mo pa tinigilan ang kakatawa mo riyan, itatapon ko sa iyo ang lahat ng hawak mo!" inis kong sabi at tumigil naman siya sa kakatawa halata naman na nagpipigil siya ng tawa na mas nakakainsulto pa. "Hindi ka ba talaga titigil? Hindi ka talaga makakapasok dito," sabi ko. Nakita niya yata na seryoso ako sa sinabi ko. At oras na gamitin ko ang lakas ko bilang isang bampira ay wala nang magagawa pa ang lakas niya sa lakas na mayroon ako. "Okay, I'm sorry. Ito na, papasok na." Binuksan ko nang malaki ang pinto para makapasok na si Hell. Mabuti naman at tumigil na si Hell sa mga pang-aasar niya. Inayos niya ang tray sa ibabaw ng kama kaya bumalik na ako sa pagkakaupo roon. Pang dalawang tao ang mga hinanda niya na pagkain at mayroon din na dalawa tasa ng kape. Isa na namang breakfast in bed ang mararanasan ko na si Hell mismo ang naghanda. Ngunit kahit gaano man ako natutuwa na pinaghanda ako ni Hell nang ganito ay hindi ko pa rin naman maiwasan ang malungkot dahil alm ko na isang buong araw kaming hindi magkikita ni Hell. At hindi ako sanay sa ganoong setup. Sanay ako na halos oras-oras ay nagkikita kami.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD